Chapter 4: Deal


Kanina pa ine-explain ni Cali na hindi sila in good terms ngayon ni Tito Clark. Reason? Ghosted nga raw siya during his wife's pregnancy with his son. At ang bine-blame niyang dahilan ay ang asawa niyang si Kit at ang pagpapakasal niya rito.

I don't really want to side with Tito Clark, but I doubt that Tito would ghost him without a valid and inevitable reason. Kasi tingin ko naman, wala lang din kay Tito kung sino ang asawa ng anak niya. Ayokong i-accept ang sinasabi ni Cali na ayaw nila kay Kit. Sobrang shallow kasi n'on if alam naman nilang lahat na accepted siya ni Mamila.

I mean, si Mamila nga ang parameter namin kung iiwasan namin ang tao o hindi, so what could be the reason why Tito Clark avoided reaching out to Cali, especially baby na ang usapan?

Hindi rin kasi ako nag-reach out kay Cali for the past few months because Audree's health is declining. Pero nabanggit ko naman sa kanya na may emergency ako with Dree. He said okay, and that was fixed.

Rex is out of reach. I couldn't call her kahit ilang attempts ko pa until I learned na ipinadala pala siya sa Cordillera. Kay Cali ko pa nalaman na nasa bundok pala siya for her training. Which I had a bad feeling mula nang malaman ko ang agreements ngayon na meron ang Afitek. Tito Clark's on-the-job training in Afitek had no "mountain military training" at puro office and gun handling lang, kaya nagtataka na ako kung bakit biglang may military training na. Another weird situation na tingin ko, hindi papayagan ni Tito Clark kung malalaman niyang ipinadala sa bundok ang baby girl niya.

Kaya sobrang suspicious na hindi nagparamdam si Tito Clark during Cali's wife's pregnancy tapos ipinadala pa sa bundok si Rex for a military training. Parang hindi naman kasi 'yon gagawin ni Tito dahil lang masama ang loob niya sa kids niyang dumadamay sa failures ko sa life.

So, there we went to West at inabot na kami ng gabi. It was already seven and we were sure na tapos na silang mag-dinner. Charley's feeding in his baby bottle at nag-drive-thru na lang kami ni Cali kaya hindi na namin kailangang magtiis sa gutom habang na kina Tito Clark.

Hindi pa kami nagdo-doorbell, nakita na agad kami ni Tito mula sa balcony. He was crossing his arms and shaking his head.

Siya na ang nagbukas ng gate para sa amin at pinapasok na agad kami kasi raw mahamog at may baby kaming dala. Naririnig ko lang ang word na hamog kay Ninong Leo. He called Luan "batang hamog" every time na nagta-tantrum

'yon, and I thought, yeah, we have to bring Charley inside kasi baka magaya siya kay Luan paglaki.

I could feel the tension inside the house na never ko pa yatang na-feel mula pa noong sobrang baby pa kami ni Cali. The heavy atmosphere was creeping inside my skin, hindi ako sanay.

"Maupo kayo," alok ni Tito Clark. My eyes wandered, and saw Tita Sab in the kitchen on our right side. Lumipat ang tingin ko kay Cali na nakatingin lang sa baby niya habang nilalaro ang kamay.

"I hate you so much," Cali whispered as we sat down on the black couch.

"It's for Mamila, Bal."

"Mamila's in a peaceful place na. Puwede ba, huwag mo na siyang gamitin to justify your stupid plans?"

Nagsisikuhan kami ni Cali nang maupo sa harap namin si Tito Clark.

His silver hairs are showing even after dying it black. He's already 60 last June, but he looked ten years younger.

Probably because of his regimen. He got Charley's face. Lucky kid. Hindi maitatago kung sino ang tunay na lolo.

"'Pag nagsasama kayong dalawa, alam ko na agad na hindi maganda ang pag-uusapan natin," sabi ni Tito Clark at nag-cross pa siya ng mga braso bago sumandal sa kaharap naming couch.

"We want some answers, Tito. Clear answers. Stop hiding everything from us, hindi na kami minors ni Cali."

"Anong answers na naman 'yan?"

"Bankrupt ang Afitek. Explain."

"Umuwi na lang kayong dalawa." Before pang makatayo si Tito, pinigilan ko na agad siya.

"Cali and his baby will stay here for the night. Ipapahawak namin si Charley kapalit ng answers. Deal?"

"Hoy!" sigaw agad ni Cali sa akin.

Tito Clark looked confused and shifted his gaze to Cali's son.

"Dala namin ang baby bag. Puwede silang mag-stay rito tonight. Nasa ibang lugar naman asawa niya, e."

"How dare you, Connor Dardenne?" Cali's glares could kill me any time, but we were here. A deal is a deal.

Bumalik na si Tito Clark sa couch at naiinis na yata. "At talagang gagamitin n'yo ang apo ko para i-blackmail ako?"

"Makikipagbati na si Cali sa 'yo, Tito."

"Ano na namang pinagsasabi mong lalaki ka . . . ?" Cali's face went near me just to question my words kaya lumayo na agad ako habang nakikipag-deal kay Tito.

"We want answers, Tito." Kinuha ko agad ang baby mula kay Cali at hindi na siya nakaangal kasi bitbit din niya ang baby bag sa isang braso. "We will let you touch the baby while you answer us. Deal?"

"Tingin mo, madadaan mo ako diyan, ha?" naiinis na tanong ni Tito Clark. "Huwag mong gamitin sa akin ang anak ni Carlisle."

"Okay? Then we'll file a restraining order against you. Madali naman kaming kausap ni Cali."

"Hoy, Connor! Anong restraining order ka diyan?"

I carried the baby using my left arm and took my phone from my jeans' right pocket. "You're asking for it, Tito." I dialed Jensen's number, and he answered after the second ring. I put the call on loudspeak so Tito could hear us. "Sen? Busy ka?"

"Not really, why?"

"Magpa-file ako ng restraining order."

"Ha?! Kanino?!"

"Kay Clark Mendo—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang agawin sa akin ni Tito ang phone.

"Fine! Fine! Grabe kang bata ka!" Pabato niyang inilapag sa center table sa gitna namin ang phone ko. "Diyos ko 'tong batang 'to. Anak ka nga talaga ng ama mo."

"Deal na, Tito?"

"Naku! Kayo talagang mag-ama, ang sasakit n'yo sa ulo palagi."

"Ipapakarga ko na sa 'yo ang baby. Deal na ba?"

"Grabe ka talaga. Manang-mana ka sa pinagmanahan mo."

"Here." Inabot ko kay Tito si Charley at nakita ko agad ang panlalaki ng butas ng ilong niya pagkakuha sa akin ng baby. I know na pinipigil lang niya ang ngiti niya, he can't hide it from us.

Sabay pa kaming naupo sa mga puwesto namin, at paglingon ko kay Cali, ang sama-sama na agad ng tingin niya habang tinititigan ako.

"Yung space mo sa hell, 100 hectares na, you know that?" sarcastic na sabi niya kaya siniko ko siya.

"It's for Mamila."

"Shut up. Make sure na may patutunguhan 'to or else pati ikaw, bibigyan ko talaga ng restraining order."

Hmm, whatever.

Tito Clark looked so excited after kong ibigay sa kanya si Charley.

"Okay, Tito, we have a deal. Now answers us. Bakit bankrupt ang Afitek if ikaw ang nag-aasikaso sa finance?"

"Sabi na, e." Tito didn't bother looking at us. Doon lang siya sa baby nakatingin. "Bankrupt ang Afitek kasi sinasadya namin 'yon ng daddy mo."

"What?" sabay pa naming sagot ni Cali.

"Kung ang issue n'yong dalawa e 'yang status ng Afitek ngayon, sadya 'yan. Babagsak na ba ang Afitek? Pinababagsak talaga namin."

"Are you out of your mind, Tito Clark?" I couldn't believe it! "Pinaghirapan 'yon ni Mamila! Come on!"

"Ang ingay mo," sermon sa akin ni Tito at isinayaw-sayaw ng braso niya si Charley na nagulat. "Ilan na lang ang natitirang employee sa term ni Mame. Halos lahat, wala na. Maliban sa pera at under-the-table request, wala na akong ibang hawak sa Afitek ngayon."

"I thought you handle the management," I said.

"'Yan lang ang pinalalabas namin para 'yan lang din ang mababanggit n'yo kay Mame. Pero eight years nang hindi namin kontrol ang Afitek."

"But you took my wife last year, Pops. Para lang i-prove na buntis siya at asawa ko siya, remember?" Cali whined.

"Sinunod ko lang ang script na ni-lineup nila para sa kanya. Marami pang tanong sa kanya, pero pinutol ko na that moment na aware siya sa nangyayari. At kung ibi-bring up n'yo pa ang ginawa kay Ezra Kiro, kung hindi ako pumunta sa monitoring room, baka iba pa ang nagawa nila sa kanya. Sinubukan ko lang pahupain ang sitwasyon niya ro'n. Kung malala na 'yon para sa kanya, malalaman niya kung ano ang malala kung hindi ako nangialam."

"Oh my God . . ." Cali almost whispered and we exchanged glances.

Hindi ko kasi alam ang binabanggit ni Tito ngayon.

"Carlisle, what happened to your wife?" I whispered to Cali.

Umurong si Cali palapit sa akin para bumulong. "Before makilala nina Pops si Kit, kinuha siya ng mga agent ng Afitek. I heard about that nang tawagan ako ni Pops tapos tinanong niya kung kaano-ano ko si Kit kasi sabi raw ng mga agent, nasa Afitek office daw ako."

"But were you there?"

"Wala ako do'n. And I really thought Pops did all that harsh treatment to Kit kasi siya ang nagpatawag sa akin sa office."

"Bakit sa office pa ng Afitek? Kung asawa mo na pala siya at that time, bakit hindi ipinaderetso ni Tito sa mansiyon?"

"Bal, before pa siya makuha ng mga agent, kilala na siya ni Mamila. Kaya nga nagtataka rin ako kung bakit pa siya need dalhin sa Afitek."

"Something's wrong."

"I know. Matagal ko nang feel."

Damn.

"Pops, ikaw ba ang nagpakuha ng test kay Kit para ma-confirm na buntis siya?" tanong ni Cali.

"Ang alam ko, nagbibiro ka lang kasi sa initial investigation, wala namang proof na may asawa't anak ka," naiinis na paliwanag ni Tito kay Cali. "Ang test sa kanya, sina Mike ang nagpakuha. Kung hindi pa ako tatawagan ni Jerome, hindi ko pa malalaman na nakuha pala nila ang asawa mo. Paano kung wala doon si Jerome? Paano kung hindi ako dumating? E di, wala ka sanang anak ngayon. Baka t-in-orture nila ang asawa mo nang mas malala. O baka pinatay na rin nila siya bago ko pa malaman."

"Oh my God . . ." Cali sounded so stunned, he didn't say anything after a few moments of realizing what happened to his wife—na hindi rin ako aware.

"Bakit nila kailangang kunin ang wife ni Cali?" I asked Tito Clark. "Mamila met her na pala, then bakit pa kailangang dalhin siya sa Afitek, e family matter na ang pregnancy niya?"

"Ang sabi ng agents na kumuha sa kanya, inutos daw nina Mike."

"Sinong Mike?" tanong ko.

"Yung head ng operations ngayon. Kaya nga nagtataka rin ako. Nagpadala kami ng agents para kunin siya sa bar kasi kailangan niya ng protection order. Nagulat na lang kami ni Rico, may ibang agents na rin palang sumusundo sa kanya na iba rin ang pakay. Na-confirm lang namin 'yon nang sa kanya na rin mismo nanggaling na marami palang agent na bumabalik sa kanya para kunin siya."

"But Kit's innocent," Cali explained. "Kanya lang ang laptop na ginamit ng hacker sa case ni Ram."

Tito shook his head. "Labas si Ram sa issue kaya pinadadampot ang asawa mo. Wala naman nang pakialam sa kanya ang mga Lauchengco kaya wala na rin kaming pakialam sa kanya bago pa namin malaman na asawa mo siya. Pero ang usapan nila na nakarating sa akin. Pina-revise daw ni Mame ang will niya. Lumabas doon ang pangalan ni Kiro Tenka at anak niya bilang beneficiary ni Mame."

"Sinong Kiro Tenka?" Paglingon ko kay Cali, nakatakip na ang mga palad niya sa bibig at nakatingin na siya sa gilid. "Carlisle . . ." warning ko. "What did you do?"

"Nothing!" mabilis na depensa niya, nanlalaki pa ang mga mata at mabilis na umiiling kaya alam ko nang may ginawa siyang mali.

"Liar."

"Wala nga!"

"I don't trust that panic in your reaction."

"Ah—um—eh—basta! Kit's innocent!"

God damn it.

"All right. We'll stay here until ma-clear 'to. Tito Clark, explain everything.Makikinig ako buong gabi."

Cali did something worth to panic kaya kailangan ko nang malaman kung ano ang susunod naming gagawin kung hindi pa allowed basahin ngayon ang will ni Mamila.


♦ ♦ ♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top