Day 1: World's Distraction PART 3

~KAI'S POV~

        Naglalakad kami ng dahan dahan at pinakikiramdam ang bawat sulok ng makitid na daan papunta sa security room. 

        "Hindi ko akalain na meron palang secret hallway na kagaya nito."  banggit ni Rich habang namamatyag.

        "Dito kasi nagoopisina yung may-ari nang mall." Sabi ni Lizzy.

        Nagkatinginan kami ni Rich sa isa't isa dahil sa sinabi niya.

        "Opisina itong part na ito ng mall?" Napatingin lang ako sa kaniya.

        "Oo kahit saan ka naman pumunta mall meron opisna noh." Sabi niya samin.

        "Dapat pala dito ako nag apply ng trabaho at least paglabas ko nasa mall na ako." Pabirong sabi ni Rich.

        "Maniwala ka makakasawa din mahirap magtrabaho sa mall lalo na pag holidays." Sabi ni Lizzy. "Nandito na tayo."

        Sabay turo ni Lizzy sa may direksyon ng security room. May na pansin kami na parang may gumalaw sa loob kasi ang pinto ng meron glass window pero malabo ito. Tumingin kami sa palig nang kahit anong gamit namaari namin ipang hampas kung sakali na ang lubas sa loob ay zombie. Dahan dahan kaming lumapit sa may pinto si Lizzy ang pinalapit namin upang siya ang mag bukas ng pinto para kung sakali man na zombie talaga ang lumabas doon ay kahit papano maproprotektahan namin siya.

        "Magbibilang ako ng  tatlo bago ko bukasan humanda kayo. ha." Pabulong na sabi ni Lizzy samin.

        Habang naghahanda na kami ni Rich sa kung ano man ang pwdeng manyari sa oras na bukas na ni Lizzy ang pinto.

        "Isa.... Dalawa... Tatlo!" At binuksan na ni Lizzy ang pinto.

~END OF KAI'S POV~

~HARU'S POV~

        Hindi namin aakalain na may makikita kaming tao dito sa lugar na ito pero anong part na ba ito ng mall?

        "Pwde bang mag tanong ano part ba ito ng mall?" Tanong noong sales lady na kanina pa namin kasama.

        "Opisina kasi ito ng mall."  Sabi noong isang babae.

        "Buti nga konti lang nakakaalam pano pumunta dito pwde tayo magtago dito at magkapagisip kung papaano tayo makakalis ng mall."  Sabi noong isang lalaki.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~KYAAAAAAAA!!!!!~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

        Napatigil kami sa paglalakad noong narinig namin yung malakas na sigaw na naggaling sa security room na hindi kalayuan sa puwesto namin.

        "TARA PUNTAHAN NATEN!" Sabi ko sa kanila sabay takbo ko papunta sa security room.

        "HARU! BUMALIK KA DITO!!" Sigaw ng aking senpai. Pero tuloy parin ako sa pagtakbo ko papunta doon.

        Noong nakarating na ako doon nakita meron tatlong tao pinapaligiran ng mga zombies. Agad kong binunot ang espada ko at sumugod para tulungan sila. Isa isa ko hinati ang katawan ng mga zombie pinutol ko ang braso, hinati sa gitna, pinutol ang mga ulo hangang hindi na ito nakakilos. Hindi ko na napasin na puro dugo na ang semyento pati na rin ang aking damit.

        "Ayos lang ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

        "Oo Salamat." Sabi noong lalaking itim ang buhok.

        "HARU!" Sigaw ng senpai ko sakin na sinundan ako.

        Napatigil siya ng konti at tinignan ang paligid nakita niya ang maraming putol na katawan ng zombie nakakalat sa paligid at saka niya ako tinignan at agad tumapit.

        "Haru ano ba nasa isip mo agad kang tumakbo pano kung mas marami ang  zombie na nakaharap mo napahamak ka pa." Alalang sabi niya sakin.

        "Sa tingin ko hindi mo naman kailangan magalala masyado tignan mo nga yung ginawa niya. Parang pumunit lang siya ng papel." Sabi noong foreigner na lalaki.

        Napahawak na lang sa ulo si Kazuhara-senpai.

~END OF HARU'S POV~

~LIZZY'S POV~

        Nagulat kami noong biglang may dumating na babae na may hawak na samurai at pinatay yung mga security guard na zombie. maya maya biglang bumami kami dito. 

        "Salamat nga pala miss." Sabi ni Rich doon sa babae na tumulong samin kanina.

        "Oi!! kayo dyan kailangan niyong makita ito!" Sigaw noong isang teenager.

        Agad kami pumasok sa loob ng security room at nagulat sa nakita namin.

        "Nasa mundo tayo ng zombie!!" Sabi noong isang lalaki at napahawak na lang sa kaniyang ulo.

        "Ano bang nanayayari?" Sabi noong may edad na babae.

        Hindi kami makapaniwala sa nakikita namin sa monitor ang bawat nanyayari sa loob ng buong mall. kitang kita mo ang dati puno ng tao ay ngayon isang lungga na ng isang malaking groupo ng zombies kahit saan kang tumingin kita mo ang kung gaano na sila karami.

        "Makakaalis pa ba tayo ng buhay dito?" napaupo na lang yung teenager sa semyento.

        "Dito na tayo mamatay!" Sabi noong sales lady.

        "Teka tignan ninyo yung monitor 8 walang masyadong zombie." habang turo ni Rich yung monitor. "Saan banda ng mall yan?" 

        "4th floor. sa may cinema area." Sabi noong lalaking mukang hapon.

        "Cinema area? Hindi ba malapit yung shop mo doon Kazuhara-senpai." Sabi noong babaeng nagligtas samin.

        "Oo malapit nga." Sabi noong lalaki.

        "Teka hindi ba magkahiwalay ang cinema 1,2,3, at 4? So saan banda yan?" Tanong noong british na lalaki.

        "Sa may Cinema 3&4 kung saan madalas ang hindi patok na mga movie ang pinapalabas." Sabi noong babaeng hapon.

        "Teka ano ba palabas sa cinema 1&2 ngayon?" Tanong ni Rich.

        "Hunger Games: the Mockingjay part 1 at X-Men days of future past." Sabi ni Kai.

        "Dumog nga yan! sa Hunger Games palang eh." Sabi ni Rich.

        "Meron malapit na parking area dyan. Baka pwdeng..." Sabi ni Kai.

        "Tignan ninyo malinis ang parking lot sa lahat ng floor meron konting zombie pero hindi naman ganoong karami. Ang problema ay yung sa labas ng mall." Sabi noong babaeng hapon.

        "TEKA! Huwag ninyong sabihin na nagbabalak kay pumunta doon?" Tanong nong matandang babae.

        "Kung yun lang ang tanging paraan para makaalis dito sa loob ng mall." Napahinto si Rich ng konti. "Wala tayong magagawa kung hindi pumunta doon."

        "Tama siya doon." Sabi noong lalaking hapon.

        "Bali na kayo!" Sabi noong matandang babae.

        "Ito lang ang tanging paraan para makaalis dito. Pero sa tingin ko na kailangan natin magplano kung anong ruta ang daanan natin kasi mahirap na ang padalos dalos sa panahon na ito. at ang malala gumagabi na rin. mas mahirap gumala gala sa dilim dahil hindi natin makikita ang mga zombies." sabi ko sa kanila.

        "Pambihira sa sobrang kaguluhan hindi na natin napasin ang oras." Sabi ni Rich.

        "Sangayon ako kay...." Nakatingin sakin yung british na lalaki. "Lizzy" sabi ko sa kanya. "Kay Lizzy. Magplano tayo. at magtake shift tayo sa pag babantay baka paggcing  natin ng umaga nabalibutan na tayo ng mga zombie. Ako nga pla si Rey." Sabi ni Rey.

        "Ako si Koichi at ito naman si Haru." Sabi ni Koichi habang tinuturo si Haru.

        "Ako naman si Kai at ito naman si Rich." Sabay turo ni Kai kay Rich.

        "Sige Magplano na tayo. Yung iba magpahinga at magbantay kayo huwag kayo lalayo sa isa'isa." Sabi ni Rich.

        Nagbikit bkit kami at ang iba ay nagmamatyag habang yung iba ay nag plaplano.

~END OF LIZZY'S POV~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HI Guys so far nagiging excited na ang sorry noh XD Sana maenjoy ninyo ang Zombie story ko XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top