Chapter 8: Forty Days



Nakarating na rin sa akin ang balita. Pinara-rush na rin daw ni Daddy ang pagbasa sa will, pero consistent ang attorney na next month pa. For what reason? Hindi pa namin alam.

It was Sunday, sobrang maaraw sa garden. Maganda na ang pag-bloom ng mga roses na surprise ko dapat kay Mamila. Pero iniisip ko na lang na makikita pa rin niya ang mga 'yon sa heaven, so I placed a cup of her favorite tea sa ibabaw ng maliit na stone table sa gitnang part ng garden na 'yon.

Like what Kit said, she wanted to talk to Cali . . . kaya sumama ako sa kanila sa favorite spot namin noong nabubuhay pa si Mamila.

"Bakit nandito ka?" tanong ni Kit nang magtabi kami ni Cali sa upuan.

"May sasabihin ka, right?" sabi ko. "Talk."

Kit's face screamed impatience as she stared at me. "Kayong magpinsan, mga ugok talaga. Nasa lahi n'yo nga siguro."

"About pala saan ang topic?" naka-smile na tanong ni Cali.

Kit sighed and rolled her eyes. "Di ba, nasa training nga ako."

"Then?" I replied.

"Magulo ngayon sa Afitek, at 'yon ang rason kaya ako ipinadala sa mga Lauchengco." She leaned forward sa table para lang makausap kami nang mas mahina. Gumaya kami ni Cali.

"Safe ka ba sa kanila, Mami?" Cali asked.

"Safe? Walang problema sa safety. Okay kung okay ako ro'n."

"I'm happy to hear that," kinikilig na sagot ni Cali kaya sumimangot ako sa kanya.

Wala namang nakakakilig sa sinasabi ng asawa niya, bakit para siyang bulate sa upuan?

"Eto na nga," Kit continued. "Tinitingnan ko ang pattern ng activities namin. Yung training, familiar. Kung familiar kayo sa Lean Approach, doon ang focus ng training ko ngayon."

"Pinag-train ba tayo diyan ni Ninong Leo? I don't remember," I asked Cali.

He shook his head. "Nope. Si Mamila ang expert mag-train diyan pero hindi niya tayo pinasama."

Binalikan namin si Kit. "So more on optimization of resources kayo. Rush ba dapat? Hanggang kailan ang training mo?"

"Forty days ang training ko mula nang mamatay si Lola."

Nagkatinginan pa kami ni Cali nang may ma-realize kaming dalawa. Sabay pa kaming humarap kay Kit after that.

"So those forty days are meant for your training?" I said, shocked about the realization. "No way."

Don't tell me, sa kanya iniwan ni Mamila ang Afitek?

"Wala naman 'yan sa training ko o ano," depensa agad niya. "Eto nga kasi ang concern ko."

"What is it?"

"Magkaaway ngayon ang mga Lauchengco at mga Dardenne, di ba?"

"Yes, and?" I asked.

"Hindi lang pala 'yan ang balita. Magkaaway na rin daw ang mga Lauchengco at Golden Seal Corporation kasi inaatake na rin daw ang negosyo nila."

"The what?!" Sabay pa kami ni Cali.

"How come?" Cali asked.

"Hindi ba sila aware na wala naman talagang conflict sa amin nina Ninong Leo?" I seconded.

"Hindi nga kasi, makinig nga muna," Kit said, annoyed. "Ang pinalalabas nila—ibig kong sabihin, pinalalabas ng head ng Business Circle—"

"Si Daddy?" tanong ko.

"Ewan ko, basta siya. Inaatake daw sila ng mga Lauchengco. Inaatake ang GS Agencia ng mga Lauchengco. Kaya ang nangyayari, watak-watak ngayon lahat."

I elbowed Cali kasi ang confusing ng nangyayari. "Nababaliw na ba si Daddy? Bakit sinisiraan niya sina Ninong Pat? Tapos idadamay pa sina Ninong Leo. This is stupid."

"Eto pa. Ang balita sa labas, isinuko raw ako sa mga Lauchengco ni Lola Tessa. Ako ang pinalalabas na guilty sa hacking incident dati."

"Wasn't that the plan?" I shifted my eyes to Cali, and all he did was stare at his wife with shimmering eyes. "Bal! Be attentive, ano ba?"

"Kaya mo na 'yan." He shrugged and smiled at his wife again.

Ugh! He's hopeless, God!

"Then, what else?" I asked Kit.

"Ang pinalalabas nila, magkakagalit lahat. Out na ang mga Lauchengco sa mga Dardenne. Out na rin ang mga Lauchengco kina Sir Clark. Sabihin na nating hindi na sila konektadong lahat pagkatapos ng mga nangyari," she continued. "Pero ito nga ang setup. Since nagkaroon ng factions, parang lumitaw lahat ng may hidden agenda sa nangyayari. Yung ibang businessman na may kinakampihan, sinisiraan ang isang pamilya sa isa. So parang nagkakalabasan na ng sama ng loob o kung ano mang personal na vendetta sa mga involved."

"Wow," Cali said, and sobrang useless pa.

"Yung ibang galing sa Business Circle, lumipat sa mga Lauchengco para sumipsip. Ang mga naiwan sa side ng mga Dardenne, yung mga loyal na talaga sa kanila. No'ng lumipat na sa mga Lauchengco ang iba, doon nag-start ng purging ng mga guilty sa 'bullying' kuno sa anak ni Pat Lauchengco."

"Because they're guilty, right? Pinersonal nila si Ramram," I explained.

"Eto ang bottom issue diyan," she continued. "Si Ram, kanya pala ang 75 percent ng shares ng mga Lauchengco. Ang iniisip ng karamihan, kapag nagpakasal kayong dalawa, mahirap na kayong pabagsakin. Kaya ang solution na naisip nila, ibu-bully ang anak sa harap ng mga investor para ipakitang wala siyang silbi. Binilang nila lahat ng meron si Ram tapos wala pala siyang kahit anong credentials. Hindi raw siya attractive sa mata ng mga investor. At yung sex scandal, nagamit para lalong siraan ang pamilya nila. Ang desisyon, o-offer-an ang mga Dardenne ng ibang pamilya, hahatakin sila pababa para umangat ang iba, tapos isusunod ang Golden Seal. Madali lang daw kasing pabagsakin ang mga Lauchengco kasi inutil naman daw ang anak ni Bobby Lauchengco."

"They messed with the wrong family," Cali almost whispered.

"Ang inaasahan nila, babagsak agad ang mga Lauchengco kasi hindi natuloy ang kasal sa mga Dardenne. Kaya no'ng nagsimula nang umatake si Pat Lauchengco, nabigla lahat. Lumabas ang mga balimbing. Tapos eto ang nangyari. Di ba, marami siyang negosyong pinabagsak?"

"Yeah. Yung mga family ng mga nam-bully kay Ram."

"Gagi, na-reverse card yung mga ugok dahil diyan. Nagamit sa kanila yung scandal na gawa ng mga anak nila kaya sobrang valid na ng rason ni Pat Lauchengco na atakihin sila."

"Wait! Valid na atakihin? So kung wala yung scandal, may plan pa rin talagang pabagsakin sila ni Ninong Pat?" tanong ko. "For what reason?"

"'Yang pababagsakin na 'yan, plano pala 'yan ng Red Lotus. Lauchengco lang ang pangalang nakalabas, pero

Red Lotus ang tumatrabaho niyan sa ibaba. Yung mga may balak pabagsakin ang Golden Seal at ang mga Lauchengco, iisa lang. Galing sila sa Business Circle na—ewan ko? Hindi ko pa alam kung tumiwalag o na-memo-han sa organization kasi maraming anomalyang kinasasangkutan. Pero ang maraming bulong sa kanila, pinalayas daw sila ni Ronerico Dardenne sa association dahil sa corruption. Kaya siguro gumaganti ngayon. Malas nila, bumalik sa kanila ang atake."

"OMG," Cali said, and I don't know if we will ever have a chance to hear something worthy from his mouth. "That's complicated."

"So, ano'ng plano?" tanong ko kay Kit.

"Ang alam ng lahat, na-surrender ako sa mga Lauchengco. Sinasara na nila ang kaso ng scandal para din tumigil na raw si Pat Lauchengco sa pagpapabagsak ng mga negosyo. Forty days akong hindi makakalabas dito sa area. Kaya kung mag-aaya kayong umalis, huwag n'yo na 'kong intindihin, lalo ka na." Saka niya itinuro ang pinsan ko. "Anak ko, saan na naman?"

"Na kay Pops."

Kit cringed and shooed her hand. "Hayaan mo na siya do'n. Paghugasin nila ng pinggan para may silbi."

"Three months pa lang si Charley!" sigaw ko sa kanya. "Bakit mo paghuhugasin ng plates?"

Kit rolled her eyes. "Grabe resistance n'yo sa sarcasm. Malamang, hindi pa makakapaghugas 'yon ng pinggan! 'Apakabobo n'yo madalas. Birds of the same feather talaga, nakakapunyeta kausap."

She's the worst.

Tumayo na rin siya at kinatok nang dalawang beses ang table sa gitna namin.

"Yung natitirang 30 days, ibigay n'yo muna sa mga kalaban. Huwag muna kayong kikilos ng kahit na ano. Kung may gagawin sila, mas okay. Ang alam nilang lahat, tapos na ang issue ng scandal kay Ram kaya wala pa silang alam na susunod na plano ng mga Lauchengco. Maghintay na lang tayong lahat ng basahan ng last will ni Lola Tessa saka kayo magplano ng gagawin."

"What about Afitek?" I asked her.

"After forty days natin malalaman ang gagawin diyan. Basta tumahimik muna kayong dalawa ni Cheese."


♦ ♦ ♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top