Chapter 6: Loyalty
Nauna na raw pumunta si Tito Clark kina Ninong Leo. Nasa kalsada pa lang kami, nakikita na namin silang nag-uusap habang nagbibilad sa arawan. It was seven in the morning, and the sun wasn't that prickly on the skin. I think okay lang paarawan ang babies.
"Ano na naman? Mukha n'yo na naman ang nakikita ko umagang-umaga," reklamo agad ni Ninong Leo kahit nasa kabilang kalsada pa lang kami.
Ninong Leo's annoyance can double depending on the place he was in. He can freely show his disgust to us every time he's in his "area."
Paglapit namin ni Cali sa kanila, pasimpleng lumakad palayo si Tito Clark habang sumisipol. Ayaw na yatang ibalik ang baby ni Cali.
"Pops!" Sumigaw na si Cali, and the next thing I know, naghahabulan na silang dalawa sa kalsada.
"Ninong."
"Ano nga?" Ninong Leo raised a brow and looked at me with judging eyes.
"Si Tita Mel, interested siyang bilhin ang Afitek. I'm planning to buy it back."
"Ay, naku! Kung maglo-loan ka sa amin, mag-usap na lang kayo ng daddy mo."
"It's for Mamila naman, e."
"Kaya nga . . ." annoyed nang sagot ni Ninong. "Mag-usap kayo nang maayos ng daddy mo. Dahil 'yang Afitek, delikadong galawin 'yan ngayon lalo't wala na ang lola mo."
Kahit anong pilit ko kay Ninong Leo, consistent talaga siya sa pag-uutos na kausapin ko muna si Daddy. But I
doubt na magiging maayos ang usapan dito because never naman talagang naging pabor si Daddy na mangialam ako—o kahit si Cali—sa Afitek.
Tinawag ko agad si Cali na pinaiiyak na yata ni Tito Clark dahil ayaw nang isauli ang baby.
"Bal."
"Connor! Sumpa ka talaga, yung baby ko, ayaw nang i-return ni Pops!" Cali was sitting on his heels in the middle of the road, looking devastated. Tito Clark and the baby were already two blocks away from us.
"Hayaan mo muna 'yang baby kay Tito. He's safe naman. We'll talk muna, it's about your wife."
Cali's reaction shifted to a more serious one. Mabilis siyang tumayo at saka lumapit sa akin. "Ano na namang kasalanan ng asawa ko?"
"Nabanggit ni Tito Clark na dating agent ng Afitek ang asawa mo. And I want to—"
"Na ano?!"
"Sshh! Ang noisy, ano ba?"
Nilingon pa niya si Tito Clark na sumasayaw sa kabilang dulo ng kalsada saka siya mahinang nagsalita. "Si Kit, agent?"
"Bal, here's the plan," I told him. "Iwan muna natin ang baby kay Tito Clark. He's safe. Alam mo 'yan. Puntahan natin ang asawa mo, tanungin natin kung ano ba ang plan niya. Ang suspicious naman kasi na agent siya tapos hindi ka niya kilala."
"Luan said so. But I'm sure, hindi talaga ako kilala ni Kit and my connection with Mamila or anyone sa Afitek. Nag-lie detector na siya. "
"We need to make sure kasi ang shady talaga." I patted him on the shoulder. "Wait here. Ako na magpapaalam kay Tito."
Cali's wife is . . . unsuspicious. Nakita at nakilala ko na ang wife niya, but she's . . . normal? I mean just by looking at her, para lang siyang simpleng babae. Someone na housewife material na medyo masungit lang. Basta hindi lang siya magto-talk. Because, yeah, once she opens her mouth, she'll prove to everyone na she's out of our league.
Sobrang opinionated kasi niya, and Cali admitted na sinagot-sagot daw niya si Daddy in front of Mamila, and my grandmother didn't bother scolding the new face in the house.
Which(!) is another source of our confusion kasi hate na hate ni Mamila na may nang-aaway kay Daddy na hindi namin ka-level. She would always drop that, "Kilala mo ba kung sino ang kinakausap mo?" And hindi raw 'yon sinabi ni Mamila or anything synonymous to that during that conversation.
Umalis din kami ni Cali after magpaalam. Dumeretso kami sa Dasma kasi may "training" daw ngayon ang asawa niya with Ninong Pat. Pero naabutan pa namin si Kit sa mansiyon pero nasa kitchen siya at tumutulong kina Yaya Maggie.
"Nasaan si Charley?" tanong ni Yaya Connie nang mapansing kami lang dalawa ni Cali ang umuwi.
"He's with Tito Clark," I answered.
"Iniwan n'yo talaga doon? Ngayong araw lang ba o magtatagal?"
"Just for the day, Yaya Cons."
Sumenyas na si Cali sa wife niya na nagpupunas ng kamay sa paper towel. "Kit, doon tayo sa garden."
Kit looked at us, wondering. But that kind of innocently asking what was up.
I followed Cali and his wife habang papunta sa favorite garden ni Mamila. Kit doesn't really have the "agent" vibe or wala talagang signs na connected siya before sa Afitek. Mukha lang siyang simpleng babae na naka-dress at laman lagi ng kusina para magluto.
But I think that was justified because some of the former agents of Afitek don't really have that entitled and bossy attitude na just because they're Afitek agents, feeling nila, beyond law na sila. I could remember the former agents na hindi obvious na agents sila. Kikilos sila nang normal, kakausapin ka nila nang normal, nothing superior about it.
Cali occasionally told me some stories kung paano pinatatahimik ng asawa niya ang lahat ng kausap nito, at kung paano nito binabara ang mga agent ng Afitek ngayon. For some reason, I enjoyed listening to those stories na after so many years, may tao pa palang hindi natatakot sa mga agent ng company namin.
Pagdating namin sa garden, tinaasan na agad kami ni Kit ng kilay. "Sige na, sabihin n'yo na ang problema kung meron man."
I was about to speak when Cali opened his mouth first.
"Agent ka ng Afitek dati, Mami?"
"O, tapos?" Kit casually replied.
Cali gasped and covered his mouth with both hands. His wife was just . . . bored about that indirect confession.
"Bakit ka nag-resign?" tanong ko kay Kit.
"Hindi ko alam kung saan n'yo nakuha ang info, pero wala 'yan sa publicly posted history ko. Kung taga-Afitek ang nag-spill ng info, hindi na 'ko magugulat. Pero nine years na 'kong wala sa kanila. Rason? Afitek na mismo ang lumalabag sa mission and vision ng kompanya. 'Yon na 'yon."
"Just because of that?" I asked, medyo cynical sa sagot niya.
But Kit smirked and gave me a mocking stare. "Just because of that?" she repeated my words. "Guard and protect, 'yan ang main mission ang Afitek. Kung bibigyan ka ng project na dadampot ka at papatay ka ng tao, ano pa ang saysay ng guard and protect mission na 'yan?" She crossed her arms and continued, "Madaling sabihin na 'just because of that' kung wala ka sa field. 'Beyond Good and Evil: Prelude to a Philosophy of the Future, 1886 by Friedrich Nietzsche, 146 of Chapter IV. Apophthegms and Interludes": He who fights with monsters should be careful lest he thereby become a monster. And if thou gaze long into an abyss, the abyss will also gaze into thee. Paki-analyze 'yan para magkasundo tayo."
I began to feel annoyed and shifted my eyes to Cali, and all I saw was him with sparkling eyes as he stared at his wife.
"I'm in love," he passionately said, hands on his chest.
"Para saan ba 'to?" tanong na naman ni Kit. "May bilang ba kung dati akong agent?"
"They're after you," I told her. She gave me another smug smirk, and her nonverbal responses offended me.
"Kailan ba hindi? Three years ago, hina-hunting na nila ako. May bago ba?" mayabang na sagot niya.
"Hindi ka ba natatakot para sa sarili mo?"
"Bakit ako matatakot? Kanino ako matatakot? Sa kanila? Ang mga agent ng Afitek dati, mga handa 'yang mamatay kahit anong oras para sa kliyente. Ngayon, papatay sila kasi natatakot silang maunang mamatay. Hindi nila ako puwedeng takutin. Kahit magtutukan pa kami ng baril, wala akong pakialam."
"So, alam mong apo ang asawa mo ng owner ng Afitek."
"'Yan ba ang gusto n'yong itanong?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Cali.
"I know nasagot mo na 'to, Kit. Pero hindi mo ba talaga ako kilala kahit kilala mo naman ang daddy ko?" malungkot nang tanong ng pinsan ko.
Sa timpla pa lang ng mukha ng asawa ni Cali, parang nagsasawa na siya rito sa tanong namin. Hindi ko alam kung ilang beses na ba itong naitanong para tingnan kami na naghahalo ang inis at pagsuko sa mukha niya.
"Ayoko na sanang ulit-ulitin 'to, pero hindi ko alam na konektado ka sa head ng Afitek o kay Clark Mendoza," paliwanag niya pero kay Cali lang nakatingin, deretso sa mga mata. "Kilala namin si Clark Mendoza bilang Clark Mendoza. Hindi kami allowed mangalkal ng profile ng executives. Baka lang masyado n'yo akong ino-overestimate. At sa tagal ng pagtatrabaho ko sa Afitek, never kong nakita ang founder ng kompanya. Aminin ko na rin, akala ko, patay na kasi iba ang CEO. Until malaman kong lola 'yon ni Cheese."
"Hindi ba 'yon kasama sa orientation dati?" tanong ni Cali.
Mabilis na umiling si Kit. "Ang sabi dati, kasama 'yon sa orientation. Pero sa batch ko, hindi na. Main reason, malaki ang chance ng assassination sa executives. Banned ang profile nila sa lahat ng system namin. Kapag in-attempt na hanapin ang record nila sa kahit anong search engine gamit ang units sa loob ng kompanya o gamit mismo ang system ng Afitek, magno-notify 'yon sa admin at mame-memo-han ang agent na puwedeng mag-result sa termination sa work o ipapatumba sila ng admin."
"What the fuck?" I cursed.
"Kaya wala akong idea kung may pamilya ba si Clark Mendoza. Sino ang asawa niya o may anak ba siya? Kung ilang taon na siya? Maliban sa mga photo sa executive wall, hindi ko pa siya nakikita in person. Maliban noong pinuwersa ako ng mga agent na sumama sa kanila."
Cali and I exchanged glances.
This . . . is not the Afitek I know. And I don't think Cali's wife is lying. Kasi what's the point of lying kung nakausap naman na siya before ni Mamila?
"So . . . if you don't know who Carlisle is, then how did you two meet?" I asked, confused.
"Okay, Bal, it's on me," Cali interrupted. "Na-missend kasi siya last year sa number ko."
"Hindi 'yon missend," Kit explained kaya nalipat sa kanya ang tingin ko. "Ang sabi ng tropa ko, tama raw ang number na ibinigay niya. Yung number ni Cheese, number daw 'yon ng kliyente niyang naghahanap ng ka-one-night stand."
I looked at Cali with judging eyes. "Bal . . ."
"Hindi ako naghahanap ng ka-one-night stand!" he defended. "Namaling send lang talaga siya!"
"Ang sabi ni Jed, tama raw ang number. Ibinigay daw 'yon sa kanya n'ong sikat na personality na hindi niya sinabi ang pangalan."
"Wait! Jed?" I asked Kit. "Jed na . . . na may fish gills tattoo sa leeg ba 'to?"
"Huy!" Kit pointed to me. "Kilala mo?"
"Siya ba?"
"Oo! Siya! Kilala mo nga?"
I brushed my hair and sighed so deeply.
Damn.
"October ba last year yung convo na topic natin ngayon?" tanong ko agad sa kanila.
Kit narrowed her eyes, and Cali did the opposite, full of shock.
I raised both hands. "Fine. If that's the same Jed, I'm guilty," I confessed. "I gave him Cali's number."
"Bal!" Cali yelled.
"I need a baby, di ba?" I reminded Cali.
"Tapos number ko ang ibinigay mo?"
"I can't give my personal contact!"
"Oo nga! Pero bakit number ko?"
"Ikaw ang pinahahanap ko ng mommy ng baby ko, remember?"
"Yeah? Pero hindi naman ako ang mambubuntis, remember? So bakit number ko?"
"E, ano siya?" Itinuro ko si Kit.
Biglang nalipat kay Kit ang tingin ni Cali tapos ibinalik din sa akin. "Iba ang usapan namin ni Kit! Kasi ikaw, ang gusto mo, maghahanap ka lang ng surrogate mother."
"Exactly. So, ano 'yang asawa mo?"
Cali bobbled his head. "Asawa, duh? Saka I reached out sa page ni Kit, okay? Ako ang unang nag-approach para maging mommy ng baby ko."
"Ah! So inaamin mo nang inagaw mo ang idea ko." I crossed my arms. "And Charley could have been my baby."
"Hoy, linawin ko lang, ha?" Kit interrupted. "Yung offer ni Jed, para 'yon sa tropa kong babae na naghahanap ng one-night stand. Middleman lang din ako."
Cali proudly showed his palm, pointing to his wife. "Kit's mine, and mine alone. Huwag kang mang-agaw ng asawa ng may asawa! Hintayin mo na lang makauwi si Ram para hindi ka hanap nang hanap ng ibang babae!"
All of a sudden, the whole bickering shifted into a different mood just by mentioning Ram's name.
"Changed topic na nga!" Cali bounced back. "Wala naman nang count kung agent dati o hindi si Kit. Almost a decade na siyang wala sa Afitek kaya wala na ring point habulin pa siya o i-blame siya."
"Wala ka bang hidden motives sa family namin?" deretsong tanong ko kay Kit na tinawanan pa niya nang nakakaasar.
"Pinsan mo ang humabol sa 'kin tapos binuntis pa 'ko, at sa 'kin mo pa talaga itatanong 'yan, ha?"
"Huwag mo na nga kasing kulitin si Kit!" Humarang na si Cali sa asawa niya para itago lang sa likuran. "Kung may sisisihin kayo, ako na lang. I'm guilty."
I don't want to judge Cali's wife, pero hindi ko maiwasan. Somehow, I understand why Dad and Tito Clark weren't in favor of her. Ang off kasi talaga ng timing para sabihing coincidence lang lahat.
Pero ayoko ring i-disregard ang halos isang taon nilang pag-stay with Mamila.
One year? Baka nga one month pa lang, pinalayas na siya kung hindi okay sa kanya ang lola ko.
There's something off about the situation. Ayokong isiping calculated move ito, but Cali's wife is not stupid. If she's one of the last loyal agents of Afitek, I guess there's something behind the reason why Tito Clark hunted her down a few years ago. Hindi naman siguro siya ite-trace nina Daddy kung wala siyang bilang.
♦ ♦ ♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top