Day 1: The Worlds' Destruction PART 4

~KAI'S POV~



Ako ang unang nakaassign na magbanta kasama ung british-filipino na si Rey. Nasa loob silang lahat ng CCTV Room habang kami naman ay nasa kabilang kwarto lang at kasalukuyang nahahanp ng magagamit panglaban sa mga Zombie.



"Ano ba yan wala akong makita magagamit natin kung hindi itong batuta lang. Wala bang baril man dito?" Tanong ni Rey habang naghahanap sa cabinet.



"Oo nga eh... nakakayamot na nga ito." sabi ko hanbang sinasara ang drawer. Napatingin ako kay Rey at nakita ung baseball bat na hawak niya. "Paano ka nakakuha ng baseball bat Rey?" Tanong ko sa kanya.



"Ito ba? Bigay lang ito nila Koichi at Haru kinuha nila ito doon sa Toby's nakababa sila kanina." Sabi ni Rey Habang Pinapakita yung baseball bat.



"Paano sila nakababa? baka pwde tayong dumaan don." Sabi ko kay Rey. Tinignan niya ako at umiling lang.



"Wala tayong madadaan doon ngayon panigurado." Sabi ni Rey habang naghahanap.



Nagpatuloy kami sa paghahanap namin ng ilang minuto pa pero wala talaga kaming nakita kung di bala lang ng baril.



"Aanhin natin ito? Eh wala naman tayong nakitang baril?" Sabi ni Rey habang nakatingin sa lamesa kung saan nakapatong ung mga bala ng baril.



"Teka!" Bigla kong naalala ung isa sa mga zombie na inatake ni Haru ay isa sa mga security. Agad akong pumunta don.



"Teka Kai Hintayin mo ako!" Sabi ni Rey pero tuloy parin ako sa aking paglakad papunta doon sa hallway kung saan malapit sa CCTV room. Noong nakarating na ako nakita ko ung isang zombie na nakasout ng Security guard. Nakahabol sa akin si Rey at nagulat.



"Kaya ka pala tumakbo pabalik." Nakatingin kami s bangkay ng security guard at nakita ko ang baril sa belt nito.



"Ayon oh! May baril siyang dala." Paturo kong sabi kay Rey. Biglang nagbukas yung pinto ng CCTV Room si Koichi pala ung lumabas at hawak niya yung samurai sword niya.



"Anong meron?" tanong niya sa amin.



"May nakita kaming Baril eh kaso..." paturong sabi ni Rey kay Koichi sa dereksyon ng patay na security guard.



"Sige kunin niyo. Ako magaalalay sa inyo." Sabi ni Koichi sa amin napatingin ako kay Rey.



"Kai Ikaw na takot ako sa dugo eh." Sabi ni Rey sa akin.



"Ang sabihin mo natatakot ka lang." Pabiro kong sabi sa kanya.



"Natural sino bang hindi matatakot sa sitwasyon naten baka mamaya yan biglang bumangon yan." Sabi ni Rey sa amin. Napatingin na lang kami ni Koichi at napailing kaya kami na lang ang pumunta para kunin ito.



Pumesto si Koichi sa gilid habang hawak yung kanyang espada, Ako naman ay umupo sa sabi ng bankay ng security guard, Tumingin ako kay Koichi at ganoon din siya sa akin na parang sinasabi na Sige Kunin mo na. Napatungo ako kay Koichi at sinubukan ko na kunin yung baril don sa security guard. Ilang saglit lang at nakuha ko na at nakalayo na kami sa katawan nakahinga akong ng maayos at agad tinignan ung baril na nakuha ko.



"Kinabahan ako doon akala ko babangon pa yan eh." Sabi ni Rey sa amin.



"Oo nga buti na lang hindi na kumilos yan." Sabi ko habang hinawakan ko ang dibdib ko. "Tara kunin na natin ung bala doon sa lamesa. Naglakad kaming tatlo pabalik don sa kwarto kung saan naroon yung bala ng baril ng biglang lumabas si Haru. Napatigil kami tatlo habang si Koichi ay nilapitan si Haru.



"Bakit ka nagising?" Tanong niya kay Haru. Habang inayos niya ung magulong buhok ni Haru.



"Palitan na ng shift sa pagbabantay bakit hindi mo ako ginising senpai?" Patanong ni Haru kay Koichi.



Hinawakan ko sa balikat si Rey at tinignan niya ako tumingin ako sa dareksyon ng kwarto kung saan kami nang galing kanina at naglakad kami pabalik roon at noong nakabalik na kami sa kwarto pumunta ako kagad sa lamesa kung saan namin pinatong yung mga bala.



"Rey, Magkasintahan ba sila Haru at Koichi?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan ko kung tama yung baril doon sa sa bala na nakita namin.



"Hindi ko rin alam eh. Pero alam ko may gusto si Koichi kay Haru, Pero kung titignan mo parang masbata si Haru kay Koichi eh." Sabi ni Rey habang tinitignan ako sa aking ginagawa.



"Ganoon ba. Kung sana naabutan ko yung girlfriend ko na edi ganyan din ang paalala ko sa kanya." sambit ko hanbang naalala yung huling sandali na magkasama kami.



"Bakit? Ano nanyari?" Tanong sa akin ni Rey.



"Namatay ngayong araw na ito ang girlfriend ko gawa ng mga zombie na yan." sabi ko habang pinipigilan ko ang aking luha. "Hindi... hindi ko man lang siya na protektahan." sabi ko habang mahigpit kong sinara ang aking mga kamay at pilit na tinatago ang aking luha.



"I'm sorry dude. Alam ko masakit yang pinagdadaanan mo." Sabi ni Rey sa akin habang hinawakan niya ako sa likod. "Ako nga eh. Nagaalala ako sa girlfriend ko may usapan pa naman kami magkikita ngayon araw na ito. Kaya sana hindi siya napahamak." dagdag ni Rey habang napauko na lang ito.



Biglang Pumasok sila Koichi at Haru sa kwarto kung nasan kami naroon.



~END OF KAI'S POV~


~REY'S POV~



Noong pumasok sila Koichi at Haru sa kwarto para sabihin na pwde na kami magpahinga


binigayan ko sila OK sign gamit ang aking mga kamay pero nanatili ako sa kwarto at umupo sa upuaan habang si kay Kai ay nandon parin sa may lamesa.



"Sige dito na lang din kami magpapahing." Sabi ko habang umupo sa tapat ko si Haru at si Koichi naman ay sumandal sa pinto ng kwarto at nagmamadtsag sa paligid.


Nakatitig lang ako kay Haru dahil sa damit niyang madugo at sa tingin ko napasin niya ako.



"Bakit meron ba akong bumi sa mukha?" Tanong niya sa akin.



"Kung may makakita sayo na normal na tao matatakot gawa ng ang damit mo ay puno ng dugo. Pagkakamalan ka murderer." Sabi ko sa kaya.



Napatingin siya sa sarili niya at napabungtong hininga na lang. Tumayo ako at pumunta sa cabinet at binuksan ito at may nakita akong T-shirt inamoy ko muna ito kung ito ay malinis sympre babae si haru baka mamaho pa siya pag mabaho yung damit, Malinis naman kaya kinuha ko na ito at nilapitan siya.



"Ito oh soutin mo medyo malaki lang yan kasi nakita ko lang yan doon sa cabinet, Malinis naman pero magaamoy ka ng perfume ng lalaki." Sabi ko kay Haru kinuha naman niya yung t-shirt.



"Salamat. Rey." Sabi niya sabay tayo niya sa upuan at naglakad papunta sa may pinto kung nasaan si Koichi.



"Saan ka pupunta?" Tanong ni Koichi kay Haru.



"Sa CR magbibihis..." Namumula ang mukha ni Haru sagot kay Koichi.



"Samahan na kita para may magbantay sayo habang nagbibihis ka." Sabi ni Koichi kay Haru at sabay na silang umalis papuntang CR.



Hay... pag-ibig nga naman oh. sabi ko sa sarili ko nakaktuwa pero hindi ko maiwasan na malungkot dahil sa naiisip ko ang girlfriend ko sana nasa mabuti siyang lagay.


~END OF REY'S POV~


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HI GUYS! sorry kung super tagal ng update ko naging busy sa work and all. Haha sa na magustohan ninyo.

Susubukan ko magupdate ng madalas hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top