Chapter 19 - Feelings
Chapter 19 - Feelings
Play Make you feel my Love by Adele..
Lorelei's POV
I slowly opened my eyes. Walang tao sa kwarto. Teka, kaninong silid ba ito? Hindi ito ang silid ko.
Bumangon ako at naramdaman ko ang sakit sa balat ko. What happened?
The last thing i remember, sasabihin ko na sana kay Aric ang lahat ng makaramdam ako ng sakit na noon ko lang naramdaman. Pagkatapos nun, isang malaking bangongut na ang nangyari. Pumasok sa panaginip ko ang mga Transcendal vampires. Kahit tulog ako nararamdaman ko ang sakit. Pinipilit nila akong gawin na yung misyon ko pero tumanggi ako at sinabi kong hindi ko dala ang bato. Doon sila nagalit sa akin, so they possessed me. I was fighting pero mas malakas sila sa akin.
"Thank god you're awake!" Aric exclaimed. I beamed at him. Naalala ko yung ginawa ni Aric para iligtas ako. Mas lumaban ako ng maramdaman kong niyakap niya ako.
"G-gutom na ako." Nahihiya kong sabi kaya napatawa siya. Lumapit siya sa akin at niyakap nanaman ako ng mahigpit.
"Pa-hug muna ako ah. Namiss kita eh." Sabi niya kaya napangiti ako ng maluwang.
"Dito lang naman ako diba? Umalis ba ako?"
"Hindi. Pero wala ka namang malay. Mas gusto kong nakikita kang masaya at buhay. Kahit hindi ako ang makakapagpasaya sayo basta makita lang kitang buhay, ok na ko dun." Mataman niyang sabi sa akin at tumingin sa mata ko. Nagkahinang ang mga mata namin. Bakit ganun siya magsalita? Sino namang ibang makakapagpasaya sa akin?
"You make me happy, Aric. In ways, you don't know." I told him and he smiled.
"But i can't make you laugh. Trever can do that. Napapasaya kita pero hindi kita napapatawa. Siguro kasi wala akong alam na jokes to make you laugh--"
"Aric. Masaya ko sayo, ok?" I stopped him from self pittying. Totoo naman kasi, masaya ko sakanya. Iba siya, iba din si Trever. Si Trever, kailangan pang magsabi ng jokes para lang matawa ako. Siya, presence niya pa lang masaya na ako. There's a big difference between the two.
"I'm glad to know." He beamed.
Magkahawak kami ng kamay na bumaba sa kwarto. Nadatnan ko ang pamilya niya sa salas at nag-uusap usap. Napatigil lang sila ng dumating kami. Pansin kong dumako ang tingin ni Avia sa magkahawak naming kamay kaya lumawak ang ngiti niya.
"Sweet naman." She teased dahilan para mamula ako.
"Don't embarassed her, Avia!" Sita sakanya ni Aric.
"Para kang ang daddy mo, Aric. Ganyan din siya sa akin noon. At ganyan din siya kapag pinipikon kami ng Tita Erina mo." Sabi ng mommy ni Avia.
"Magkwento ka nga ulit mommy ng love story niyo ni daddy?" Masayang sabi ni Avia. Napakunot naman si Aric at parang ayaw niya sa sinabi ni Avia.
"A-ahh. Gutom na si Lorelei. Kayo na muna magkwentuhan ha." Sabi ni Aric tapos agad akong hinila palayo sa sala. Dinala niya ako sa kusina.
"Marunong ka bang magluto?" Tanong ko.
"Hindi nga eh. Pero ang alam ko, may mga instant noodles nito. Ok lang ba yun sayo?" Parang nag-aalala niyang sabi. Napangiti lang ako saka tumango.
"Hindi naman ako maarte sa pag-kain. Ay except pala sa mga exotics foods." Sabi ko. Naalala ko tuloy ng pimakain ako ni trever ng betamax.
Inabutan ako ni Aric ng cupnoddles saka termos. Ako na nag-timpla ng noodles then after ilang minuto, kumakain na ako. Iniwan muna ako ni Aric kasi may kukunin daw siya sa taas kaya pinagpatuloy ko lang na kumain hanggang sa pumasok ang mommy ni Aric. Napahinto ako sa pagkain saka nagbow sakanya ng konti.
"Ano ka ba. You don't have to do that." She genuinely said. Umupo siya sa mesa katabi ng inuupuan ko. Ang awkward pala na ang Mama ng kaibigan mo ay mukhang kaedad mo lang.
"Alam mo, nakikita ko sarili ko sayo." She said kaya napatingin ako sakanya.
"Po? Eh reyna po kayo tsaka ordinaryong tao lang ako." Sabi ko naman.
"Yun na nga eh. Tao din ako noon. Marami din kaming pinag-daanan ni Hansel noon. Akala ko nga hindi na kami magkakatuluyan. Kayo ng anak ko, nagsisimula pa lang kayo. Kaya gusto kong maging matatag ka." Napatango ako. Matatag ako. At lalabanan ko ang sarili ko kung kinakailangan. I need Aric.
GHAD! BAKIT NGAYON KO LANG BA NAREALIZE?!
"You love him, don't you?" She said. I looked at her then slowly nodded.
"Mahal na mahal ko po si Aric. At ang tanga ko na ngayon ko lang marealize." Naiinis ako sa sarili. Napakatagal kong naging denial. Ano? Kung hindi pa ako kumain ng noodles at kung hindi pa ako kinakausap ni Queen Ingrid hindi ko pa marerealize? Ang laki kong tanga.
"Ganyan din ako noon. Napaka denial ko sa feelings kay Hans. But ofcourse, loving my son means you'll face many consequences. Alam mo naman yun, diba?" Again, i nod.
"I know the consequences of loving Aric. And i am ready to face it." Hinawakan niya kamay ko at saka tipid na ngumit sa akin.
"I'll tell you this, Lorelei. Kapag naging mag-asawa kayo ni Aric.. i mean.. are you aware na hindi kayo pwedeng magkaanak?" Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko yun naiisip. Pero...
"B-bakit po?" Tanong ko.
"You'll die. Hindi kakayanin ng katawang tao na magdala ng isang sanggol na vampire."
"Kung ganun, hindi ko siya mabibigyan ng anak?" Kahit medyo nahihiya ako sa topic namin ngayon, alam kong kailangan ko itong malaman.
"Isang prinsepe ang anak ko, Lorelei. And he needs a successor. Kung wala siyang magiging anak from you, magiging mahina ang kaharian." I knew it. Alam kong hindi talaga kam para sa isa't-isa ni Aric.
"I understand.." Mababa kong sabi.
"Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang makipagrelasyon sa tao. Though hindi naman ako against sayo. But ofcourse, there is always a way." She said. Para naman akong nabuhayan.
"Ano pong paraan? Gagawin ko po." I know i sounded like a desperate girl here. Pero hindi ko naman kasi kayang malayo kay Aric ng dahil lang sa hindi ako pwedeng magbigay sakanya ng tagapag-mana.
"You'll become a vampire."
"NO!" Pareho kaming napalingon ni Queen Ingrid sa pinto ng kitchen. Nakakunot si Aric.
"Hindi, Mom! Hindi niya gagawin ang gusto mo!"
"Aric, ano ba?"
"Basta! Hindi ako papayag!"
"Son. Don't get us wrong. Sinasabi ko lang ang option niya." Mahinahon na sabi ni Queen Ingrid.
"She don't have to choose. Tao siyang nabuhay at tao din siyang mamamatay!" Pagkatapos nun hinila ako ni Aric palayo dun.
Nadatnan ko na lang sarili ko na naka piggy-back-ride kay Aric at tumatakbo ito ng mabilis.
"Saan mo ba ako dadalhin, Aric?" Malakas kong sabi sakanya.
Hindi siya umumik. Ang bilis niya talaga at yung mga nadadaanan namin parang isang guhit na lang. Hindi ko nga alam kung nakikita nila kami eh.
Huminto kami sa isang mataas na lugar. Maraming puno at maraming peonies sa paligid.
"A-aric." Hinihingal ako. Pakiramdam ko lahat ng hangin sa mundo nalanghap ko na.
"Lorelei. Yung sinabi ni Mommy, h'wag mo na yung pansinin ah. Hindi naman ako pumapayag na gawin mo yun." Hinaplos niya pisngi ko. And once more, i shiver.
"Kapag naging vampira ako, mabubuhay din ako ng matagal. Ayaw mo ba akong makasama ng matagal?" I said. I think i caught him off guard dahil sa sinabi ko.
"L-lorelei.. What do you mean?"
Aric's POV
"L-lorelei.. What do you mean?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ako gusto ni Lorelei at kung Oo, she said pipigilan niya. Kaya nga ayaw ko sa ideya ni mommy kasi ayaw ko siyang itali sa akin kung wala siyang nararamdaman para sa akin.
"Gusto kitang makasama ng matagal, Aric. I want to live forever, with you." Pakiramdaman ko lumulutang ako sa ere. Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi ni Lorelei.
"L-lorelei.."
"Mahal kita Aric. Pinipigilan ko pero hindi ko na ata kayang maitago eh. Mahal na mahal kita." Naluluha niyang sabi. I hugged her tight. Natalo ko pa ang nanalo sa Archery ang feeling na umamin sayo ang babaeng noon mo pa minamahal. Hindi ako makapaniwala.
"Totoo ba yan, Lorelei? M-mahal mo ako?" She nodded kaya bigla ko na lang siyang nabuhat at niyakap ulit.
"Hahahaha. Aric, ibaba mo ako." Natatawa niyang sabi.
"Ito na ata ang pinakamasayang sandali ng buhay. Ghad! I love you so much, Lorelei." I kissed her forehead.
"I love you more, Aric." She responded. Alam kong totoo ito. Nararamdaman kong mahal niya talaga ako.
"But.. how about, Trever?" I asked.Gusto ko lang maging klarado ang tungkol sa amin.
"Kaibigan lang ang turing ko sakanya. Nung pumunta siya sa bahay namin, i told him na yun lang talaga ang kaya kong maibigay sakanya. I hurt him. Pero ok lang naman. Hindi siya galit. Kaya tinawanan na lang namin ang lahat. Ayoko din kasi siyang madamay sa nangyayari sa akin." Tumango ako saka ko siya nginitian.
"I really can't believe this. Tayo na ba? I mean.. kailangan ko pa bang patunayan sarili ko sayo? Do i need to court you?" Sunod-sunod kong tanong. Ok lang naman sa akin kung liligawan ko siya. Kasi kahit kami na, araw-araw ko siyang liligawan.
Her answer was a kiss. Nabigla ako pero agad akong tumugon. Ghad! I so love this girl. I'll give up everything, just let me be with her.
"I guess that answers it." She said. Natawa naman ako. Pasaway talaga. Binitin ako eh.
Lorelei's POV
Nakahiga kami ngayon sa ilalim ng puno. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Aric ang blanket na hinihigaan namin. Ginawa kong unan ang bisig niya habang siya nakayakap sa akin.
"Sana lagi na lang ganito, Aric. Natatakot na ako sa mga susunod na mangyayari." I broke the silence.
"Don't worry, nandito lang ako lagi sa tabi mo. Hindi kita iiwan." He kissed my forehead.
"I'm sorry hindi ko sayo masabi. Everytime i talked about it, nasasaktan ako. They put a marked on me at hindi ko alam kung paano yun malalabanan." Sabi ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin
"Hinding-hindi ka na nila masasaktan pa, Lorelei. Pinapangako kong poprotektahan kita kahit ano'ng mangyari."
I closed my eyes and lean close to him. Consquences of loving Aric? It's a good feeling though. Malalagpasan ko din ito. I trust him. I trust our love.
.............................................................................................................
A.N: Another short update. Sorry kung laging maigsi. Depress po kasi ako. :(( It's about my school. Haay. Kaya dito ko na lang binubuhos ang lungkot ko. :(( Ipagdasal niyo sanang maging ok din ang lahat. :(
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top