Chapter 2: Backlogs
Cali wanted us to coordinate with Ninong Leo. It also means he can't talk to his dad right now, pareho kami.
Wala raw si Ninong sa satellite office kaya dinayo pa namin siya sa corporate building para lang personal na makausap.
Compared to their first office na duplex lang, the corporate office of GS Agencia showed what that small office couldn't do for their investors.
Fiber glass walls with blue shades, elegant tiles, and a lot of chandeliers line the ceiling of the corporate lobby. It was far from that office in the West na simple at humble lang. Anim ang lift at sumakay kami sa isang for VIP only.
Cali checks his phone every ten minutes. Probably he's talking to his wife na naiwan sa bahay. Although marami namang kasama sa mansiyon ang asawa niya, but it's Cali. If worried siya sa pamilya niya, hindi na ako magtataka.
Pagdating namin sa 28th floor, dumeretso agad kami sa front desk ng lobby roon. Nasa guard station si Kuya Voltaire.
"Si Ninong Leo po, Kuya?" tanong ni Cali.
"Sa loob. May appointment kayo?"
"Kailangan ba?" seryosong tanong ko.
Kuya shrugged and forced a smile. "Protocol."
Sabay kaming tumalikod ni Cali saka nagbulungan.
"I'll call Ninong," I told Cali, taking my phone out of my pocket.
Cali was smiling at the guard while I waited for Ninong to answer. He picked up after a few rings.
"O? Ano na namang problema mong bata ka?"
I rolled my eyes. "We're outside your office. Need pa raw ng appointment, Ninong? Nasa meeting ka ba?"
"'We'. Kasama mo si Audree?"
"Carlisle's with me."
Ninong Leo sighed and didn't answer. I heard him pick up the telephone, and after a few seconds, the guard's phone rang.
"Papasukin mo 'yang dalawa."
Cali smiled at Kuya Voltaire after we heard Ninong's instruction.
We headed left. The glass door opened after the guard tapped his badge on the door. Nakasunod pa kami kay Kuya Voltaire habang nilalakad namin ang buong floor na puro employee na busy sa mga trabaho nila.
Dumeretso kami sa dulo at saglit na dumaan sa managers and supervisor's desks. Lumiko kami sa kaliwa pagpasok namin sa panibagong glass door na nakabukas naman at nilakad ang panibagong hallway paderetso sa dulong office na may nakalagay na Office of the CEO tag sa malaki at mataas na pinto.
Kuya Voltaire tapped his badge sa scanner na nasa gilid ng pinto at saka bumukas ang sensor-activated door ng office ni Ninong Leo.
"Sir," Kuya Voltaire said, and that was all. Lumabas na rin siya after that.
Seeing Ninong Leo in his office inside the corporate building means the lion is back in his jungle. He wore his black and gold corporate suit and even had his intimidating aura.
Compared sa satellite office, sobrang linis ng office niya rito sa corporate building—and when I say "malinis," that means walang kalaman-laman ang loob. Malaki kung malaki at puwede pang makapag-tennis sa area. Maliban sa office table, isang mahabang couch, center table at dalawang visitor's chair, wala nang ibang laman ang office niya. Ang living file cabinets niya, nasa labas at nagtatrabaho para sa kanya.
"Good morning, Ninong," Cali greeted.
"Ano na naman ang problema?" tanong ni Ninong na tutok sa desktop niya.
"Afitek's on sale," I answered. "I'm sure, aware na kayo ro'n, Ninong."
He sighed deeply and rested his back on his chair. His eyes were shifting from me to Cali.
Ninong didn't tell us to sit down, but Cali has no plan to stand too long because of pride. Siya na ang naghatak ng dalawang modern chair sa gilid para sa aming dalawa at nauna nang maupo habang nakatayo pa rin ako.
"Matagal nang hindi okay ang Afitek," Ninong said, and I could hear his dismay. "Seven? Eight years? Ilang years nang hindi okay ang Afitek. At kung nagagalit ka sa desisyon ng daddy mo, binibigyan ka niya ng kalayaang magalit. Hindi ka niya pipigilan kung gusto mo siyang isumpa hanggang kamatayan niya. Pero ang daddy mo, hindi 'yan kumikilos nang hindi nag-iisip."
"Pero, Ninong, kay Mamila kasi yung company," Cali interrupted. "Hindi ba unfair na ibenta 'yon dahil lang bankrupt?"
"Alam n'yo kung bakit 'yon bankrupt?" tanong ni Ninong Leo.
"Kasi nag-backout ang mga investor," Cali answered.
"Ang mga investor, kaya 'yan nag-backout ay dahil hindi na maganda at maayos ang management," paliwanag ni Ninong. "Hindi parte ng management si Rico. Shareholder lang din siya. Hindi rin dapat parte ng management si Clark dahil may sarili rin siyang kompanya, pero sinalo niya kahit ang finance lang. Ang problema, si Jakob, hindi niya magawan ng paraan ang management."
"But the board voted for him, right?" I asked. "He should be qualified for that position."
"Qualified? Oo, sige, sabihin na nating qualified. Pero five years nang hindi maganda ang image ng Afitek. Tumatanggap ang kompanya ng agreement na hindi na sakop ng core values na binuo ni Tita Tess. Hindi 'yon makontrol ni Rico. Hindi na 'yon kayang kontrolin ni Clark dahil limitado lang ang galaw nila sa executive position. At kung nalilito kayo sa nangyayari, sabihin na nating kini-kickout na ang buong pamilya n'yo sa kompanya na 'yon."
"What do you mean by that, Ninong?" Cali asked, and that gained me a confused look. "Bakit kami iki-kickout?"
"At this point, tumatanggap ang Afitek ng mga project na puwedeng-puwede nang kasuhan ang kahit sinong ahente dahil sa conditions. Halimbawa na lang, available for kidnapping and hitman projects ang Afitek four years ago pa. They're trying to legalize crimes under Afitek's brand."
"What?!" sabay pa kami ni Cali sa pagsigaw.
"Binalaan na sila ni Rico, pero hindi 'yan na-resolve. Aware din si Clark diyan, pero hindi rin niya 'yan nagawan ng paraan. They need votes para pakinggan sila. Ang problema, sa 13 na votes, dalawa lang ang nakapanig sa kanila. The only reason kaya gusto 'yang ibenta ni Rico ay para bilhin niya ang trademark ng Afitek dahil hindi kanya ang buong kompanya in the first place. Shares lang ang meron siya at two percent lang 'yon. Matagal na pinaghirapan ni Tita Tess ang pagbuo sa magandang image ng Afitek para lang sirain ng mga dating pinagkatiwalaan niya. Kaya hindi n'yo masisisi si Rico kung kating-kati siyang ibenta 'yan."
"Paano nga kasi niya mabebenta if hindi naman sa kanya 'yan?" naiiritang tanong ko kay Ninong.
Tinawanan lang ako nang mahina ni Ninong Leo. "You're father is a business dealer. He manages the Business Circle for so many years. Kaya niyang ibenta ang kahit anong bagay, kahit hindi sa kanya. Don't underestimate your father, Connor. You're dealing with the devil."
Yeah, I know. At hindi ko na talaga alam kung bakit si Daddy pa ang naging daddy ko.
Ninong Leo stood up and closed the button of his suit.
"Dumaan daw sina Mel sa mansiyon bago namatay si Tita Tess," sabi ni Ninong Leo kaya napatingin ako agad kay Cali na prenteng nakaupo sa tabi ko.
"Naisip kong baka sa negosyo 'yon, Ninong, kaya hindi na ako nagtanong," sagot ni Cali. "You know naman na
wala akong ginagalaw sa mga negosyo-negosyo na 'yan, di ba? Kaya nga ako nasa library lagi."
"Ang narinig ko kay Shin, balak daw papuntahin ang asawa mo kay Patrick."
"HA?!"
Halos mapaurong ako nang biglang humiyaw si Cali at mabilis na tumayo sa inuupuan niya.
Bakit ba kapag binabanggit ang asawa niya, parang lagi siyang nagpa-panic?
"Ninong! Bakit si Kit? Inosente siya! Pramis! Gipit lang talaga siya kaya niya nagawa 'yon! Ako na lang ang kakausap kay Ninong Pat, huwag na siya! Baby pa ang anak namin, Ninong! Kailangan pa niya ng ina! Hindi pa 'ko ready maging single father!"
Ninong cringed at Cali's reaction. So did I. "Nakisuyo raw si Tita Tess na i-train ang asawa mo under kay Patrick. Napaka-OA mo talaga kahit kailan."
Saglit na na-freeze si Cali. "I-what?"
"May usapan daw sila. Kausapin mo na lang ang asawa mo para malaman mo."
Wait a minute. Ite-train ni Ninong Pat ang asawa ni Cali? What for? And si Mamila ang nag-request? Why?
Sabi ni Cali, pharmacist daw ang asawa niya. Auto company tapos pharmacist? I'm not getting it.
Saka bakit kay Ninong Pat pa? Ano ba'ng meron si Ninong Pat at bakit sa kanya nakiusap si Mamila knowing na may conflict ngayon ang mga Dardenne at mga Lauchengco?
I'm not getting it. What's happening right now?
♦ ♦ ♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top