CHAPTER 5
Alixander
Nag-ooverthink na ako sa loob ng ilang araw kong pamamalagi sa silid na inaangkin ko ng akin ngayon. Si Eduard, si Alixander at kung anong gagawin ko rito sa mundong ito.
Ano'ng klaseng project ba itong ginagawa ni Doc? Bakit sa ganitong sitwasiyon ako napunta?
"Senyorita, handa na po ang karwaheng maghahatid sa inyo…" ito ang gumising sa akin kaninang umaga at heto ako ngayon, nakasakay sa karwahe.
Sumakay ako nang hindi alam kung saan ako papunta. Saan ba kasi ito patungo?
Ayy shutahbells! Ang gandaaaa! Ano ito? Bagong palasiyo ba? Hanep sa yaman mga people dito, ha.
Bumukas ang pinto sa aking tabi at inalalayan ako ni kuyang drayber ng kalesa na bumaba. Para akong Prinsesa rito, ah. Ganda sana nito kung kasama ko mga kapatid ko.
Kumusta na kaya sila? Ayos lang kaya sila?
Pagkababa ko ay halos matapilok ako sa damuhan.
Lumipad ba naman bigla yung babae. Siyempre magugulat ako!
"Oh, the worthless girl is back. Kumusta? Nakapagsumbong ka ba sa ama mo?" biglang may sumulpot na mukhang manikang babae sa gilid ko.
Tumingin ako sa kaniya, ganda siguro maging tropa 'to pero malabo yata ngayon dahil hinahamon ako ng away.
"Baka kaya wala kang namana sa ina at ama mo ay dahil malas ka! Kaya siguro iniiwan ka, eh…" pang-aasar nila na alam kong para naman talaga dapat kay Isabella pero natamaan ako sa iniiwan.
I was not able to meet my farher and our mother left us to stand on our own. Baka may balat ako sa puwet, baka malas talaga ako.
"Ayy nalimutan natin, baka kaya wala siyang abilidad ay dahil sa dugong taksik na dumadaloy sa ugat niya… you're mother deserved to die…" aniyang nagpapantig sa tainga ko kaya agad ko siyang sinapak sa mukha.
Pasensiya ka na, Miss hindi kasi uso sa akin ang sabunot at sampal. Sapak ang gusto ko.
I saw how her hands formed into fist.
Nalimutan kong ibang mundo nga pala ito! Sh*t! Paano kung may kapangyarihan siya? Eh, 'di yari na ako!
I saw something like a purple current in her fist pati na rin sa mga mata niya.
Akala ko magiging katapusan ko na. Nanginginig na agad ako sa takot at namamawis na sa kaba. Ngunit biglang bumalik sa normal ang babae nang biglang may lalaking padaan sa pagitan naming dalawa.
Alixander…
It's him!
Masungit at wala itong imik na naglalakad. Everyone seems to be mesmerized and intimidated by his presence.
Ako rin! Ang pogi talaga. Kung wala akong pag-asa kay Doc dito na lang ako kay Alixander.
Nalimutan ko bigla ang panganib na kanina lang ay malapit ko nang maka-face to face. Nagulat na lang ako nang banggain ako sa balikat no'ng babaeng sinapak ko.
"Hindi man ako ngayon makababawi sa 'yo, sisiguraduhin kong makababawi ako ng mas matindi…mark my word, loser," aniya at saka ako iniwan.
Nye, nye, nye, nye, nye!
Bago pa mangyaring makanti mo ako, sisiguraduhin kong magkaibigan na kami ni Alix no'n at hindi ka na makababawi pa. Itaga ko pa man sa noo mong maldita ka. Ganda mo sana kaso bitbit mo yata ang NAIA sa noo mo.
Pumasok ako sa looban pero sa laki at lawak ng lugar ay hindi ko alam kung sana pa ako pupunta. Na-isip ko na lang na dalawin ang hardin nilang natatanaw ko na kanina pa.
Nagpunta ng ako roon ngunit, nang mapansing kong mayroong daan sa lampas ng kaunti sa hardin. I tried to follow it and it lead me to a beautiful river!
Gusto ko sanang maligo rito ngunit maliban sa wala akong extra damit ay baka mapahamak lang ako, mag-isa pa man din ako ngayon.
Nasaan na kaya si Alix?
Kumusta na kaya mga kapatid ko?
Maayos ba ang kalagayan nila? Nailalakad na kaya ni Elton ang prosthetics niya?
Bakit kaya ganoon minsan, 'no? Kapag hindi hinahanap ay lalabas at kapag hinahanap ay ayaw magpahanap. I need someone I could at least share how and what do I feel right now because I wanted to keep myself sane.
Si Alix lang ang komportable akong kausapin dahil kamukha siya ni Doc, sana lang ay mapagkakatiwalaan ko nga talaga siya dahil kung hindi ay sasaludo sa kaniya ang dalawa kong gitnang daliri
Don't me. Mukha lang akong weak pero palaban ako, 'no. Ang kaso lang talaga ay may extra powers and abilities sila, siyempre ano ang panama ko roon? Gokti ako agad dahil marami pa dapat akong tatapusin pero heto at ito muna ang tinatapos, kumain sa tabing ilog.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Someone asked me from behind. Kapapakilala ko lang kanina, ah?
"Ano bang pake mo? Mind your own business…"
"And you are my business, love…" halos mabilaukan naman ako habang pilit na nginunguya ang pagkain ko.
Smooth ang banat! Papasa na sa akin at sa mama mo. Eme
Umupo ako sa damuhan matapos kumain. Itinaas ko ng kaunti ang mahaba kong gown. I wanted to make myself happy for at least an hour. I really feel like I don't belong in here. Literal na hindi naman taga ako belong dito, eh but I need to be here because I was paid to do so.
Hindi naman ako kinikilig sa kaniya. Natawa lang ako 'cause I remember some people pulling off a pick up line like that. Gasgas na yung ganoon. We girls, wanted something new.
I let my lower leg immersed into the water. So cold… this is what I wanted. Kaunting relaxation lang. Pero ayaw yata iyon ng katabi ko.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kaniya.
"Because I am visiting someone..."
"May binibisita ka pala, bakit nandito ka't naka-upo?" I was dumbfounded when he smiled so wide.
"Even though your brows are furrowed, you still look like a princess… "
"Wala akong pera, huwag mo akong bolahin!" sagot ko sa kaniya.
"Hinatid namin dito ang pinsan ko. I saw you being bullied and I just thought that maybe you've been feeling so low today, so when I saw you heading this way sinundan kita to make you feel better... that you are not alone."
"Yeah...you are kinda right. I need someone to talk to right now but I can't find someone I could trust my whole life with. I know in time that people around me are going to leave me too," patutsada ko sa kaniya.
"Huwag mo namang lahatin… malay mo, ako na pala ang forever mo…"
"Forever doesn't exist, Alix," pambabra ko sa kaniya.
Sa ganitong paraan ba sila nagkakila? Did Isabella fell in love with Alix because they were so much closer than this? Dahil wala naman dito ang jowa niya ay hindi niya napigilang magmahal ng iba?
Did Alix knew that Isabella is with Eduard? If not, then did Isabella purposely two timed?
But what is really the real score here?! Hindi ko na alam. Naguguluhan na rin ako. I don't even know why am I here.
Did Doc A.L made a mistake or he did this on purpose?
After so many thoughts circulating around my head and the air that calms me, I fell asleep while unintentionally leaning on him.
I woke up a little bit dizzy. Nakatulog pala ako dito sa tabing ilog. Hinanap ko ang lalaking pinagsasandalan ko kanina ngunit wala siya. Ganoon siguro talaga, they will just be here when you don't expect them to be and then they will be gone when you expect them to be with you…
"Gising ka na pala… bumili ako ng pagkain, it is almost lunch already, let's eat?" I don't know what to say.
Hinusgahan ko kaagaad siya. Hindi bale na, hindi naman niya alam.
"I haven't introduce myself very well yet, Miss. I am Alixander Drake of Emerald," pakilala nitong bigla at saka ngumiti ng matamis, yung dimple, beh… naaakit ako. Char!
"Isabella..." tanging nasabi ko dahil hindi ko naman alam full name niya.
"Yeah, the daughter of the two strongest vampires in the history of our clans… Isabella Cryztine of Celestial, I already know you by name, I hope you would let me know you personally…" aniya at mas ngumiti pa.
I felt my heart pounding harshly. Oii, bawal 'yan, beh! Hindi kayo bagay na dalawa. You are just merely a human and he is really far from who you are.
Ang OA naman sa sarili… malay mo sign lang na tigilan ko na ang pagkakape. Pero normal ba ito na bumibilis ang tibok ng puso ko lalo pa kapag malapit siya sa akin?
Hakdog! Kay Doc nga malabo ang pag-asa, ito pa kayang magkalayo kayong agwat dahil literal na wala kayo sa iisang mundo. Magkaiba kayo ng mundong ginagalawan. Also, I will not stay here for long, I will soon leave this place but for now, I need to adjust and to remind myself that this is for my family and not for anything else.
Soon, I may be able to find someone who will love me for who I am but for now, my sister and my brother is my priority. I really missed them so much. Kahit sa panaginip lang sana ay makita ko sila at mayakap.
I already missed you very much, Elaiza and Elton. Ate will do anything to protect and to love you even from afar. I will survive here so that one day I will come home and will be able to hold you guys in my arms… again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top