Chapter 14 - The Blood Donor

Chapter 14 - The Blood Donor

Lorelei's POV

Napasabunot ako sa buhok ko di dahil sa frustation, kundi dahil sa na-sstress ako ni Aric at Trever. Para silang asong bubuntot-buntot sa akin. Nakakainis na. Sabi nga ni Kyla, para ko daw silang napaamong mababangis na aso.

"Alas nwebe na, Nyx. Nandun na daw si Ma'am." sabi sa akin ni Kyla. Nasa canteen kaming apat. Separate ang table namin kay Aric at Trever.

Tumayo ako at tinapunan ko ng masamang tingin ang dalawa. Pero mas lalo akong nainis ng makita kong nag aarm wrstling ang dalawa. And ofcourse, talo si Trever.

"Ughh!" Padabog akong lumabas ng canteen at tumaas na sa room.

Panginoon. Ano po ba ang masama kong ginawa para parusahan ako ng ganito? Huhuhu

"You're late Ms. Park and Ms. Martinez." Sita sa amin ni Ma'am.

"Pasensya na po." si Kyla nagsalita. Umupo na kami saka nagsimula si ma'am mag discuss.

Ako naman, pinaglalaruan ko lang mga daliri ko. Nag-iisip kung ano ang gagawin ko. Kung ano ang consequence kung pipiliin ko si Aric o si Trever.

Kahit kailan, hindi ko pinangarap magkaroon ng love triangle issue.

***

Hapon na ng lumabas ako ng school. Hindi ko na nakita si Aric, o si Trever. Kahit papano hinanap ko sila. Baka mamaya nagpatayan na yung dalawa eh.

Si Kyla naman, ayun. Sinundo nanaman ni Edric. May pupuntahan daw sila.

Palabas na ako ng school ng my lumapit sa aking babaeng ka-school mate ko.

"Ikaw ba si Nyx?"

"Ah Oo. Bakit?" Tanong ko. May kinuha siya sa bulsa niya tapos may inabot sa akin.

"Eto oh. Napag-utusan lang akong ibigay ito sayo. Sige, bye." tapos tumalikod na siya.

Curious, binuksan ko ang maliit na box. Isang note at lumang picture at may vintage necklace.

Block 2, Route 45, Green Street.

Yun yung nakalagay sa maliit na note. Kinuha ko yung kwintas saka ito tinignan. Para siyang ruby pero lumang luma na talaga. Binalik ko siya sa box at tinignan ko naman yung litrato.

Matagal bago ko marecognize kung sino yung sa picture.

Nanghina bigla ang mga tuhod ko at para akong nagpapawis ng malamig. It was my mom and dad. Nakaupo si mommy at suot niya ang kwintas na nasa box at si daddy naman nakatayo at nakahawak sa balikat ni mommy.

Sinong nagpadala nito?

Para naman akong nag-panic. Ano na ang gagawin ko?! Should i call Tito Kent? Si Aric? Where's Aric?

Lumakad ako papasok sa building. Baka nandito lang siya sa loob. Nilakad ko ng mabilis palibot ang school. Aric i need you. Ngayon kita kailangan, please magpakita ka sa akin.

Nakarating na ako sa Anatomy lab pero wala akong makitang Aric. Kung kailan ko siya kailangan, dun ko pa siya hindi mahanap.

"Miss Park.."

Napalingon ako sa boses na nanggaling and it's difinetely not Aric's voice.

I was about to looked at the person nang makaamoy ako ng kakaiba. Naramdaman ko na lang na may panyong humarang sa ilong ko.

And that's when i passed out.

***

Avia's POV

'I like you.. and i wanted to marry you.'

'I like you.. and i wanted to marry you.'

'I like you.. and i wanted to marry you.'

'I like you.. and i wanted to marry you.'

'I like you.. and i wanted to marry you.'

"AHHHHH~" Bakit ba hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Kier? At bakit affected ako masyado? Kasi naman siya eh! Kung maka-propose. Nagmamadali ba siya? May humahabol ba sakanya?

Kanina pa ako nakauwi dito sa bahay ni kuya at hanggang ngayon ume-echo pa din ang boses ni Kier sa utak ko.

"Avia? Avia ok ka lang?" Napasimangot ako ng makita si Wynner. Inismiran ko siya saka umalis. Lumabas akong bahay para makasagap ng fresh air. Mag-gagabi na at wala pa si Kuya at Edric. Akala ko nga pagdating ko kanina wala dito si Wynner.

"Avia mag-usap naman tayo oh." rinig kong sabi niya.

"Wag mo nga akong sundan!" sigaw ko ng hindi siya tinitignan.

"Please?" he plead. Tumigil ako at hinarap siya. Nakita kong seryoso ang mukha niya at parang nag-aalala ang mukha.

"Ano'ng gusto mong pag-usapan natin?! For kissing me!? Yun ba ang gusto mong topic natin?!" i almost shout at him.

"I wanted to apologize. Sorry for what i've done. Hindi ko yun sinasadya. I don't know what's got into me to do that to you. There's just this strong lust inside me to kiss you." Napamaang ako sa sinabi niya.

"You're crazy." i muttered.

"Maybe i am. Baliw nga talaga ako. Baliw ako for not treating you right. Baliw ako for not considering your feelings, lalo na't isa kang damphyr, you think like human and you feel like human. And i am so sorry for being an asshole to you."

"Sorry won't change my expression on you. Bata pa lang ako palaisipan na sa akin kung bakit ganun mo ako tratuhin! Bakit? Kasi damphyr ako? Mababa ba ang tingin mo sa akin dahil dun?" sumbat ko sakanya.

"Hindi Avia. Mataas ang tingin ko sayo. Bilib nga ako sayo eh. Kasi kahit ganito pakikitungo ko sayo, hindi mo ako pinapatay." he chuckles kaya medyo naging light ang heavy emotios sa paligid.

"Mahal ko si Tita Maxhene at Tito Denver kaya hindi ko yun magawa. Sorry pero walang patutunguan itong usapan natin kaya kung pwede ba? Umalis ka na at marami akong iniisip." sabi ko saka ko ulit siya tinalikuran.

Akala niya siguro mahuhulog nanaman ako sa mga bitag niya? Minsan na niya akong nauto noon na sabi niya nagsisisi siya sa lahat ng ginawa niya sa akin. Pero binaliktad niya ang lahat nung kaharap ko na sila mommy. He said piapatawad niya na ako sa pang-aaway ko sakanya. At ako ang lumabas na masama sa tingin nila mommy at daddy.

"Dahil ba yan sa proposal niya?" Bigla niyang sabi. I frozed. How the hell?! Galit na nilingon ko siya.

"You followed me?!" I said angrily. He gave me a smug look. That's what i thought. Balik nanaman siya sa pagiging hambog niya.

"I can follow you wherever i want to." he smirked.

"You jerk! Kailan mo ba ako titigilan ha?!"

"Until matupad yung sinabi ko noon na magpapakasal tayo." he smirked again.

"Hinding hindi yun mangyayari. Mas gugustuhin ko pang makasal sa palaka kesa sa isang vampirang tulad mo!" i retorted.

"So do i have to turn him into a frog?!" he said and grinned.

"What do you mean?!

"You said mas gusto mong magpakasal sa palaka. Eh di gagawin kong palaka yung lalaki mo?!" And there, i saw his infamous evil grin.

"You don't have the power!" i shouted at his face. Sa sobrang galit ko, bigla na lang na may pumalibot na apoy na pabilog sa akin. Hindi ko alam kung napaano pero namumula ang tingin ko ngayon kay Wynner at gustong gusto ko siyang patayin ngayon.

"A-avia! Ano'ng nangyayari sayo?!" Nag-aalala niyang sabi. Napatingin ako sa kamay ko at meron ding apoy dito. Hindi ako nagdalawang isip at binato ko yun sa harap n Wynner!

"Subukan mong guluhin pa ang buhay ko! At hindi lang apoy ang itatapon ko sa harapan mo!" mariin kong sabi saka nagteleport papasok sa bahay.

Nakapasok na ako sa bahay at ganito pa din ako, nag-aapoy ang kamay at pula ang tingin ko sa paligid. Kahit kailan hindi ko pa ito naramdaman.

Para akong sinasakal dahil sa hindi ko ma-control ang sarili kong kapangyarihan. Tumakbo ako papunta sa may bintana at sinilip ang langit.

It's fullmoom. At parang hinihigop ng buwan ang kapangyarihan ko!

Napahawak ako sa leeg ko. My power is overtaking me. I can't.. i can't.

"W-WY..WYNNEEEEER!"

***

Aric's POV

Napatingin ako sa orasan ng kwarto ni Lorelei. Bakit ba wala pa siya? Susurpresahin ko sana siya kaya hindi ako nagpakita sakanya ngayon. Alas otso na ng gabi at ang alam ko, dapat nakauwi na siya.

Medyo kinakabahan ako. Baka may nangyari nanaman sakanya. Dapat hinintay ko na lang siya sa school eh. This is fvching Trever's fault. Kailangan ko pa siyang suntukin para lang mailayo sakanya si Lorelei. Don't het me wrong i just did the right thing.

Nang mag-vibrate ang cellphone ko, agad ko itong kinuha sa bulsa ko. Dalawang magkasabay na text galing kay Lorelei at Avia.

From Avia:

Dude, may nangyari kay Avia. Uwi ka agad. Wynner to.

Ha? Ano'ng nangyari kay Avia?

From Lorelei:

Prince Aric Drake Kang,

Block 2, Route 45, Green Street.

Napakunot ako. Bakit tinext ni Lorelei ang buo kong pangalan at may, address? Para saan ito?

Nag-vibrate ulit cellphone ko and another message nanaman. This time, MMS na.

I gasped seeing the MMS.

Si Lorelei. My Lorelei is tied up with plaster on her mouth.

"WHAT THE FVCK!"

Sino una kong pupuntahan? Kapatid ko o ang mahal ko?!

***

Lorelei's POV

Nagising ako ng may duck tape sa bibig ko at nakatali sa isang upan. Pinagpapawisan na ako dahil sa kaba. Nasaan ako?! Bakit nila ako kinidnap?!

Gusto kong sumigaw pero hindi sapat ang ungol sa sa nakaplaster kong bibig.

"Gising na po siya, Pinuno." rinig kong sabi ng isang lalaki. Nilibot ko ang tingin ko pero wala akong makita ni isa. Napakadilim at tanging anino lang nila ang nakikita ko.

"Mabuti naman." rinig kong sagot nung lalaki na sa tingin ko ay ang Pinuno nila. Umaalingasaw ang amoy ng usok o yosi.

"Kumusta ka na, Nyx Lorelei Park?!" May tumambad sa harapan kong isang pigura ng lalaki. Hindi malinaw ang mukha niya , tanging katawan niya lang.

Naramdaman kong may lumapit sa aking lalaki at tinanggal ang ducktape sa bibig ko.

"AAAAAAAAHHHHHH~~" Shit! That hurts!

"HAHAHAHAHA. Kaboses mo pala ang mommy mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Paano mo nakilala ang mommy ko!? Kayo ba ang mga walang hiyang pumatay sa magulang ko?!!" Galit kong sabi. Tinawanan lang nila.

"I like you. Matapang ka. Ikaw nga ang kailangan namin." sabi niya tapos tumawa ulit.

"Ano ba ang kailangan niyo sa akin?! Pera ba?! Kailangan niyo ng sasakyan?! Yatch--"

"Marami ako niyan. At baka ikaw pa ang bigyan ko niyan kung gagawin mo ang iuutos ko." Pumalibot siya sa akin saka umungko para lumapit sa amin.

"W-what do you mean?"

"Be my Blood Donor just like your parents. And i will spare your life and your Vampire Prince." he said that leaves a questions in my mind.

..............................................................................................................

A.N: Nag-update nanaman ako. Next week kasi busy na ako ng bongga kaya sinusulit ko na para sa inyo.

So tama na muna tayo sa kilig kilig at pumunta naman tayo sa kontng action at sa totoong genre ng storyang ito. :))

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top