Chapter 17 - No! I won't let you go!

Chapter 17 - No! I won't let you go!

Avia's POV

"Who the hell are you?!" Nakakunot na tanong ni Kuya. Mukhang iritable siya. Napapikit na lang ako ng mariin. Si Kier naman mukhang kalmado at hindi man lang na-iintimidate sa tatlong vampira o lalaking kasama ko dito sa loob.

"I'm Avia's friend. You must be her twin." Inangat ni Kier ang kamay para makipagkamay kay Kuya pero tinignan lang ng magaling kong kambal ang kamay ni Kier.

"Kier, tara na?" Sabat ko. Ayaw ko din namang mahawakan ni Kier ang kamay ni Kuya kasi alam kong malamig ito hindi kagaya ng balat ko.

"And where do you think you're going? Hindi ka pa magaling!" I rolled my eyes heavenwards. Umaandar nanaman ang pagiging mahigpit niyang kuya.

"Kuya naman eh! May date kami!" I stomped my feet na parang bata. Nakita ko si Edric na nagpipigil ng tawa. Si Wynner naman seryoso lang sa gilid.

"SO?! Hindi! Dito ka lang at hindi ka pa magaling!"

"YAAAH~ Kuya!"

"Avia.. Ok lang. Baka kasi masama pa din pakiramdam mo." Sabi sa akin ni Kier. Napasimangot tuloy ako sakanya. Ayaw kong mag-stay dito kaya gusto kong umalis.

"See? Kung gusto niyong ituloy ang date niyo, dito na lang. Sa rooftop kayo magtambay. Just don't leave the house, ok?" Determined na sabi ni Kuya. Mukhang hindi na ako makakaangal pa since tumango na si Kier. Errr! And this is what you called AWKWARD moment!

There is kuya.. Wynner at the corner.. And Edric annoyingly grinning at my side. How nice..

*BEEP! BEEP!*

"Oh they're here." sabi ni Wynner ng sumilip sa pinto.

"Sino?" Tanong ni Kuya.

"Your parents." he said and looked at me.

My parents. Great!

Napatingin ako kay Kier at lumapit sakanya. Kumapit ako sa braso niya. He beamed at me. He's so relaxed. Magiging relax pa kaya siya kapag nalaman niyang puro vampira ang kasama niya?

"T-tara na, Kier. Let's go to rooftop." sabi ko saka ko siya hinila.

"Ipakilala mo siya kay mommy at daddy." Sabi ni Kuya kaya napatigil ako.

"Ayoko. Magfefreak out si mommy. Tsaka ikaw nga hindi mo pa pinapakilala si Nyx eh!" Ang unfair naman ni Kuya. Tsaka nahihiya akong ipakilala si Kier. Hindi naman dahil sa ikinahihiya ko siya. Hindi pa ako ready.

"Mom gave me one month remember?" Kuya grinned at me. I sigh in defeat. Nakita kong pumasok si mommy at kasunod si daddy. Agad siyang tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.

"My baby. Ok ka lang ba? May masama ka pa bang nararamdaman?" Mommy cried. I pouted. Ang OA ni mommy.

"Ingrid, calm down. May bisita pala tayo." I heard daddy say. Napatingin ako kay daddy at nakita kong nakatitig siya kay Kier. Si Kier naman parang naguguluhan.

Malamang nagtataka siya kung bakit bata pang tignan si mommy at daddy. Parang kaedad lang namin.

"Magulang mo sila, Avia?" Bulong sa akin ni Kier. Napatingin ako sakanya at parang nangungusap. Hindi ko pa maaring sabihin sakanya. Hindi pa dapat. O hindi dapat.

"Ahhh. K-kasi.. ano eh."

"Go upstairs, Avia." Rinig kong sabi ni daddy. Napatango ako saka hinila si Kier pataas sa rooftop.

Pagdating namin dun, nakatingin lang sa akin si Kier at parang naghihintay ng explanation ko.

"I'm listening." He said.

I nodded. Naging honest siya sa akin at ako hindi. But i have reasons. He has too. Pero mas mabigat yung akin. Haay!

"I'm not what you think i am, Kier." I started. He looked at me intently at hinihintay na tapusin ko ang sasabihin ko.

"..Kung ano man ang malalaman mo, i just hoped na hindi mo ako layuan. Hindi ko ito nasabi sayo kasi natatakot ako na baka.. na baka.. E-eh ikaw lang kasi ang naging kaibigan kong tao eh." I said. Napuputol-putol kong sabi dahil sa kinakabahan ako.

"Tao?" Kumunot noo niya.

"I mean tao din ako.. Pero hindi ak ordinaryong tao.." Mababa kong sabi.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Avia?" Hindi ko mabasa ang mukha ni Kier. Walang emosyon. Hindi ko naman makitang galit siya o kaya naman takot. Blanko lang ang mukha niya.

"The people downstairs.. They're my family. My twin, cousins, family friend and.. and parents."

"Pero napakabata pa nilang tignan, Avia. How come they become your parents? Are you adopted by those young couple?" He asked. I'm glad he's asking. Atleast it won't be hard for me para umamin sakanya.

"I am not adopted, Kier. They are really my parents... They look young because.. because.."

"Because?" 

"I'm a damphyr. Half human, half vampire. And they are my family. A pure vampire." I heard him gasped. Maiintindihan ko kung lalayuan na niya ako. Ok lang kung magagalit siya for keeping secrets to him. Hindi ko naman siya masisisi kung matatakot siya sa akin.. sa amin. Isa kaming fictional predator sa mata ng tao at kahit pa nasabing totoo kami, hindi pa din mababago ang perspective nila tungkol sa aming mga vampira.

"I knew it." He bursted.

"Huh?"

"I knew something is different on you. Hindi ko nahulaan na isa kang vampire, pero alam kong hindi ka ordinaryong tao." He said that made me shock.

"You're not afraid of me?" I asked making sure. Umiling siya saka ngumit sa akin.

"Hindi.. You're so nice and i think your family are too. I just can't believe that.. you're true. I mean.. akala ko sa libro lang kayo. This is incredible." he chuckled.

"Sorry ah. Hindi ako naging honest sayo. Natatakot lang akong baka katakutan mo ako."

"I am not afraid of you. And i'll still pursue you. I'm still willing to marry you." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Sigurado ka?" I smile playfully.

"I am pretty sure." Hinapit niya bewang ko palapit sakanya.

"..Mas maganda ka pala sa malapitan." he whispered.

"Nambobola ka ba?" Natatawa kong tanong.

"Hindi. Para  sa akin ikaw ang pinakamagandang babae o vampira sa buong mundo." He beamed saka niya hinaplos ang pisnge ko.

"Alam ko na yun. My dad told me that, matagal na. Mana ata ako sa mommy ko." Pagbibida ko sakanya kaya natawa siya.

"Ilang taon ka na ba?" He asked.

"Hmmm. 108." Casual kong sabi. Wala naman siyang reaction.

"Lola ka na pala." Biro niya. I giggled.

"So you're like my apo na?" We chuckled.

"No. You're like my future wife na." He mimic my voice.

"So you think hindi agains't sa atin ang family ko?"

"Ipaglalaban kita." Sabi niya.

Ang sarap sa pakiramdam na marinig yun galing kay Kier. He'll fight for me. Ngayon ko lang ito nararamdaman. At si Kier lang ang may kakayahan na maparamdam sa akin ito. Sobrang sarap sa pakiramdam at hindi ko kayang ipagpalit ang nararamdaman ko ngayon sa kahit na anong bagay. Natatakot tuloy ako na itong nararamdaman kong kasiyahan ay may kapalit. H'wag naman sana..

***

Lorelei's POV

"Natutuwa ako't nagkakasundo kayo ni Trever, Nyx." Sabi sa akin ni Tito Kent. Maaga siyang umuwi galing work. Si Trever naman kakaalis lang pero naabutan pa siya ni Tito.

"Masaya pong kasama si Trever, Tito." Sabi ko. Totoo yun. Ang dami niyang jokes na sinabi kanina. I felt bloated na nga sa sobrang dami kong tawa sakanya. He's expression is bubbly kaya mas nakakadala.

"You like him?"

Natigilan ako sa tanong ni Tito. No i don't think i like him.

"Kaibigan lang po ang tingin ko sakanya, Tito." Sabi ko naman. Hindi pwedeng magkagusto ako kay Trever. 

"Pwede din naman yang mabago eh." He beamed.

Pero paano si Aric?

"Hindi na po ata, Tito."

Nasasaktan din ako kaht papano na hindi ko magawang magustuhan si Trever. Hanggang friends lang talaga kami. Yun lang ang kaya kong mabigay sakanya.

Pumanhik na akong kwarto at nahiga. Bakit kaya hindi ako dinadalaw ni Aric ngayon? Galit ba siya sa akin? Pero mabuti na din sigurog hindi siya nagpapakita sa akin. Atleast my maidadahilan ako sa mga Transcendal Vampires. Sasabihin kong hindi na sa akin nagpapakita si Aric. 

Nakokonsensya din kasi ako sa gagawin ko.

Kinuha ko yung box na nilalagyan ko ng black rose na binigay ni Aric. Kinuha ko yung pinakalumang bulaklak na binigay niya. Nilanta na siya ng panahon pero buo pa din. Just like Aric. Matagal na siyang nabubuhay sa mundo, pero buhay pa din at hindi nagsasawang mahalin ako.

Mahal niya ako at masaya ako sa ganun. Hindi ko alam kung bakit pinipigilan ng puso ko na mahalin din siya. Napakacomplikado kasi ng lahat eh. Tao ako, vampira siya. Not just an ordinary vampire, but a vampire prince. I can't settle for that. Gusto ko tahimik at masayang buhay. Kaya kung pwede pang pigilan ang nararamdaman ko kay Aric, gagawin ko. Lalo na't nakipagkasundo ako sa mga Transcendal vampires. Mas mabuti niyang layuan ko siya, kesa sa kamuhian niya ako.

Sinarado ko ang box at binalik yun sa closet ko. Lumabas ako papuntang veranda saka ko nakita ang namimilog na buwan.

"Mamimiss kita, Aric. Mahal na din ata kita, pero hanggang dito na lang ang nararamdaman ko. Hindi pwedeng tayo." Mahina kong bulong.

***

Aric's POV

Rinig na rinig ko ang mga salitang sinambit ni Lorelei. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, nasaktan ako. Bakit hindi pwedeng maging tayo, Lorelei? Mahal kita at mahal mo din pala ako. Pero bakit mo pinipigilan ang nararamdaman mo?

Nakita kong pumasok siya pabalik sa kwarto niya. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Gusto kong maramdaman ang maiinit niyang yakap.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at pinasok ko ang kwarto niya. Alam kong nagulat ko siya sa bigla-biglang pagsulpot ko sa harapan niya.

"A-aric.." He whispered. Gustong gusto ko kung paano niya bigkasin ang pangalan ko. Parang may tumitibok sa loob ng aking katauhan. Ang sarap sa pakiramdam.

Hindi ako nagsalita at niyakap ko siya. Mahigpit na mahigpit at ayaw kong bumitaw. Masyado kong mahal si Lorelei. Hindi ko siya kayang pakawalan.

"Kung kailangan kong maging masama para maging akin ka lang gagawin ko, Lorelei. Just show me your love to me." I whispered near her ears. Akma siyang bibitaw sa yakap ko pero nilakasan ko ang pagyakap sakanya.

"A-anong ba'ng pinagsasabi mo, Aric?" Pinagtutulak niya ako kaya kusa ko siyang pinakawalan.

"Mahal na mahal na mahal kita. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Please be mine, Lorelei? Gusto mo tumakas tayo? Takasan natin ang lahat. Kapag tayo na lang, wala nang dapat problemahin.." Nakita kong nagpunas siya ng luha niya sa pisnge. 

"Hindi pwede, Aric." Humagulhul siya. Napakuot ako. Oo, vampira ako at tao siya. Pero bakit niya ba yun iniisip? Kaya ko siyang protektahan. 

"Bakit hindi pwede? May problema ka ba, Lorelei? May tinatago ka ba sa akin?" Nakakunot kong tanong sakanya. Umiling naman siya pero hindi ako naniniwala.

"L-layuan mo na ako, Aric. Please? Let me go." Pakiusap niya. Umiling ako ng marahas. Hindi ko kayang malayo siya sa akin. Hindi maari.

"Ayoko! Hindi kita pakakawalan. Mahal na mahal kita. Kahit ilang beses mo akong itulak, babalik at babalik ako sayo." Sabi ko saka niyakap ko siya ulit.

"Hindi na ako si Lorelei, Aric. The Transcendal vampires put a mark on me. They own me." Nakikita ko sa gilid ng vanity morror niya na naluluha siya. Niyayakap niya din ako pabalik. Mahigpit din ang yakap niya sa akin. Like it will be our last hug.

Kinuha ko ang arm wrist ni Lorelei saka ko dun nakita ang tinusukan ng mga walang hiyang Transcendal vampires. I gritted my teeth.

"Lorelei.. Pwede ka bang sumama sa akin? Can you trust me? Atleast jut this once?" I asked her. Marahan siyang tumango.

"I trust you, Aric." then she hold my hand.

***

Lorelei's POV

 

Dinala ako ni Aric sa bahay nila, sa sub na malapit sa amin. Nakita ko doon ang mga vampira din atang kasing edad lang ni Aric. Si Edric lang ata ang kilala ko dito. Hindi ko naman mahanap si Avia.

Lahat sila nakatingin sa akin.

"Mom.. Dad.. This is Lorelei.. Lorelei, they're my parents. King Hansel and Queen Ingrid." Sabi ni Aric kaya agad akong napayuko. Hindi pa ako naka-meet ng Hari at Reyna kaya hindi ko alam kung ano gagawin ko. Kug luluhod o magbibigay pugay.

"You really have your dads' taste, son." Sabi ni Queen Ingrid. Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang dalawa kong kamay.

"..It's been a while since i get this close to human. How are you, Lorelei?" She seems nice and mukhang genuine naman ang pakikitungo niya.

"O-ok lang naman po ako." Sagot ko habang nakayuko.

"H'wag kang matatakot sa amin. Lalo na sa akin. I was.. once a human before.." She said. Napaangat na ako ng tingin sakanya saka nakipagngiti. Her auburn eyes suits her hair color and pale skin.

Lumapit naman ang daddy ni Aric at saka ko din siya tinignan. Bakit ba ang gaganda nilang nilalang. Ang ganda ng mommy ni Aric, at sobrang gwapo naman ng daddy niya. Grabe lang.

"May isang rason ako mom and dad kung bakit ko siya dinala dito." Sabi ni Aric kaya napatingin kami sakanya.

"Ano yun anak?" His mom and dad asked chorusly.

"The transcendal vampires put a mark on her. She is using her to get even with our family." Sabi ni Aric though hind ko yun maintinidihan.

"How come? Hindi naman siya-- OH MY GOD! She's the daughter of Park family?" Hindi makapaniwalang sabi ni mommy.

"She is, Mom. They are asking her to become their constant blood donor." Nakita ko namang parang nahabag sa akin ang mommy at daddy ni Aric.

Gusto kong sabhin na hindi ako magiging blood donor unless kapalit ni Avia.

"Hindi pa naman po ako blood donor nila. Ang totoo po niyan--" Hinintay nila akong magsalita pero bigla na lang akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko. Parang pinipigilan nitong magsalita ako. Parang alam nilang magsasalita ako.

Inside my head parang may naririnig akong nagsasalita.

'Subukan mong magsalita, at mamamatay ka ng wala sa oras!'

Naramdaman ko ang sakit na tumutusok sa dibdib ko. Kusa akong nagpikit ng mata at dahil nanghihina na ako. Nararamdaman kong niyugyug ako ni Aric.

Mahal na mahal kita, Aric. I'm sorry..

................................................................................................................

#VCNYOVS2

Tweet me: @theRealThyriza

Add me on FB: http://www.facebook.com/thyriza

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top