Chapter 8
Chapter 8
Performance
"Thank you... uh, Arhys? Sa paghatid." I gave him an awkward smile.
He nodded. "Just call me AJ. Anyway, you're welcome...?" Tumaas ang kilay niya at hinintay ang dugtong ko.
"O-Oh, I am Athania!" I stuttered.
A recognition washed over his face. He looked at me and tilted his head a bit. "Athania... you're Carlisle's girlfriend or something?"
Namilog ang mata ko. "What? No!"
Suprise passed by his eyes at my sudden aggression. Napakurap naman ako at kaagad bumawi. "Uh, I-I mean, hindi! We're not even friends, just classmates!"
Hindi naman siya umangal sa halip ay mabagal siyang tumango. "Oh? I thought... Anyway, that's good to know because he's not allowed to enter in a relationship yet."
Ha! Mukhang ako pa ang gusto makipagrelasyon kay Carlisle?
"Me, too. At wala naman akong balak din makipagrelasyon... lalo na sa pinsan mo." My lips twitched a bit. I sighed. "Nga pala, salamat ulit. Alis na ako, iyon lang bahay namin," sabi ko sabay turo sa hindi kalayuan kung saan ang mababang gate na bahay nina Tita.
Sa may poste lang ako nagpababa dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga tao kapag nakitang may naghatid sa akin... lalo na't lalaki!
"Okay. Take care."
Ngumiti ako sa kaniya at akmang tatalikod na nang mapatigil. Ang ngiti ay kaagad naglaho nang mahagip ng aking paningin ang naglalakad na si Tito Anton na mukhang pauwi galing sa palengke dahil may dala siyang isang tray ng itlog na puti't pula sa kabilang kamay naman ay supot ng gulay.
Tumigil siya at tiningnan ako. Pagkatapos ay iyong kaharap kong lalaki na mukhang napatigil din para sundan ang tiningnan ko.
"Oh, that must be your father and by the way he looked at us..." sabi ni AJ. Nagkatinginan kami tapos binigyan niya ako ng isang pag-angat ng kanang kilay. "Should I say hi and explain so that he won't misinterpret anything about a guy sending his daughter home?"
Nanuyo ang lalamunan ko tapos umiling. "No. I can handle it, but thanks."
"Okay, then. I'll go first." Sinuot niyang muli ang helmet pagkatapos ay sumakay na sa big bike niya.
Binalingan ko si Tito na papunta na sa direksyon ko. He's seriously looking at me and I was suddenly, extremely nervous!
Pagkaalis ni AJ ay inatake niya kaagad ako ng mga salita.
"Iyan ba ang inaatupag mo, Athania? Ang lumandi? May hiya ka ba sa katawan? Binigyan ka namin ng matitirhan, pinapalamon at pinapaaral tapos ito pala inaatupag mo?!"
My heart skipped a bit.
For a moment, I wasn't able to do anything. I couldn't move an inch, utter a word, or even blink a second! All because of his sudden outburst!
I was... shocked. Entirely. By his words.
I know he doesn't like me but... hindi niya ba naisip na sobra naman yata iyong mga salita niya? Alam kong hindi ako gaya ng sinabi niya. May hiya ako, tumatanaw ng utang na loob, at higit sa lahat hindi lumalandi.
God... no one has ever insulted me like that! I had never received anything that cruel from a family... Well, technically, he's not my family but still I considered him one.
May luhang nagbabantang mamuo sa aking mga mata dahil doon.
I'm not taking their kindness for granted! I'm studying well to pay it off soon. Nagsisikap ako para kapag dumating ang panahon na nagbunga lahat ng hirap ko ay masuklian ko sila. I'm not only doing this for my parents in province, I realized, because they are part of my future now.
Ngayon ko lang natanto na dapat inspirasyon ko rin sila dahil tinutulungan nila ako sa pag-aaral para sa pangarap ko.
Marahas akong hinila ni Tito sa papulsuhan at mas nilukob ako ng takot. May mga kapitbahay na pinagtitinginan kami na dahilan para tuluyan na akong maiyak.
"Tito..." tawag ko at sinubukang tumigil para magpaliwanag pero ang higpit ng hawak niya sa akin. He's literally dragging me!
"Anton! Ano ba ang ginagawa mo!"
Pagkarating namin sa loob ng bahay ay para akong gamit na binalibag niya sa sofa kung saan kasalukuyang nakaupo si Tita at nagtutupi ng mga damit.
Mas lalo akong umiyak nang makita siya. Dahil alam kong may magtatanggol sa akin at dahil din sa segundong lumilipas ng pag-iyak ko ay mas lumalala lamang ang hiyang nararamdaman ko. But I couldn't stop myself. Those words were painful enough to cry my eyes out.
"Bakit umiiyak si Ania, Anton! Ano'ng ginawa mo?!"
Sa nanlalabong mata ay malinaw ko pa ring nakita ang pagsugod ni Tita sa asawa at sinigaw-sigawan ito. Hindi man lang natinag ang huli at pumuntang kusina bitbit ang mga dala.
"Ano'ng ginawa mo sa kaniya?!"
"Iyang batang 'yan, mana sa 'yo! Pareho kayong malalandi! Iyang si Athania, imbes na nag-aaral ay ginagabi na ng uwi dahil lalaki ang inaatupag—"
I heard a slap after that, loud enough to reach my ears. My chest tightened more. How can he throw hurtful words to his wife? Humihikbi pa rin akong tumayo at dumiretso sa kuwarto. Hindi ko na narinig ang sigawan nila pagkatapos no'n.
Nagbihis lang ako pagkatapos ay kinalma ang sarili at nilabas ang mga notebook para aralin ang mga lesson kanina. Studying helped me divert my attention causing the pain to ease a little.
But then I remember a lot happened today. Muling tumulo ang luha ko nang maalala na namarkahan ako ng absent ngayong araw—wala rin akong quiz dahil pinunit ang papel ko—at napadala sa office ng prefect dahil doon. Nagsaya naman ako kanina pero hindi nabura ang katotohanang iyon. Tapos pag-uwi ko pinaratangan pa akong lumalandi.
Dahilan para mas mag-aral pa ako nang maigi. This is my coping mechanism. And I want to beat Carlisle more from what he did...
Now that I thought of him, I should, at least, message him for earlier! Kahit naman naiinis ako sa kaniya ay may acknowledgement pa rin akong natanggap. He entertained me more than he should have and it's something I should be thanking him. Plus, he looked annoyed when AJ and I hit the road.
Ilang minuto pa ako nag-aral bago ko niligpit lahat ng gamit at kinuha ang phone sa loob ng drawer. I logged in to my Facebook account, and decided to message Claera first since I wasn't able to bid my goodbye to her personally. Pinasabi ko lang kay Carlisle at Tito Kiyo.
Athania Riple:
Hello, Claera. Pasensya na hindi ako nakapagpaalam kanina. Thank you rin for keeping me company. I appreciate it a lot.
After that, I stalked Carlisle. Pag-tap ko sa profile niya ay lumabas ang Facebook story niya and I immediately figured it's set on public since we're not yet friends. Sa Facebook man o sa personal.
Tatlo iyong story niya na 15 minutes ago. Una, picture nila ni Tito Kiyo doon sa may decoration. Hawak ng huli iyong number na 4 saka 5 na balloon. Sumunod naman ay picture nila lahat. Kasama na roon si AJ.
Naningkit ang mata ko nang makita sa gilid na magkatabi sila ni Moriane. Nakaakbay sa kaniya ang babae tapos parehong ulo nila ay magkasandal sa isa't isa. Umirap muna ako bago tingnan iyong panghuling Facebook story.
This time, it was a picture of Moriane and him... only. Naka-wacky pose sila at apat na shot iyon, iba-iba.
Muli akong umirap at pinindot na lang ang message button para makaalis na sa profile niya.
Athania Riple:
Thanks.
Sa pagtitig ko sa isang salitang tinipa ko ay hindi ko namalayang ni-seen niya na iyon. Bahagya akong kinabahan at tumitig sa screen para hintayin ang reply. But a minute or two, wala akong natanggap kahit napindot na like. I tsked and didn't bother messaging him again. Mukha siyang inis sa akin kanina, pero wala akong pakialam dahil mas naiinis ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig sa kisame habang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ang mga pangyayari kanina. At kahit anong pikit ang gawin ko ay hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Hindi rin naman ako nagugutom...
Sa lalim ng pag-iisip ko ay bumangon na lang ako nang maalalang marumi na ang shoe cover ko at lalabhan ko na lang ngayon para naman malinis ang gagamitin ko bukas. Alam kong tulog na silang lahat dahil alas diyes na. Tita Althea called me earlier for dinner but I refused to go outside and told her I was full because it's true.
Nang matapos maglaba ay bumalik na ako sa kuwarto. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya naisipan kong sa Twitter naman magbabad.
Pero ngayon lang rumehistro sa isipan ko na gumawa ako ng Twitter account para... para kay Carlisle! What the heck?
Siya naman ang dahilan, 'di ba? Kung bakit napagawa ako ng account?
I groaned. Okay, might as well make use of this account.
carlisle @lisleinspace
sa mga nagtatanong po sa akin tungkol sa niluluto kong story ngayon hahahaha secret no clue
carlisle @lisleinspace
alam ninyong nilalabas ko lang iyong story kapag natapos ko na and update: wala pa ako sa exciting part hahaha badtrip kasi ako guys T-T kaya dapat be good dahil naaapektuhan ako
carlisle @lisleinspace
okay sige na nga bibigay ako ng clue baka umiyak na kayo e
carlisle @lisleinspace
inspiration ko si crush at sa kaniya nakasalalay kung happy ending ba hahaha joke
carlisle @lisleinspace
grabe!!! anong 'ay sure na hindi sila endgame' 😡 masyado nyo namang pinangungunahan ang tadhana
carlisle @lisleinspace
ISHI
carlisle @lisleinspace
it all started with mori - moriane and calix
stars and her - ivory and stellan
you stand out - twinkle and siam
carlisle @lisleinspace
4th book (soon)
Ang masasabi ko lang ay ang ingay at kalat ni Carlisle sa Twitter. At ang gulo niya. Hindi ko alam kung crush niya ba ako o trip niya lang talaga. Gayon pa man, wala pa rin akong pake.Wala naman akong napala, sa susunod ko na lang siya i-bash. In-off ko na lang ang phone at pumikit na at sa wakas, nakatulog na rin.
But unfortunately, I overslept.
"Shit, late na ako!" hingal na sabi ko at halos takbuhin na ang daan para lang maka-save pa ng oras. 7:30 na! Tiyak na kanina pa sila nagsimula sa klase! Hindi pa nakatulong na nasa third floor ako! Ni hindi pa ako nagsusuklay ng buhok at nagugutom na ako! Hindi ako nakapag-agahan!
Mas lalong lumakas ang tambol ng puso sa dibdib ko nang makarating ako sa floor namin at walang katao-tao sa corridor! Para akong hihimatayin sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay namumutla na ako.
Getting late is a nightmare!
Sumilip ako sa bintana ng silid namin. Hindi ko alam kung dapat ba mabawasan ang kaba ko dahil walang nakitang guro sa harapan, pero kahit na dahil hindi dapat ako makapante! Dahil sure na tapos na silang mag-pray!
I was about to step a foot inside when I stopped. Both because I remembered something and someone blocked me.
Nag-angat ako ng tingin at nakita si Carlisle na nakahalukipkip. Tumaas ang kilay niya nang makita ang ayos ko.
"Wear your shoe cover before you enter," sambit niya.
Saglit akong tumitig sa kaniya tapos sa loob kung saan tahimik ang klase, iyong iba ay mukhang may inaaral na.
Muli akong tumingin kay Carlisle. He's waiting for me.
"Nakalimutan ko iyong shoe cover ko sa bahay," sagot ko. Ang aga-aga pa, pero ang dami ko kaagad problema.
"Kasalanan ko?"
"Sinisi ba kita?" kunot-noong sabi ko.
"Five pesos for penalty, and leave your shoes before you enter. Mahal ang floor wax pati ang effort ng mga magpapakintab ng sahig."
"Puwede utang muna? Bukas ko bayaran at huwag ka mag-alala, huhubarin ko ang sapatos ko pero ilalagay ko sa ilalim ng upuan—"
"No."
I blinked. "What's wrong with you?"
"Nothing. Just following the rules."
"Mawawala ang sapatos ko rito sa labas! Saka hindi naman masyadong marumi—"
"Still no."
Buwisit! Hinubad ko iyong isa kong sapatos at hinampas iyon sa balikat niya. Nadumihan iyon pero nawalan ako ng pakialam dahil ang aga-aga pa ay dinagdagan niya na ang init ng ulo ko.
Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan dahil sa ginawa ko. Hinubad ko rin iyong isa kong sapatos at halos ihampas iyon sa kaniya, pero this time ay pinigilan ko na ang sarili. Kinuha ko ang natitirang twenty pesos sa baon ko at iyon ang hinampas sa kaniya.
"Lamunin mo 'yan," gigil kong wika saka binangga siya sa balikat at dire-diretsong pumasok sa silid.
Punyeta talaga!
Pagdating ko pa sa puwesto ay naalala kong sira na nga pala ngayon ang uupuan ko! Hindi ko mailagay ang bag sa upuan dahil malalaglag iyon sa likod dahil wala ng kahoy ang nakasuporta.
Nandidilim ang paningin ko sa pinaghalong mga emosyon. Bago pa ako bumagsak ay naupo na ako sa upuan at nilagay sa baba ang bag ko. I'm sure it will get dirty, but do I still have a choice? Dapat si Moriane ang gumamit nito tutal siya naman ang huling estudyante!
Ngayong araw ay MAPEH naman ang first subject namin. At hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Ma'am Ariola at nag-discuss sa harap ang magiging activity sa Music. We'll going to sing!
Gusto ko na lang maiyak dahil isa akong frustrated singer, for the love of god! Buti na lang ay napakiusapan naman na tatlong member sa isang grupo at least matatabunan ang boses ko kung sakali...
Pero hindi pa rin iyon nagbago dahil wala akong naging choice kundi ang maki-grupo kay Jerry Anne at Gael. Sa dami kong kaklase, bakit sila pang dalawa? Ang init ng ulo ko sa kanila!
Binigyan lang kami ng 20 minutes ni Ma'am para maghanda dahil ngayon din kaagad magpe-perform. At kahit naman hindi ako nag-e-excel sa ganito ay hindi naman nawawala sa akin ang pagiging competitive kaya naman niyaya ko ang dalawa na sa corridor kami mag-practice para walang sagabal. Buti na lang pumayag si Ma'am.
Ang inaakalang corridor na tahimik at walang sagabal ay mali dahil nang lumabas kaming tatlo ay roon ko napansin ang dalawang grupo. Kanila Carlisle at Roa.
Tumingin ang kagrupo ng lalaki na sina Moriane at Claera sa amin. Hindi ako umimik at tinanggal na lang ang tingin sa kanila at doon pumunta sa hagdan papuntang fourth floor. Sumunod naman kaagad ang dalawa.
"Hayaan Mo Sila ng Ex B na lang kantahin natin? Mas madali 'yon," suhestyon ni Gael na mas pipiliin ko na lang mag-solo kahit pa nakakahiya dahil mas nakakahiya naman siya!
"Huwag 'yon! Hello ni Adele na lang," si Jerry Anne.
Umiling kaagad ako. Alam ko iyong kanta pero hindi ko yata kakayanin 'yon.
Bakit kasi sa dami ng biniyayaan ng magandang boses ay hindi man lang ako nasali?
Salit-salit kami ng suggestion pero hindi kami nagkakasundo. May suggestion akong kanta pero hindi nila alam, may mga suggestion din sila na hindi ko bet. Tumatakbo ang orasan at alam kong mabilis lang ang 20 minutes!
"Love Story na lang kaya ni Taylor Swift?"
Bumuntonghininga ako at tumango kay Gael. "Sige, let's practice."
"Lakasan mo iyong boses mo, Athania, baka hindi ka marinig mamaya," sabi ni Jerry sa akin.
Umirap ako. "Iyan na 'yong boses ko!" palusot ko dahil ang totoo niyan ay nahihiya talaga ako sa boses ko.
"Saka sabayan mo kami! Humihinto-hinto ka, e."
"Ang dami mong reklamo," sabi ko sa kaniya.
She scoffed. "Look who's talking. Ikaw rin bahala, wala naman akong pake sa grades ko, e."
Time's up. Isa-isa nang tinawag ni Ma'am ang grupo na pupunta sa harapan gamit ang mga pinasa naming mga pangalan na nakasulat sa ¼ sheet of paper.
Kahit pa may iilan na hindi maayos ang performance, mga sintunado, at hindi memorize ang lyrics ay hindi pa rin ako napanatag ang loob ko.
"Riple, Parallag, Peralejo."
Para akong tinakasan ng kulay sa mukha nang marinig ang mga pangalan namin. Nanginginig akong tumayo at sinundan ng dalawa. Ngayong nasa harap na kami ay tanging kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko. Hindi pa nakatulong ang bahagyang panginginig at pamamawis ng kamay ko.
Gael counted one to three between us then he started the song before we followed. Napapikit ako saglit dahil saka ko lang mas narinig si Gael at na-realize na tone deaf siya. Ano ba 'yan, bakit ba kasi nagsama-sama kaming mga hindi pinagpala?
I was trying so hard to evade my classmates' eyes but upon singing the 'You'll be the prince, and I'll be the princess. It's a love story, baby just say yes,' my gaze darted to Carlisle who's stifling a laugh.
Namula ako sa kahihiyan at umiwas. Humanda siya sa akin mamaya.
"Ano, incantation ba iyang performance ninyo?" komento ni Ma'am pagkatapos naming kumanta.
Nagtawanan iyong mga kaklase namin.
And I hate all of them for that.
Hindi ako umimik at naglakad na lang pabalik sa upuan namin nang saktong tawagin naman ang grupo nila Carlisle dahilan para magkasalubong kami.
He looked at me and smiled, his dimple showing. "Congrats."
I smiled back. "Fuck you very much."
08/24/22
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top