Chapter 22 - First Quarrel

Chapter 22 - First Quarrel

A.N: Nag-update agad ako kasi may importante akong gagawin at baka hindi ako makapag update ng matagal. Hi kay LUHANist, dedicated to sayo kahit hindi mo pa nababasa ang book 2. hahaha Salamat sa pagsuporta. Muwaah!

Nyx Lorelei's POV

Nasa penthouse pa din kami ni Trever when i recieved tons of text message and missed calls from unknown. I return the call kasi baka importante.

"Hello. You call--"

[Nyx! OMG! Thank ghad you return my call! I've been calling you many times! Where are you?]

"Kyla? Kaninong number na itong gamit mo?" Takang tanong ko.

[It doesn't matter ok? Ang importante ngayon ay bumaba ka at umuwi tayo!]

"Huh? Bakit naman tayo uuwi?"

[Nandito si Edric kanina kasama si Aric mo! Tinatawagan kita kasi may nakapagsabi kay Aric na nasa penthouse daw kayo ni Trever! Nakita mo ba siya dyan?]

I almost dropped my phone. Pinagpapawisan ako ng malamig. Aric was here?

[Nyx? Nyx are you still there?]

"Bababa na ako. Wait for me there." Bumaling ako kay Trever.

"Sabay na tayo." Sabi niya. Mukhang wala ding ideya si Trever na nandito si Aric.

"S-sige."

Pagbaba namin, agad kong nakita si Kyla na pabalik-balik na naglalakad sa may waiting area ng entrance pataas ng penthouse.

"Kyla! Where's he?" Nakita kong problemado ang mukha niya. Ano ba ang kinakakaba niya? Napapahawak siya pati sa noo niya.

"He left! Nyx, galit na galit siya. Pinigil lang siya ni Edric na magwala sa bar." I frowned. What exactly did Aric saw?

"How did they got here?" I asked.

"Hindi ko din alam-- Ay sheez!" Napakagat siya sa ibabang labi niya.

"What?"

"Before we headed to this bar, i texted Edric na magbabar tayo. Siguro nasabi niya kay Aric." I groaned in disappointment. I know clubbin' is not a good idea.

"For sure nasa labas pa yun. Tara." Hinigit ko na ang braso ni Kyla at patakbo kaming lumabas sa crowded bar. Baka namisinterpret ni Aric ag mga nakita niya.

Nakalabas na kami sa bar pero wala na kaming makita. Wala na din nga yung mahabang pila sa entrance.

"Nasaan na siya?"

"Ano ba'ng ginawa niyo ni Trever, Nyx? Hindi naman yun magagalit kung wala siyang nakitang hindi maganda." Tinignan ko lang si Kyla. I hugged Trever, but it's just a friendly hug, but-- but he kissed me in the forehead. Oh dear! I'm so dead!

"Kyla~ What will i do?" I heard her sigh.

"Just explain things to Aric. I'm sure he'll understand." Napatango na lang ako. Dinukot ko ang phone ko sa bulsa saka dinial ang number ni Aric.

"Ayaw sagutin." Feeling hopeless na ako. Ang sama na pati ng pakiramdam ko. Alam niyo yung feeling na na-caught kang gumagawa ng kalokohan? Yun ang nararamdaman ko ngayon.

"Try calling Edric."

"i don't have his number."

"Memorize ko. Dial it." Sinabi ni Kyla ang number ni Edric.

[Who's this?]

"Uhh, Edric. Si Nyx ito, pwedo ko bang makausap si Aric?" Matagal bago sumagot si Edric. Nawalan na tuloy ako ng pag-asa. Baka bukas din hiwalayan na ako ni Aric. WAAAH~ No!

[What do you want?] Halos mapatalon ako sa lamig ng boses niya. Alam kong si Aric na ang kausap ko at nararamdaman ko ang galit sa boses niya.

"A-aric.. C-can we talk?"

[What for? Just go inside and party with your fvcking Trever.] Inside? Ibig sabihin nakikita niya ako? Nilibot ko tingin ko. And there, i saw Aric sa gitna ng daan. Holding Edric's phone habang nakatingin sa akin. Halos mahigit ko ang hininga ko. Hindi ako sanay na ganyang ang tingin na binibigay sa akin ni Aric.

"I'm sorry." I whispered. Hindi ko alam kung naririnig niya ako.

[Come here.] I heard him say. Kahit nanginginig ang tuhod ko dahil sa naghalong kaba at lamig, naglakad pa din ako.

Para akong napagalitan na bata nung lumapit sakanya. Nakayuko lang ako nung nasa harapan na niya ako. I can't even looked at him the eye. I admit my mistake. I shouldn't hug Trever. I shouldn't let him kiss me in the forehead.

"Lorelei, Tignan mo ako." Napapangat ako ng tingin tapos nababawi ko agad. 

"A-aric. Mag-eexplain ako. K-kung ano man yung nakita mo.." i started crying.

"Do you want me to let you go?" Nagulat ako sa sinabi niya. No Aric, ayoko.

"Please don't."

"Do you love him?"

"No! I cared for him because he's my friend. Alam mo naman na ikaw ang mahal ko diba?"

"Hindi yun yung nakita ko. Seems like you have feelings for him also."

"Don't you trust me, Aric?"

"I trust you, ok? It's him that i don't."

"Trever is my friend, Aric. You have to understand that. Wala siyang gagawing masama sa akin."

"Ghad damn it, Lorelei! Yan ang mahirap sayo eh! Masyado kang mabait sakanya kaya namimisinterpret niya ang pinapakita mo sakanya! Can't you consider my feelings? Vampira ako pero marunong din ako magselos! Magpalit kaya tayo ng kalagayan? Paano kung makita mo rin akong may kasamang babae na kayakap at hinalikan sa noo? For sure magagalit ka!" Natahimik. Gusto kong maiyak. Naiinis ako sakanya pati sa sarili ko. Kasalanan din naman niya eh. Hindi siya nagrereply sa mga text at tawag ko. Kung hindi niya yun ginawa hindi ko maiisip na magbar!

"Don't blame for everything, Aric! You didn't reply nor call me all day! Dapat nga ako ang magalit sayo! Kung hindi dahil sayo, wala naman ako dapat sa bar!" Sinisigawan ko din siya. Siya lang ba may karapatang mag-taas ng boses? I can and i will. Hindi porke't vampira siya matatakot na ako sakanya.

"So nag-gaganti ka?!" Hindi niya makapaniwalang sabi.

"Hindi ako gumaganti! Ang sinasabi ko lang kung sinagot mo tawag ko at kung sinundo mo ako, hindi ako yayayain ni Kyla na mag-bar! Isang linggo pa lag tayo binabalewala mo na agad ako!"

"Umuwi ako sa Vampire City ok? May responsibilidad ako doon at kailangan kong umuwi ng saglit."

"Sana man lang sinabi mo sa akin!"

"Sorry, ok? Akala ko madali lang ako doon. Marami pang nangyari kaya hindi agad ako makaalis. Akala ko pa naman maiintindihan mo ako. Hindi pala. Iba pala ang aabutan ko. Akala ko babalik ako at makikita kitang naghihintay sa kwarto mo. Pero iba yung binalikan ko. Yung girlfriend ko, may kayakap na iba, hinalikan pa sa noo!"

"Aric naman eh! Kailangan ungkatin? Sorry na. Hindi na yun mauulit!"

"Aba dapat lang! Mapapatay ko na talaga ang fvcking Trever na yun!" 

"Bakit ba may fvcking pang kasunod ang pangalan niya?"

"May problema?!"

"Wala."

"Tss." He grab my waist saka mahigpit na inilapit sakanya.

"You have to sanitize your forehead." Tapos pinitik niya noo ko.

"Aray! Masakit ah!"

"You deserve it, my cheating girl." He pinch my nose. I pouted.

***

Third Person's POV

"Hindi na ako makapaghintay! Ang bagal kumilos ni Nyx!" Galit na hasik ng pinuno ng mga Transcendal Vampires.

"Hindi rin po kasi namin maintindihan kung bakit hindi namin mapasok ang katawan niya para ma-posessed. Parang may nilagay sakanya ang mga pamilya Kang para hindi natin masaktan." Sabi ng kanang kamay niya.

"Akala siguro ng pamilya Kang maiisahan nila tayo. Kapag hawak na natin ang anak nilang damphyr, hindi na nila tayo mapipigilan. Ang dugo at puso ng anak nila ang makakapagbigay sa akin ng kapangyarihan ng walang hangganan." Sabi nito saka humalakhak.

"Maghintay lang po tayo, Pinuno. Malapit po ang loob ng Prinsesa sa taong ipinain natin. Baka nga kahit walang gawin si Nyx, mapunta sa atin ang Prinsesa. Na kanya pa rin ang bato." Sabi nung kanang kamay. Ngumisi naman ng nakakademonyo ang Pinuno nila.

"Success for those who wait, ika nga. Hayaan na muna natin silang magsaya for the mean time. Nasa akin pa rin ang huling halakhak. Mawawasak din natin ang Vampire City."

"Matagal po kayong naghintay sa pagkakataong ito, Pinuno. Konting tiis na lang po at mapapasayo din ang hinahangad mo."

"Alam ko. At hindi na ako makapaghintay na matalo ang Kang family!"

***

Avia's POV

Naghahanda ako ng makakain ko para sa dinner ng marinig kong papasok si Mommy at Daddy. May importante ata silang pinag-uusapan para bumulong.

"Hindi natin pwedeng ipagpaliban yun. Kaarawan yun ng kambal natin." Huh? Parang nagtatalo si mommy at daddy ah.

"Pero hindi yun pwedeng idaos sa labas ng Vampire City. Ano yan, lalabas ang mga vampira sa City para lang mag-attend sa birthday ni Aric at Avia?" Sabi ni daddy.

"Eh paano si Lorelei at Kier? Mga kaibigan sila ng anak mo." Sagot ni mommy.

"May paraan naman diba? Basta h'wag nating hayaang lumabas ang kalahi natin sa portal."

"Paano papasok ang dalawa sa portal? Mga tao sil Hansel."

"Yung amulet. Naalala mo nung nanganak ka sa kambal at kailangang pumasok ng 'yong yumaong Mama at Papa. We gave them amulet para makapasok a vampire City."

Matagal na katahimikan ang naganap. Magbibirthday na nga pala kami ni Kuya. Haay. We will be 109 years old.

Pero amulet? Ano kayang amulet yun? Hindi ko yun alam ah. Bukas ko na lang nga tatanungin sila mommy at daddy. Pupuntahan ko pa kasi ngayon si Kier para bantayan. Ok na naman siya kasi ayaw pa siyang idischarge ng mga doctor para daw makasigurado.

Pag-uwi ko kanina walang si Kuya at Edric. Sabi ni Wynner pinapunta daw sa vampire City. Speaking of Wynner, nasaan kaya yun? Nung umalis siya, ako yung mga kinukulit nung mga nurse para hingiin yung number niya. Ano naman kaya nagustuhan nung mga yun kay Wynner. 

Nagbaon lang ako ng sandwich para pasalubong ko kay Kier. May tinatago kasi palang kaartehan ang lalaking yun. Ayaw niyang kumain ng pagkain galing sa hospital. Gusto niya gawa ko, and arte lang.

"Saan ka pupunta, Avia? Gabi na." Sabi ni mommy nung pasakay na akong kotse.

"Dadalawin ko po si Kier, Mom. Nasa hospital siya."

"Ano'ng nangyari kay Kier? Pwede bang bukas na lang? Ayaw kong lumalabas ka ng gabi."

"Ugh! Mommy naman eh. Nag-promised ako sakanya na babalik ako. Tsaka kaya ko naman po sarili ko." Nagsisimula nanaman si mommy sa pagiging mahigpit. Bakit ba kasi sila nandito ni daddy? Hari at Reyna sila dito sila sa mundo ng tao tumitira.

"H'wag matigas ang ulo, Avia. Bukas ka na lang umalis at kahit ano'ng gawin mo hindi kita papayagan." Sabi ni mommy saka umalis na.

"WAAAH~ Mommy naman eh!" Para akong batang nagpadusdos sa pinto ng kotse. Hihintayin ako ni Kier.

"Tumigil ka Avia. Hindi ka aalis!" Sigaw ni mommy sa di kalayuan.

"Kasi naman!" Kinuha ko yung bag ko sa loob ng kotse saka padabog na pumasok sa bahay. Minsan nakakainis si mommy. Saan ba si daddy? Sakanya na lang ako magpapaalam.

And there, i saw daddy reading a book.

"Daddy." Malambing kong tawag sakanya.

"Oh ano kailangan mo?" Amp! Si daddy alam agad.

"Eh daddy kasi si mommy ayaw akong payagan pumunta sa hospital--"

"Sinong na-hospital??"

"Si Kier po--"

"Ha? Ok lang ba siya? Puntahan mo na at baka may ibang nurse ng nag-aalaga dun." Nanlaki mata ko sa tuwa. Kaya mahal na mahal ko ito si daddy eh.

"Ay Oo nga po dad. Aalis na ako. Bye." Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay. Mehehehe, panigurado mag-aaway ang dalawang yun kaya mabuti pang umalis agad.

***

Aric's POV

Inihiga ko si Lorelei sa kama niya. Nagtambay kami sa loob ng kotse ko at kinatulugan niya ako habang nagkekwento.

Pero hindi pa din talaga maalis sa akin ang pagseselos. Kitang kita ko nung siya mismo ang yumakap kay Trever tapos nagpahalik pa siya sa noo. Babangasan ko na sana siya eh. Kung hindi lang ako pinigilan ni Edric.

Hinaplos ko ang mukha niya. Ang ganda niya talaga kahit tulog.

"Matulog ka ng mahimbing, mahal ko." Bulong ko sa tenga niya. Inayos ko lang ang comforter niya. Paalis na sana ako ng hawakan niya ako sa braso.

"A-aric?" Antok niyang sambit sa pangalan ko.

"Matulog ka na, mahal ko. Babantayan kita." Sabi ko sakanya.

"Tabihan mo ako." Pakiusap niya. Tumango ako saka umakyat sa kama niya. Niyakap ko siya patalikod at hinayaan ko ang ulo niya umunan sa braso ko.

"H'wag mo kong iiwan ah." Sabi niya bago tuluyang nakatulog.

Hindi kita iiwan, Lorelei. I'll stay beside you, always and forever.

***

 Nyx Lorelei's POV

 

I was awaken by the sunlight streaming behind the curtain. Ughh! Nakakasilaw.

"You want me to close the curtain?" A man says behind me. Napaharap ako sakanya. Aric? Anong ginagawa ni Aric dito sa kama ko?

"..Oh? Bakit mukhang gulat na gulat ka?" Nakangisi niyang tanong.

"H-how did.. Why.. Why are you in my bed??"

"You asked me to lay beside you." Nang-aasar yung mga ngiti niya. Nagulat ako ng makita ko ang sarili kong nakapagpalit na ng damit, isang damit pantulog, yung beige night gown ko.

"H-hoy! H-hindi yan totoo!" Bumangon ako sa umupo sa kama. Siya naman kampanteng umusog at nahiga sa kama at nilagay ang dalawang kamay sa ulo at ginawa itong unan.

"Believe it or not, honey. Ang lambot nga eh." He smirked. I looked at him with disbelieve.

"A-anong malambot??" Napahawak ako bigla sa dibdib ko at hinarang ko ang comforter sa harap ko. Teka, bakit wala akong bra???

Ngumisi lang siya sa akin at kumindat.

"WAAAAH~ Nagtake advantage ka sa akin??! OMG! OMG!" Pinaypay ko kamay ko sa sarili ko.

"Hindi ko na kasi kayang tiisin eh. Nag-iinit na ako sa kwarto mo."  I gasped. Hindi ito si Aric. Bakit parang naging manyak si Aric? Kinuha ko yung unan ko at pinagpapalo sakanya.

"Ang manyak manyak mo! WAAAAH~ Huhuhuhu. Kinuha mo ang v-card ko! WAAAAH~"

"Pffft~ Wahahaha. Anong V-card? Pffft~ HAHAHAHA. Uy tumigil ka nga sa kakasigaw. Kapag narinig ka sa baba magtataka yun." Napatigil naman ako. Ang alam ni Tito nasa sleep over ako.

"H'wag kang mag-alala. Hindi kita ginalaw noh. Nirerespeto kita. I was just messing with you." Natatawa niyang sabi.

"Ewan ko sayo!"

"Hahaha. Pero ano ba ang Pffft~ V-card?" Namula naman ako sa tanong niya.

"Wala ka ng pakialam dun! Layas ka na nga!"

"Babalik ulit ako mamayang gabi para maramdaman ang malambot ah" Natatawa niyang sabi kaya binato ko siya ng unan.

"Ano ba. Yung malambot na kama at unan. Ano ba iniisip mo?" He smiled evilly.

"Get out!"

"I love you too." Tapos nun naglaho na siya. Tinignan ko naman ang relo ko, 7:00AM sakto. 8 pasok ko. Great! I'm late!

.................................................................................

A.N: Pasensya na kung puro kalokohan ang chapter na ito. Sabaw nanaman ang inyong lingkod eh.

Add me on facebook, search Thyriza Wattpad

Tweet me sa: @theRealThyriza

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top