Chapter 3: Sacrifice


"Bal, ano na'ng plan?"

I took a quick glance at Cali before I returned my eyes to the road.

"Dad's planning to buy the Afitek," I said. "Pero tinawagan ako ni Tita Mel. They want to buy the Afitek too. Ang plan ko sana, bibilhin ko ang company sa mga Lauchengco."

"May budget ka ba to buy Afitek from them? Hindi ba risky 'yon kasi puwede nilang presyuhan 'yon nang mas mahal?"

"I'm sure of that. Kaya nga gusto ko nang basahin ng abogado ang will ni Mamila para malaman natin kung sino ang makakakuha ng malaking shares ng Afitek. I doubt na kay Daddy niya ibibigay o kay Tita Sab. Kasi kung kay Daddy, dapat matagal na niyang ginawa."

Dad's planning something. Ito na siguro ang sinasabi ni Dree na dapat matagal ko nang pinaghandaan.

My dad is not just my dad. He's Ronerico Dardenne. He's a powerful businessman. He can even equate what Ninong Pat is doing right now—or he can do worse than that. My dad has the capability to bring everyone down without breaking a sweat.

Bigla ko lang naisip na ang dami nga rin palang sumusukat ngayon sa pasensiya ni Daddy aside sa akin. Ang difference lang siguro nila ni Ninong Pat, he's not showing his vendetta in a barbaric way, like Ninong Pat did.

He didn't trace those assholes and brought them down one by one, like what Damaris's father did.

Pinersonal naman kasi ng mga kalaban nina Ninong Pat si Ram kaya pinersonal din niya silang lahat.

But this time, pinepersonal na rin naman na kami ng mga kalaban ng family namin, and what did my father do?

He bargained. For what? For a peaceful negotiation? Tingin ba niya, madadaan niya sa peaceful negotiation ang ginagawa niya ngayon?

If I were him, I'd do what Ninong Pat did. I'll hunt them down one by one and give them reasons not to live anymore. Deserve nilang mawala lahat. Hindi na 'to madadaan sa negotiation kung wala naman palang nakikinig sa kanya. He must show them how powerful he is. Pero parang wala yata siyang balak gawin ang ginagawa ni Ninong Pat ngayon.

Umuwi kami sa mansiyon at nag-chat ako kay Jensen kung kumusta na si Audree.

[She's resting. Three days na lang naman, puwede mo na ulit siyang dalawin. Hoping.]

Dree's not in good shape. Hindi muna ako allowed ngayon sa ospital because of her security. Family members muna ang ina-allow nila hangga't hindi pa schedule ng bisita ng hindi kamag-anak. Papayagan lang daw akong bumisita kung asawa ko siya. Bad news, I'm not.

Katatapos lang ng lunch kaya sigurado na akong resume na ang oras ng mga employee sa Afitek. Nasa garden ako at sinusubukang manghingi ng copy ng status ng company ngayon nang puntahan ako ni Cali dala ang baby niya.

"Pinasundo si Kit nina Ninang Mel," balita niya nang lapitan ako.

"Sumama asawa mo?" tanong ko. Tumango naman siya. "Pinayagan mo?"

"Aware naman daw siya sa pupuntahan niya. Diyan lang naman sa kapitbahay. Si Yaya Sale nga lang ang sumundo."

Akala ko pa naman, bodyguards na.

"I talked to Kit pala," Cali said.

"Then?"

"Alam daw niya 'yong tungkol sa training with Ninong Pat."

"O, bakit kay Tito Pat pa? Akala ko ba, wanted siya sa mga Lauchengco?"

"Ang explanation ni Ninang Mel, wala naman daw silang pakialam kay Kit. Habol nila ang mastermind ng mga bumu-bully kay Ram before."

"Pero bakit nga kay Tito Pat pa? What for?"

"Kasi nga raw, ruthless si Ninong Pat," awkward na sagot ni Cali. "Compared daw sa management style ni Ninong Leo na paternalistic, mas prefer daw ni Mamila ang autocratic style ni Ninong Pat. Naiisip ko na ngang may crisis talaga ngayon kasi alam mo naman na effective lang naman ang ganoong management sa business if humaharap sa crisis ang company at need ng solutions agad-agad nang hindi na humihingi ng input sa ibang tao."

Tito Pat is the most chill and pa-cute ninong and tito namin na super tamad pa. Puro nga lang bake ng cookies si Tito Pat kahit hindi naman niya kinakain ang ginagawa niya. Ginagawa nga lang siyang driver ni Tita Mel.

But I guess we definitely underestimated him. Everyone underestimated him. People forgot that he's the Lauchengco one, not Tita Mel. When people looked at him as a nuisance and worthless, he nonchalantly showed them the power he held and why they shouldn't measure his patience. Sa sobrang lawak ng drawbacks, pati business ventures nina Ninong Leo, naapektuhan. Hindi naman humaharap sa crisis ngayon ang mga Lauchengco, but he reminded everyone that he's not as nice as they thought. Sinubok niya talaga ang tapang ng lahat ng sinusukat din ang tapang ng pamilya niya.

Now, sino ba ang mag-aakalang magre-rely pa rin pala kami sa mga Lauchengco para lang maayos ang sarili naming gulo? And of all people, si Mamila pa ang magre-request.

Magte-training daw ang asawa ni Cali under kay Ninong Pat. Si Yaya Maggie tuloy ang natanong namin kung bakit samantalang available naman kami ni Cali.

"Masyado nga raw kasing mabait si Cheesedog. Marami ka namang problemang hindi pa naaayos, Coco," kuwento

ni Yaya Maggie. "Saka mas kabisado nga raw kasi ni Kit ang pasikot-sikot sa underground. Hindi pumipili si madam ng hindi qualified para sa trabahong kailangan nila, alam n'yo naman 'yan."

"Mamila trusted Cali's wife that easily? Why—" Bumaba ang tingin ko sa binti ko nang mahina akong sipain ni Cali.

"Tingin mo naman sa asawa ko, hindi katiwa-tiwala?" annoyed niyang sumbat sa akin.

"Gaano katagal na kayong kasal?"

"One year na kaya kami! Matagal na 'yon, ha!"

"Enough na ba 'yon para pagkatiwalaan siya ni Mamila? Si Jakob, pinagkatiwalaan din naman ng lola natin, right?"

"Sinong Jakob? Yung CEO ng Afitek ngayon?" tanong ni Yaya Mags.

"Yuh," Cali answered with an eye roll.

"Wala namang tiwala si madam doon. Kung hindi lang 'yon ipinanalo ng board members, malamang na yung pamangkin ni Kuya Tony ang nanalo."

Ah! Speaking pamangkin ni Lolo Tony. "Saan na po si Auntie Letisha, Yaya Mags?"

"Patay na rin 'yon."

"O?" Sabay pa kami sa naging reaksiyon ni Cali.

"How?" tanong agad ni Cali bago pa ako makapagsalita uli.

"Nag-migrate 'yon sa Switzerland, di ba? Na-stroke 'yon tapos heart complications. Huling tawag nila kay madam, nagpapaiwan na lang ng backlogs na natangay sa Switzerland."

"Aw . . ."

Shit. We ran out of better options.

Si Auntie Letisha pa naman ang matagal nang niru-root ni Mamila na mag-CEO sa Afitek. Hindi nga rin namin ine-expect na ipapatalo siya ng board.

Hindi kami close kay Jakob Noriega. Kilala naman siya ng family, pero hindi lang talaga siya gaya ni Auntie Letisha na hands on pagdating sa connections sa amin. Isa rin siguro sa reasons kaya hindi kami updated sa Afitek recently.

Before, I badly detested knowing why Ninong Clark banned Mamila's secretary from delivering the news about Afitek's status. Now I know why. The news about the new policies could kill Mamila within seconds. Iniisip ko pa lang, parang mapapatid na lahat ng litid ko. Kung matagal nang nalaman ni Mamila ang tungkol sa kidnapping and murder agreements under Afitek, baka inatake na siya agad sa puso.

We asked Yaya Maggie kung ano na ang mangyayari sa asawa ni Cali. Wala rin daw siyang alam. If we wanna kow the answers, dumayo na lang daw kami sa mga Lauchengco—which is a bad move.

Wala kaming go signal ni Cali to visit them right now. Ayoko munang palalain ang sitwasyon. Unless, tatawagan ako ulit ni Tita Mel.

"Bal," tawag ko kay Cali.

"What?"

"'Yang baby mo, nahawakan na ni Tito Clark?"

Cali's eyes widened. He suddenly stood up and went to the corner, glaring at me.

"What are you planning, Connor?" Cali's eyes were judging me.

"Ipapakita lang natin si baby kay Tito Clark."

"NO! If you wanna talk to Pops, talk to him. Alone."

"We need to make a deal, Bal!"

"Bakit idadamay mo si Charley?"

"He's innocent!"

"That's my line, Connor! Ako dapat ang nagsasabi niyan kasi anak ko 'to. Charley's three months pa lang, ha? Three months."

"Bal . . . kapag ipinakita natin si baby kay Tito Clark, makakausap na natin siya nang maayos."

"How dare you make a deal with my dad using my baby, huh? Ba't hindi ka gumawa ng baby mo?"

"Ikaw ang pinahahanap ko ng mommy ng baby ko, right? Bakit naghanap ka ng mommy ng baby mo? Wala naman 'yan sa plan, a?"

"I love Kit, okay?"

"Since when?"

"Since I felt it! Bakit ba?"

"Ipapahiram lang natin si baby kay Tito Clark! He can't say no to babies!"

"You're a monster, Connor. You don't deserve to have a baby. And I'm glad that I didn't bring you your Mommy Dardenne."

"Give me the baby, Carlisle." I offered him my palm.

"Baby ko 'to."

"Give . . . me . . . the baby."

"Kill me first."

"Wait. I'll get a knife." I turned around.

"Fine! Fine! Grabe, bakit mga wala kayong pusong lahat? Bakit ba kayo ang naging pamilya ko, hu-hu."

"We're not gonna kill the baby, okay?" Nilapitan ko agad siya at saka ko inagaw ang baby mula sa kanya. "Ipapahiram lang natin siya kay Tito Clark, then we'll make a deal. This is for Mamila. Your baby is just a little sacrifice."

"You're a freaking monster, Connor. I hate you."

"Mag-prepare ka na ng baby bag. We'll visit Tito Clark sa West. Now."


♦ ♦ ♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top