Chapter 2 - Black Rose

Chapter 2 - Black Rose

Note: Papalitan ko na po ang 3rd person's pov. Baka kasi mayroong mga hindi makagets kung kaninong point of view ang dinedescribe. So yun. Sana ok lang. :)

Nyx's POV

"Sino ka?" Naaaninag ko ang mga mata niya pero hindi ang mukha niya. Masyadong madilim at hindi sapat ang ilaw sa poste.

"Keep this." inabot niya sa akin ang Black Rose. Tinignan ko siya ng maagi pero nakababa na ang mata niya.

"Why do you keep on giving me this black rose? Who are you?" akma ko siyang lalapitan pero pinigilan niya ako.

"Stay there." i frowned.

"Huh? Why? I wanted to know you. I wanted to see your face." I know i sounded pleading pero gusto ko talagang makita ang mukha niya.

"You.. you can't see me."

"Why?" malungkot kong tanong.

"Because we can't be together." he said to me. Bigla akong nalungkot.

"Hindi mo ba ako pwedeng ipaglaban?" hindi siya umimik. "..please?" lumapit ako sakanya pero this time, hindi na niya ako pinigilan. Pinagmasdan ko ag mga mata niya na nangingislap. Hinaplos ko bigla ang pisngi niya at nagulat na maramdaman kong malamig ang pisngi niya.

"You're cold." i said.

"Lorelei." he said in a husky voice. I smiled when he called me by my favorite name. I liked being called as Lorelei that Nyx.

"What's your name?" tanong ko sakanya na pilit inaaaninag ang kanyang mukha. Tanging mata niya ang malinaw sa paningin ko.

"I'm.." hinintay ko siyang magsalita pa.

"I'm A--"

"HAPPY BIRTHDAY!! HAPPY BIRTHDAY!! Birthday girl, gising na!!!" Halos humiwalay ang kaluluwa ko dahil sa paninindak sa akin ni..

"AHHHH~ KYLA! ANG SARAP MONG ITAPON SA BINTANAAA!!!" Pinaghahampas ko siya ng unan ko pero umiilag siya. Malapit na eh!! Malalaman ko na kung sino siya tapos eto at gigisingin ako!! Argh! Tumigil ako sa sa kakahampas ng marealize kong may dala siyang cake.

"Hahahaha. Maganda ata ang panaginip mo para mainis ka ng ganyan. Heto oh, i bought you a cake. Happy birthday, bestfriend!." natigilan ako. Kyla treat me as bestfriend? Parang nakonsensya ako. Hindi ko kailanman pinahalagahan ang friendship namin though alam kong andyan sa para sa akin since high school.

"Salamat." sabi ko na lang. Lumapit siya sa akin at pina-blow yung candle.

"Oh it's nothing. What are friends are for." she giggled.  Parang kunurot nanaman ang puso ko. All this time pala, akala ko wala akong kaibigan.

"So narecieve mo na yung invitation?" tanong ko. Dalawang linggo din naming pinaghandaan ang birthday ko. Though si Uncle Kent naman talaga ang umasikaso ng lahat.

"Yes! Gosh girl, it's so magara! Hindi ko ata matatapatan ang debut mo ah." nagtawanan kami. Kyla Martinez is a belongs to First Class family pero napaka down to earth na babae. Bakit ba ngayon ko lang siya na-aapreciate?

"Sabay tayong magpaayos mamaya ah. Para isa lang ang make up artist natin." This is the first time excited ako sa birthday ko.

"Sa hotel niyo?" tumango ako.

"Ang yaman niyo talaga."

"Kayo din naman ah! Your family owns a hospital." That's right. And almost all her uncle including her father and mother is a doctor.

"Duh?! Hindi naman gaya niyo na maraming restaurant na inaari at hotel. Your uncle is a business tycoon. Plus gwapo pa." she said giggling.

"Hahaha. Type mo si Uncle Kent? Sabagay, 30 years lang naman ang agwat niyo." pang-aasar ko sakanya.

"U-uy! Wag ka nga! Baka marinig ka ni Tito Kent mo." Mas natawa ako ng makita kong nagbblush siya.

"Inaasar ka lang naman eh." sabi ko. Bigla siyang ngumuso.

Maya-maya lang nagpaalam na siya dahil magbebeauty rest daw siya para mamaya daw maganda sa party. Nagsimula na din akong mag-ayos ng sarili para makapagsimula ng araw. Agad akong pumunta sa CR para maligo. After i take a bath sinuot ko ko lang yung maluwang na shirt ko tas brown leggings. I ate my breakfast saka bumalik sa kwarto ko. Busy ang mga katulong dahil mamaya na ang birthday ko. 

Pagpasok ko sa kwarto ko, balak ko sanang magbasa ng mga bago kong libro ng makita kong bukas ang glass door ng veranda. Napakunot noo ako dahil sa pagkakaalala ko, hindi ko yun binubuksan. Sasaraduhan ko na sana siya ulit pero nahagip ng paningin ko ang matagal ko ng hinihintay.

Black Rose. Agad ko itong kinuha sa study table ko at masayang pinagmasdan ito. Wala siyang amoy na gaya ng mga ibang rosas pero para sa akin siya na ang pinakamabangong bulaklak na naamoy ko.

Naalala ko bigla ang panaginip ko. Alam ko dapat matakot ako dahil may nakakapasok sa kwarto ko para ibigay itong bulaklak. Pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Imbes na matakot, gusto ko pa siyang makita at makilala para malaman kung bakit niya ako binibigyan ng itim na rosas.

Soulmates kaya kami? Pero bakit ganun? Madaya! Ako kilala niya tapos siya ako hindi ko siya kilala. Napabuntong hininga na lang ako at pabagsak na nahiga sa kama ko. Pinagmamasdam ko pa din ang bulaklak na animo may kung anong pwedeng maibigay sa akin nitong hint para makilala ko kung sino ang nagbibigay.

Yung nagbibigay kaya sa akin nito at yung nasa panaginip ko iisa? Pero bakit kailangan itago niya ang sarili niya sa akin? Why he has to be that mysterious? 

Bumangon ako at kinuha yung napakakapal kong libro at inipit doon ang bulaklak. I have 16 black roses idagdag pa ito, that makes it 17. Kulang ng isa. T'was when my parents are murdered. Wala akong natanggap noon na bulaklak sakanya. Siguro nagtataka din kayo kung bakit nasa akin pa yung black rose na binigay niya sa akin nung baby pa ako. Pati din ako hindi ko alam. Nagsimula yun nung 8 years old ako. Before my 8th birthday, nakita ko siyang nakaipon sa isang box. Itatapon ko na sana siya ng makatanggap nanaman ako ng another black rose.

*TOK! TOK!*

"Bukas yan! Pasok!" sigaw ko habang tinatago ang libro. Walang nakakaalam ang tungkol dito at wala akong balak ipaalam kahit kanino. Natatakot kasi akong baka mawierduhan sila sa akin.

"Nyx.." pumasok si Uncle Kent na nakangiti. Mukhang aalis ito dahil nakasuot siya ng usual office get up niya.

"Good Morning, Uncle Kent." i said smiling then nilapitan ko siya to kiss his cheeks.

"I'm here to give this to you. Happy birthday, Nyx." inilabas niya ang isang mahabang kahita. Inabot niya yun sa akin at halos manlaki ang mata ko ng makita kung anong brand siya. It was the Harry Winston bracelet. I've been dreaming to have an expensive Harry Winston jewelry.

"This is so beautiful. Thank you, Uncle Kent." i gave him a quick hug..

"You deserve the best, my Niece." he said.

"Grabee! Thank you talaga, Uncle. I'll wear this sa party." paalam ko sakanya.

"Oh you should. Magtatampo ako sayo kung hindi." he said. I giggled.

Mga alas dose ng tanghali ng iinform ako ng party coordinator na i should be at the hotel before 2 for make up ang quick shooting para daw idagdag sa videos na kinuha sa akin nung nakaraan na araw.

I texted Kyla na sa hotel kami magkita before 2 PM. On the way na ako sa hotel ng tignan ko ulit ang invitation. Some of my friends are on the list for 18 roses and 18 candles. Yung iba naman anak ng business partners ni Uncle. My 18th rose is the 16 year old brother of Kyla. Yeah i know. 

Uncle Kent is insisting na ang maging 18th rose ko ay ang anak ng isa sa stock holders niya pero hindi ako pumayag. Hindi ko yun kilala at hindi rin ako papayag na kung sino lang na gusto niya ang magiging 18th rose ko. Para sa akin importante yun. Though Kyla's brother is not that important to me, mas gusto kong siya na lang rather than ramdom guys i don't know.

Dumating ako sa hotel at nakita ko si Kyla na naghihintay na sa hotel lobby. Mukhang mas excited pa ito sa akin ah. Dala-dala niya ang kanyang cocktail dress and some bag.

"Ang tagal mo." pagrereklamo niya.

"Traffic eh." i reason out.

"Oh dali na at excited na talaga ako. hihihi." sabi niya. Napailing lang ako.

We headed up to the hotel room. Nadatnan namin dun yung mga naghihintay na beauty expert at photographer. They greeted me upon seeing me.

They started putting make ups on me habang may mga naka standby na photographers. Magkatabi kaming minemake-upan ni Kyla kaya nag-uusap kami. Meron akong dalawang gown for cotillion and after it. Red gown ang una kong susuotin. Isa siyang tube na may mga maliliit na ruby at tinernuhan ng red hand gloves hanggang siko. Yung pangalawang susuotin ko naman ay isang cocklail dress na color yellow, backless ito pero may mga strap na nakacriscross na yari sa gold at may diamond sa gitna.

"Alam mo girl, almost perfect na an debut mo. Pero may isang kulang." she said habang kinukulot buhok niya.

"And what is that?" tanong ko though alam ko na ang sagot.

"Loved one. Ikaw naman kasi, bakit yung kapatid ko pa ang pinili mo as 18th roses? Alam mo ba na pinagyayabang niya sa klase niya na girlfriend niya ang isang mayaman at napakagandang Nyx Lorelei? Di ka ba dun maiinis? Tss." natawa lang ako sa sinabi ni Kyla

"Mas ok na si Kirby kesa naman sa classmates natin o sa anak ng business partners ni Uncle Kent." sabi ko sakanya.

"Pero kahit. Haaay. Bakit kasi hindi ka magpaligaw? Ni hindi ko nga alam kung may crush ka man lang. Ang lihim mo sa buhay." she said pouting. 

"M-may crush din ako. K-kaso mga artista. Hehehe." nagpalusot na lang ako.

"Talaga? Sino naman? Foreigner ba or local?" natawa lang ao sa tinuran ni Kyla.  Ang totoo may crush talaga akong artista pero syempre wala akong pinagsasabihan nun kasi ayokong mapag-isipan na isa ding dakilang fan girl.

"Si Cris Evans." sabi ko.

"Ayeee! Ang gwapo nun! Tapos yung abs niya, KYAAAH~ Makalaglag panty." we both giggled. Hindi ko alam na masaya pala kapag may ka girls talk ka.

"Oo nga. Madami nga ako nung pictures sa tablet ko eh. Wahahaha."

Matapos akong make-up'an ng beauty expert, buhok ko naman ang inayos niya. Sabi niya, may tiara daw ako kaya kailangan naka updo ang buhok ko, She make a bun out of my hair at nilagay yun sa almost gitna ng ulo ko. Kung titignan, paang may manay sa ulo ko since ang buhok ko ay hindi itim.

"Ang ganda mo girl." puri sa akin ni Kyla. 

"Ikaw nga dyan eh." Natural na kulot ang buhok ni Kyla kaya nung kinulot siya mas gumandang tignan. She is wearing a royal blue 5 inch above the knee cocktail dress na sleeveless. Mas na-emphasize ang maputi at makinis niyang balat.

Nagphotoshoot muna kami ni Kyla bago bumaba sa hotel. Sa likod ng hotel gaganapin ang party dahil nandoon yung napakalaking garden. 

Summer night ang theme ng party kaya napakaraming lantern na nakasabit sa cable wire. Instead of ordinary round table nilagyan siya ng canope each table. It was perfect. Almost perfect.

Alas syete y media ng simulan ang program. I was excited, nervous, happy and afraid. Mixed emotions are driving me crazy dahil pakiramdam ko anytime tatakbo akong comfort room.

"Let's all welcome the debutant, Miss Nyx Lorelei Park." sabi ng Emcee habang palabas pa lang ako sa isang mahabang aisle na may red carpet at tinapunan ng red and white petals. Meron ding dash of white sand na kunwari messy siyang tignan pero nagdadagdag sa summer night atmosphere.

The emcee started calling one by one the 18 bachelors o 18 roses and the 18 candles. Kyla is waving at me and i just her a smile. The cotillion started then followed by the 18 roses.

Uncle Kent is my first dance. I was in a verge of crying when the song started to play. This should be dads. Si daddy dapat ang una kong sayaw.

"Oh wag iiyak. Masisira ang make up." biro ni Uncle. Alam niya atang emotional ako ngayon. Sumunod na binigyan ako ng first rose ay yung classmate ko nung highschool. Bale 20 seconds per dance lang kaya no chance of talking ang mga nakakasayaw ko. They just greeted me happy birthday. May mga familiar ang mukha, meron din namang first time kong makita.

I was waiting for Kirby at the middle of the floor pero hindi ko siya makita. Tinignan ko ang gawi ni Kyla pero nagkibit balikat lang siya. 

Nakakahiya naman to. Feeling ko isa akong bride at hindi sinipot ng groom.

The music suddenly change.. more on a more romantic song. The lights dim at tanging ang lantern na lang ang nagpapailaw sa paligid. 

Thingking it was part of the plan kaya hindi ako nagpapanic. Pero nakikita ko sa mga party coordinator na may kung ano silang hindi pagkakainitindihan.

Masyado ng matagal akong nakatayo sa gitna kaya gusto ko ng umalis dito. Before i knew it. May isang lalaki na naglalakad palapit sa akin. He is wearing a black armani suit at alam kong hindi siya si Kirby. Kung sino man siya, he surely saves my night.

He gave a coutesy bago inabot ang isang bouquet of..

"Black Roses.." i whispered. I was shocked. It was him. Inaninag ko ang mukha niya pero gaya sa panaginip ko, mata niya lang ang nakikita ko.

"Shall we dance?" it was the same husky voice from my dream. 

Hindi ako naghesitate at agad kong kinuha ang kamay niyang nakalahad. His hands is very cold. To describe it as cold as ice wasn't enough. Malamig pero nagbibigay siya ng comfort sa kamay ko.

Matagal kong tinitigan ang mga mata niya. He didn't say anything pero parang nag-uusap ang mga mata namin na sila lamang ang nagkakaintindihan.

Nakaramdam ako ng kakaibang tibok sa puso ko. Pakiramdam na ngayon ko lang nalalaman. Parang may kung anong invisible strings na nagkokonekta sa akin sakanya. Feeling ko matagal ko na siyang kilala.

"Who are you?" i manage to ask. He didn't say a word.

"Please tell me who are you." my eyes are begging. Gustong gusto ko siya makilala.

"Masaya akong makita ka sa malapitan. Akala ko hanggang tanaw na lang ako sayo." he said. His voice is enchanting. Nakaka-inlove.

"Sino ka ba talaga?" tanong ko ulit. Bago pa siya makasagot nagsalita na ang emcee at nag-iba na ng tugtug. I saw him hurriedly walk away from me. I know it was rude na tumakbo habang may nagsasalita sa gitna pero kailangan ko talaga siyang habulin. So heto ako, hawak hawak ang aking ball gown habang tumatakbo. Nakalabas na akong garden pero hindi ko na siya naabutan. 

Naibagsak ko ang lahat ng roses na hawak ko including his bouquet of black rose. Gusto kong umiyak dahil pakiramdam ko naiwan nanaman ako.

"Nasaan ka ba? Bakit ayaw mong magpakilala sa akin?" sabi ko habang humahangos.

"Nyx! What are you doing?! Come back this instant!" napalingon ako at nakita ko ang nagsasalubong na kilay ni Uncle Kent. Malamang nagtataka siya sa tinuran ko. Pinunpon ko ulit yung mga rosas kasama yung bigay niya.

Nakalaylay ang balikat na bumalik ako sa garden. This time pinaupo nila ako sa isang swing na may canope at may mga nakapuloput na veins. 

The 18 candles are now talking at the middle on the stage and giving their gifts to me pero wala dun ang attention ko. Mr. Black Rose occupied my mind.

Pinagpalit na nila ako ng damit kasi tapos na ang program. Party time, sabi nila. Paglabas ko ng hotel habang pabalik sa garden, may nakita akong lalaki na nakatayo sa entrance ng garden. Nakapamulsa siya at nakatungo. I recognized him ng mas nilapitan ko siya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Our eyes met. And just like that, parang nanghina ang tuhod ko. Parang hinihigop niya lakas ko.

"Lorelei." he said my name. He knows who i am.

"Who are you? Why do you keep on sending me black rose?" tanong ko. Tanong na hindi niya sinasagot.

"I'll tell you my name if you give me reason why you are interested to know me." he said.

"There are lots of reason." i said.

"Can you wait?" he said.

"Huh?"

"May paparating. Babalik na lang ako." and with that, umalis nanaman siya. Hahabulin ko sana siya pero nakita kong papalapit si Kyla. Paano niya kaya nalaman na papalapit si Kyla eh napakalakas ng sound system, ni hindi ko nga narinig yapak niya.

"Hey! There you are! I've been looking all over for you. Ghad, i'm gonna kill my brother for not dancing in your 18 roses." she sounded pissed.

"It's ok. May kapalit naman diba?" sabi ko na lang.

"Speaking! Who is he? He must be a knight for saving you in times of your almost embarrassing moment." Nag-isip ako. Sasabihin ko ba? Magmumukha kaya akong wierd kung sasabihin ko sakanya?

"Uhh, just a friend of mine." Simple kong sagot.

'Infairness sakanya ah. Matipuno at mukhang gwapo." para siyang kinikilig.

"Nakita mo mukha niya?" tanong ko.

"Hindi eh. Nag-iba kasi yung ilaw diba?"

"Sabagay."

***

After my debut hindi ko na muling nakita pa si Mr. Black Rose. He asked if i can wait. Well i can. Pero kung isang linggo na akong naghihintay nakakabagot naman yun.

"Girl, uuwi na ako. Tatapusin mo ba yan?" busy kasi kami ngayon dahil term paper month. Individual pa naman 'to.

"Dito lang ako. Baka kasi mawala ang mga ideas ko kapag inuwi ko ito sa bahay." sabi ko kay Kyla.

"Ok. Basta wag kang magpapagabi ah." kumaway siya saka na umalis. Nasa college Pavillion ako ngayon at nagtitipa ng topic. Alas sais na ng hapon at konting konti na lang ang studyante.

Habang busy sa pagttype naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Si Manong Andy nagpaalam na maggagasolina muna daw. Binalik ko ang cellphone ko sa bag saka ulit nagtype.

It was 6:49 ng maisipan kong iligpit ang gamit ko. Isolated na kasi ang are at medyo pinangingilabutan na ako sa paligid. Dali-dali akong tumayo at naglakad papunta sa parking area. Wala pa si Manong Andy. Naisipan kong sa harap na lang ng school maghintay para hindi na siya ma-hassle pumasok.

Paglabas ko ng school konti lang ang dumadaan ng mga sasakyan. Karamihan pa mga private vehicle. Gumilid ko ng konti sa may sulok dahil gusto kong umupo sa pavement. 

"Ang tagal naman ni Manong Andy!" pagrereklamo ko.

Napagdecisionan kong itext si Manong Andy kaya nilabas ko ang cellphone ko. Halos mapatalon ako ng maramdaman kong may nakatutuk na matalim na bagay sa tagiliran ko.

"Ibigay mo sa akin yan kung ayaw mong butasin ko yang tagiliran mo!" binalot ako ng panlalamig at takot. Nanginginig na ibinigay ko sa lalaki ang bag ko at cellphone.

"Please! Wag mo akong sasaktan." napapikit na lang ako dahil sa sobrang takot. Dapat pala inuwi ko na lang sa bahay ang school works. Dapat sumama na ako kay Kyla. Bakit ba kasi nag-stay pa dun?

"Hmm. Hindi ka lang pala mayaman, maganda ka din." napamulat ako sa sinabi ng lalaki. I saw an evil grin on his horrible face.

"Halika dito!" hinila niya ako ng marahas at dahil sa payat ako natural na nakaladkad ako kahit ayaw ko.

"TULO--"

"Subukan mong sumigaw at tatastasin ko yang bunganga mo!" dinuro niya sa akin ang kutsilya na siyang mas kinatakot ko. Napalinga ako kung may tao pero wala. Dinala niya ako sa isang sulok sa isang tindahan na sarado. Kusang umagos ang luha sa mata ko.

"Maawa ka please." pagmamakaawa ko. Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat. Palapit siya ng palapit pero hindi ako tumitigil na makawala sakanya. Masyado siyang malakas para--

*BOGSH!!*

Halos manlaki mata ko ng makita kong tumalsik sa malayo ang holdaper na manyak!

"Don't you dare touch her if you don't want me to end your useless life!!" rinig kong sabi ng baritonong boses sa holdaper. Takot na takot namang tumakbo ang holdaper na parang nakakita ng multo.

Nilapitan niya ako at parang chiceck kung may nawala ba sa akin o wala.

"Sorry kung pinaghintay kita. Sorry kung ngayon lang ako." sabi niya tapos niyakap ako. Hindi ko alam pero napahagulgol na lang ako sa balikat niya. Parang lahat ng takot na nararamdaman ko biglang nawala dahil sa yakap niya.

"I'm here. Don't be scared. I'll protect you. Don't cry, my Lorelei."

________________

AHHHH~ Naiinlove na ako kay Aric. hahaha. Byebye Hansel. xD..

Ang sinungaling ko talaga. Sabi ko once a week lang ang UD eh. Hahaha, Sorry naman naman. Wala kasi kong pasok kanina kaya nakagawa ako ng update. Sana po nagustuhan niyo. :))

Aric Drake Kang on the right side. :))

I love you guys. Thank you for supporting this story. <3

XOXO

©Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top