Chapter 5
Chapter 5
Sunflower
"Sama ka na muna sa amin. Bilhan kita ng ice para sa likod mo baka kasi nagkapasa na iyan," sabi ni Claera nang maabutan nila akong dalawa ni Carlisle na pababa na ng floor.
"Hindi, huwag na," tanggi ko at patuloy sa pagbaba.
"Ikaw na nga gustong tulungan, tatanggi ka pa," narinig kong bulong ni Carlisle.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Sino ba kasing nagsabi na tulungan ako? Huwag na nga, 'di ba? Ba't ka mamimilit?"
Claera sighed beside us. "Okay, okay. Huwag ka na kasi sumabat, Carlisle," sabi niya sa kaibigan niya at inakbayan iyon. She then smiled at me. "Okay, sabay na lang tayo palabas."
Pumayag na lang ako at hindi na nakipag-away pa.
Tahimik lang kaming naglalakad. Nasa pagitan namin si Claera at panay ang daldal sa akin at kapag nararamdaman niyang gusto sumingit ni Carlisle sa usapan ay pinapatigil niya kaagad ito sa pamamagitan ng pagtapik sa balikat.
"May mga particular favorite ka ba, Athania? Kahit ano."
Mabait naman si Claera at kahit ganito ang ugali ko ay pinapakisamahan niya ako. I nodded. Napatingin ako sa kalangitan at nakitang kumakalat na ang kulay habang palubog ang araw sa kanluran.
Tinuro ko ang kulay-ginto na kalangitan sa parteng iyon. "Sunsets. I love sunsets," sabi ko.
"Oh, ako rin, pero medyo lang."
I smiled. "Saka kapag golden hour before sunset kasi naaalala ko lang din iyong sunflower."
She squealed. "You love sunflowers?"
Tumango lang ako at nagulat ako nang bigla niya rin akong akbayan. "Well, same! Alam mo buwan-buwan kasi akong nakakatanggap ng bouquet ng sunflower galing kay Jai since grade 7."
Grade 7! Ang aaga naman nila magkaroon ng crush? At buwan-buwan binibigyan ng bouquet? That's too much, well, at least for me!
"Clae, you're oversharing. She doesn't even look interested," ani Carlisle.
Sinipat ko siya, naiirita. "Ano naman ang alam mo sa pagkatao ko, ha?"
"Shh, shh," saway kaagad ni Claera at muli akong binalik sa puwesto ko kanina. Nagpatuloy kami sa paglalakad at malapit na sa gate nang may grupong palapit sa direksyon namin.
Pamilyar roon si Jairus, si Astrid na nakakapit kay Clint... hindi pa rin talaga ako sanay na makitang may kamukha si Carlisle. Hindi ko alam kung sinong mas okay para sa akin sa kanilang dalawa dahil talagang pareho silang nakakainis. Buti na lang at nahiraman ako ni Tita Althea ng bagong palda kaya hindi na masyadong nagtatagpo ang landas namin ng SSG VP dahil wala na siyang sisitahin sa akin.
"Tara, sabay na tayo umuwi," sabi ni Jairus at kahit alam niya na nakaakbay si Claera sa aming dalawa ni Carlisle ay hinila niya iyon sa baywang papalayo sa amin.
Nakita ko ang pagsunod ng mata ni Clint sa ginawa ng pinsan. Umiling lang siya at bumuntonghininga.
Hindi ko napigilan at nagsalita, "Himala yata hindi mo sinaway? That's unfair."
Naagaw ko lahat ang atensyon nila. Tumaas ang kilay ni Clint sa akin, tinanggal niya iyong kapit ni Astrid sa kaniya na mukhang desente nang tingnan ngayon—walang kolorete sa mukha at naka-ponytail pa at kita roon na wala siyang suot na kahit anong hikaw pati palda ay gaya na rin ng akin, tama na ang sukat. Wow, huh. Siguro ay si Clint ang may kagagawan no'n. At mukhang close sila. Then I remembered what Carlisle told me before. Kababata nila si Astrid.
"You're right," sabi niya, nakatingin sa akin. Sinita niya sina Jairus at si Claera na mismo ang humiwalay. May binulong si Jairus sa kaniya ngunit tinawanan lang iyon ni Claera.
Now, I feel awkward. "Oh, okay. Uuwi na ako," I told no one in particular. Hindi ko na hinintay ang reply ng kung sino at humakbang na paalis. Nabangga ko pa sa balikat si Carlisle bago ako tuluyang makaalis doon.
Nakakahiya. Dapat pala hindi na lang ako nagsalita.
Nang makauwi ako ay naabutan ko si Tito Anton na nasa sofa at nanonood ng TV. Lumapit ako sa kaniya at nagdadalawang-isip pang magmano. Tinaas niya lang iyong kamay niya habang nanonood pa rin ng TV kaya kinuha ko iyon at dinikit sa noo ko.
"Uh, nasaan po si Tita?"
"Kasama si Jean bumili ng ulam."
"Ah..." Umayos na ako ng tayo at akma nang aalis nang magsalita si Tito, "Kuhanan mo muna ako ng tubig sa ref."
Tumango ako at mabilis na dumaan sa harap niya para makapunta sa kusina. Sinalinan ko ng malamig na tubig ang baso saka bumalik doon. Ibibigay ko na sana sa kaniya.
"Ilagay mo lang sa mesa," sabi niya kaya sinunod ko kaagad. Nilapag ko ang baso sa lamesa sa harap niya.
"Bilis, alis kaagad! Nanonood ako!" iritado niyang sabi sa akin at lingon sa TV na nasa likod ko.
Yumuko ako at mabilis na umalis. Pagkarating ko sa kuwarto ay inis kong binato ang bag sa kama. Bakit pa kasi naabutan ko pang mag-isa si Tito? Alam ko namang ayaw niya sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa dagdag-problema na naman ako sa kanila. Sabagay, totoo naman 'yon. Pag-iigihan ko na lang sa pag-aaral para kapag nakakuha ako ng magandang trabaho ay masuklian ko ang mabuting ginawa nila sa amin.
Nang gumabi ay ginawa ko ang takdang-aralin pagkatapos ay nag-review sa lahat ng inaral namin ngayong araw dahil may recitation na maganap kinabukasan pagkatapos no'n ay nahiga na ako at kinuha ang phone at nag-log in sa Facebook.
Naalala ko iyong kuwento ni Claera kanina sa klase kaya naman dumiretso na ako sa search bar at tinipa ang pangalan ni Carlisle roon kahit medyo kinakabahan ako sa ginagawa ko. This isn't stalking, I'm just a bit curious.
Lumitaw ang profile niya at nagsimula na akong mag-obserba. Since we're not friends—yes, we're still not because I haven't accepted his friend request yet—ay limitado lang yata ang post na visible sa akin. Pagka-scroll ko ay siya namang pagkaka-update ng bago niyang profile picture.
Lumiwanag ang mukha ko nang makita iyon. He was in a field of sunflowers! He was wearing a cap in the picture tapos bahagyang naka-sideview, mas lalong gumanda ang kuha dahil sa kulay ng langit. It was glowing.
'Golden hour was well-spent in a field of my favorite sunflowers,' was his caption.
Isang minuto pa lang simula nang i-upload niya iyon ay nasa 50 na ang reacts. Hindi ko napigilan at tiningnan na rin ang comment section.
Avrilienne Reistre
i thought tulip was your favorite flower, kuya
Carlisle Reistre
people change, bub 😇
Natawa na lang ako at napailing. Saglit akong natulala nang may ideyang rumehistro sa akin. A while ago, Claera and I were just talking about sunsets and sunflowers tapos...
Weird.
But I shrugged it off. Nakakainggit. Gusto ko rin makaranas makapunta sa isang field ng mga bulaklak, particularly ng mga sunflower. I wanna take numerous pictures there.
Bago pa ako mag-leave sa page na 'yon ay nag-scroll pa ulit ako at nakitang may shared post siya tapos ang daming haha reacts at comments.
His shared post was a photo of a couple tapos may caption na, 'feeling blessed. naging girlfriend ko na siya'.
Carlisle Reistre
kung hindi maging kami ni crush, kawawa naman siya #herlossnotmine 🤭
Natawa ako at hindi na nang-usisa pa sa comments. Dumiretso na ako sa inbox ko dahil may iilang message na.
Denver Anclote:
Hi, Athania... ayos ka lang ba?
Kumunot ang noo ko. Bakit naman hindi?
Athania Riple:
Yes. Why?
Dahil hindi pa siya nagre-reply ay binuksan ko naman iyong conversation sa group chat namin. Ang dami kaagad unread messages, pero hindi na ako nagback-read. Nakakatamad tapos puro lang naman kalokohan mababasa ko.
Grade X - Rizal
Carlisle Reistre:
wow nag-seen
hi, riple
Roa Bedrijo:
pres, hindi ba tayo magdadagdag ng decor sa room? para makuha natin title ng best in classroom, may prize yun kaya dapat di ba
Carlisle Reistre:
oo nga pala
hahahaha ako bahala, guys
pag-usapan natin yan one of these days
Jerry Anne Parallag:
may assignment ba
Carlisle Reistre:
teka guys leave muna kayo lahat gusto ko makausap si riple 🤣 nahihiya yata siya mag-reply #shytype
Athania Riple:
shut up
Hindi ko na siya muling ni-reply-an nang mabasa ang chat ni Denver.
Denver Anclote:
Ahh buti naman kasi di ba parang nagalit si pres sayo kanina
Athania Riple:
Wala 'yon. Badtrip lang daw.
Denver Anclote:
Ahh
Pres...
I wanted to be called one, too!
Wala naman akong napansin na related sa pagiging writer ni Carlisle kaya naman in-add ko na lang si Claera sa Facebook at nang kaagad ma-accept ay ni-chat ko.
Athania Riple:
Hi, Claera! Sorry hahaha curious lang kasi ako sa kuwento mo kanina about Carlisle being a writer
Claera Recto:
OMG! HAHAHAHAHAHAHA
tama ba 'tong nababasa ko...
You're interested!!!
Athania Riple:
Curious lang 😒
Claera Recto:
Oh HAHAHAHAHAHA okay
but yeah what about it?
Athania Riple:
Since when he started writing? Grade 10 pa lang tayo pero ang dami niya nang nagawa.
Claera Recto:
Oh, Grade 8 siya nag-start magsulat but he started publishing his books no'ng bakasyon lang! Kasi he did editing, revising and all sa mga gawa niya no'n. Ang cringe raw hahahaha gusto niya nga i-delete na lang kaso sayang kaya inayos niya tapos ayon go na for self-publishing! Bali 3 na nagagawa niya
Athania Riple:
Oh, that's nice. May account ba siya solely for writing-related stuff?
Claera Recto:
Of course! Twitter niya is @lisleinspace actually aside from writing, for kalat acc niya rin iyan HAHAHAHAHAHA
Athania Riple:
Thank you. Sorry sa disturbo, curious lang talaga kasi ako hahahaha and please sana huwag mo ako isumbong 😄
Claera Recto:
NO WORRIES OKAY HAHAHAHAHA SECRET LANG NATIN TO
Anyway, good night, Athania! Matutulog na ako.
Athania Riple:
Sure! Thanks again, Claera.
Gumawa ako ng Twitter account saka hinanap iyong account niya roon bago siya ni-follow. In-off ko na rin iyong phone ko pagkatapos at hindi na nang-stalk muna dahil kailangan ko nang matulog.
Napalingon ako sa pintuan ng kuwarto ko nang bumukas iyon. Napaupo ako nang pumasok si Tita at ipinakita ang phone niya.
"Gusto mo ba kausapin ang mama mo?"
My lips twitched. The last time she called, I almost teared up and ended the call. Ayaw kong maramdaman nila na nalulungkot o nanghihina ako... Hindi ko maintindihan pero nahihiya ako kapag gano'n.
"Uh, sige po, saglit lang..." sabi ko. Inabot niya iyon sa akin but this time, she went out to give me privacy which put me at ease. Nakakahiya kasing makipag-usap kanila Mama kapag may nakikinig, knowing na emotional ako pagdating sa kanila.
"Athania, anak! Kumusta ka na diyan?!" maligayang boses ni Mama ang bumungad sa akin.
Naramdaman ko kaagad ang pagbara ng kung anong bukol sa lalamunan kaya hindi muna kaagad ako nagsalita dahil baka mabasag ang boses ko.
I exhaled. "A-Ayos naman po!" masayang sagot ko. But I was lying when I said I was fine because my feelings every night tell otherwise. I miss them, but I get to miss them more at night... where everybody's sleeping and when the surrounding's in silence. Madalas ako nilalamon ng lungkot kapag gano'n kaya ayos sa akin ang madalas na nasa eskwela dahil nakakalimutan ko iyon panandalian.
Hindi pa nakadagdag na medyo hindi na ako komportable sa bahay na ito simula no'ng narinig ko ang pagrereklamo ni Tito Anton tungkol sa akin. Na tila ba ayaw na ayaw niya akong narito sa kanila, sa paningin niya, pero wala siyang magawa dahil ang kagustuhan ni Tita ang masusunod.
"Nag-aaral ka naman nang mabuti?"
"Opo! Sa katunayan nga ay madalas mataas ang marka ko sa mga quiz at test!" pagmamayabang ko pa para sa tunay na emosyong nagkukubli.
"Ang talino talaga ng anak natin, pang!" Narinig ko ang pagtawa ni Papa sa kabilang linya; mas lalo lamang lumala ang kagustuhang maiyak na lang.
"Magpapakabait ka riyan, anak, ha! Huwag pasaway at mag-aral ka na lang nang mabuti para sa magandang kinabukasan mo. Huwag ka gagaya sa akin na walang tinapos—"
"Papa naman, e..." My voice broke. "Huwag ka po ganiyan! Pag-iigihan ko ang pag-aaral para po sa inyo..." Tuluyan na akong naiyak. Iyon na yata ang pinakamahabang pangungusap na ibinahagi ko sa ama.
Saglit na natahimik ang kabilang linya bago ko narinig ang buntonghininga ni Papa. "Hindi mo kailangang magsikap para sa amin, anak. Gawin mo iyan para sa sarili mo. Huwag mo kaming aalalahanin dahil ayos lang kami rito..."
Napasinghot na ako at alam kong pagsisisihan ko ito bukas dahil sa hiya. I just cried while they were at the other end of the line!
Ilang minuto pa ang inabot ng usapan namin bago nagpaalam sina Papa na matutulog na raw. Tumatanda na sila... at walang ibang mag-aalaga sa kanila roon dahil narito ako. I am their only child...
Narinig ko ang dalawang beses na katok sa pinto kaya naman mabilis ko ring pinalis ang bakas ng luha sa aking mga pisngi nang pumasok si Tita.
She looked at me worriedly. "Ania, ayos ka lang ba?"
Natawa ako nang mahina. "Oo naman po... uh, medyo si Papa po kasi pinaiyak ako," nahihiya kong amin at napakamot sa ulo.
I heard her sigh before sitting at the edge of my bed. Ngumiti siya sa akin at inabot ang aking mukha para haplusin ang pisngi.
"Nami-miss mo na ba sila?"
Matagal pa bago ako dahan-dahang tumango.
Tumango siya at nginitian ako. "Humiga ka na at matulog, babantayan kita saglit tapos lalabas na ako..." sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Nahihiya na akong tumanggi kaya pumayag na lang ako at nahiga na. I silently prayed and closed my eyes. Ramdam ko pa rin ang tingin ni Tita sa akin kasabay sa paghaplos niya ng aking buhok at pag-ayos ng kumot sa aking katawan.
Masuwerte ako dahil kinupkop ako ng sobrang bait na tiyahin...
Bago pa ako tuluyang hilain ng antok ay parang may narinig akong boses o baka dahil sa pagod lang at kung anu-ano na ang naririnig ko.
"Pasensya na kung kinuha kita sa kanila... alam kong mangungulila ka kapag nalayo sa kanila... pero gusto na rin kita makasama..."
"Guys, listen up! May ni-send daw na PDF file si Ma'am sa GC. Iyong GC na pang-serious mode, ah! Review-hin daw natin 'yong page 32-35 kasi raw may quiz siya mamaya!"
Nakaani ng iba't ibang ingay si Carlisle galing sa mga kaklase pagkatapos ng ginawa niyang announcement.
"Wala kaming load!"
"Naka-connect naman kayo sa WiFi ng library, ah?" sabi niya sa isang kaklase.
"Bababa pa kami? Third floor 'to, mauubos ang oras!"
Sumimangot si Carlisle sa harap at may pinindot sa phone niya. "Oh, bukas na hotspot ko! Sa mga walang load, i-connect niyo na. Carlisle's WiFi nakalagay tapos ang password ay sobrangpoginicarlisle, tapos i-download niyo na iyong file at mag-review. Malinaw ba?"
I snorted. Kung gano'n lang din ang password niya mas mabuting bumaba na lang ako ng third floor at maki-connect doon sa library!
"Yes, pres!"
"Uy, tol, 1v1 tayo!"
"Hoy, Gael, huwag mo uubusin ang MB ng load ko! At magre-review, hindi maglalaro, klaro?"
"Oo na, mamaya na nga lang!"
Kani-kaniya na sa kilos ang mga kaklase ko habang ako ay namomroblema sa upuan. Claera was about to approach me, pero naunahan na siya ni Carlisle na kararating lang sa row namin.
He looked at me and arched a brow. "Competitive ka kaya, Riple, kaya bakit hindi ka pa magsimulang mag-review?"
I bit my lower lip, sighed, and just told him my problem, "Hindi ako nagdadala ng phone sa school. Bakit kasi PDF pa? As if naman lahat ng estudyante nagdadala ng gadget," reklamo ko.
"Ah, sorry, ah? Bakit ka ba nagagalit sa akin, e, inutusan lang naman ako ni Ma'am," sabi niya rin tapos kumilos na para maupo sa tabi ko.
"Hindi ako galit," giit ko at nilingon siya.
He sighed. "Oo na, share na lang tayo—"
"Ayaw ko nga."
"Ikaw bahala, ikaw rin babagsak."
Nilingon ko si Claera para sana sa kaniya na lang ako maki-share kaso nakita kong busy na siya pati iyong isa naming kaklase. They were sharing, too.
Grado na 'to kaya dapat unahin ko kaysa sa pride. Walang choice kong nilingon si Carlisle na mukhang kanina pa inaabangan ang atensyon ko. "Sige na nga."
"Ayon, choosy ka pa. Oh, ikaw maghawak," sambit nito at inilahad sa akin ang phone niya.
Hindi na ako umarte at kinuha iyon. Sakto naman na naka-display na sa screen iyong file saka iyong page mismo. Umayos ako ng upo para naman komportable kaming dalawa at pareho naming mabasa.
Naramdaman ko ang paglapit ng ulo niya sa akin kaya gumalaw ako, medyo naiilang. Mas lumala pa iyon nang iangat niya ang ulo para tingnan ko. We're... super close!
"Hindi naman ba malabo mata mo? Nababasa mo ba nang maayos iyong text?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko. "Yes, why?"
Tumango siya. "I-adjust ko ba ang brightness? Baka kasi madilim para sa 'yo. At ano, may reading glasses pala ako sa bag ko, baka gusto mo hiramin?"
"Carlisle..."
"Oh?" aniya sabay titig sa akin.
Tinulak ko iyong noo niya papalayo gamit ang daliri ko. I smiled at him. "Everything's fine. Ayos ang brightness ng phone mo, nababasa ko ang text kaya puwede... mag-review na tayo?"
His lips parted then he blinked thrice. Umayos rin siya ng upo tapos biglang lumukot iyong mukha.
"Sungit mo, buti na lang lagi akong nadadala sa mga mata mo."
I hissed. Tumikhim siya at nag-focus na sa phone. After a while, we became busy reading and reviewing each other about what we understood from the lesson we read.
"Okay, good morning, class! I'm sorry, I'm a bit late! Anyway, you have a new classmate... from another section!"
Nagkatinginan kami saglit ni Carlisle bago namin sabay na binalingan ang nagsalita sa harap. Nakatayo si Ma'am Pineda roon kasama ang isang estudyanteng babae—maganda ngunit mataray tingnan.
Hinila siya ni Ma'am patungong gitna at mukhang ayaw niya pa pahila. Sa simpleng kilos na iyon ay naisip ko kaagad na matigas ang ulo niya.
"She's being transferred here dahil pasaway." Tumawa siya. "But please be good to her. This is Moriane Sandoval. I assume some of you know her."
Moriane Sandoval...
Moriane... Mori...
Ex-crush ni Carlisle!
08/15/22
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top