Chapter 16 - What happened Yesterday

Chapter 16 - What happened Yesterday

Lorelei's POV

"Miss? Miss ok ka lang ba?"

"Huh?" Napatingin ako sa paligid. Nakahiga ako sa isang bench sa park. Paano ako napuntan dito? Napabangon ako at nasapo ang ulo. Ang salit ng ulo ko!

"Bakit ba dito ka natulog?! Aba buti at hindi ka na-rape, Miss." sabi nung lalaking may hawak na walis. Napahawaka ako sa ulo ko. Wala akong naalala. Huli kong naalala yung argumento namin ni Aric sa kotse.

Si Aric!

Nag-away kami? Galit ako sakanya?

"All this time?! May alam ka?! Kaya ba gusto mo akong tulungan hanapin kung sino ang killer ng parents ko kasi may alam ka talaga?!" Sigaw ko sakanya. Napahawak ako ng mahigpit sa puch bag na na may lamang bato.

"Sasabihin ko naman sayo pero--"

"Pero ano?! Ano, Aric? Ang totoo niyan, wala kang balak sabihin sa akin! Dapat nga matuwa ako kasi kusang yung killer nila mommy at daddy ang lumapit sa akin. At alam mo ba?! Hindi na ako makapaghintay na maghiganti sakanila! Alam kong may kahinaan sila! Alam kong mapapatay ko sila!" Sabi ko saka binuksan ang lock ng pinto saka umibis sa sasakyan.

Nakidnap ako at.. at..

Napatingin ako sa brown pouch bag na hawak ko. Totoo ang mga nangyari? Pero bakit ako nandito? Iniwan ba ako dito ni Aric? Bakit naman niya yun gagawin?

Naramdaman kong may masakit sa pulso ko kaya tinignan ko ito. May parang itim na nagmarka dito na parang tinusok. Saan naman ito galing. Napatayo na talaga ako at binaybay ang daan. Nasaan ba ang bag ko? Kinapa ko ang bulsa ko at nasa pocket ko pa ang cellphone ko. Pero wala akong pera sa bulsa.

Nanginginig na dinial ko ang number ni Tito Kent. Alam kong nag-aalala yun. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya ang tungkol sa mga nalaman ko. The last thing i want to happen ay madamay si Tito dito.

[FOR PETE SAKE, NYX LORELEI! KAHAPON PA KITA TINATAWAGAN!!! NASAAN KA?! YOU HAVE SO MUCH EXPLAINING THING TO DO YOUNG GIRL!!!] Halos naiimagine ko na ang galit na hitsura ni Tito habang sinisigawan ako.

Napahagulhol na lang ako bigla. Hindi ko akalain na nangyayari sa akin ang nangyari sa magulang ko. Pinilit man si o hindi na maging constant blood donor, mali pa din na pumayag sila.

"Tito Kent.." i cried.

[Where are you? Ok ka lang ba?] Medyo bumaba na ang boses ni Tito. 

"Nandito po ako sa park. Sunduin niyo po ako Tito Kent.. Please.." umiiyak kong sabi. Napaupo ulit ako sa bench na nakita ko at tinaas ko ang paa ko para yakapin. Nilalamig ako at natatakot.

[Don't hang up, ok? Nagdadrive na ako. Kagabi pa ako sa daan at hinahanap ka. Tito's here.. Don't cry.] Naramdaman kong umiiyak din si Tito. Parang tinutusok ang dibdib ko. Mommy.. Daddy.. Bakit niyo hinayaan na mangyari sa akin.. amin ito?

"Tito.. I'm scared.." hagulhul ko.

[Sshhh.. Don't be.. Kakantahan kita.. Mapalit na ako..] I heard Tito humming my favorite song noong bata pa ako. Yun yung kanta kapag nagkakaron ako ng nightmares.

[..Hush little baby.. don't say a word.. Momma's gonna buy you.. a mockingbird..] Natigil ako sa pag-iyak ng kumakanta si Tito. Parang naramdaman ko ulit na bata ako. Hindi gaya noon, na regaluhan lang ako ng dolls ni Tito ok na. Ngayon iba na. Sana bata na lang ako forever. Yung wala kang iisiping problema. Wala kang kailangang traydurin na kaibigan.

"Lorelei!!" Napaangat tingin ko. Si Tito Kent. He only calls me Lorelei nung bata pa ako at kapag may gusto siyang ipaintindi sa akin kapag matigas ulo ko. Tumakbo siya at niyakap ako. Hinayaan kong yakapin ako ni Tito.. and there, i feel like his baby again.

"H'wag ka ng umiyak.. Nandito na si Tito.. Hindi ka iiwan ni Tito.." bulong niya kaya lalo akong naiyak.

"S-sorry.. I'm sorry, Tito Kent.." inayos ko upo ko saka humarap kay Tito.

"You're safe now.. Sorry for yelling at you.." he tried to smiled. Nakita kong nangingitim ang ilalim ng mata ni Tito at namumula ang mga mata, tanda ng wala pa siyang tulog.

"Gusto ko na pong umuwi.. Take me home.." Tumango si Tito saka inalalayan akong tumayo. Malapit lang yung kotse kaya nakasakay agad kami.

"Matulog ka na muna..You look like a mess.. Mamaya na kita tatanungin." sabi ni Tito saka nagsimulang magdrive.

***

Napaunat ako ng maramdaman kong bumukas ang ilaw. Narinig kong may naglalakad sa kwarto tapos pinatay ulit ang ilaw. Agad kong binukas mata ko at nakita ko si Yaya papalabas ng kwarto. Para naman akong nakahinga ng maluwang. Akala ko kung sino na.

Nanlaki mata ko ng makita kong nakapantulog na akong damit. Nasaan yung damit ko kahapon? Naalala ko type B yung suot kong uniform kahapon kaya yun yung blouse at slacks kong uniform.

Bumangon na ako saka ko hinalungkat ang hamper na lalagyan ng labahan. Nakita kong yun at agad kong kinapa ang bulsa. Nakahinga ako ng maluwang ng makita ko ang pouch bag. Nilagay ko siya sa gilid ng book shelves kung saan nandoon yung wood box na tumutunog kapag binubuksan. Nilagay ko doon yung pouch bag.

Nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto.. Si Tito nakangiting may dalang tray full of food. Bigla tuloy akong nagutom ng maamoy ko ang pagkain.

"Kain ka muna.." sabi niya. Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas tres na ng hapon.

"Hindi po kayo pumasok?" Hindi kasi yan uma-absent si Tito sa office eh.

"I need to monitor you.. Besides, wala pang tulog si Tito.." nakangiting sabi ni Tito. Napangiti na din tuloy ako.

"Sabay na po tayo.. Ang dami naman niyan eh." sabi kong natatawa.

"Yun naman talaga ang balak ko." he said then chuckled. Namiss ko yung ganito. Yung parang isang daddy, mommy, brother, sister and friend si Tito.

Nilapag niya yung mga pagkain sa study table ko saka kumuha ng upuan. Ako naman umupo as gilid ng kama. Pinaghain ako ni Tito ng pagkain sa plato at ako naman takam na takam na kumakain.

Nagkekwentuhan kami ni Tito pero hindi niya ako tinatanong kung ano ang nangyari kagabi. Siguro hinahayaan niyang ako ang mag open up nung topic. Ayaw niya siguro akong biglain. Kapag sinabi kong nakidnap ako, baka magkaroon nanaman ako ng mga body guards at ayoko yung mangyari.

Tapos na kaming kumain ng tumayo si Tito at kinuha yung pinagkainan namin. Palabas na siya ng pinto ng tawagin ko siya.

"Tito Kent~" I called him at napalingon siya.

"Hmm?"

"Sorry for being a pain in the ass. Hindi na po yun mauulit." sabi ko. He beamed at me.

"Dapat lang. At papagalitan na talaga kita.." nakangiti niyang sabi saka tuluyang lumabas.

Nagpapasalamat ako at hindi na nagtanong pa si Tito. Sasabihin ko din naman sakanya.. Sa tamang oras.

Nang wala na akong magawa.. Nagscan lang ako ng messages sa phone. Maraming text galing kay Kyla at Trever. Lahat sila nag-aalala. Malamang tinawagan sila ni Tito.

Si Aric naman maraming missed calls. Ang naalala ko galit ako sakanya kagabi. Pero bakit ngayon hindi ko na yu naramdaman? Sino ba ako kagabi?Ano'ng ginawa ko nung mga oras na hindi ko maalala ngayon?

***

Aric's POV

Nagtataka ako ng bakit walang maalala si Lorelei sa mga pinag-gagawa niya kagabi. Kahit nawala siya sa paningin ko kagabi sinundan ko pa din siya. Nakita ko kung paano niya tinulak ng pagkalas-lakas ang lalaking nasalubong niya sa daan kagabi.

I have a hunch na may tinurok sakanya ang mga Transcendal Vampires para maging bayolante. Nag-iiba ang ugali niya. Tapos ngayon parang wala siyang maalala. 

Ayoko munang magpakita sakanya ngayon kahit kanina ko pa siyang pinagmamasdan na nanunuod ng pelikula sa TV niya. Baka kasi galit pa din siya sa akin. Ang tamang gagawin ko lang ngayon ay maging anino niya. Susundan ko siya kahit saan at poprotektahan kung kinakailangan. Gaya ng dati.. isa nanaman akong anino niya sa dilim.

Nakita kong may sinagot siyang tawag.. Tango lang siya ng tango at biglang sinabing 'Sige'. Pakatapos tumayo siya at pumasok sa closet niya at sa CR.

Paglabas niya, nakasuot na siya ng kulay dilaw ng dress. Nagsuklay siya at naglagay ng palamuti sa mukha. Napatingin ako sa baba ng may bumusina. Doon ko nakitang lumabas sa pinto si Lorelei. Sa kotse naman, nakita kong umibis si Trever.

That fvcking Trever! Isang mapagsamantala! Porket wala ako!! Kung hindi lang sa akin galit si Lorelei magpapakita ako ngayon at sasakalin ko sa harap niya si Trever!

Sinundan ko sila. Nasa likod sila ng bahay.. Sa may pavillion sa gilid ng pool. Para namang nag-usok ang mata ko ng makita kong binigyan ni Fvcking Trever si Lorelei ng bulaklak.

Nagtatagisan ang mga ipin ko at parang gusto kong lalaslasin ang leeg ni Trever!!

Para naman akog nabingi ng marinig ko ang tawanan nilang dalawa. Natigilan ako ng makita ko kung gaano kasaya si Lorelei. Hindi ko pa siya nakitang tumawa ng ganyan kapag kasama ako. Gaya ngayon na halos napapahawak siya sa tiyan niya at nagpipigil ng tawa pero lumalabas man din.

Nasasaktan ako. Ang tanging gusto ko noon ay ang mapasaya si Lorelei. Pero hindi ko alam na may makapagpapasaya pa pala sakanya. Bigla-bigla na lang na nalungkot ako.

Hindi ata kami para sa isa't-isa. Tao siya at Vampira ako. Si Trever.. tao din. Sila ata ang para sa isa't-isa.

Kusa akong umatras at lumayo sa dalawa. Hindi ko kaya ang mga nakikita ko. Para akong kumuha ng kutsilyo at paulit-ulit na sinaksak sa sarili.

***

Avia's POV

Nakaramdaman ako ng haplos sa noo kaya ako nagising sa mahabang tulog. Pagmulat ko, nakita ko si Wynner. Napakaseryoso at mukhang nag-aalala.

"Glad you're awake." he beamed at me. Bumangon ako at umupo.

"What happened?" i asked.

"You're power has overtaken you. Nandito kanina si Aric pero umalis lang din. Lorelei was kidnapped pero mas una ka niyang pinuntahan--"

"What?!" Dapat si Nyx ang una niyang pinuntahan.

"Don't worry.. She's safe." Again, he beamed. What's wrong with Wynner? He seems so kind and nice.

Nagulata ako ng inabot niya sa akin ang phone ko. Binuksan ko yun at nakita kong maraming missed calls and texts from Kier. Napatingin ako kay Wynner pero wala na siya. Mabuti naman. Tatawagan ko si Kier eh.

Hindi ko pa nada-dial ang number ni Kier ng magring ulit ang phone ko. Kier is calling. Agad ko itong sinagot.

[Avia.. Are you ok? Bakit ngayon mo lang sinagot tawag ko?] Nag-aalalang sabi ni Kier sa kabilang linya.

"I-i'm fine.. Sumama lang kasi pakiramdam ko. Ikaw? How are you?" Dapat si Kier ang kinukumusta ko since siya ang hindi healthy. I heard him chuckled.

[I'm fine. But i am afraid.] he said kaya napakunot ako.

"Huh? Why?"

[Wala ka pa kasing sagot sa proposal ko. I know i said maghihintay ako. Paranoid lang kasi ako. Akala ko iniiwasan mo na mga tawag ko.] Sabi niya tapos natawa. Pati tuloy ako napangiti na din.

"Hahaha. Ikaw ah. Masyado mo namang pinapahalata na patay na patay ka sa akin." Biro ko sakanya habang natatawa.

[Hahaha. Ay halata na ba? Nakakahiya pala.] Para ng mapupunit ang bibig ko sa lawak ng ngiti ko. Nakakabaliw kausap itong si Kier.

"Hindi pa naman. Konting kembot pa at talagang obvious ka na."

[Kembot? Hindi nga ako sumasayaw eh.]

"Hahahaha. Hindi nga rin kita maimagine na sumasayaw." Tapos pareho kaming tumawa.

[Hahaha. Uyy! Ini-imagine niya ako.]

"Hahahaha. Ang feeling mo uy!"

[May ginagawa ka ba ngayon?]

"Ha? Bakit?"

[Wala naman. Gusto mo mag-date?] Nilayo ko ang phone sa akin saka inipit ang mukha sa unan para sumgaw. Eeeee! Kinikilig ako!!!

"Hello? Kier?"

[Avia? Hindi mo ba narinig sinabi ko?]

"Oo."

[Anong Oo?]

"Oo. Payag akong mag-date." i said then silently squeals. Para akong baliw ditong ngumingiti-ngiti.

[Sige.. I'll pick you up later?]

"Yup."

[Itetext na lang kita. Saan kita susunduin?]

"Sa bahay. Itetext ko sayo ang address."

[Ok.] Enthusiastic niyang sagot.

We both hang up. Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Wynner nakatayo lang doon. Mukhang kanina pa siya doon.

"Pupunta dito ang Mahal na Reyna at Hari. Nalaman nila ang nangyari sayo." Tanging sabi ni Wynner.

"G-ganun ba?" Naiilang kong sabi. 

Tumango lang siya saka umalis. Ako naman naghanda lang ng sarili at saka bumaba. Nakita ko si Edric na nagbabasa ng libro. Si Wynner nanonood ng TV.

Napaupo na lang ako sa single couch at saka nakapangalumbaba. Bakit ba ako nanghihina? Dala ba ito kahapon? May parang iba akong nararamdaman eh.

Nakita ko naman si Kuya na paparating at parang natalo sa lotto. Nakakunot ito at mukhang badtrip.

"Ok ka na ba?" Bungad niya sa akin. Nakita kong pinilit niyang ngumiti sa akin.

"Ok naman na ako. Saan ka galing?" Tanong ko at nagkibit lang siya.

"Dyan-dyan lang." Sagot niya. Tumango lang ako. Alam kong galing siya kay Nyx pero ayaw ko munang magtanong. Baka nag-away sila.

"Dude, ano'ng nangyari sayo?" Rinig kong tanong ni Edric. Umiling lang si Kuya saka sinipa ang upuan at tumilapon sa gilid. Lahat kami napatingin sakanya.

"Basted?" Singti ni Wynner.

"Kumusta si Nyx, kuya?" Tanong ko at para ibahin ang mga walang kwentang tanong nila Edric at Wynner.

"She's fine... She's fine with Trever." mapait niyang sabi.

"Si Trever dude? Natalo ka?" Nakangising sabi ni Edric. Siguro yung Trever ay yung karibal ni Kuya kay Nyx.

"Hindi ko kasi alam sa inyong kambal kung bakit kayo nagkakagusto sa mga tao. Madami namang pwedeng vampira dyan eh!" Sabi ni Wynner na nakatingin sa akin. Agad ko siyang pinandilatan at hindi yun nakaligtas sa paningin ni Kuya.

"Ano'ng ibig sabihin ni Wynner Avia?" Nakataas ang kilay ni Kuya habang nagtatanong.

"Uy Wynner ah! Walang masama sa pagkakagusto sa tao! Palibhasa kasi basted ka sa vampirette na gusto mo." Angil ni Edric. Natuon yung tingin ni Kuya kay Edric kaya nakahinga ako ng maluwang. Akala ko magtatanong pa si kuya.

"Hindi ako ang issue dito ulol!"

"Sino'ng ulol? Refering to your self?" Si Edric.

"Aba't baka gusto mong--" Naputol ang sasabihin ni Wynner ng may bumusinang sasakyan.

SHIT!

"A-ah. Ako na magbubukas sa gate." Tatalikod na sana ako ng harangin ako ni Wynner.

"Ako na. Hindi ka pa magaling." Sabi ni Wynner.

"H-ha?"

"Sige na Avia. Hayaan mo na siya." Sabi ni Kuya kaya wala na akong nagawa.

Agad namang lumabas si Wynner. Ako naman lihim na nagdadasal na sana hindi yun si Kier.

Wala pang limang minuto ng mawala si Wynner at agad itong bumalik. Sa likod nito ay Si Kier na may bulaklak.

Umunahan si Kuya at hinarap si Kier. Naku po!

"Who the hell are you?!" Kuya hissed.

OH NO!

........................................................................................................

A.N: Sorry for the late update! 

Gagawa ulit ako ng special chapter ng Vampire City BOOK 1. Ipopost ko na lang po siya. Ok?

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top