Chapter 13 - Secrets
Chapter 13 - Secrets
This chapter is dedicated to one of my avid reader Jamille Galitche Desiatco. Sayang offline reader siya. :( Ang saya mong ka-chat sa fb :)) Pinasaya mo talaga ako. hehehe Hugs and kisses. Mwaah! <3
Avia's POV
Tinulak ko ng marahan si Wynner. This time, he let me walk away. And again, naramdaman ko ulit yungginawa niya nung mga bata pa kami. Pero iba na ngayon, mas galit ako. Hindi lang sakanya kundi pati sa sarili ko. Ang hina ko para hindi maglaban. I should have kill him if a have a chance. Pero kaibigan siya ng kapatid ko. Mahal siya ng parents ko.
"I'm sorry." i heard him whispered pero hinayaan ko lang siya. Tuluyan akong lumabas ng bahay.
Agad kong dinial ang number ni Kier ng makalabas akong gate.
[Oh Avia? Ikaw ah.. Excited ka atang makita ako.] i heard him say on the other line. Kahit naiiyak ako, hindi ko mapigilan ang mapangiti.
Napunasan ko ang mga luha ko sa mata. Kung bakit kasing umiiyak kaming mga damphyr.
"Kier, can you pick me up? I know 10 ang usapan natin pero--"
[Sure. What's your address?]
"Itetext ko sayo. Please hurry."
[I will.]
"Ok. Bye." then i hang up.
Nilakad ko palabas ang subdivision habang nagtetext kay Kier para sa address. Sa shed n lang ako maghihintay sakanya. Ayoko pang sundan ako ni Wynner. Naiinis pa din ako. Gusto kong magwala. Gusto kong may pagbuntungan ng inis ko.
Isang white 2014 Acura RDX ang tumambad sa akin habang naghihintay ako sa shed. Hindi naman ito yung sasakyan ni Kier na ginagamit eh.
"Aviaa~" Sigaw niya habang binababa ang bintana.
"Uy Kier." Siya pala. I thought iba.
"Sakay na." he said at binuksan sa loob ang lock. Agad akong sumakay saka sinarado yung bintana.
"Iba ata itong dala mong sasakyan?" tanong ko habang nagdedrive siya.
"Hehehe, nahiram ko lang." napapakamot niyang sabi. Para siyang nahihiya kaya hindi ko napigilan ang mapangiti.
"Ang bait naman ng nagpahiram sayo." biro ko sakanya dahilan ng pag-ngiti din niya.
"Kumusta ka na?" Segue niya.
"I-i'm.. i'm fine." sabi ko saka tumingin sa labas. Hindi ako ok.. May nagpapagulo sa isipan ko.
"Are you sure? Parang hindi eh."
"Yep. Absolutely perfectly sure." i gave him a wide smile, a fake smile.
"Saan ba gusto mong pumunta?" tanong niya.
"Anywhere. Basta gusto kong makalayo dito." sabi ko sakanya. Tumango naman siya tapos biglang iniliko ang sasakyan sa isang intersection.
"Saan na to?"
"May pupuntahan tayo." he beamed at me. Hinayaan ko na lang siya tutal may tiwala ako kay Kier. May mas tiwala na nga ako sakanya kesa kay Wynner eh.
Napailing ako bigla. Hindi ko dapat iniisip ang Wynner na yun. Ang dami na niyang kasalanan sa akin at dapat lang na magalit ako sakanya. Kung hindi ko nga lang iniisip ang sasabihin ni mommy at daddy, matagal ko na sana siyang sinumbong.
Huminto ang sasakyan sa isang flower shop saka bumaba su Kier.
"Dito ka na lang. Madali lang ako." sabi niya saka sinarado ang pinto.
Pumasok siya sa shop at may kausap na babae. Hindi ko man marinig kung ano ang pinag-uusapan nila, alam kong humihingi ng suggestion si Kier sa babae.
Paglabas niya ng shop dumeretso niya sa compartment ng sasakyan saka nilagay dun yung bulaklak. Umikot nanaman siya at sumakay na sa drivers seat.
"Peonies yung mga binili mo?"
"Yes. It's my mom's favorite." he said. Biglang nanlaki mata ko sa excitement. He never mentioned his mom. Siguro maganda siya kasi ang gwapo gwapo ni Kier.
"Excited na akong makilala siya." sabi ko.
"You'll meet her. Malapit na din naman tayo." sabi niya saka nagdrive na ulit.
Ang ganda ng mga dinadaanan namin. Wala gaanong bahay pero maraming garden sa gilid. Ang sarap mag stop over at mamitas ng bulaklak. Nakita kong may puno sa gitna ng garden na yun at may swing na gawa sa goma at isang maliit na lamesa at upuan na pwedeng pag picnican.
Pumasok kami sa isang napakalaking gate na nagbukas ng sarili. Isang napakalaking bahay ang tumambad sa akin. Malalaking topiary ang nadadaanan namin. Meron ding topiary maze sa gitna. Ang ganda dito.
May lumabas naman na mga nakauniform na sa tingin ko ay maid.
"Young Master. Mabuti po at nabisita kayo dito." Nakangiting sabat sa amin ng isang matandang lalaki na nakatuxedo.
"Butler John." they had a quick hug saka natuun sa akin ang tingin niya.
"Oh my bad. This is my friend, Avia. Avia this John, siya yung namamahala sa mansion kapag wala ako." nakangiting sabi ni Kier kaya napatango lang ako.
"Friend? Akala ko pa naman hijo girlfriend mo na. Natutuwa ang senyora kapag nalaman niyang may girlfriend ka na." masayang sabi ni John. Pareho kaming natawa ni Kier.
Pumasok kami sa mansion nila na parang isang palasyo na. Ang laki, though mas malaki ang palasyo namin hindi ko pa din mapigilan ang hindi humanga sa ganda ng mansion.
Giniya kami ni John sa likod ng mansion at doon ko nakita ang mas magandang garden kumpara sa front yard nila. Para siyang paraiso. Ang gandang pagdausan ng party. At nakakawala ng problema.
Nawala ang mga ngiti ko sa labi ng makita ko kung saan ako dinala ni Kier.
TOMBSTONE.
Isang tombstone ang tumambad sa akin.
MARIELLA A. FORD
"She's my mom." Kier said pero hindi pa din ako makapagsalita. I thought.. i thought buhay pa siya. Kasi kung mag-usap kanina si Kier at John parang buhay pa ang mommy niya.
Nilapag ni Kier ang peonies saka nag injan seat. Ginaya ko siya saka tumingin sakanya.
"What?" nakangiti niyang sabi.
"Kailan pa?" malungkot kong tanong. Nawala ang mga ngiti niya sa labi at biglang nalungkot.
"3 years ago. Hindi naman siya dapat mamamatay. She saved me. Dapat ako ang nasa ilalim ng tomb na ito. Siya dapat ang nabubuhay." mapait niyang sabi.
Umusog ako ng konti sakanya saka ko hinaplos ang likod niya.
"I-i'm sorry.." i said.
"Hanggang ngayon hindi ko pa lubos maisip na ako nabuhay at siya hindi. Hindi ko man lang sakanya nasabi kung gaano ko siya kamahal." may konting luhang lumabas sa mata niya pero napahid niya agad.
"She's a mother, Kier. Mas gugustuhin niyang ikaw ang mabuhay kesa makita ka niyang mamatay. Ganyan ang mga magulang." i tried to comfort him pero umiling siya.
"I'm not a good son to him. I never treated her the way i should treat a mother. Galit kasi ako noon sakanya. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang papa." sabi niya. Napakunot ako.
"What do you mean, Kier?"
"Sorry kung hindi ako naging honest sayo, Avia." he sigh.
"..Hindi totoong illegitimate grandson ako ng lolo ko. Sinabi ko lang yun kasi.. kasi.. ewan. Kasi gago ako." he smiled bitterly. Me too Kier. Hindi rin ako honest sayo.
"..My granpa loves me so much. Ako lang naman itong lumalayo eh." Naalala ko yung text ng lolo niya na parang concern so yun pala yun.
"..Alam mo bang iniwan ni Mommy si Papa para sa career niya sa London. Isang ballet dancer ang mommy ko noon. Iniwan niya kami ni Papa when i was 8. Si Papa naman sinundan si mommy. That's when.. that's when.." he started sobbing kaya nayakap ko na siya. Pati ako naiiyak na din.
"..May airline business ang papa kaya siya ang nagpalipad ng private jet namin ng mag-isa. Ng nakainom para sundan si mommy sa london. He lost control and.. he crashed." Hindi ako sanay na makitang ganito si Kier. Mas gusto ko yung palangiting Kier.
"..I started hating my mom dahil dun. Pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko siya patatawarin."
"..But, it was my 21st birthday. Nagkaroon ng party sa bahay ni granpa. Nagpakita ang mommy ko. Nung una hindi ko siya agad nakilala. Granpa welcomed her like nothing happen. Pero nagmatigas kao, galit pa din ako sakanya. Sinisisi ko pa din siya."
"..Pinagtulakan ko siya palabas. Hanggang sa napunta siya sa kabilang kalye. Hindi ko alam na may paparating na truck then everything was a blur.
"..Nakita ko na lang sarili ko sa hospital bed. Masakit ang dibdib, may tinahian." My eyes widened.
"..M-may sakit ako sa puso, Avia. Habang nirerevive ako, my heart silently aching. The doctor said, they almost lost me. Sana nga yun na lang ang nangyari." Napahawak siya bigla sa dibdib niya at napapikit.
"..My mom donated her heart.. to me. Ang isang anak na walang nagawa kundi ang kamuhian ang ina. Ang sakit-sakit. Kasi nung nagising ako, agad kong naisip si mommy. Sabi ko, this is my second chance kaya bibigyan ko din siya noon. I am too late." Hinigpitan ko ang yakap sakanya.
"..Hanggang ngayon, weekly ako nagpapa-check up. Hindi stable ang heart ko, Avia. Wala akong taning. Pero anytime pwede akong atakehin sa puso. Another heart transplant won't do. Hindi na daw tatanggapin ng katawan ko." he wipe his tears saka tumingin sa akin.
"..That's the reason why i travel a lot. That time when you first time saw me, nasa travel ako nun kaso nasiraan ako. And i am lucky to find a travel partner like you." he beamed at me.
Para namang nanuyo ang lalamun ko. Hindi ko magawang magsalita. Sinabi sa akin ni Kier ang lahat. At ako naman, parang naguilty. Ngayon na pinagkatiwalaan na niya ako sa mga secreto niya, hindi ko magagawang sumama-sama sakanya kung ako hindi honest sakanya.
Nakipagkita ako sakanya para sana may mapagsandalan ng problema ko kay Wynner, pero heto ako ngayon. Comforting someone. Mas mabuti na din siguro ito. Ayoko siyang bigyan pa ng dalahin. He's not a healthy person kaya hindi ko siya bibigyan ng dahilan para sumama ang pakiramdam.
Nagulat ako ng tumayo si Kier at hinatak ako.
"Tara.." nakangiti niyang sabi.
"Ha? Saan?"
"Basta"
Tumakbo siya habang hila-hila ako.
"U-yy! K-kier! Saan ba tayo pupunta? Tsaka.. pwede ka bang tumakbo? Baka.. baka.." huminto siya saka natatawang tumingin sa akin.
"Para kang si Granpa. Stop worrying about me, ok? This is the reason kaya ayaw kong sabihin sayo. I don't want to be treated like this. Gusto
kong mamuhay like a healthy person."
"Concern lang ako." sabi ko naman.
"Hahaha. Mabubuhay pa ako ng matagal. Tara na at may isa pa akong secreto na sasabihin sayo." excited niyang sabi.
Tumakbo ulit kami. Hanggang sa makarating kami sa isang kahoy na akod. May maliit na gate doon saka niya yun binuksan.
Tumakbo nanaman kami hanggang sa marating namin yung garden na nakita ko kanina. Ang ganda niya sa malapitan. Iba't ibang bulaklak.
Binitawan ako ni kier ata ko naman huminto para pumitas ng isang Magnolia.
"Tignan mo ito oh, ang ganda--" Napalingon ako pero wala na si Kier. Hala? Saan yun nagpunta? OMG! Baka nahimatay na yun!
May matataas pa namang bulaklak kaya baka natakpan siya. Kasi naman siya eh! Bakit pa siya takbo ng takbo!
"KIER! KIER ASAN KA!"
Pumunta ako sa may puno at swing pero wala din siya. Kung bumalik kaya ako sa mansion nila? Baka nandun siya. Pero bakit naman niya ako
iiwan ng mag-isa?
"Kier! Kier! Kier naman eh!" Nagpalibot-libot ako pero hindi ko siya makita.
"Kier! Nag-aalala na ako sayoo~" Naupo na lang ako bigla sa swing at parang maiiyak. Paano kung inatake pala siya?
"Totoong bang nag-aalala ka sa akin?"
"Kier!" Agad akong napalingon sa likod ko. Si Kier nakangiting nakatayo sa likod ko habang ang isang kamay sa likod.
"..saan kaba pumunta?!" Naiiyak ko ng sabi. Lumapit siya sa akin.
"Nag-alala ka talaga?" he smiled. He looks amused.
"K-kasi.." nagbawi ako ng tingin sakanya. Bakit ako kinakabahan na malapit siya sa akin. Tumambad sa akin ang isang daffodil na bulaklak.
"For you.." he said smiling.
"T-thank.. thank you.." I'm stuttering and this is not ok.
"Avia, may isa pa akong secreto na sasabihin sayo." biglang nagseryoso siya.
Kinabahan ulit ako. Baka kung anong rebelasyon nanaman yan.
"A-ano yun?"
"I like you.."
WHAAAT?!
"..and i wanted to marry you."
.............................................................................
A.N: Hindi ko man magawan ng sariling book ang Love story ni Avia, ginawan ko naman siya ng whole chapter.
I am trying my best na mag update agad pero busy po talaga ako. May consequence din kasi kapag matagal akong mag update. First, kapag may nakakalimutan ang scene. Halimbawa, sinabi kong 21 years old si Lorelei pero 18 pala yung una kong nasabi. Mga ganun. Kaya nahihirapan din po ako kapag matagal akong hindi nagsusulat kasi kailangan kong basahin ulit yung last update ko para tumugma sa isusulat ko. Hindi po madaling magsulat. Sinasabi ko ito kasi kapag magbubukas ako ng wattpad acc ko, maraming PM sa akin ng 'UPDATE' taz mga nakaka offend pang mga sinasabi. Nahuhurt din naman ako.
Tapos yung nagsasabing isa akong snob na author. HINDI PO TOTOO YAN! Nagrereply ako sa facebook account ko. Marami na akong naging kaibigan na reader ko. Hanapin niyo po yung Thyriza Wattpad at lagi akong online dun.
So yun lang.
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top