Chapter 15 - Transcendal Vampires

Chapter 15 - Transcendal Vampires

Lorelei's POV

"Blood Donor?! Are you insane?! Taga red cross ka ba?! Ano?! Nauubusan na kayo ng dugo at kailangan niyong mang kidnap para lang makakuha ng dugo?!" I almost shout at their blurred faces. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila. Bagskus, tinawanan lang nila ulit ako ng malakas.

"Hahahaha! Akala mo ba nakikipagbiruan kami sayo?! Eh kung igaya ka namin sa magulang mo magiging matapang ka pa kaya?" I swear i saw him grinned. Para siyang isang demonyo. Napakatalas ng mga mata niyang namumula.

"Dahil sa akin kaya yumaman ang magulang mo. They become my blood donors to feed my thirst. Kapalit ng iaalay nilang dugo ay isang kayaman. They're loyal to me hanggang sa tinalikuran nila ko. Umanib sila sa pamilya ng pinakamamahal mong Prinsepe." Napamaang ako. Pamilya ni Aric? May alam si Aric dito?

"We are the Transcendal vampires at nabubuhay kami sa dugo ng isang pure human. Kailangan namin ng isang constant blood donor only. Hindi kami kagaya ng Sanguinarians na kung sino-sinong tao ang pinapatay para lang makalasa ng dugo." Ngumisi siya at nilapit ang mukha sa akin.

"And i can smell your pure clean blood. That's why i like you to be my blood donor." he said in a husky voice. Napailing naman ako.

"Hinding hindi ako papayag sa kagustuhan mo. Hinding hindi ako magiging blood donor mo! Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa maging instrumento ng isang kasamaan!" I smugged at him. Biglang nag-iba ang expression ng mga mata niya.

"Don't be such a fool! Binibigyan kita ng chance para mabuhay ng matagal but you're rejecting the offer." He stand up at humawak sa baba niya.

"Ano na kayang ginagawa ng pinakamamahal mong Aric ngayon? I'm sure he's on his way to save you!"

Pinilit kong kumawala sa pagkakatali sa akin.

"Don't.. H'wag mong idadamay si Aric dito! Please!" I begged.

"Then be my blood donor. Just say yes. Hindi ko gagalawin si Aric.. including your friend Trever and Kyla."

Para namang nanghina ako. Kaya na ni Aric ang sarili niya. But Trever and Kyla?

"Ano bang naging kasalanan ko sayo at ginagawa mo ito sa akin?" i cried. Hindi ko gustong madamay ang mga tao sa paligid ko.

"Ikaw ang kabayaran ng kasalanan ng magulang mo sa akin. Ikaw ang magiging constant blood donor ko wether you like it or not." he says like i don't have a choice. Napapikit na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga magulang ko para galitin ang isang nilalang na tulad niya. Pakiramdam ko wala na akong pag-asa. Parang wala na akong choice kundi um-Oo sakanya.

Masama ba ang mga magulang ko? Eto ba yung sinasabi ni Uncle na secreto nila mommy? Eto din ba ang dahilan kung bakit bothered sila nung kaarawan ko?

"Maawa ka sa akin. Please. Pakawalan mo na ako. Ayokong mamuhay ng ganito. Nang may mga misterio sa buhay. Nabuhay ako sa marangyang buhay pero simple lang ang gusto ko sa buhay. Please.. please let me go." Nagmamakaawa na ako sakanya. Parang hindi ko matanggap ang lahat ng nangyayari. Bakit parang sa isang iglap naging complicated ang buhay ko?

"Sige pumapayag ako.." he said, napatingin ako bigla sakanya.

"Talaga?"

"Sa isang condisyon." sabi niya kaya napakuot ako.

"A-ano yun?"

"Bring me the Damphyr Princess. Bring me the Son of King Hansel Kang!"

"Ang kambal ni Aric?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Napaka-imposible naman ata ng kondisyon niya.

"Oo. Ang napakamakapangyarihang kambal ng Prinsepe mo. Kapag nagawa mo yun, hinding hindi na kita guguluhin pa. Sa ngayon, papakawalan kita. Ang gusto kong gawin mo, kunin mo ang loob ng Mahal na Prinsesa.." he paused saka may kinuha sa bulsa niya.

"..Then ibigay mo ito sakanya. Make sure she touch it." Pinakita niya sa akin ang isang kulay blue na bato.

"..Mawawalan siya ng malay sa oras na hinawakan na niya yan. Saka mo siya dalhin sa akin."

"Gusto mong lokohin ko ang kambal ng aking.. ni Aric?" Hindi ko makapaniwalang sabi. Ngumiti siya.

"Not the word i'm looking for.. Pero pwede na din. Lolokohin mo siya kapalit ng kalayaan mo." Napapikit ako ng mariin. Hindi ko kaya.. Hindi ko 

kayang lokohin si Avia. Isang beses pa lang kaming nagkausap at gusto ko siya. She's such a sweet girl and vampire.

"G-gagawin ko." Kahit labag sa loob ko, kailangan ko itong gawin. Wala akong choice. Ordinaryong tao lang ako. Wala akong laban sa nilalang na ito.

"Good girl." Ngumisi siya. Sumenyas siya sa mga tauhan niya. Naramdaman ko na kinakalas nila ang tali ko sa likod. Pinatayo nila ako at pinaharap sa Pinuno nila.

"Kunin mo ito. I give my trust on you, Nyx Lorelei. Alam mo na ang mangyyari sayo kapag niloko mo din ako." Inabot niya sa akin ang bato na nakabalot sa pouch bag.

Nanginginig na kinuha ko yun. Napaka traydor ko. Ang sama-sama kong tao. Sarili ko lang iniisip ko.

"Remember our deal, or else you'll die." sabi niya bago tuluyang nawala sa harapan ko. Napalinga-linga ako sa paligid. Wala na ni isa sa loob kundi ako.

Napaluhod na lang ako bigla habang umiiyak. Parang hindi ko kaya ang gagawin ko. Ipagkakanulo ko si Avia na wala namang kasalanan. 

Nayakap ko ang tuhod ko saka nilapat ko ang baba ko sa tuhod.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Parang may malakas na pwersa na tumulak dito dahilan para masira ito.

"LORELEI?! Lorelei! Lorelei, where are you?!" Rinig kong sigaw ni Aric.

"Aric?" mahina kong sabi.

Naririnig ko ang tunog ng sapatos ni Aric papalapit sa akin. Napahinto siya ng makita ako.

"OH MY GHAD! Lorelei!" Agad siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

"Ano'ng ginawa nila sayo?! Sinaktan ka ba nila?! Are you ok?!" Derederetso niyang tanong. Mas napahagulhul naman ako sa balikat niya. 

Inalalayan niya akong tumayo saka niyakap ulit.

"I-I'm sorry.. I'm sorry hindi ko nagawang iligtas ka." bulong niya sa tenga ko. Tinago ko sa likod ko ang pouch bag saka napahagulgul, hindi dahil sa hindi niya ako naligtas kundi natatakot ako. I'm afraid na baka kamuhian ako ni Aric pakatapos kong gawin ang inuutos ng nilalang na yun kapalit ng buhay ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin sa tinignan ako. He cupped my face saka nilapit ang noo niya sa akin.

"Hinding hindi na it mauulit pa, Lorelei. Simula ngayon lagi na akong sa tabi mo. Hindi na kita hahayaang mapag-isa." he whispers.

Inakay ako ni Aric palabas sa building. Nasa abandonadong factory pala kami. Napakadilim na sa labas at sinalubong namin ang lamig dulot ng hangin.

Nahalata ata ni Aric na giniginaw ako kaya hinubad niya jacket niya at pinasuot sa akin.

Pati pagsakay sa kotse, maingat na pinasakay niya ako. Para akong isang babasagin na dyamante na ayaw niyang magasgasan.

"Tell me everything, Lorelei. Sino yung mga kumidnap sayo?" Tanong niya habang nagdadrive. Hindi ko pwedeng sabihin sakanya.

"A-aric.. Totoo ba ang Transcendal Vampires?" Napapreno siya bigla sa sasakyan. Dahan-dahan siyang napatingin sa akin na parang nagtataka.

"S-sila ba yung kumidnap sayo?" Mahina niyang sabi. Tumango naman ako.

"A-anong sinabi nila sayo?" Tanong niya pa din. Bakit parang may kakaiba kay Aric? Alam kong masasamang Vampira ang kumidnap sa akin. Pero bakit kailangan niya pang magulat?

"T-they.. he wants me to his constant Blood Donor." mababa kong sabi.

"What?" Mahina ngunit mariin niyang sabi. May kung ano pa siyang binulong pero hindi ko gaano narinig.

"Aric? Aric may alam ka ba tungkol sakanila at sa magulang ko?"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Sabi nila, ang parents ko daw ay isang blood donor din nila. Pero nagig traydor daw ang magulang ko at nakisapi sila sa magulang mo. Totoo ba yun?"

"Hindi mo pa kailangan malaman, Lorelei." sabi niya.

"AT BAKIT HINDI?!" Sigaw ko. Later kong narealize kung ano ang action ko kaya nagsorry ako sakanya.

"Ang mga Transcendal Vampires. Sila yung mga taong umiinom ng dugo ng tao, pero sa isang particular person only. Hindi sila vampires. They are living in a lifestyle of Vampire pero tao sila. They have power kasi meron silang amulet from voodoo. Namumuhay sila ng matagal dahil sa isang dugo ng tao na malinis. Hindi lang sa dugo.. kundi pati sa kalooban." he explained.

"Alam mo bang Blood donor nila ang parents ko?" Tanong ko pero hindi siya umimik.

"..So alam mo pala talaga pero hindi mo man lang sinabi sa akin?" Hindi ko makapaniwalang sabi. Tumingin siya sa akin at hinawakan niya ko. Agad ko namang iniwas ang kamay niya.

"Lorelei--"

"All this time?! May alam ka?! Kaya ba gusto mo akong tulungan hanapin kung sino ang killer ng parents ko kasi may alam ka talaga?!" Sigaw ko sakanya. Napahawak ako ng mahigpit sa puch bag na na may lamang bato.

"Sasabihin ko naman sayo pero--"

"Pero ano?! Ano, Aric? Ang totoo niyan, wala kang balak sabihin sa akin! Dapat nga matuwa ako kasi kusang yung killer nila mommy at daddy ang lumapit sa akin. At alam mo ba?! Hindi na ako makapaghintay na maghiganti sakanila! Alam kong may kahinaan sila! Alam kong mapapatay ko sila!" Sabi ko saka binuksan ang lock ng pinto saka umibis sa sasakyan.

"Lorelei don't--" Rinig kong sigaw ni Aric pero hinayaan ko lang siya. Mabilis akong naglalakad kahit hindi ko alam kung pasasaan ako. 

Namumuhay muli ang galit sa puso ko. Galit na galit ako at gustong gutso kong maghiganti. Parepareho silang mga vampira! Makasarili. Mga mamamatay tao!

Aric's POV

Hinabol ko si Lorelei kahit ang bilis niyang maglakad. Hindi ko pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko dahil maraming makakakita.

"Lorelei, wait! Let me explain!" Sigaw ko pero parang hindi niya ako naririnig.

"Lorelei, Please??"

Nahabol ko siya saka ko pinigilan ang braso niya. Napalingon siya sa akin at napaatras naman ako. Nanlilisik ang mga mata niya. Galit na galit. 

Nag-iba ang kulay ng mata niya from red to black. Nanlaki ang mata ko.

"LAYUAN MO AKO!" Sigaw niya. Hindi yun boses ni Lorelei. Parang pandemonyo ang boses na lumabas sa bibig siya. Para siyang naposessed.

"Lorelei.." sambit ko sa pangalan niya. Napatingin ako sa pulso niya at may nakita ako tinurukan ng syringe.

"L-lorelei.." sinubukan kong lumapit sakanya pero tinulak niya ako ng pagkalakas.

"HINDI KITA KILALA! UMALIS KA SA PANINGIN KO!!" Galit niyang sabi saka tuluyang naglakad.

She's not Lorelei. She's difinetely not my Lorelei.

..............................................................

A.N: Bukas ulit ang sunod na update. Ok?

Talasalitaan:

BLOOD DONORS- Sila yung kusang nagbibigay ng dugo sa mga vampira or feeling vampira. Hindi inuubos ang dugo nila kaya patuloy silang nabubuhay. Hinahayaan nilang sipsipin ang dugo nila ng magiging amo nila. Yun ang tawag sakanila. Nasa vampires' terminology po kasi yan. :)) Natatawa kasi ako sa nagcomment na anemic daw yung kimudnap kay Nyx.

Transcendal Vampires- Hindi sila talaga vampire. Tao sila na namumuhay bilang vampira para maging malakas at mabuhay ng matagal. Kaya nila ginagawa ang ang voodoo at humahanap ng blood donors kasi kasama yun sa ritual nila.

Voodoo - Is an evil act. Parang ritual to have a power.

PS: Gawa-gawa ko lang po ito. Wala akong pinagbaseha na kwento o ano. Hahahaha.

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top