Day 1: World's Distraction PART 2
~LIZZY POV~
Dahil sa sobrang kaguluhan na nagaganap nakarating kami sa SAVEMORE super market na nasa east wing ng 3rd floor ng mall.
Makikita mo ang mga pagpapanic buying ng mga tao sa loob ng super market pero ito ay mas magulo kaisa sa normal na araw ng isang SALE ng mall pero hindi mo kailangan magbayad ng mga binili mo.
"Tara kumuha na rin tayo ng mga kailangan natin hindi natin alm kung ang mga manyayari at bago pa dumating yung mga yun dito." Sabi noong lalaking kasama noong isang lalaking brown ang buhok.
At agad naman kaming nakigulo para kumuha ng mga kailangan namin kagaya ng tubig, gamot at pagkain. noong naka labas na kami ng super market nakita namin ang isang tumpok ng mga nangaain ng tao napapunta na sa direksyon ng super market.
"Tara na! Takbo!" Sigaw noong lalaki.
Tumakbo kami papunta sa north wing noong nakita namin sa unahan namin ang mahigit na sampong mga zombie sa dereksyon na yun at kasalukuyang papalapit sa amin.
"Buwiset! Doon pa naman ang may pinkamalapit na eskaletor." Maktol ng lalaki.
Tumingin ako sa paligid ko nakita ko ang sign ng CR sa may malapit naalala ko noong inoorient kaming mga bagong empleyado na tinuro sa amin ang mga emergency exits ng buong mall at kadalasan ang emergency exits ay nasa may tabi o kabilang side lang ito ng CR. Kaya tumingin ako sa kabila at nakita ko ang Emergency Exit. AYUN! Sabi ko sa sarili ko. Agad kong hinila yung dalawang lalaki papunta sa kabilang side.
"DITO! DALI!" Sabi ko sa kanilang dalawa.
Agad agad kaming tumakbo isa isa sa mallit na ispasyo kung saan naroon ang Emergency Exit. At pagkabukas ko ng pinto ay agad din sumunod yung dalawang lalaki nakasama ko at agad kong sinara ito at nilock para hindi sila makapasok.
"Tama ba na sinara ko ang pinto?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
Napatingin sila sakin at sumangayon naman sila.
"Pero pano yung iba? Hindi ba natin sila tutulungan?" dagdag kong tanong.
" Mahirap na bukasan pa yang pinto kasi hindi naman natin masisigurado na hindi yung mga Walking Dead ang sasalubong sa atin." Sabi noong lalaki.
"Walking Dead talaga Rich?'" Tanong noong kaibigan niya.
"Eh anong gusto mong itawag doon? thriller parang sa kanta lang ni Michael Jackson? Ha? KAI?" Tumigil siya saglit para huminga ng konti. "Eh kita mo naman na parang sila lang yung mga zombie sa series na The Walking Dead." Pahabol niyang sabi.
"Pe-" Napatigil siya sa sasabihin noong biglang may tinuro yung kaibigan niya.
"Bakit? ano yun?" Tanong ko doon sa Rich.
Lumapi siya sa may dingding na may mapa ng buong Mall.
"Magagamit natin ito. Miss may magagamit ba tayong panglaban dito?" Tanong niya.
"Hindi ko alam pero malapit lang ang Security Section dito." Agad kong tinignan ang mapa na nasa tingbing at tinuro ang lugar.
"May malapit din emergency Stairs diyan sa tinuro mo baka pwde tayong makatakas diyan." Sabi noong isang lalaki.
"Oo tama ka. Oo nga pala alam kong hindi tama ito sa sitwasyon pero ako nga pala si Rich at ito naman ang kaibagan kong si KAI." Pakilala noong Rich.
"Ako naman si Lizzy." Sagot ko sa kaniya.
"Lizzy saan ang pinkadulo ng hagdanan?" Tanong noong KAI.
"Sa Boiler Room o mas kilala sa underground parking lot. Sagot ko habang lumipat ako sa kabila mapa at tinuro.
"Ganoon ba pero sa tinging ko hindi maganda kung doon tayo lalabas. Panigurado mas double pa ang mga Walking Dead doon." Sabi ni Rich.
"Oo tama ka. Pero sa ngayon kumuha na muna tayo ng mga gamit natin para maprotektahan naman natin ang sarili natin." Sabi samin ni KAI.
Sumangayon naman kami at agad Kaming pumunta sa Security Section.
~END OF LIZZY'S POV~
~HARU'S POV~
Agad kaming humarang ni Senpai sa unahan pero napansin ko na parang nasa likod ako ni Kazuhara-senpai na parang pinoprotektahan niya ako.
At noong pagbukas ng pinto meron lumabas na isang security guard ng mall.
"Ayos lang ba kayong lahat?'" Tanong niya samin.
"Buti naman at normal na tao ka grabe kinabahan kami doon." Sabi noong isang binata sa likod namin.
Unting Unting may lumalamabas pang ibang tao galing sa Emergency Stairs at parang medyo dumami na tao sa Garden rooftop.
"Yukimura sa tingnin ko kailangan na natin umalis dito." Pabulong na sabi sakin ni senpai.
Nagulat ako sa sinabi niya at napa titig lang ako.
"Kasi naman masyado na tayong marami dito baka mamaya isa ito sa dahilan para mapahamak pa tayo." Seryoso niya sabi sa akin.
"Saang ayon ako sayo." Sabi noong mukhang foreigner na lalaki. "Tara gamitin natin yung Emergency Stairs. Malakas ang kutob ko na mapapahamak tayo pag magtagal pa tayo sa isang lugar." Pabulong niyang sabi sa amin.
Sumang ayon naman si senpai sa kaniya kaya wala akong magagawa kong hindi sumunod sa kanilang dalawa papunta sa emergency stairs. Pagkapasok na pagkasok namin sa emergency stairs bigalang umingay at nagkagulo na sa may garden. Yung foreigner agad sinara yung pinto at nilock.
"HOY! Bakit mo nilock yan!" Sigaw ko sa kanya.
"Pasensya na ayoko rin gawin yan pero pag binuksan natin yang pinto may katiyakan bang isa sa mga taong naroon ay hindi tayo aatakihin. Malay mo kahit makagat ka o masugatan ka manlang maging kagaya ka na noong mga yun. Kailangan din natin siguraduhin ang mga buhay natin."
May punto siya sa bawat salita na binitawan niya. "Pero..."
"Masgugustuhin kong isakripisyo sila kaisa mapahamak ang babaeng iniibig ko." Mahinang sabi ni senpai.
Medyo nagulat ako sa sinabi niya kaya napatitig naman ako sa kaniya.
"Tara bumaba na tayo." Sabi ni senpai at agad silang naglakad pababa ng hagdan.
Lumingon ulit ako at pinagmamasdan ang pintuan at ang mga sigaw ng maga tao sa kabila na nag mamakaawang pagbuksan sila ng pinto.
Biglang may humawak saking kamay kaya napalingon ako.
"Alam kong hindi tama ang ginawa natin pero Yukimura hindi ko kakayain na mapahamak ka o mamatay sa harap ko. Pasensya na alam ko rin hindi ito ang tamang oras para sabihin ito pero mahal na mahal kita. Kaya gagawin ko ang lahat para maprotektahan kita kahit isakrepesyo ko ang sarili ko para lang makaalis ka lang sa lugar na ito gagawin ko yun." Lumapit pa siya ng konti sa akin at nilapit ang kaniyang mukha para sa eye level ko kung saan makikita ko ang kaniyang buong mukha na labis na nagalaala.
Napatungo na lang ako at napahikpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa kamay ko habang dahan dahan kaming naglakad papababa ng hagdanan.
~END OF HARU'S POV~
~REY'S POV~
Napansin ko yung lalaki na may gusto doon sa babae kaya nauna na akong bumama sa kanila na isip kong bigyan sila ng kontin panahon na magkasama sila hangga't pwde pa dahil sa ganitong sitwasyon hindi natin masasabi kung ano ang susunod na maaring manyari.
Badtrip naman kung yung girlfriend ko nandtio panigurado ganyan din ang gagawin ko. Sabi ko sa sarili ko napa hinto na lang ako sa paglalakad ko at napahawak sa mukha ko. Sana ligtas ka April.
May narinig akong maga yapak ng paa na nang gagaling sa 3rd floor ng emergency passege. Napalingon ako sa likod ko para balaan yung dalawa sa likod. Pero mabilis na humarang yung Lalaki sa unahan at tinutok yung samurai sword niya. tinignan niya ako at sininyasan ng "Tahimik lang" napatungo ako at pumusisyon din ng pangaatake habang kami ay papalapit sa pinto.
Dahan dahan kaming lumapit sa pinto at may naririnig kaming mga boses ng mga tao na nauusap. Nagkatinginan kaming dalawa at binuksan ang pinto.
"Jusko! Ano ba! huwag naman kayong susulpot ng ganyan!" Sabi noong isang lalaki.
"Akala ko isa sila doon sa mga kumakain ng tao." Sabi noong isang matandang babae.
"Pasensyan na." Sabi ko habang binaba ko yung baseball bat.
"Saan kayo galing? Sa Garden ba kay-" Patanong noong isang teenage na babae.
"Oo at kasalukuyang ngkakagulo na roon." Sagot noong hapon na lalaki.
"Hala! Pano yan wala na tayong pwdeng puntahan pa." Sabi noong babaeng nakasout ng sales lady sa isang makeup shop ng mall.
"Kayo saan ba kayo galing?" Tanong ko sa kanila.
"Sa 2nd floor kami nang galing naisipan kasi namin na pagbumamaba kami ay mas marami pa mga zombie ang bubungad samin."
"Panugurado yun." Tinignan ko ang paligid at nakita ko mapa na boung mall sa dingding at agad akong nilapitan para makita kung saan pa kami pwdeng pumunta.
"Ito! Dito subukan natin puntahan ito." Tinuro ko ang Security Section kung saan medyo malapit ito sa kinaroroonan namin. "Baka meron tayong makuha na kahit anong gamit na makakatulong sa atin."
Lahat sila ay sumangayon sa akin kaya agad kaming pumunta sa Security Section.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top