Chapter 3
Chapter 3
Leadership
"Wala pang nagluluto ng turon, masyado pa kasing maaga. Doon na lang tayo sa mga tinapay."
Tinanguan ko si Carlisle bago siya sundan doon sa stall ng mga sandwich, burger, footlong at kung ano pang mga tinapay. May coffee vendo machine rin doon.
"Pila ka kahit anong gusto mo. Gusto mo rin magkape or hot chocolate? Bili tayo. Maaga pa naman kaya hindi tayo male-late," sambit niya sabay sulyap sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sure ka? Kahit anong gusto ko?"
Tinapatan niya ako sa pamamagitan ng pagtaas din ng isang kilay niya. "Oo. Kahit ilan pa."
Ang yabang. Inirapan ko na lang siya bago ituro iyong mga gusto ko. Dalawang hotdog waffle, dalawang sandwich, grape juice, saka kape sa vendo machine.
Umawang ang labi niya. "Buong pamilya ba pakakainin mo?"
"No. Ako lang ang kakain. Kaya mo ba?"
He tilted his head at me, but eventually nodded. "Of course. Can you find a table? Hintayin mo na lang ako roon."
"Okay. Thanks."
Ganoon pala siya kayaman? Ni hindi siya nagdalawang-isip. Hindi rin naman ako na-guilty na marami akong pinili kasi kinlaro ka naman muna sa kaniya bago ako namili. Saka bayad niya na rin iyon sa pambubuwisit sa akin. Mapagbigay rin pala ang isang 'yon.
Nang makahanap ako ng two-seat table ay naupo na ako roon. Habang naghihintay at dahil kaharap ko ang entrance ng canteen ay napansin ako ang isang babae na pumasok.
Napanguso ako nang makitang maikli rin ang palda niya gaya ng akin. Hapit pa ang blusa niya kaya medyo nadepina ang hubog ng kaniyang katawan. Tapos may lollipop pa siya sa bibig.
Buti hindi pa siya nasisita ng teacher o ng SSG officer? Naku, huwag lang siya magpahuli sa VP kundi lagot talaga siya!
Dahil wala naman akong ibang pinagkaka-abalahan ay inobserbahan ko na lang iyon. Ngayon naman ay dumiretso siya sa stall na kung saan naroon si Carlisle.
"Luh? That's PDA..." naiusal ko nang makita kung paano niya ilagay ang braso sa baywang ni Carlisle na parang niyayakap niya ito!
Si Carlisle naman ay lumingon doon sa babae at may kung anong sinabi bago sila nagtawanan.
I rolled my eyes. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanila at nag-isip ng ibang bagay. Naalala ko iyong handbook. Hindi ko pa iyon nabubuksan kaya kinuha ko sa loob ng bag ko para basahin ang school's reference.
Ang paglalagay ng palamuti o kolorete sa katawan tulad ng lipstick, blush on, eye shadow, eye liner, mascara, makulay na contact lens, chain, knuckle at maraming singsing na malalaki ay ipinagbabawal din.
Namilog ang mata ko. Grabe naman 'to?!
Tapos required din na puti dapat ang medyas o basta hindi makulay. Paano kung itim? Edi may offense? Woah! Parang masyado namang nakakasakal! Baka mamaya maubusan sila ng estudyante rito dahil sa sobrang higpit?
"Uy, kaya pala pinapaalis na ako; may kasama pala."
Galing sa handbook ay umahon ang tingin ko sa isang nanunuyang boses ng babae sa harapan. She smirked at me. Hindi ko siya sinuklian ng kahit ano at inilipat ang mata kay Carlisle na nakataas ang kilay sa akin bago nilapag ang dalawang tray na puno ng mga pagkain.
"Eat."
Tiningnan ko lang siya saglit bago ulit iyon bumalik sa babae na ngayon ay gumalaw na. Kumuha siya ng upuan sa kabilang table at hinila iyon sa amin. She then sat.
I looked at her closely. Namumula na ang labi niya marahil dahil sa kulay ng lollipop na ginagawa niyang lipstick. Tapos may blush on pa siya o natural lang ba na may pagka-kulay rosas ang mga pisngi niya?
Nakalugay rin ang makapal at mahaba na buhok... pero sumisilip doon ang tainga niya na may dalawang piercing.
Shit... hindi ba siya natatakot?! Bawal 'yong may piercing kababasa ko lang!
"Gaga, kung makatingin naman 'to parang hinahatulan ako!"
My eyes widened. Binalingan ko si Carlisle na natatawa lamang na umiiling. Nagmura siya! Bawal din 'yon!
"Huwag mo na pansinin iyang si Astrid, kumain ka na." Sabay tapik niya roon sa isang tray at tulak no'n papunta sa akin.
"Akin talaga 'to lahat?"
"Oo, pati ako."
Umirap ako samantalang tumawa naman iyong si Astrid. "Corny, ampota."
I winced. Hindi naman sa nagmamalinis ako, pero dapat bawasan niya ang pagmumura at baka mamaya ay kaladkarin siya patungo sa prefect of discipline.
Tiningnan ko na ang tray at doon ko lang natanto nang lubusan na ang dami no'n. Masyado ba akong sakim?
"Gusto mo?" aya ko roon sa babae.
She shook her head and stood. "Ayaw ko nga. Bye!"
Kumurap ako. What's wrong with her? Tapos 'di niya pa binalik ang upuan sa kabilang table! Buti na lang walang masyadong tao ngayong sa canteen. Kapag napansin siya baka may magsumbong.
I heard Carlisle's chuckle. "Kaibigan namin 'yon simula pagkabata."
Nilingon ko siya pagkatapos ay dinampot na iyong cup ng kape at sumimsim. "Oh? Tapos?"
"Grabe, sinabi ko lang naman!"
He looked at me as if I offended him. Nang wala siyang nakuhang reaksyon sa akin ay ngumisi na lang siya pagkatapos ay kumagat din sa sandwich na kaniyang hawak.
The dimple on his lower left cheek was showing. Kapag ngumingiti siya o 'di kaya nagtitiim-labi, o basta kahit anong galaw ng bibig lumalabas talaga.
Napanguso ako. I used to wish I had dimples, too. Ang cute lang kasi tingnan.
"Riple..."
"Ano?" sagot ko kay Carlisle nang tawagin niya ako. At sa awa naman ay tama ang bigkas niya ng apelyido ko.
We were staring at each other's eyes when he continued, "Half ka ba? Like half-Japanese?"
Naubo ako sa tanong niya pero kaagad ding umiling. "No, bakit mo natanong?"
"Wala. Para kasing half ka. Cute pa naman ng mata mo, singkit."
Inirapan ko siya. Porke singkit, half agad?
"Oh, tingnan mo! Mas lalo kang maldita tingnan. Kung tumingin ka kasi parang lagi kang galit."
"Kumain ka na nga lang diyan!" saway ko. Hindi ko na ulit siya pinansin at binuksan ang wrapper ng sandwich ko pagkatapos ay sinawsaw ko iyon sa kape. Ang sarap lalo na may mayonnaise iyong tinapay na sinawsaw ko!
"Transferee ka, 'di ba? Sa'n ka galing?"
Hindi ba siya titigil?
Umiling ako habang ngumunguya. "You're too nosy."
Sumimangot siya. "Gusto ko lang naman makipagkaibigan."
"Ako, ayaw ko."
"Luh, bakit naman? Gusto mo talaga more than friends?"
I glared at him lazily. "Ingay mo, busalan ko iyang bibig mo, e."
Mas humilig siya sa lamesa at tinutukan ako. He smirked. "With your lips?"
Naningkit ang mata ko. Hindi ako nagsalita at patuloy lang siyang tinitigan. I don't know what's up with him to play with me. Ganiyan ba talaga siya o nangti-trip lang?
He stared back at me with the same intensity but with amusement. "Ang ganda mo talaga."
And that's it, I'm done.
Inirapan ko siya at nagsimula nang magligpit. Nilagay ko lahat ng pagkain sa bag ko at tumayo na bitbit ang cup ng kape.
"I have no time for any bullshits, Carlisle. Thank you sa pagkain at sana hindi na maulit. Bye."
Friday came means election of officers will now take place. Dumating na rin si Ma'am at naghahanda na.
Sa nakalipas na araw ay hindi ko pinapakitaan ng kahit anong interes si Carlisle kahit pa ilang beses niya akong sinusubukan kausapin o "kaibiganin". I just don't want to be his friend. He'll be just a distraction.
"The table is now open for the nomination for the position of class president. Who wants to nominate?"
Tinaas ni Jerry Anne ang kamay saka tumayo. "I nominate Carlisle Reistre for the position of class president."
Bumigat kaagad ang paghinga ko. Seryoso at tahimik ang lahat habang pinanonood naming sinusulat ni Ma'am ang apelyido ni Carlisle sa blackboard.
"Any other nominees?"
After a few seconds, no one spoke. Nagdadalawang-isip ako dahil nakakahiya, pero parte ito ng goal ko kaya dapat kayanin ko.
But just as I was about to raise my hand to courageously nominate myself, someone interrupted.
"I move to close the nomination," si Carlisle sa tabi ko.
I balled my fists. Hindi ko siya sinulyapan dahil maiinis lang ako nang sobra. Ang yabang! Ilang beses na siya naging class president, ah? Hindi ba siya nagsasawa at ayaw magbigay ng pagkakataon para naman sa iba?
"We second the motion," halos sabi ng lahat.
What the!
"Since walang humarap kay Carlisle, automatic na siya ang president ng section natin. But I will ask... Is everyone in favor of it?"
Matapang akong nagtaas ng kamay. "No, Ma'am. I respectfully want to raise a protest."
Ma'am Pineda smiled. "Reason?"
Tumayo ako. Narinig ko ang mahinang tawa ni Claera sa gilid pagkatapos dumaing ni Carlisle.
Shut up, Carlisle. I'll prove to everyone that you don't deserve any of this anymore. Gagawin ko ang lahat para mahigitan kita sa larangang ito.
"I heard he's been a class president since first year of junior. Why don't we give a chance to others this time? To experience different style of leadership na rin..."
I heard murmurs. May ibang sumang-ayon, may iba namang hindi at narinig ko pang sinabihan ako ng bida-bida. I gritted my teeth but didn't say anything.
"Point taken. Do you have another nominee in mind, then, Miss Riple?"
"Yes. I nominate myself for the position of class president, Ma'am. And I move to close the nomination," kabado ngunit lakas-loob kong sambit at nanginginig na umupo.
Kasabay ng palakpakan at ingay sumagot ang mga kaklase, "We second the motion!"
Narinig ko ang mababang halakhak ni Carlisle sa gilid ko kaya hindi ko na napigilang lingunin siya na sana ay pinag-isipan ko muna pala bago gawin.
Halos suntukin ko siya sa mukha dahil sa gulat na sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Nakangiti siya habang ako ay parang mamamatay na sa gulat.
"I love the courage, Riple, but I don't declare defeat here."
I smirked. "Oh, just wait and I will make you. Yabang mo."
He arched a brow. "Confident lang."
Hindi ko na siya pinansin at humarap na sa blackboard. Ganiyan nga, Carlisle. Hindi mo ako dapat kinakaibigan dahil kalaban ang tingin ko sa 'yo rito.
"Okay! It has been moved and seconded. Now, who are in favor of Reistre for class president?"
Pagkasabi no'n ni Ma'am ay may nagsitaasan ng mga kamay. Marami, actually. Claera did as well as Carlisle himself.
"Ganiyan nga, Clae, kung ayaw mo matapos ang friendship natin," narinig kong biro ng lalaki sa kaibigan.
Umikot ang mata ko at nanahimik na lang. Nakita ko na 20 ang bumoto kay Carlisle na nasa blackboard.
"Who are in favor of Riple for class president?"
The rest who didn't raise their hands earlier, now did. Sa konti no'n ay isang pasada ko pa lang sa silid ay nabilang ko na. 9! At dahil nagtaas ako, 10 votes! Self-support!
I groaned. I can't believe this. Pero hindi naman dito nagtatapos ang lahat. Maraming nakakakilala sa kaniya, halos lahat samantalang ako transferee lang kaya mahina ang influence.
But no need to worry, I'll prove to them I am more deserving to be a leader than him.
"Therefore, I announce Mr. Reistre as our class president. And now, I relinquish my post as the presiding officer. Our newly class president, Mr. Reistre, will now lead the nomination. Please, come here in front."
The moment Carlisle stood and walked his way in front of the class to continue the nomination, I knew I have to bend my efforts to beat him.
And I'll do anything to be on top.
Sa mga sumunod na araw at linggo, hindi ko maitatanggi na maayos naman mamuno si Carlisle, pero may mga bagay rin talaga na mas magaling ako. Aminado akong may mga plano akong mas maganda, malikhain, at praktikal kaysa sa mga inilalantad niya.
Hindi rin siya gaanon kahigpit sa mga kaklase na siya namang kinaiinis ko. Hinahayaan niya lang mag-ingay kapag wala ang guro, hindi niya sinasaway o ano. Paano naman akong gusto ng tahimik at payapang paligid kung ganiyan siya?
Dahil Miyerkules ngayon, naka-P.E uniform kami dahil may physical activity kaming gagawin ngayon sa court ng eskwelahan. At inatasan si Carlisle na gabayan ang klase patungo roon.
"Guys, ayusin ninyo ang pila! Huwag din kayo masyadong maingay dahil baka makaistorbo tayo sa class hours ng ibang section!" anunsyo ni Carlisle galing sa unahan.
Napairap na lang ako. Minsan hindi talaga siya effective bilang leader! Gaya ngayon na may naghaharutan sa harap ko, hindi niya man lang naisip na ihiwalay ang linya ng lalaki sa babae!
"Makinig nga kayo," iritable kong saway sa dalawang kaklase na kanina pa nag-aasaran.
Mukhang hindi nila ako narinig at patuloy pa rin sila sa ginagawa. Dahil umaandar ang linya at nasa bandang huli ako, hinihintay ko silang umabante.
"Hoy, ano ba," saway ko ulit.
"Inaano ka ba namin diyan?!" bigla na lang pasigaw na sabi ni Jerry Anne sa akin. Humakbang pa siya dahilan para matapakan niya ang sapatos ko! Iyong puting sapatos ko na bagong laba!
Sa sobrang gigil at galit ko sa ginawa niya ay wala sa sarili ko siyang itinulak dahilan para mapaatras siya at matamaan niya iyong ibang nasa unahan. Mas lalong lumala ang ingay dahil sa reklamo.
"Grabe ka naman, Riple!" sabi no'ng kaharutan niyang si Gael.
"Bakit ka naman manunulak?!"
Akma siyang susugod nang maunahan ko siya. Muli ko siyang tinulak-tulak. Nag-iinit talaga ang ulo ko at gusto kong manakit.
"Bobo ka ba?! Kanina ko pa kayo sinisita tapos hindi ka nakikinig! Ikaw na nga 'yong may atraso sa akin, ikaw pa galit! Kapal ng mukha mo!" Tinuro ko iyong dumi sa sapatos ko. "Nakita mo 'to? Ni hindi ka nga nag-sorry na natapakan mo 'ko. Ipakain ko kaya 'tong sapatos sa 'yo, ha?"
"Ang arte mo naman parang 'yan lang..." kunot-noo niyang sabi pagkatapos makita ang sapatos ko.
Akma ko siyang kakalmutin ngunit nilapitan na ako ni Denver para awatin. Masama ko lang siyang tiningnan at muling hinarap si Jerry Anne, tuluyan nang nawalan ng pake sa paligid. Mabuti na lang at nakarating na kami sa grounds nang napuno ako dahil baka magkaroon ako ng record nang wala sa oras.
"Oo, maarte talaga ako! Ano, may problema ka? Kanina mo pa ako iniinis—"
"Hoy, ano ba iyang ginagawa mong kaguluhan diyan, Riple?!"
Natigilan ako at napabaling sa unahan pagkatapos umalingawngaw ang malakas na boses ni Carlisle. Nakita kong nagmamartsa na siya patungo sa amin at habang papalapit ay unti-unti kong nakikita ang galit sa mata niya nang dumapo iyon sa akin.
Gamit ang malaking ID pass ng section namin ay dinuro niya ako. "Hindi ka ba nakikinig sa instruction, ha? 'Di ba matalino ka, bakit 'di mo maintindihan iyon?!"
Saglit akong natahimik sa pagsabog niya. Ang kaaway ko kanina ay umatras at palihim na umayos sa pila ganoon din iyong iba na nakikiusyuso.
Tiningnan ko si Carlisle. "Inaano ba kita diyan? Sinasaway ko lang naman—" rason ko dahil totoo naman! Ako lang iyong nakita niyang mali!
"Wala kang karapatan manaway ng iba, kung isa ka rin naman sa matitigas ang ulo na dapat sawayin!"
I blinked. "Excuse me—"
"Oh, shut up, please. Para kang pre-school na ilang beses na sinabihan, parang walang narinig." Kumuyom ang kamao niya at saglit na napapikit. He then sighed. "I'll ask our subject teacher to deduct points from your later's record."
Sa sobrang bilis ng pangyayari, sa panenermon at pagtalikod niya, ay wala akong naging imik. Halos lahat ng mga kaklase ko ay pinagtitinginan ako. Some are whispering and others are laughing from what they witnessed a moment ago.
And I realized how embarrassing and infuriating Carlisle did to me. That fucking jerk!
Wanting to get even, pinuntahan ko siya sa unahan ng pila habang papalapit kami sa court. Nang makarating ay hinila ko nang malakas ang kuwelyo niya dahilan para matigil siya sa paglalakad at mapapihit paharap sa akin. Tumigil ang pila dahil doon.
"What the heck is wrong—"
Hinablot ko ang ID pass sa kaniyang kamay saka iyon malakas na ibinato sa pagmumukha niya. Napapikit siya roon.
"Your leadership is fucking lousy, President."
08/04/22
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top