Prologue
Prologue
"Ang tanging pangarap ko sa iyo ay ang makapagtapos ka ng pag-aaral. With or without flying colors. I will always be proud of you, Athania. Lagi mo 'yang tatandaan."
Those were my mother's last words before she let Tita Althea, her older sister, took me. Nilisan ko ang tahanan para sa aking pangarap; para sa pamilya. I'll continue my studies in Manila with the help of Tita Althea because my parents couldn't support my tuition and some school-related fees anymore due to financial dilemma.
Ayaw mang mawalay sa kanila ay kinakailangan. At pinapangako ko na sa oras ng muling pagtapak ko sa amin ay may ipagmamalaki na ako.
I won't just work my fingers to the bone, but go to the extra mile as well. For them. For myself.
At hindi ko uurungan ang sinumang maging sagabal sa layunin ko.
"Ania, ito ang magiging school uniform mo. Pinaglumaan na ito ng pinsan mo pero maayos pa naman. Pagpasensiyahan mo na kung hindi kita mabilhan ng bagong uniporme; sakto lang kasi ang budget natin sa buwang ito."
I nodded. "Ayos lang, Tita. Masyado na po kayong maraming naitulong sa amin para gawin pa itong problema. Salamat po. Sukat ko muna 'yan sa loob," sabi ko sabay kuha sa unipormeng nakalahad. Nang tumango siya ay umalis na ako at tumungo sa nakalaang kuwarto para sa akin.
Payat si Ate Jean at kung ikukumpara ang height namin ay talagang mas matangkad ako kaya naman nang sukatin ko ang uniporme ay medyo maikli ang palda samantalang sakto lang ang sa blusa.
I shrugged while examining my reflection in the mirror. Wala na akong ibang problema. May school supplies na ako at enrolled na rin. Sarili ko na lang ang kailangan kong ihanda sa darating na Lunes.
And then Monday came like a whirlwind. Maaga akong nagising dahil ayaw kong ma-late sa unang klase ko sa Clark High School bilang estudyante ng ikasampung baitang. Sakay ng isang tricycle ay bumiyahe na ako patungong eskwelahan.
"Salamat po," sabi ko sa driver pagkatapos magbayad at makababa ng tricycle. One sigh, I faced the wide and elevated gate of the school. My new start.
Habang naglalakad papasok ay inoobserbahan ang mga kapwa estudyante. Ang iba ay simple lang tingnan ngunit halos ay parang galing sa mararangyang pamilya. I wonder why did they choose to attend this school instead of the private ones when they obviously got the wealth.
"Miss!"
Napahinto ako sa paglalakad malapit sa malawak na hardin ng eskwelahan nang narinig iyon. Bago pa ako pumihit para tingnan kung sino iyon may pares na ng makintab na sapatos ang lumitaw sa lupang tinitingnan ko.
I looked up only to see a grumpy-looking yet drop dead gorgeous guy. Sa paraan ng tingin niya sa akin ay para bang patong-patong na ang krimeng ginawa ko.
Matatakot na sana ako nang maalalang dapat hindi ko ipinapakitang mahina ako lalo na sa mga bagong taong makakasalamuha ko. It's still part of my goal after all.
"Bakit?"
He glared at me. "Bakit sobrang ikli ng palda mo? Palitan mo 'yan!"
Halos mapaiktad ako sa bagsik ng boses niya. Kinunutan ko siya ng noo bilang ganti sa sama ng kaniyang tingin.
"Bakit? Boyfriend ba kita para makaasta ka ng ganiyan?" sikmat ko.
Hindi pa nga ako nakakatapak sa silid-aralan ay sira na ang araw ko! Sino ba siya sa tingin niya? Oo, guwapo siya, I'll give him that. Pero ano ang problema niya sa palda ko? Hindi naman masyadong maikli; above-the-knee lang talaga.
"SSG Vice President, Miss. Isa sa alituntunin ng paaralan ang tamang pagsuot ng uniporme. And in case you haven't read what's inside your handbook yet, let me tell you this." Itinaas niya ang index finger, ang matalim na tingin ay nanatili sa akin. "Ang palda ay dapat may habang dalawang pulgada mula sa tuhod pababa..." He then looked at my skirt. "Ngunit ang sa 'yo naman ay may ikling dalawang pulgada bago magtuhod."
Nanuyo ang lalamunan ko. For a second, I was lost for words. Grabe naman kasi? Parang masyado naman yatang mahaba iyon? Ayaw ko namang magmukhang madre!
May iilang estudyante ang napapatingin sa direksyon namin ang iba naman ay tanaw pa lang ang kausap ko ay ilag na sila. Natatakot ba sila sa Vice President? Napatingin ako sa kaniya at tumikhim. Sabagay...
"Fine. Sorry na, okay?" labag sa kalooban kong wika.
"Apology rejected. Palitan mo ang palda mo."
I blinked. Seryoso ba siya?! "A-Akala ko ba public school lang 'to? Ba't mas daig pa ng isang private school ang rules?"
"That's how this school disciplines every student," naiinip niyang paliwanag.
Napatango ako. "Pero transferee ako—"
"Today is the first day of school. There's no such thing as transferee."
Aba, siraulo ito ah! Mas daig pa yata ang school head sa sobrang strikto? E, vice president lang naman siya!
"What's wrong, bruh?"
Lumipad ang tingin ko sa bagong dating na lalaki bago pa man ako makapagsalita. Kumpara sa nakabusangot na vice president sa harap ko ay mas magaan ang atmosphere na dala ng lalaki. Umakbay siya sa kaniya pagkatapos ay nilingon ako.
Nagsalubong ang kilay ko nang kindatan niya ako. He's handsome, okay? Gaya nitong nasa harap ko, pero parang ang weird niya naman? Playboy ba iyong mga tawag sa ganito? Or flirt?
"Hi, schoolmate. Pinapagalitan ka ba nito? I have a solution. Persuade every student not to vote for him in the next SSG election," payo nito.
"Shut up, Jairus," si VP pagkatapos ay humarap sa akin. "First warning, Miss. Kapag hindi mo iyan pinalitan bukas, humanda ka sa akin. I'll keep an eye on you," may halong panganib ang boses na aniya.
Naiwan akong saglit na tulala dahil sa sinabi niya hangggang sa hilain niya iyong si Jairus at umalis na sa harapan ko.
I sighed.
Grabe naman 'yong VP na iyon! Parang 'di ko na agad kaya! At akala niya ba binabaha kami ng pera para makabili kaagad ng palda na akma sa school rules? Kasalanan ko ba na matangkad ako kaya maikli na sa akin ang uniform na pinaglumaan ni Ate Jean?
Nainis tuloy ako sa pagiging matangkad ko ngayon!
Hindi na ako nagtagal pa roon at nagsimula nang hanapin ang section ko. Nasa junior high school building na ako at iniisa-isa ang mga classroom para hanapin ang pangalan sa mga list of students na nakapaskil bawat pader nito. Nahihilo na ako at napapagod na kahahanap.
Umabot ako ng third floor at saka ko lang nahanap ang pangalan ko! Wow, thank you, at kahit papaano may awa pa naman ang araw na ito sa akin.
Grade 10 - Rizal. Third floor. First room from right.
Nakakapagod umakyat araw-araw kung nasa third floor ang room namin! Nakalulula. Ang dulas pa ng sahig ng corridor! Saka paano kung may bigla na lang estudyanteng makaisip na tumalon mula rito? The thought of it frightens me.
Oh, shut up, Athania! Pumasok ka na nga!
The moment I stepped inside the room, I was welcomed by the different noises from my classmates. Marami na sila; nagkukuwentuhan, naghahabulan, iyong iba naman tahimik lang. Lumingon ako sa teacher's table at napansing bakante pa iyon kaya naman nakahinga ako nang maluwag.
Galing sa pintuan ay pinasadahan ko ng tingin ang first row; naghahanap ng mauupuan. Bilang parte ng goal ko, mas gusto kong maupo sa harapan para mas makapag-focus. Given na rin na medyo hindi ako makaklaro kapag nasa malayo. May nakita akong nag-iisang bakanteng upuan sa pinakadulo kaya naman nagtungo ako roon nang parang invisible ang lahat ng tao na nasa paligid ko.
"Sorry, Miss, reserved na 'to sa kaibigan ko!"
Napahinto ako bago ko pa man mailagay ang bag sa upuan. Lumingon ako sa lalaking bigla na lamang sumulpot at inupuan ang armrest ng upuan.
My eyes widened in suprise. Classmate ko iyong... SSG Vice President?!
For some reason, bigla akong nairita. Una, sa sermon niya sa akin at hindi ko man pansinin ang nararamdaman ay nahiya ako roon. Nakakahiya iyong ginawa niya sa akin kanina! At kung makaasta siya ngayon ay parang wala lang, ah?
"Reserved? Wala naman akong nakikitang note? At ako ang nauna," malamig kong sabi sa kaniya. Akala niya ba matatakot na ako sa kaniya porke VP siya? Ha, in his dreams!
His lips curled in amusement. Hindi gaya kanina ay mukhang magaan na ang mood niya. Ni parang hindi niya nga ako natatandaan, e.
"Walang ganoon dito, Miss. Doon ka na sa likod, marami pang bakante—"
"E, dito ko gusto. Pakialam mo ba?"
Namilog ang kulay-kastanyo niyang mga mata dahil sa pagkamangha. Tuluyan nang umalpas ang ngiti sa labi niya. "Wow, 'yan ang gusto ko, matataray."
"Ano?" hamon ko, naalibadbaran sa sinabi niya. Nakatayo pa rin ako, hawak-hawak ang strap ng bag na halos hinahamon na siya ng suntukan. Medyo tumahimik din ang silid at alam kong nakakuha na naman kami ng mga atensyon!
"Miss, first day of school naghahamon ka ng away. Baka gusto mo kaagad makahawak ng anecdotal sheet, ano?"
Kumuyom ang kamao ko sa inis. Saglit ko pa siyang tinitigan bago masama ang loob na bumuntonghininga. "Alam mo?"
"Hindi pa. Ano ba 'yon?"
Sa sobrang inis ko ay gusto ko siyang sakmalin, pero pinigilan ko ang sarili dahil ayaw kong harapin ang maaaring kahihinatnan nito kapag nagpadala ako sa silakbo ng damdamin. "Ang aga-aga pinapakulo mo ang dugo ko."
"'Yon! Ayaw mo ba makaranas ng mala-enemies to lovers na love story? I volunteer to be your leading man."
Buwisit! Hindi ko na nakayanan ay padabog na akong umalis doon. Sinadya ko pang tamaan siya ng bag ko bago nagmartsa patungo sa pinakalikod na upuan.
I swear, magkaka-wrinkles ako dahil sa lalaking iyon!
"Good morning, class. I am Mrs. Pineda and I'll be your class adviser for this school year. Nice meeting you."
Sabay-sabay na tumayo ang mga kaklase ko kaya sumunod kaagad ako. "Good morning, Ma'am Pineda," we greeted in unison then got back to our seats.
Nanggigigil pa rin ako sa lalaking iyon. Habang nagsasalita si Ma'am Pineda ay panay ang baling ko sa puwesto niya sa unahan. Was he lying? Nanatili kasing bakante iyong upuan sa tabi niya!
"Susulatin ko ang iba pang requirements at rules sa classroom. By Wednesday, I'll expect all of you to keep up. And as for our election of officers, we'll have it this Friday. I will give you some time to get to know your classmates for the nomination."
"Ma'am, puwede naman ngayon na! Halos kilala na rin namin isa't isa!"
"Oo nga po, Ma'am. Si Carlisle pa rin magiging class president namin tapos ako muse!"
My brows shot up. Bakit mas nagmamagaling pa sila kaysa sa guro? Akala ko ba dinidisiplina ang estudyante rito?
"No, we'll still have a proper class election. Mag-seating arrangement muna tayo pagkatapos ay introduce yourself."
"Hala, weakness ko iyang introduce yourself, Ma'am! Check ninyo na lang bio ko sa Facebook!" reklamo kaagad ng isa sa mga kaklase ko.
Nagtawanan ang iilan na kaagad namang sinita ni Ma'am Pineda. Ang pagtawag ng mga pangalan ay para sa arrangement ay nagsimula na kaya naman habang naghihintay matawag ay sinulat ko na lang sa notebook ang mga reminder na nakasulat sa pisara.
"Recto, Claera—"
Ma'am Pineda was interrupted by the thud from the door. Magkapanabay kaming lahat na lumingon sa pintuan kung saan may bagong dating na babae, humahangos pa.
"Good morning, Ma'am and classmates. I'm sorry, I'm late. May I come in?" sambit niya sa gitna ng paghingal.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumipad ang tingin ko sa guro na inoobserbahan ang bagong dating. She sighed. "Pasok na. Why are you late, 'nak?"
"Sorry po, Ma'am. Naligaw po ako—"
"Naligaw ba talaga?" singit no'ng lalaking nakakainis!
He earned a glare from her. Ngumiwi ako nang matanto na baka magkakilala sila.
"Okay. Let's continue. Where is Claera Recto?" pagpatuloy ni Ma'am.
"Ako po 'yon!" sabi noong bagong dating.
I shrugged and continued my notes.
"Oh, okay. Doon ka sa pinakadulong upuan ng fourth row. Next. Reistre, Carlisle... tapos Riple, Athania na."
Nang marinig iyon ay napahinto ako sa sinusulat at tumayo na dala-dala ang mga gamit. Hinanap ko iyong Reistre na tinawag bago ang pangalan ko para dumiretso at tumabi na sa kaniya kaso...
Nahinto ako nang makita iyong buwisit na lalaki na mukhang inaabangan talaga akong maupo sa tabi niya! Nakapangahalumbaba siya at tamad akong tinitigan. He then suddenly tapped my armrest using his left hand. "Hi, Riple."
Uminit ang pisngi ko at padabog na inilagay ang bag sa upuan tabi niya. "For your information, it's Rip-le not Ri-pol! Bobo ka ba?" sabi ko at umirap nang tuluyang maupo.
"Grabe, pakitaan pa kita."
Hindi na ako nakasabat niya dahil kinausap na siya noong Claera sa kaniyang gilid. I just shrugged. Guwapo naman siya, pero mukhang hindi naman gaano katalino. Halatang ubod lang ng yabang.
Siya kaya iyong kaibigan na pinag-reserve niya ng upuan? Napairap ulit ako. Nag-away pa kami kanina sa upuan, e pare-pareho lang din naman pala kaming mauupo sa bandang likod. Magkatabi pa!
Nang magsimula ang "introduce yourself" ay tahimik lang ako kahit ang daldal ng mga nasa linya ko. Halatang magkakaibigan na nga sila at ako lang ang transferee! Nakakainis naman. Wala pang hapon ay napapagod na ako. At lahat ng iyon ay dahil sa SSG Vice President na katabi ko!
Saglit tuloy akong na-bother dahil parang wala lang talaga sa kaniya iyong nangyari kanina sa tapat ng school garden. Ni hindi niya nga muling sinita ang palda ko! Tapos ang weird pa kasi parang grabe iyong shift ng mood niya. He was so grumpy earlier, pero ngayon ang sigla niya. Like a dog with two tails.
May konting twist ang self-introduction sa klase. You state your name and some things about you or random stuff. Kaya naman ng turn na ni Carlisle ay kinabahan ako dahil ako na ang susunod!
"I am Carlisle Ivo Reistre. Bukod sa pag-aaral, may iba na rin akong pagtutuunan," aniya.
"Huh? Ano?" isa sa mga kaklase namin.
"You mean, sino?" Tumawa si Carlisle. "Ang pag-aaral at itong singkit sa tabi ko."
Naghiyawan ang mga kaklase ko, kahit si Ma'am ay natawa pero hindi ako! Buwisit! Ako ba ibig niyang sabihin? Hindi sa assuming, pero kasi sa amin ni Claera, ako ang singkit! Wala naman din siyang ibang katabi!
Nang humupa ang ingay ay naiiyak naman sa kaba at hiya akong tumayo. I cleared my throat before speaking, "I am Athania Ishi Riple. My goal is to win against life adversities and saunter my way to success."
"Woah, sa lalim no'n nalunod ako!"
I faked a smile to no one in particular before getting back to my seat.
"Idol na kita," pagkalabit noong si Claera sa akin.
Nilingon ko siya at bahagyang natawa ngunit hindi nagsalita. What am I supposed to reply, anyway?
"Ako rin, crush na kita."
Saglit na bumilis ang tibok ng aking dibdib sa narinig ngunit nang lingunin ang nagsabi noon na nasa tabi ko ay ang ugat ko sa ulo ang nagwala. "Pakihanap naman kung saan ko naiwan ang pake ko."
He smirked. "Kapag ba nahanap ko, akin ka na?"
Para akong sasabog sa inis! Oo, sa inis! Pinagtitripan ba ako nitong lokong ito? Hindi ko siya sinagot at tumingin na lang sa harap. Narito ako para mag-aral, hindi para atupagin ang asungot at mainis na lang buong araw!
Tumawa si Claera. "Gagi ka, baka mamaya wala ka ng ngipin kapag bibig mo ang masuntok niyan."
07/20/22
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top