Chapter 9

Chapter 9

Rage

"Okay, guys. Simulan na nating dalhin iyong assigned sa inyo na materials para sa garden. But before that, may ambagan tayong magaganap para sa mga paso."

Tumaas kaagad ang kamay ko, kontra sa gusto niyang mangyari. Nilingon ako ni Carlisle at pairap akong tinawag. "Bakit, Riple?"

Nilingon ko saglit si Ma'am na nasa table niya sa likuran namin. Binigay niya kasi kay Carlisle ang oras ng subject niya para sa gardening kaya naman nakikinig lang siya.

"Instead na bumili ng paso, why not use recycled materials? Gaya ng gulong o kaya mga galon? Bukod sa makakatipid tayo ay eco-friendly pa," bahagi ko sa aking opinyon.

Marami ang sumang-ayon sa akin. Lumingon ako sa adviser namin at nakitang tumango rin siya. I looked at Carlisle with a victorious smile now.

Sa lumilipas na mga ang araw ay mas lumala lang ang hindi namin pagkakasundo. Para kaming aso't pusa na laging nagtatalo at nakikipagkumpitensya sa isa't isa.

Noong araw ng performance namin sa Music ay grupo nila ang nakakuha ng 95 dahil hindi naman biro iyong ganda ng mga boses nilang tatlo. May kung ano pang binanggit si Ma'am tungkol sa falsetto, alto, at tenor. At samantalang kami... 80 ang grado. Hindi ako natuwa, siyempre! Pinagtawanan kami no'n tapos 80 pa ang ibibigay? Pasang-awa!

Kaya no'ng snack break at hinatiran ako ni Claera ng siomai at gulaman dahil daw sa pangako ni Carlisle iyon na ililibre ako ay binigay ko na lang kay Gael at siniguradong makikita iyon ni Carlisle!

And guess what? He looked offended, he never gave me food again!

Pagkatapos no'n ay mas lalong naging mabigat ang tensyon sa pagitan namin. Hindi na rin ako sumama sa kaniya ulit papunta kanila Tito Kiyo para sa lupa na gagamitin namin at sinabi kong balitaan niya na lang ako at sa mismong gardening na ako tutulong.

"May punto si Riple, Carlisle. Mas mabuting recycled materials ang gagamitin."

Sa huli ang suhestiyon ko ang nanalo. Siyempre mas creative iyon... may posibilidad na manalo kami sa materials pa lang na gagamitin!

Nang sumunod pa na mga araw ay ganoon pa rin, may konting pagbabago lang akong napansin. Mas lumala ang pagkainis sa akin ng lalaki o baka nga galit na iyon. Mas naging malapit na rin sila ni Moriane habang ako ay naiinis doon dahil ang maldita. Nagkasundo na rin kami ni Gael at Jerry kahit papaano at minsan kaming apat kasama si Denver ay nagsasabay kumain ng lunch. Kami rin ni Claera naging close pero madalas tuwing uwian lang.

"Iyon nga, guys. Uulitin ko, okay? Wala si Sir kaya may iniwan siyang seatwork. This will serve as your attendance kaya dapat magpasa kayo sa 'kin."

Napailing ako sa katangahan ni Carlisle. Kanina pa kasi siya nagsasalita sa harapan pero parang walang nakikinig. Ang bobo, e. Hindi man lang marunong sumaway ng mga pasaway. Konting 'guys, makinig kayo' o 'di kaya 'huwag maingay' ay sapat na sa kaniya.

"Makinig nga kayo," siko ko kay Gael na nakikipagdaldalan kay Jerry.

Hindi gaya no'ng mga nakaraang araw na makikipagbangayan pa siya sa akin, ngayon ay isang saway ko lang ay nakikinig na. Siguro dahil na rin sa deal namin na pakokopyahin ko siya isang beses sa isang linggo. Nagreklamo pa siya do'n buti nga ay may offer pa ako! Nauto pa ako ng ungas.

"Malapit na ba audition para sa dance troupe? Sali tayo!"

"Uy, samahan mo ako mamaya roon sa senior department, ah."

"Sabay tayo uwi?"

Kani-kaniyang bunganga ang tumatalak at kahit ako ay naririndi na. Ayaw ko mang makisali dahil responsibilidad ng officers ang panatilihin ang kapayapaan ng klase ay wala akong nagawa at tumayo na dahil sila mismo ay dapat sawayin.

"Mga wala ba kayong modo? Kanina pa may nagsasalita sa harapan kaya makinig kayo!" sigaw ko.

Nandidilim ang paningin kong inisa-isang tingnan iyong mga madaldaldal at magulo sa klase. Unti-unting nananahimik ang iba pero hindi pa rin nawawala ang init ng ulo ko. Ayaw ko nga roon sa bahay dahil pinag-iinitan ako ni Tito tapos hanggang dito pa naman sa eskwelahan ay wala akong makamit na kapayapaan?

Bumaling ako kay Carlisle na natigilan din sa pagsasalita sa harapan dahil sa sigaw ko. Tumitig lang siya sa akin.

"At ikaw naman..." Tinuro ko siya. "Pagalitan mo sila, sawayin mo! Ang talino mo sana, pero wala kang kuwenta dahil hindi mo man lang magawang pakinggan ka nila!"

At tuluyan nang tumahimik ang buong klase.

Sinubukan niyang magdahilan. "I already did—"

"Well, kung hindi ka tanga, dapat alam mong hindi sapat 'yon!" Hindi ko alam saan nanggagaling ang galit ko, pero ang satisfying dahil nagagawa kong ibuhos iyong naiipon sa kalooban ko.

"Bakit ka ba nagmamagaling? Gusto mo ikaw na sa puwesto ko. Ikaw na magpresidente," tugon niya.

See? Tanga talaga.

"Oh, you have no idea how much I wanted to be one. Alis ka na diyan, ako papalit sa 'yo," sabi ko. Akala niya ba tatanggihan ko 'yon?

Kapag ako naging class president, tiklop ang mga 'to sa akin!

"Tama iyan, bida-bida ka naman."

Lumingon ako sa direksyon ni Moriane dahil sa sinabi niya.

"Hindi porke't pinapatahimik ko ang klase ay bida-bida na ako. Alam mo ba 'yong salitang pagdidisiplina, ha, Sandoval?" tanong ko sa kaniya.

Hindi siya umimik at inirapan lang ako. Inirapan ko rin siya at nilingon si Carlisle na nakasandal na ngayon sa pisara at masama ang tingin sa akin.

"Give it up, Carlisle. Hindi bagay sa 'yo." I received a shoulder pat from Gael.

"Tama. Ikaw ang presidente namin ni Jerry, idol."

Hinawi ko ang kamay niya at umayos na ng upo. Nagsalita muli si Carlisle tungkol sa seatwork na parang walang nangyari.

Tuwing Lunes ay may nagaganap na flag ceremony sa grounds at nagpahuli ako para ipahamak si Carlisle. Tuwing may palpak na nagaganap ang isang estudyante sa section, nadadamay pati ang presidente. So imagine the pressure and hardships of a class president. Naaawa ako kay Carlisle kaya I'm making it easy for him para matanggal na siya sa position at mag-focus na lang sa iba.

"Bakit narito ka pa sa corridor?"

Inaayos ko ang buhok ko nang mapatingin sa nagsalita. Umawang ang labi ko nang makilala iyon.

"AJ?"

He nodded. "I am. I'll repeat it, bakit wala ka pa sa baba? Rizal ang section mo, 'di ba?"

Hindi pa ako makaimik dahil sa pagkalito. May sinulat siya sa record book tapos muli akong tiningnan.

"May minus na ang section ninyo para sa attendance sa flag ceremony. Kung ayaw mo madagdagan, pumila ka na roon. Good morning."

I blinked. Iyon lang tapos iniwan niya na ako? Ang sungit naman yata no'n? At wait...

Siya ba iyong SSG president namin?!

Right? Kasi alam ko iyong president daw ang nag-iikot kapag Monday, e, ngayon ko lang naman naisip magpasaway kaya ngayon lang din kami nagkita dahil sa duty niya.

Pero kung ikukumpara... mas masungit at strikto pa rin si Clint na pinsan niya!

"Naglolokohan ba tayo rito, Riple? Saan ka ba galing at ang tagal mo? Kanina pa nag-attendance ang secretary at absent ka na sa flag ceremony pa lang!" sermon kaagad ni Carlisle nang makababa ako at makarating sa grounds.

Shit! Bakit hindi ko naisip iyong attendance ko?!

"May kinuha lang ako sa taas at mabilis lang naman ako, ah?" rason ko.

Hindi niya na ako pinansin at bumalik na roon sa harapan. Ngayon kasi ang awarding sa best section sa iba't ibang category at dahil siya ang class president, siya ang tatanggap ng certificate at prize kung sakaling makakuha kami ng award.

I rolled my eyes inwardly. As if. Wala ngang ka-design-design iyong room namin dahil mas pinagtuunan ang gardening. Perfect attendance rin kami pagdating sa paglinis doon sa MRF kapag schedule na namin pero hindi ko alam kung kasali ba 'yon. Hindi ko rin alam kung nagawa ba iyong proper waste segregation sa room. Ewan, wala talaga akong masyadong pakialam diyan dahil wala naman akong role sa classroom pero minsan ay tumutulong naman ako sa ideas at iba pa para na rin ipakita sa kanila na mas deserving ako. Isa pa, sakaling matanggal na si Carlisle ay ipinapangako ko naman na magiging hands-on ako at walang pagsisisi ang mangyayari.

Pagkatapos ng flag ceremony ay nanatili kami para sa awarding.

"Best in attendance for the month of July in 10th grade is section..."

Ito naman iyong award na kung saan konti lang ang uma-absent dapat ma estudyante sa isang section dahil mino-monitor din iyon ng school. So far, dala-dalawa lang naman ang madalas lumiban sa klase namin kaya—

"Rizal!"

Nagsigawan at tilian ang mga kaklase ko dahil sa dugtong noong nasa podium. I sighed. Parang 'yon lang? Hindi nga namin nakuha iyong award ng cleanest room!

Masayang umakyat si Carlisle roon sa munting podium. Umirap ako nang umakyat din si Ma'am at nag-picture sila roon.

Hindi ko talaga hahayaang matapos ang buwan ng Agosto nang hindi ako nagiging class president. Mas may recognition kasi 'yon. Nag-e-excel naman ako sa academics, pero mas gusto ko makilala rin ako sa leadership at pagiging responsable para madagdagan ang grades ko!

"Denver, butasan mo iyong ilalim ng galon, ah! Baka mamaya makalimutan mo," paalala ko sa kaklase. Narito kami malapit sa garden ng eskwelahan. Sa kabilang area kasi no'n ay field na kung saan doon magaganap ang gardening.

Nagamit namin iyong sketch ni Moriane at so far nasunod naman iyon. Para sa ginawang crate, gumamit kami ng mga kawayan. May mga gulong din kami na nagsilbing paso para sa mga herbal plants tapos pebbles para sa disenyo. Iba't ibang herbal, gulay, prutas at bulaklak ang laman ng garden namin na paniguradong malaki ang gamit. Nilagyan din namin isa-isa ng signboard at naka-print din kasama roon ang benefits o kahulugan ng halaman. Pagtapos nito ay kompetisyon na at may representative para magpaliwanag tungkol sa garden namin.

"Ano ipapangalan natin sa garden? Any suggestion?"

Kinabukasan ay iyon naman ang inatupag namin. Kaunti na lang ay matatapos na kami nang mas maaga.

Tinaas ko ang kamay para sumagot. Tumango si Carlisle sa akin. "Ano?"

"Puwedeng Rizal's essential bed."

Carlisle nodded and wrote my suggestion on the board. "Ano pa?"

"Rizal's botanic isle!" Moriane exclaimed.

"Okay, creative," komento ng lalaki tapos sinulat din iyon sa board.

Narinig ko ang tawa ni Gael sa gilid. "Kawawa ka naman, idol."

"Tahimik nga," sabi ko.

Eventually, we settled with the name Rizal's Botanic Isle. Mas nanalo kasi iyong suggestion ni Mori at obvious naman na natuwa ang ungas dahil para na rin niyang pangalan iyon. Kapal.

"Okay, next. Who will be our representative?"

"Ako!" sabi ko kaagad.

Umiling siya. "Give others a chance, Riple. Puro na lang ikaw."

What the fuck? Anong puro ako? Ang kapal niya naman! "Ang sabihin mo ay ayaw mo lang talaga ako ang mag-represent ng garden natin next week!"

"Oo, ayaw ko, kasi nga puro na lang ikaw. Iba naman dapat."

"Ayaw naman nila. Nagsasayang ka lang ng oras, e, willing naman ako tapos ayaw mo pa akong kunin—"

"Ako, Carl. I'll represent our garden. I only did sketching and hung some plants, so maybe I should do it."

"Okay, Mori. Thanks."

I was... furious!

Wala akong imik buong klase pagkatapos no'n. What the fuck is wrong with him? No'ng ako nag-volunteer ay hindi siya pumayag tapos no'ng si Moriane, walang pag-alinlangan siyang nag-okay?!

Alam naman ba ni Moriane ang gagawin?! E tanga rin iyon gaya niya, e!

Tama nga ang sinabi ko no'ng unang araw ko rito! Magkaka-wrinkles ako dahil sa punyetang lalaking 'yon! Kumukulo talaga ang dugo ko!

"Uy, kalma lang. Mababali mo na iyong tinidor."

Sabay kami ni Denver, Gael, at Jerry Anne na nananghalian dito sa loob ng room. Walang masyadong tao dahil halos lahat nasa canteen. Ako lang talaga madalas naiiwan dito saka si Denver pero dahil nga naging malapit na rin ang dalawa ay nagbabaon na sila para samahan kami rito.

"Seryosong tanong, gusto n'yo ba talagang president iyang si Carlisle?" nagtitimping panimula ko.

Halos magkapanabay silang tumango pero no'ng nakitang nandilim ang mukha ko sa kanila ay mabilis na umiling si Gael.

"Idol, ikaw ang gusto kong president. Pahingi ako ng slice ng hotdog, ah."

Nagpaalam pa siya kung bigla-bigla rin naman niyang tinusok ang tinidor sa ulam ko! Pasalamat siya at hindi siya ang dahilan ng init ng ulo ko ngayon kundi baka nasaksak ko na siya ng tinidor!

I glared at him but he just grinned at me.

"Ayos lang naman si Reistre sa akin. Mabait siya saka responsable," honest na sabi ni Denver.

I shrugged. Mabait? I don't think so.

"Hindi siya masyadong strikto kaya ayos lang," si Jerry naman.

I frowned. Bakit ba ako pumayag na makipagkaibigan sa mga 'to?

Nagtitimpi na lang ako kay Carlisle. At alam kong isa sa mga araw na ito ay baka hamunin ko na siya ng suntukan, pero hindi sa ngayon. May iba pa akong plano gaya na lang itong ngayon.

Galing sa kabilang pintuan sa likod namin ay may sumitsit. Unfortunately, ako lang iyong nakarinig kaya naman ako lang din ang tumayo at nilapitan iyon.

"Ano'ng kailangan?"

"Saan class president ninyo?" tanong no'ng babae.

Kumunot ang noo ko tapos bumaling ako sa direksyon ni Carlisle at naabutan kong nakikipagharutan lang siya kay Mori. Muli akong humarap doon sa babae.

"Nag-CR saglit, bakit?" I lied.

"Pasabi sa kaniya may darating na mga bisita na mag-iikot-ikot. Dapat malinis iyong corridor, basurahan saka buong silid ninyo tapos as possible raw ay huwag maingay."

Tumaas ang kilay ko at tumango. "Okay."

Bumalik ako sa upuan at naabutang nakatingin sa akin si Carlisle pati roon sa kausap kong babae kanina. His expression was laced with confusion but I shrugged it off. Heck, I won't bother telling him that!

But then he asked so I had to...

Tumayo sa gilid ng upuan ko si Carlisle at yumuko para tanungin ako. "Ano ang sabi no'n?"

"Darating daw si Ma'am, huwag maingay."

...lie a little. At least sinabi ko na huwag maingay which is partially true.

Tumango naman siya at pinagsabihan ang mga kaklase, pero as if naman makikinig sa kaniya. Nakita kong magulo ang mga upuan, ang daming kalat sa ilalim ng mga upuan tapos ang ingay. Ewan ko na lang...

Nakita kong may grupo ng tao ang napadaan sa silid namin at nang mapasilip sila ay pare-pareho silang huminto.

My heart leaped for a moment. Pakiramdam ko ako iyong mananagot dito lalo na nang matanto ko na baka ito na ang mga bisita.

May matandang pumasok dahilan para mapalingon lahat ng mga kaklase at matahimik nang mapansing mukhang mga importanteng tao ang mga naroon.

The old man in his suit wandered his eyes around. Saglit siyang tumingin sa sahig at nang silipin ko iyon ay napansin kong may naapakan siyang nakalukot na papel.

"I am Mr. Lopez, one of the stakeholders of this school," he announced.

Nang balingan ko ang direksyon ni Carlisle ay para na siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi siya makagalaw sa upuan dahil sa gulat.

"Didn't anyone inform you some important people will arrive? May mas importanteng bisita pa kaysa sa akin at kung maabutan nila na ganito ang kalagayan ng silid ninyo..." He shook his head in dismay. "Where's the class president?"

He hastily raised his hand and stood. "Good afternoon, Sir and to your visitors. I apologize you had to see us in this state. Nobody informed me of your arrival, but..."

"Enough with the explanation, kid. Be a great leader. We'll go, and since you're now aware of us, expect someone will show up inside this room. Don't be stupid."

Bilang resulta, hiyang-hiya si Carlisle sa nangyari at bago pa mag-uwian ang lahat ay nakaabot kay Ma'am Pineda ang balita at pinagalitan ang buong klase. Pagkatapos no'n ay pinasunod ni Ma'am si Carlisle sa faculty para kausapin in private.

Na-guilty ako bigla...

Pero dapat hindi, 'di ba? Kasi dapat naman talaga tahimik at malinis ang paligid namin! Common na iyon at hindi na dapat pinapaalala pa...

At siya ang presidente! He should monitor the class, not flirt with his ex-crush—or maybe crush niya na ulit!

Kumalabog ang pinto sa unahan at pumasok doon ang madilim na aura ni Carlisle. He breathed before ordering everyone to go home.

Sinara ko na ang zipper ng bag ko nang tawagin niya ako. Nagkatinginan kami at nanuyo ang lalamunan ko sa nunusok niyang tingin. He looked at me with nothing but rage in his eyes.

"Except you, Athania Riple. We have a matter to discuss."

08/24/22

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top