Kabanata I
Agosto 20, 2017
"Kailan itinatag ang Katipunan?"
"July 07, 1892"
"Anong sakit ang ikinamatay ni Emilio Jacinto?"
"Malaria"
Kasalukuyang nag-uunahan sa pagsagot ang magkaklaseng si Ursula at ang transferre na si Dulcedita. Simula nang dumating si Dulcedita sa klase nila, dumoble ang pagiging competitive nito. Mas nagiging pala-aral at hindi nagpapahuli sa klase.
"No one can steal her throne..."
Iyan ang paniniwala sa sarili ni Ursula. Alam niya sa sarili niyang matalino si Dulcedita pero mas matalino pa rin siya nito. At alam niyang sa huli nasa kanya pa rin ang huling halaklak.
"Bilib na talaga ako sa katalinohan niyong dalawa. I salute both of you!" saad ng guro nila sa Filipino na si Binibining Cordapia na tuwang-tuwa.
Walang naisagot ang mga kaklase nila bagkus nakanganga ito habang nanood sa dalawang nag-uunahan sa pagsagot. Alam na nila na nasa dalawa lang ang magiging valedictorian sa taong ito.
"May surpresa ako bukas! Abangan niyo, tiyak magugulat kayo. Dito na lang, paalam," saad ng guro nila sabay kaway ng kanang kamay nito at umalis sa silid.
"Ma'am, ano pong surpresa niyo?" tanong ng isang estudyante na nagngangalang Dadoy.
"Bukas nga diba? Ang bobo mo talaga kahit kailan!" pilosopong wika ni Divina sabay palo sa batok ni Dadoy.
"E! Bakit ikaw ba tinatanong ko? Ikaw ba si Maam? Pakialamera ka kasi masyado!" pabalang na wika ni Dadoy sabay hagod sa batok niyang pinalo ni Divina.
"Tumigil nga kayo diyan! Nakakairita kayo!" singhal ni Dulcedita sa dalawang kaklase niyang si Divina at Dadoy sa unahan.
" E'di huwag kang makinig. Inutusan ba kita?" hinang sambit na saad ni Divina. Hiinaan niya lang ang kanyang boses dahil kung sakaling lakasan niya ito at isagot iyon kay Dulcedita, baka may mangyaring hindi maganda.
"Anong sabi mo?" medyo pasigaw na tanong ni Dulcedita kay Divina.
"A...e...wala...hehehe..." pekeng ngiti ni Divina sabay peace sign.
Pagkatapos ng hindi pagkaka-unawaan nina Divina at Dulcedita, tumayo si Ursula upang pumunta sa library. Wala kasing klase sa susunod na oras nila, kaya nagpasya siyang magtungo roon para magbasa at mag-aral pero laking ikinagulat niya ng biglang magsalita si Dulcedita.
"E! Paano ba 'yan, mas magaling ako sa'yo!" pagmamayabang ni Dulcedita na nakataas ang kanang kilay at may kasamang nakakaasar na ngiti.
"Bakit mo masasabing magaling ka? Nalamangan mo ba ako? Diba hindi?" sarkastikong wika ni Ursula sabay hawi sa matuwid at bagsak niyang buhok.
"Baka nakalimutan mong consistent first honor ako sa paaralang ito. At isa pa, wala sa lahi namin ang pagiging second placer." pagmamayabang na sagot ni Ursula sabay pakita sa matamis at mapang-asar niyang ngiti.
Naglakad si Ursula na may kasamang malawak na ngiti. Ngiting tagumpay at may kasamang bilib sa sarili. Muntik na niyang makalimutan ang paniniwala niya, kaya minabuti niyang inihanda ang sarili at nilingon ang mortal enemy niya.
"And one more thing before I forgot, no one can steal my throne." huling wika ni Ursula sabay alis sa silid nila.
Inis na inis si Dulcedita kay Ursula. Simula pa lang kasi noong unang pagtapak niya sa klase, walang kagandahan ang ipinakita nito kundi puro kaartehan at kayabangan lang. Akala naman daw ikakaganda niya.
KASALUKUYAN na nagbabasa ng aklat si Ursula sa silid-aklatan. Ganito kasi ang gawain niya kung may bakanteng oras. Ito ang nagbibigay aliw at stress reliever niya.
Nasa gitna na siya ng kanyang binabasang aklat na "Ang Mukha ng Pilipinas" ng biglang may narinig siya.
"Ate, pwede magtanong kung anong sagot sa tanong na ito?" tanong ng isang babae na nakatirintas ang buhok. Sa palagay niya ay freshman ito dahil ngayon lang niya nakita ang pagmumukha ng babae.
"Busy ako! Huwag mo akong istorbuhin." giit ng babaeng pinagtanungan ng estudyanteng freshman. Medyo kulot ang buhok at mabilog ang mukha ng babae na ngayon ay mukhang naiinis dahil sa ginawa ng estudyante.
Umakyat lahat ng dugo sa mukha ni Ursula na tila ba malapit ng sasabog sa sobrang galit ng marinig ang sagot ng babaeng iyon. Nakakuyom ang dalawa niyang kamao. Nakaramdam na rin siya ng inis at galit sa babaeng ayaw magpa-istorbo.
Kahit may pagka-bitchy si Ursula ay mabait pa rin ito, lalo na kapag may nangangailangan ng tulong. Naranasan niya kasing nalagay sa sitwasyon na mahirap. Naranasan niyang binabaliwala, ni-reject, binully at sinaktan.
Bumalik lahat ng ala-ala ni Ursula ang mga hindi magandang nangyari noon at hindi niya namamalayan na tumulo na pala ang luha niya. Sariwa pa rin sa kanya ang lahat ng nangyari noon. Sadyang may mga bagay talaga na hindi mo malilimutan lalo na kapag nakatatak ito sa iyong isipan at puso. Laking pasalamat rin ni Ursula ng mangyari iyon dahil naging palaban at matatag siya ngayon hindi kagaya ng dati. Mas malakas na ang fighting spirit at self-confidence niya ngayon. Nagpapasalamat rin si Ursula ng mangyari iyon dahil ngayon hindi na siya madaling maapektuhan at masasaktan.
Agad piunasan ni Ursula ang maliit na luhang pumapatak. Itinatak niya sa isipan niya na ito na ang huling iyak sa buhay niya.
"Ate, pwede magtanong?"
Ngayon ay nasa kanya na naman nagtatanong ang babaeng freshman sa palagay niya.
"Nagtatanong ka na, Hija!"
"Pasensya na po, nagkamali pala ako ng pinagtanungan. Sige po, salamat." saad ng babae at tsaka umalis pero agad hinawakan ni Ursula ang braso ng babae.
"Joke lang 'yun! Ikaw naman hindi ka mabiro. Ano nga ang tanong mo?"
"Ano pong sagot sa tanong na ito? Hindi ko po kasi maintindihan tsaka wala pong lumalabas na sagot sa internet." saad ng babaeng nakatirintas sabat pakita sa papel na may nakasulat na tanong.
"Ang simple lang naman ng tanong na ito." Agad sinagutan ni Ursula ang tanong at tinuruan niya rin ang babae.
"Salamat po" saad ng babaeng nakatirintas ang buhok.
"Teka lang, ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ni Ursula na medyo kumunot ang kanyang noo.
"Red. Red Dela Vega" sagot ng babae at tuluyang lumabas ng library.
Dela Vega.
Kung hindi siya nagkakamali, iyon din ang apilyedo ng dati niyang nobyo. Dating nobyo na iniwan at sinaktan siya. Alam niyang hindi maganda ang paghihiwalay nila, bigla nalang kasing nawala ang nobyo niya na parang bula. Ni hindi nagpaliwanag kung anong nagawa niya, bakit bigla nalang itong umalis at hindi na nagpakita.
Kahit masakit, nagawa niyang intindihin at patawarin ang nobyo dahil alam niyang may rason ito kung bakit biglang nawala ang lalaki.
Agad tumayo at sinundan ni Ursula ang babaeng nakatirintas ngunit laking dismaya niya ng paglabas niya sa library ay nawala na ito.
Kaano-ano kaya sila?
Gustong-gusto niyang makita muli ang nobyo upang tanungin kung ano ang dahilan ng pakawala niya. Kaya, umaasa siyang mahahanap at makikita niya muli ang lalaki sa tulong ni Red.
"Makikita rin kita, Rex Dela Vega"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top