Chapter 4
Chapter 4
Inspiration
"Sinadya mo, 'no? Ba't ako iyong tinamaan mo? At sa mukha pa talaga!"
"Huwag ka ngang tanga, Carlisle. Dodgeball nga, 'di ba? Alam mo palang tatamaan ka, edi dapat umilag ka o saluin mo 'yong bola. At magkalaban tayo baka nakakalimutan mo," sagot ko sa kaniya habang pinanonood ang mga natira galing sa bleachers.
We were both eliminated from our teams in our activity. Siya dahil tinamaan ng bola, ako naman dahil nasalo no'ng kalaban iyong bolang ibinato ko kanina.
"I get it, Riple. Pero bakit sa mukha?" sabay lingon niya sa akin.
May ilang pulgada lang ang puwang sa pagitan naming dalawa. Kasalukuyan siyang nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang puti niyang panyo habang hinihintay akong sumagot.
"Do I have to answer that? Ang dami mong arte, hindi naman lahat ng bagay ay may rason. Isa pa, wala naman sa nabanggit na rules ni Ma'am na hindi puwedeng tamaan ang mukha."
"Right. Okay. Nasabi ko na rin naman kay Ma'am na minus-an ka ng points dahil sa ginawa mo kanina sa pila. Bukod sa binato mo ako ng ID pass sa mukha, nagmura ka pa. Patong-patong ang offense, 'no?" aniya, bakas ang sarkasmo sa huling pangungusap. Halatang naiinis na siya sa akin.
"Alam mo..." Hinarap ko siya at ngumiti. "Wala talaga akong pakialam," sabi ko sabay tayo para iwan siya roong mag-isa.
Walang araw na hindi kami nag-aaway ni Carlisle. Madalas magkasalungat kami kaya hindi kami magkasundo. Mahilig din siyang mang-asar na siyang kinabubuwisit ko, tapos kapag siya naman inaasar... napakapikunin naman!
"Okay, let's have a quick review! What's the difference between sexual and asexual reproduction?"
Pagkatanong ni Ma'am noon ay tinaas ko kaagad ang kamay. But actually, I raised my hand the same time Carlisle did. Epal talaga!
"Yes, Riple?"
I smirked at Carlisle before standing up. "Sexual reproduction involves specialized cells called egg and sperm while asexual does not involve sex cells."
"Okay, good. 5 points!" aniya at may isinulat doon sa record book niya.
"It is the study of tissues."
Marami-rami kaming nagtaas ng kamay pero pinili ni Ma'am si Vivien.
"Tissuelogy, Ma'am!" malakas na loob niyang sagot.
Tumawa ako. What the heck? Tissuelogy? Does that word even exist?
"Grabe ka, at least she tried to answer," sita ni Carlisle sa tabi ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano na naman ba? Pati pagtawa ko, pakikialaman mo?"
He frowned. "Ilugar mo kasi. Hindi naman nakakatawa na nagkamali siya—"
"Whatever, pake ko sa 'yo," putol ko at muli nang nakinig sa klase.
"The study of tissues is histology," sabi ni Roa.
"Next, who proposed the cell theory?"
Nagtaas ako ng kamay, but this time she picked Carlisle.
"Matthias Schleiden, Theodor Schwann, and Rudolf Virchow."
"Okay, 5 points."
Claera clapped. "Hindi ako nagkamaling kaibiganin ka."
"Siyempre, ako na 'to," sagot naman ng isa.
Umirap ako. Ang yabang talaga!
"What is hypertonic solution?"
I raised my hand again. Pinaghandaan ko talaga itong Science dahil gusto kong lamangan si Carlisle. The day I didn't review, kinuha niya lahat ng puntos na dapat ay sa akin kaya bumabawi ako.
Tinuro ako ni Ma'am kaya tumayo ako. "Hypertonic solution contains lesser concentration of solute..."
"Oh, wrong. Anyone?"
Kumunot ang noo ko. "Ma'am? Bakit po mali?"
Sasagot sana si Ma'am sa akin nang mapansin ko sa gilid ng mata ko ang pagtaas ng kamay ni Carlisle. Labag sa loob akong naupo.
"Yes, Reistre?"
Tumayo si Carlisle at ngumisi sa akin. "Hypertonic solution, Ma'am, contains higher concentration of solute. Mali iyong sagot ni Riple kasi hypotonic iyong lesser concentration," sagot niya, nakatingin sa akin at Ri-pol ang bigkas sa apelyido ko!
"Okay, good job, Reistre. Now, please be seated. We'll be having a discussion."
Ano ba 'yan! Gano'n ba ako kabobo na nagkamali pa ako roon? I should concentrate more and careful next time! Nakakahiya!
Nang matapos ang klase sa subject ni Ma'am ay tumayo si Carlisle. Bago niya pa ako lagpasan ay tumawa siya. "That's what you got from laughing at someone's mistake."
Bago pa siya tuluyang makalayo sa akin ay dinampot ko ang notebook ko at binato sa likod ng ulo niya. Sapul.
Everyone who witnessed that, gasped.
Nakita ko kung paano niya ini-stretch ang leeg bago pumihit patalikod at yumuko para kunin iyong notebook na binato ko. Sinuri niya iyon bago lumipad ang tingin sa akin. He smirked.
"Please, observe cleanliness. Kung gusto mo itapon, idiretso mo sa basurahan. But I guess you're too lazy to even stand, Riple, I'll throw it for you."
Namilog ang mata ko nang makitang dumiretso siya sa trash bin at pinasok niya iyong notebook ko sa basurahan ng mga papel.
"What the heck, Carlisle!" sigaw ko.
Natahimik ang buong klase lalo na nang humarap siya sa amin. He looked so serious now, and it's kinda scary!
"As a class president, I want every corner of this room clean and polished. If we want to be next month's best classroom, then please be responsible. I won't tolerate anyone's nasty attitude."
Naglakad na ulit siya papuntang harap at huminto muna sa gilid ko. I was clenching my fist when he looked down at me.
"I can't play with you all the time, Riple. Be careful."
Wala akong nagawa kundi ang manahimik at kunin ang notebook na nasa basurahan nang lumabas siya ng silid dahil pinapatawag.
Nakita ko roon si Denver. "Tabi, kukunin ko notebook ko."
"Ako na," sabi niya tapos hindi na naghintay ng approval sa akin. Pinunasan niya pa iyon gamit ang panyo niya bago ibigay sa akin. He smiled at me apologetically.
"Thanks."
Padabog akong bumalik sa upuan nang tumabi sa akin si Claera.
"Ang sungit, 'no?" sabi niya.
"Yeah," sabi ko na lang.
"Hayaan mo, badtrip lang iyan kasi na-delete iyong chapter na sinusulat niya kanina."
It caught my attention. "What chapter? May research ba tayong ginagawa na hindi ko man lang alam?"
She laughed. "No, not that one. Chapter sa story na sinusulat niya. Nagsusulat kaya iyan ng story."
"Really? Anong story naman?"
"Something vanilla. You read books? May self-published books siya, e, but usually he's keeping it private. I mean, sa close friends niya lang. He doesn't want everyone to know he's writing something romantic."
Oh, that's kinda... surprising. Carlisle as someone who writes vanilla romance stories? That's beyond my imagination, actually. Akala ko siya iyong taong mahilig sa computer games o makipag-flirt online.
"And you know, I think you're his inspiration now!" excited niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. "Inspiration what?"
"Yes, wait." Tinaas niya iyong kamay niya pagkatapos ay dinukot ang phone sa bulsa ng palda. Lumapit ako nang kaunti sa kaniya dahil may ipapakita siya.
She opened her phone and my eyes squinted when I saw a familiar face as her lock screen. "Wait... si Jairus ba 'yan? Iyong pinsan ni Carlisle?" Hindi ko na napigilan at nang-usisa na. I was sure it's Jairus' selfie. Nakasuot siya itim na cap na nakabaliktad tapos nakalobo ang pisngi. He was cute there.
Claera pursed her lips. "Well, yeah. Sorry you had to see that," nahihiya niyang sabi tapos ay nagpatuloy sa pagkalikot sa phone.
I smiled a bit. "No. It's fine. Kayo pala?"
Tiningnan niya ako at umiling. "M.U. lang."
I tilted my head.
"Like more than friends, less than lovers?" pagpatuloy niya pa.
"Ah..." Tumango-tango pa ako nang tuluyan niya nang ipakita ang dapat ipakita. Nasa app iyon ng Twitter.
"May story kasi na sinusulat ngayon si Carl tapos siyempre, we're best friends kaya updated ako sa kaganapan niya..."
Tumango ako. I don't know but I'm suddenly interested.
"I found out na Ishi iyong name ng bidang babae sa ginagawa niya ngayon," aniya sabay pakita sa akin no'ng tweet.
Napakurap ako.
Ishi?
"T-That's me!" bulalas ko.
She gave me her knowing smile. "Yes. Maraming Ishi, pero I know it's you."
"But why me?"
"Why not you?"
Inirapan ko siya nang hindi sinasadya. Mukhang nagulat siya kaya kaagad kong pinikit-pikit ang mata.
"Sorry, kusang umiikot mata ko," palusot ko at hilaw na ngumiti.
Tumawa naman siya. "Ayos lang. Anyway, huwag mo sabihin, ah. Mahiyain kasi iyon si Carlisle sa ganitong bagay kaya secret lang, baka hindi na 'ko pansinin no'n, e."
Tumango ako, considering. But I'm curious...
"Ginawa ka na rin ba niyang bida sa story niya?"
Humalumbaba siya sa armrest niya saka tumingin sa akin. "Hindi, pero kaibigan ng bida. Ang weird daw kasi kapag ako bida, ako raw talaga mai-imagine niya kaya hindi siya makapag-concentrate kaya ayon, ginawa niya na lang akong kaibigan." She shrugged. "I have some of his books. Wanna read it?"
Mabilis akong napailing. "No, huwag na." Nagbabasa naman ako ng novels, pero parang nakakahiya basahin. I mean, siyempre baka kapag binasa ko siya lang laging nasa isip ko kasi hindi ako makapaniwala na siya nagsulat no'n. It's kinda awkward.
"Okay. Maganda, e. Kapag gusto mo, pahiramin kita. Basta, huwag mo sabihin, ah. The last time kasi na sinabi ko kay Moriane na siya bida sa first book ni Carl, hindi niya ako pinansin ng isang linggo."
Natulala ako saglit bago nagkaroon ng boses magtanong, "Moriane?"
Saglit siyang natigilan na parang may natanto siya. Bigla na lang niya sinapo ang noo at napatingin sa akin. Naghihintay ako ng sagot niya nang bumuntonghininga siya.
"Hays, I slipped again. Okay, secret ulit 'to, pero si Moriane crush iyan ni Carlisle dati. Since grade 7."
"Grade 7?" manghang sambit ko.
"Yes. Siya iyong naging inspiration ni Carlisle na gumawa ng story."
"So... his first book was actually for her?" kumpirma ko.
"Yep. Ang title pa no'n ay It All Started With Mori."
Napaawang ang labi ko. Now I'm very curious about that book.
"Saan si Moriane?"
"Nasa kabilang section."
"Nasa kabilang section lang?!" gulantang kong sabi. Grabe, nasa iisang building lang pala!
Naputol iyong daldalan namin ni Claera nang dumating iyong teacher namin sa Filipino. And I was glad Carlisle's not here. Mahuhuli siya sa leksyon. Well, served him well. But I couldn't get what Claera and I talked about earlier off my mind. Why would Carlisle make me an inspiration? His story's leading lady?
Hindi niya naman ako crush, I'm sure of that. Naiinis lang siya sa akin. Namilog ang mata ko nang may matanto. What if tragic story iyong sinusulat niya? Tapos ako bida, 'di ba? Baka naman doon niya ibubuhos sa story iyong frustration niya sa akin? At biglang ganti dahil hindi niya naman ako magantihan sa personal, ay doon magaganap ang torture para sa akin? He'll kill my character?
Wow, that's kind of harsh but talented way of revenge, huh.
Pilit ko na munang isinantabi iyon para makinig nang maigi para naman makabawi.
"Ano nga ba ang pagkakaiba ng ng sa nang? Sino ang maaaring makapagpaliwanag?" tanong ni Ginang Florita.
Tinuro ako no'ng ibang mga kaklase. "Si Riple, Ma'am, lagi niyang sinisita sa GC iyong mga mali gumamit!"
Sumimangot ako pero kalaunan ay tumayo rin. "Ginagamit po ang ng kapag sinasagot ang tanong na ano at kailan. Halimbawa, sa tanong na: ano ang kinakain mo, Claera?" Lumingon ako kay Claera at nakita ko siyang ngumisi. "Ang sagot ay: kumakain ako ng mangga. Sa kailan naman, kunwari: anong oras ka pupunta sa bahay nila? At ang sagot ay: pupunta ako sa bahay nila ng tanghali."
"Tama. At ang nang naman, hija?"
"Ang nang ay ginagamit naman po kapag sinasagot ang tanong na paano. Kunwari, paano kinain ni Claera ang mangga?"
"Sinubo!" sagot ni Gael.
Umirap ako dahil sa paggambala niya sa paliwanag ko. "Kinain ni Claera ang mangga nang mabagal. Paano kinain ni Claera? Edi sa mabagal na paraan. Sunod, kapag umuulit ang kilos. Halimbawa, talak nang talak si Gael. Maaari ring ibang salita ito ng noong. Kunwari, noong umuwi siya o nang umuwi siya. Ibang salita rin ito ng para at upang. Halimbawa ay sa pangungusap na: maglinis ka para hindi ka pagalitan. Maaari itong maging: maglinis ka nang hindi ka pagalitan."
After I explained, they clapped for me. Ilang minuto pa bago kami nagkaroon ng quiz para sa ng at nang. Doon lang din dumating si Carlisle na hinihingal pa.
"Pasensya na, Ginang Florita, at ako ay nahuli. Nagkaroon lamang ng pagpupulong ang mga presidente ng bawat klase."
Lihim akong natawa. Akala ko ay nagtutula siya, e! Dumating siya sa linya namin at napansin niya akong tumatawa. Inirapan niya lang ako bago dumaan sa harap. Nanuot ang pabango niya sa aking sistema pagkatapos no'n. Ayaw ko namang amuyin dahil baka maadik ako katagalan kaso lagi ko iyong naaamoy!
"Kanina pa nagsimula?"
"Oo," sagot ko naman habang nagsusulat.
I felt him glance at me kaya napalingon din tuloy ako sa kaniya. I just realized I wasn't the one he's asking. It's actually Claera.
"Hindi kita tinatanong."
"Oo, kare-realize ko lang," sambit ko naman.
We both looked away and just focused on our papers.
"Para sa takdang-aralin. Gumawa kayo ng limang pangungusap ng ng at nang. Iyon lang at paalam."
"Paalam, Ginang Florita! Salamat at mabuhay!"
Pagkalabas ni Ma'am ay siya namang pagpunta ni Carlisle sa harap para sa isang announcement. Aniya'y may magaganap raw na gardening competition ang grade level namin sa loob ng paaralan kaya naman pinaliwanag niya ang mga kakailanganin at mga gagawin. The competition will be at the end of the month kaya mahaba pa ang panahon namin para maghanda. May mga naka-assign na rin daw na area sa amin kung saan doon ang magiging garden ng section namin.
"For now, that's all. I'll just make an announcement sa group chat if ever may idadagdag ako or you can approach me for clarifications or further information."
Ewan ko kung nakikinig ba 'yong iba pero kasi habang patapos na sa pagsasalita si Carlisle ay maiingay sila tapos iyong iba naman kani-kaniya sa ginagawa. May iilan pa na nagliligpit na ng gamit dahil sa uwian na rin naman. But it's just kind of offending and rude kasi nagsasalita siya sa harap tapos walang makikinig?
Halos iyong class officers pa naman pasimuno. Ewan ko ba at bakit sila ang mga na-elect!
I was nominated several times during election of class officers, pero no'ng natalo ako sa position ng class president namin ay tinanggihan ko ang mga sumunod.
I only wanted to be the class president. And if I wasn't going to be one, I'd rather have no position in class at all.
Bahala si Carlisle magdusa riyan. Pinili niya, e, saka mukhang sanay na rin sa magulo. Halos pasan niya lahat ng responsibility kahit paniningil siya halos gumagawa dahil iyong treasurer walang alam sa mundo.
Naiwala pa iyong unang pera galing sa nakolekta niya sa penalty ng mga walang shoe cover kaya si Carlisle na ang nangolekta simula no'n.
I hope he gives up his position, though. Gusto ko rin maranasan maging president kasi naniniwala naman ako sa sarili ko na mas maayos ako mamuno. Lahat ng matitigas ang ulo, talagang hindi ko hahayaang hindi magtanda.
"Sa mga hindi nakinig, sa group chat ko na lang uulitin. That's all. Let's all stand up and pray," he said finally.
Uwian na at naiwan ang row namin bilang cleaners. Tahimik akong nag-aayos ng upuan nang may magwalis sa direksyon ko dahilan para mapunta ang alikabok sa akin.
"Ano ba 'yan, bastusan lang?!" sigaw ko roon kay Gael.
"Maka-sigaw naman 'to, ang arte! Saka huwag mo muna kasi ayusin, wawalisin pa iyong kalat. Kababae mong tao, hindi mo alam ang basic procedure!"
Muli na naman siyang nagwalis kaya sa galit ko ay ibinato ko sa kaniya ang nakita kong ball pen. "Ang tigas ng mukha mo, ah. Nananadya ka ba?!" hinihingal na na sigaw ko dahil sa inis.
Dumilat siya galing sa pagpikit no'ng pagbato ko at nakita ko kung paano nandilim ang mata niya saka ako sinugod.
Namilog na lang ang mga mata ko nang malakas niya akong itulak. Tumama ang likod ko sa upuan dahilan para mapadaing ako sa sakit at gulat.
Claera, Carlisle and Jerry Anne rushed to us.
"Gael, ano ba, babae iyan!" biglang sigaw ni Carlisle at hinawakan sa kuwelyo si Gael.
"Siya iyong nauna. Binato niya ako sa mukha, and you expect me to do nothing?!"
Nagtaas-baba ang dibdib ko dahil gusto ko siyang suntok-suntukin sa mukha dahil sa ginawa niyang pagtulak sa akin. Lumapit si Claera sa akin at hinaplos ang balikat ko.
"Malakas ba impact?" tanong niya.
Hindi ako nakapagsalita at pinanood lang sina Carlisle. Hindi pa rin ako kumakalma at nandidilim ang mata ko sa buwisit na 'yon. Naroon pa si Jerry Anne at nakikisabat.
"Ang unfair no'n, Carlisle! Porke babae siya bawal na siya saktan, e, siya nga nananakit!" aniya.
Carlisle sighed heavily. Mahina niyang tinulak si Gael. "Maglinis ka na," sambit niya at sinenyasan din si Jerry Anne pagkatapos ay humarap sa direksyon namin.
Nang nasa harap ko na siya ay kusang umalis si Claera. Tumayo ako at napangiwi dahil sa kirot na naramdaman sa likod. Hindi ko siya matingnan at sinundan lang ng tingin si Gael na masama rin ang tingin sa akin. I mouthed him a curse. Mukhang naintindihan niya iyon dahil itinaas niya ang gitnang daliri sa akin.
Buwisit na Gael! Kapag ako talaga nakaganti, humanda talaga siya sa akin!
Saka ko lang napansin na kanina pa pala ako tinititigan ni Carlisle. Umismid lang ako habang nakatayo.
Humugot ng hininga si Carlisle bago nagsalita, "Bakit mo ba kasi siya binato sa mukha? Is that your hobby now?"
"Sinisisi mo ba ako?" pairap kong sambit.
"Oh, god, no. I was asking, Athania," he said so softly it felt like mockery. And he called me Athania... for the first freaking time!
I smiled sarcastically. Ngumiwi ako sa kirot na naramdaman sa gilid, but I still managed to argue, "Winawalis niya iyong alikabok papunta sa akin. Sinong hindi maiinis?"
"But you don't have to throw something on his face," sabi niya pa at inoobserbahan ang kilos ko. His lips pursed when he saw me wince.
"Iyon ang gusto ko, pakialam mo ba? Alis nga!" Tinulak ko siya pagilid at nagmartsa papunta roon sa cleaning materials. Kumuha ako ng walis at nagsimulang maglinis para makauwi kaagad kahit pa masakit ang likod ko.
Kapag ito naging pasa, gagawin ko talagang itim buong mukha ni Gael!
08/11/22
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top