Chapter 23 - Bonding
Chapter 23 - Bonding
This chapter is dedicated to CJWorks. :)) Natuwa ako dun sa ginawa mong book cover ng Vampire City 1. :))
Lorelei's POV
Nagulat ako ng makita ko si Avia sa school namin. Mukhang hindi niya pa ako nakikita kasi panay ang lingon niya. Wala naman si Aric dito kaya bakit siya nandito?
Nakita kong pinagtitripan siya ng mga lalaking madadaanan niya. Hindi ako nakatiis kaya hinablot ko si Kyla para sumama sa akin. Wala siya sa sarili dahil katext si Edric.
"U-uy, dahan-dahan lang Nyx. Namamali ako sa pagtipa!" Pagrereklamo niya habang kinakaladkad ko.
"Si Avia kasi pinagtitripan ng mga first year!" Napaangat naman siya ng tingin at natigil sa pagtext.
"Avia? Parang narinig ko na ang pangalan niya. Saan nga ba yun?"
"Pinsan ni Edric mo! Kambal ni Aric! Bilis na nga!"
"Ha? OMG! Pinsan ni Edric? Naku we need to save her!" Napa-poker face na lang ako kay Kyla. Si Edric talaga ang naalala niya ano? Ang galing.
Napailing na lang ako ng mapansin kong si Kyla na ang kumakaladkad sa akin. Gusto kong matawa na mainis. Kakaiba talaga 'tong babaeng to.
"Hoy mga first year! Ano'ng ginagawa niyo sa soon-to-be-cousin-in-law ko?!" Sigaw ni Kyla kaya napatigil ang mga tao sa paligid. I saw a relieve expression on Avia's faace ng makita niya ako.
"WAAAAH~ Nyx!" Tumakbo siya palapit sa akin.
"Ok ka lang ba? In-ano ka ba nila?" Tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin.
"I'm fine. Hinaharangan kasi nila ko. They're asking for my name." Napa-pout siya. Ang cute talaga ng babaeng 'to.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
"I've been looking for you." Napatingin siya kay Kyla.
"..Hi, you must be Kyla. Edric told me so much about you." I saw Kyla's eyes widened at biglang namula.
"Talaga? Ano naman sinasabi niya?" Gusto kong matawa sa tono ng boses ni Kyla. Biglang naging malambing ang boses niya.
"Baka magalit si Edric eh. Pero don't worry, mga positive naman sinasabi niya." Napatango lang si Kyla pero halatang kinikilig pa din.
"Eh bakit mo nga pala ako hinahanap?" I asked.
"Invited ka sa birthday namin ni Kuya."
"Talaga?"
"Oo, hindi ko kasi dala yung invitation kasi si Kuya daw magbibigay sayo. Pati ata sayo Kyla, si Edri daw magbibigay sayo ng invitation."
"Kailan ba yan?"
"The day after tomorrow."
"OMG! What should we wear?" Kyla asked.
"Victorian ang theme ng party."
"Cool." ecstatic na sagot ni Kyla.
"We'll be there, Avia."
"Good. So dapat pala sabihan ko si daddy at mommy na tatlong amulet ang kunin para sa inyong tatlo." Sabi ni Avia.
"Amulet?" Tanong ni Kyla. Ako man hindi ko alam ang sinabing amulet ni Avia pero alam kong may kinalaman yun sa Vampire City.
"A-- K-kasi ano eh.." Napakamot ng batok si Avia.
"Kinds of ladies drink, Kyla." Sabat ko. Tumingin sa akin si Avia at parang nagpapasalamat.
"Dapat pala magshopping na tayo, Nyx! OMG! Excited na ako~ i love vintage pa naman." Masayang pahayag ni Kyla.
"So aalis na muna ko, Nyx and Kyla. Ang totoo, gusto ko lang magdrop by. May bibisitahin pa ako."
"Ihatid ka na namin sa labasan?" Ani Kyla. Napatingin sa akin si Avia.
"H'wag na. Makakaabala pa ako sa inyo. Kaya ko naman na sarili ko." Tumango lang sakanya si Kyla.
"Sige, bye. Ingat." Chorus namin ni Kyla.
Naglakad kami papuntang 3rd floor kung saan ang english profeciency subject namin.
"I-susuggest ko na talaga sa school director na magpatayo ng escalator! Ang mahal kaya ng tuition fee natin!" Pagrereklamo ni Kyla. Kahit kailan talaga eto ang nirereklamo niya. She hate stairs you know.
"Hahaha. Ok na din yun. Excercise." Sabi ko. She hissed.
"Muscle naman ang aabutin ng legs ko no! Ayaw ko kayang magkaroon ng mascular legs. I want it lean."
"Arte mo." Biro ko sakanya.
"Ikaw din kaya." Tapos lumabi siya sa akin.
* * *
After nung class namin, agad kaming pumunta ni Kyla sa Hillton Avenue kung saan may mga specialty boutique. We headed to the Victorial store.
Agad naman kaming sinalubong ng medyo may edad ng babae. Seems like bihira lang pasukin ang tindahan na ito.
"Hi, i'm Lylian. Ano ang maipaglilingkod ko sainyong dalawang binibini?" Nakangiting bungad sa amin nung babae. May name tag siya sa damit at nakalagay ang Mrs. Sander.
"We are looking for victorian dress na modern pero may vintage touch." Sabi ni Kyla. Agad namang tumango si Mrs. Sander saka ngumiti.
"I think i have a perfect dress for the two of you. Come, follow me."
Excited naman kaming sumunod kay Mrs. Sander. Halos mapanganga ako ng makita ko ang mga dress. Ang dami niya. Malaki pala ang shop nila. Aakalain mong maliit kasi crowded sa unahan tsaka vinatage nga ang design ng loob.
"Suit your self. Tawagin niyo ako kung may kailangan kayo." Sabi ni Mrs. Sander. May dalawang fitting room at sa right side ay may life size mirror.
Sabay kaming tumitingin ng mga damit na pwedeng bumagay sa amin. Panay ang kwento ni Kyla habang sinasagot ko naman.
"Mayaman ba ang pamilya ni Aric, Nyx?" She suddenly asks habang pinagpipilian ang maroon corset dress and blue corset dress.
"Tama lang." Sagot ko. I'm not after Aric's fortune kaya wala ako dung pake. Ayaw ko namang sabihin kay Kyla na Oo kasi magtatanong yun kung ano ang ginagawa ng Parents ni Aric. I can't tell her that Aric is from a vampire royalty, nor Edric.
"Ah. Mabuti na din yun. Baka kasi tumutol sa inyo si Tito Kent mo-- ay gusto ko 'to! Sukatin ko lang!" Agad siyang tumakbo papasok sa fitting room. Nakangiting napapailing na lang ako. Naka anim na akong dress pero wala akong magustuhan. Si Kyla naman naka sampu na wala ding napipili.
"Hindi naman ganun si Tito. Siguro kung sakaling nagkagusto ako sa.. alam na, less fortunate, eh hindi naman niya ako itatakwil o igagaya sa mga teleserye na papipiliin between family and love." Sinauli ko yung mga dati kong napili saka naghanap ulit.
"Naku! Cliche na yan! Panahon pa yan ni kopong-kopong tsaka-- OMG! Eto na talaga! Ang ganda niya!" Lumabas si Kyla from fitting room at nakangiting suot ang blue corset. Bagay na bagay sakanya. Para siyang makalumang tao.
"Congrats friend! My boobs ka na!" Biro ko sakanya. Dahil kasi sa sobrang fit ng corset sa balakang niya, medyo tumaas yung dibdib niya at gumawa ito ng illusyon na clevage.
"Hahaha. Ang sama talaga nito! Oo na flat chested na ako. Ikaw na sexy." Nakanguso niyang sabi pero natatawa pa din.
"Hahaha, maghanap ka na nga ng sapatos na babagay sa damit mo. Hindi pa ako nakakapili." Sabi ko sakanya.
Saktong pumasok naman si Mrs. Sander at natuwa sa pinili ni Kyla.
"Sa left corner yung mga sapatos, hija." Sabi niya kay Kyla. Napatingin din siya sa akin at mukhang nahalata niyang wala pa akong nahahanap.
"..Wala kang mapili noh?" Nakangiti niyang tanong.
"Ang gaganda po kasi lahat. Hindi po tuloy ako makapili." Sabi ko.
"Halika, for sure babagay 'to sayo." Sumunod ako sakanya at pumunta sa pinakadulo ng shop. May isang aparador dun na nakasarado. Luma na siya pero halatang alaga. Bimuksan ni Mrs. Sander ang dalawang pinto ng aparador.
Tumambad sa akin ang isang combination ng dark red at cream color. May corset din siya at mukhang maraming tull sa loob dahil isa siyang ball gown.
(See multimedia at the side for Lorelei's dress!)
Sinuot ko naman siya. At infairness, ang bigat niyang dalhin. Tinulungan pa nga ako ni Mrs. Sander na higpitan ang corset sa likod. Hindi kagaya nung kay Kyla, hindi gaanong reaveling ang front ko though kita ng konti ang clevage. Tinignan ko ang sarili ko sa salaming.
"Perfect." Nakangiting komento ni Mrs. Sander.
"May napili na ako Nyx! Hindi... gaanong.. mataas.. OMG! Para kang isang reyna!" Sabi niya ng makita ako.
"Ok na ba ito?"
"Oo naman! Grabe ang ganda! Bagay na bagay sayo! Para kang babae nung sinaunang panahon!" I giggled.
"Sana magustuhan 'to ni Aric." Sabi ko habang tinitignan ang sarili sa salaming.
"Oo naman noh! Pati nga ako natigilan ng makita kita. Agaw pansin yan girl for sure." Napangiti lang ako. Kinikilig tuloy ako dito sa damit.
"May kapareha na yang sapatos kaya hindi ka na mamimili pa."
Yun na ata ang pinakamahal na pagshopping namin ni Kyla sa loon ng isang oras. Muntikan ng mag-exceed sa limit ng credit card ko.
"Ano pala ang ireregalo mo kay Aric?" Natigilan ako sa tanong ni Kyla. Parang nawala yung bigat at ngalay na nararamdaman ko habang bitbit ang malaking paperbag.
"W-wala pa."
"For a man who has everything? Ano kayang magandang iregalo sakanya? Nakakahiya naman kung wala tayong ibibigay diba?"
"Hindi pa ako nagregalo sa lalaki-- i mean sa boyfriend. Any suggestions?"
"Mahal ka ni Aric. He will appreciate king isang DIY ang ireregalo mo sakanya. Alam mo na, effort is something."
Napadaan kami sa isang ice cream parlor kaya huminto kami. I ordered rocky road since yun ang paborito ko. Naupo kami sa labas ng shop kung saan may mga table for customer na ayaw umupo sa loob. May payong naman siya kaya hindi mainit. Tsaka hindi mausok ang Hillton avenue since walang nadadaan ditong sasakyan. Isa kasi itong eco village na puro boutiques at kainan. Para niyang ginaya ang beverly hills sa Los angeles. Peaceful at napaka inviting.
"Ano kayang isusuot ni Edric? Excited na talaga ako, Nyx. No offense ah, pero feel ko mas bongga 'to sa birthday mo." Sabi niya. Natawa lang ako. Pero teka nga, paano kami makakapasok sa vampire City? I remember Aric told that no humans can enter their City except kung chosen one ka?
Ang daming sinasabi ni Kyla ng matanaw ko sa hindi kalayuan ang isang gift shop. Napatayo ako para puntahan ang shop.
"U-uy! Saan ka pupunta?"
"Madali lang ako. May bibilhin lang." Sagot ko habang naglalakad.
"Bilisan mo ah."
Tumuog ang chime ng pumasok ako sa gift shop. May mga ilang customer din doon an bumibili ng regalo at yung iba nagpapabalot ng regalo. Nagawi ako sa DIY section. Simple lang ang gusto kong ibigay kay Aric. Something he will treasure and remember.
Nakita ko yung mga sobrang maliliit na empty bottle na kwintas. They look so adorable at parang ang gandang lagyan ng mga maliliit na beads or notes.
"Miss pwede patingin nun?" Tinuro ko sa counter ang bottles. Kinuha niya yung mga bote sa isang lalagyan. Ang cute niya sa malapitan. May takip pala siya na parang cork.
"Pili na po kayo, Ma'am. Pwede niyo siyang lagyan ng maliit na love letter,o kaya pekeng potion, kung ano po ang sa imagination niyo.
Pinili ko yung maliit na susi. May mga gamit naman ako sa kwarto kaya ako na lang magdedesign nito. Mas maganda kasi kung ako ang mag-eeffort. Balak kong lagyan siya ng note sa loob at konting confetti saka yung susi sa labas.
***
Nakauwi na ako sa bahay at ramdaman ko ang pagod at sakit ng braso. Hindi na nga ako nagdinner kasi kumain pa ulit kami ni Kyla sa Pizza parlor pakatapos kumain ng ice cream.
Tinawag ako ni Yaya para kumain at sumabay kay Tito kaso sinabi kong busog ako. Pumasok ako sa walk in closet ko at nilabas ko naman sa paperbag ang binili kong gown. Bukas ko na lang ito ipapa-laundry kay Yaya.
Halos mapalundag ako sa gulat ng makita ko si Aric na nakatayo sa gilid ng kama ko.
"Aric! Papatayin mo ako sa gulat!" Sabi kong nakahawak sa dibdin ko. Ayaw na ayaw ko pa naman ang nagugulat ako. Ang sama kaya sa pakiramdam.
"Sorry if i startled you." Lumapit siya sa akin. "How was your day? Kinita ka daw ni Avia?" He asked tapos niyakap ako ng madali lang.
"Yeah. Malapit na pala birthday mo?"
"Ugh! Remind me again. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa yung icelebrate eh!"
"Hoy ah! H'wag kang magbaback out sa party mo. Nakabili na kami ng susuotin. Victorian themed party pala ang birthday mo." Nagliwanag naman ang mukha niya at parang nasiyahan sa sinabi ko.
"Talaga? Patingin nga?"
"Ayaw. Surprise na lang." Sabi ko. May nilabas naman siya sa likod niya at alam kong invitation yun.
"Here, i am personally inviting you to my 109th birthday party." He said. I giggled when he say his age.
"Ang tanda mo na." Biro ko sakanya.
"Yeah. H'wag mo akong ipagpalit sa mas bata sa akin ah?" Natawa ako sa sinabi niya.
"Hindi."
"Promise?"
"Promise." Ngumiti siya saka ako niyakap ulit. He kissed my temple and sniffed my hair.
"You smell good." He commented.
"Thank you."
"Hindi ka pa ba matutulog?" He let go of me. Napasimangot naman ako sakanya.
"Para manyakin mo nanaman ako?" Mapang-asar kong tanong. Sumilay naman sa labi niya ang mapanglarong ngiti.
"Ang sakit naman ng term mo. Di ba pwedeng lambingin lang?"
"Ah. So Aric has different definition of lambing, eh?"
"Kinda' remember i'm not human kaya iba akong maglambing."
Nagulat na lang ako ng buhatin niya ako at inihiga sa kama. Akala ko hahalikan niya ako pero siniksik niya ang sarili niya sa akin. Umunan siya sa braso ko at nakasubsub ang mukha sa gilid ng mukha ko.
"Nakaka-addict ang amoy ng buhok mo. I wanna stay like this for tonight. Don't worry, hindi kita mamanyakin."
Napakayakap na lang ako sakanya habang hinahaplos ang buhok niya. Suddenly, all my wooziness disappeared. Aric, somehow is my charger. My vampire charger.
.......................................................................................
A.N: Nakakapagod ang chpater na ito. Hindi ko din alam kung bakit. Siguro kasi ang daming kailangan idescibe, hindi pa naman ako magaling magdescribe. haha. Anyway, gusto niyo na bang lumabas ang mga Transcendal Vampires? H'wag kayong mag-alala at malapit na. Marami pang mangyayari kaya abangan niyo lang.
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top