Chapter 2
Chapter 2
Twin
"Minor offense. Give me your handbook."
I looked at Carlisle in disbelief. Takang-taka na naman ako sa kaniya kaya hindi ko na napigilang magtanong, "No offense, pero may bipolar disorder ka ba?"
Bigla na lamang natawa si Jairus sa gilid at kung hindi pa siya sinipat ni Carlisle ay hindi siya tatahimik. His piercing eyes were back at me. "What?"
Kumunot ang noo ko at pinagmasdam siya nang malapitan. The Carlisle in front of me is far different from the ones I argued with earlier, but they have the common denominator, though: annoying.
I'm not sure, but why do I feel like something wrong is going on with him? "Kanina kasi—"
"Don't make this conversation go the other way. Give me your handbook," putol niya at nilahad ang kamay.
Umawang ang labi ko at pinanlisikan siya ng mata. "Baliw ka ba?"
His face darkened. Mukhang mas lalo siyang nagalit! And he's not even trying! "One... two..."
I blinked. Nataranta ako dahil sa pagbibilang niya gamit ang mapanganib na boses. It's not even the voice he used earlier! Dalawang tao ba si Carlisle?!
"T-Teka, bakit mo kailangan iyong handbook?"
He exasperatedly sighed. Sa ginawa niyang iyon ay nahimigan kong nauubusan na siya ng pasensya sa akin.
So, Jairus answered me instead, "He'll record the violation you made, Miss."
Nilingon ko siya na natatawa ang ekspresyon. "Violation? E, uwian na, ah? Counted pa rin 'yon?" tanong ko tapos binalingan na naman iyong isa.
Carlisle tilted his head. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko at huminto iyon sa aking palda. Pagkatapos ay dismayado siyang umiling. "You're the first and last person who pissed me off today, Miss..." Tumingin siya sa ID ko. "Athania Riple."
"Rip-le nga, hindi Ri-pol! Pinaglalaruan mo ba ako?!"
"Do I look like someone who plays? Napipigtas na ang pasensya ko sa 'yo, hindi mo ba alam 'yon?"
"Napipigtas na rin ang pasensya ko sa 'yo!" Inirapan ko siya.
Naglakad na ako para umalis at dahil nakaharang siya ay sinadya ko siyang banggain ngunit para akong spring na bumalik sa puwesto nang hulihin niya ang braso ko.
"End of class hours or not, as long as you're inside the school premises, any kind of violations are valid and should be taken into account," bulong niya.
Iritable kong binawi ang braso galing sa kaniya. "Can you just let this one slide? Hindi ko na uulitin!"
"Sinisinghalan mo ba ako?"
Nilingon ko siya. Narinig ko rin ang tawa ni Jairus sa gilid habang pinanonood kami, ngunit hindi na siya nakisali.
"Pati ba 'yon? Nababastusan ka ba sa pagsinghal ko? Well, let me tell you this, naiinis ako sa 'yo kaya hindi kita kayang pakitunguhan nang maayos. At huwag mong sabihing minor offense rin 'tong pagsasalita ko?"
He breathed. "No, major offense. Nasa number 16 'yan ng major offense. Anumang uri ng pambabastos o pagpapakita ng di pagrespeto sa kinauukulan—"
"So kayo? Puwede lang mambastos at hindi irespeto ang mga ordinaryong estudyante?"
Nagtaas siya ng kilay. "Did I disrespect you in any way? If I did, then I am apologizing..."
Hindi ko na narinig ang pahayag niya nang takpan ko ang tainga at tumalikod na ulit. Ang daming satsat! Pakiramdam ko tuloy pati existence ko sa paaralang ito ay offense para sa kaniya!
"Bla, bla, bla! Ang daming batas, akala mo..." Humina ang boses ko nang matanaw ang dalawang taong papalapit sa aming direksyon. Napahinto ako. My eyes widened when I realized it's Claera and... Carlisle!
What on Earth is happening?!
Agaran akong napapihit sa likod ko kung saan naroon si Carlisle na kausap ko ngayon-ngayon lang. And he's there! Glaring at me!
Muli akong bumaling doon sa dalawa na ngayon ay nasa harapan na namin. They're both looking at me! And Carlisle... Oh god... bakit dalawa siya?!
"Clae... let's go and leave them alone."
Napakurap ako nang matauhan. Jairus stepped forward and pulled Claera by the waist to leave us two—three!
"That's PDA, Jairus!" sambit no'ng Carlisle na nasa likod ko. Samantalang itong nasa harap ko ay nakataas lang ang kilay sa akin!
Shit, ano ba kasi nangyayari?! Magkakambal ba sila o ano? Impostor?
"I know, Clint. Kaya nga aalis na kami rito para maging invalid ang offense. And just let Miss Riple off the hook for now. Uwian naman na." Jairus lazily waved his hand. Buti pa siya Rip-le ang pronunciation sa apelyido ko!
Clint! He's Clint not Carlisle! And the two are different individuals! And now everything makes sense...
"Hindi mo sinabi na may kambal ka..." kunot-noong sabi ko sa totoong Carlisle pagkaalis nila.
He smirked. "Hindi naman tayo close, ah? Kaya bakit ko sasabihin?"
Ngumiwi ako. "Whatever! Wala naman kayong pinagkaiba. Both annoying!" At tuluyan nang umalis.
Kinagabihan ay hindi ako makatulog nang maayos dahil sa tinding kahihiyan at bagabag. Kaya pala ganoon ang pagtataka ko sa pag-iba ng mood ni Carlisle! At parang wala siyang alam sa nangyari no'ng sa tapat ng garden dahil hindi naman pala siya 'yon! Si Clint 'yon! Kambal niya!
Magkaibang tao sila...
Nakakahiyang isipin na wala akong kamuwang-muwang... pero at least nalaman ko rin kaagad, 'di ba? At least I am now aware that Carlisle has a twin brother!
Kailangan kong mag-obserba sa kaibahan nila maliban sa ugali—e, bakit ko nga pala gagawin 'yon? Ano ba pakialam ko sa kanila, e, pag-aaral naman ang layunin ko roon at hindi atupagin kung ano pa ang pagkakaiba nila?
Pero dahil kanina, may basehan kaagad ako kung ano ang pinagkaiba nila sa pisikal. Iyong dimple. Mayroon si Carlisle, si Clint naman wala.
Sumasakit na ang ulo ko kanina nang mag-review kaya naman ngayong hindi ako makatulog ay kinuha ko na lang ang phone ko saka nag-log in sa Facebook.
Bumungad sa akin ang pangalan ni Denver.
Denver Anclote sent you a friend request.
I shrugged as I clicked the confirm button. Okay naman siya, hindi nakakairita hindi parehas no'ng—
Carlisle Reistre sent you a friend request.
Namilog ang singkit kong mga mata. Speak of the devil! Ngayon lang 'yon! Oh, my... did he stalk me or what?
Sa inis ko na isa siya sa mga dahilan kung bakit hindi ako makatulog ay ni-delete ko ang request niya. Pagkatapos ay nagpunta sa inbox. Napansin ko na naka-add na ako sa group chat ng Grade 10 - Rizal. I opened it to message my thanks to Denver. Sinabi niya kasi na i-aadd niya ako sa group chat.
Grade X - Rizal
Athania Riple:
Good evening. Thank you for adding me here, @Denver Anclote 🙂
Carlisle Reistre:
grabe i'm so offended
*/punches the wall
Claera Recto:
HAHAHAHAHAHA
Nagsisimula ka na naman!
Wala akong ni-reply-an sa kanila dahil hindi ko naman alam ang sasabihan kaya nag-scoll muna ako sa news feed ko. Mayamaya ay nag-notify ulit ang messages galing sa group chat.
Carlisle Reistre:
guys alam n'yo ba nakakabastos kaya 'yong ikaw 'yong nagmagandang loob pero hindi ikaw ang pinasalamatan 😢
@Athania Riple, wag kang seen ng seen dyan kausapin mo ako 🙄
Athania Riple:
Saka mo na ako kausapin kapag alam mo na ang proper usage ng 'ng' at 'nang'.
Vivien Barrioga:
may pinagkaiba pala yu'n? Hahahaha
akala 'ko shortcut lang ng nang ang ng 😅
Athania Riple:
Isa ka pa, @Vivien Barrioga. Kung saan-saan mo ginagamit ang apostrophe. Kung wala kang enough knowledge sa paggamit niyan, i-search mo o huwag ka na lang gumamit kasi ang sakit sa mata.
Carlisle Reistre:
hays thank u riple sa pag-correct pero tbh nakakatamad lang mag-type kanina kaya ginawa ko na lang na ng
at wag ka nga magalit baka mag-leave si vivien! 😡
Athania Riple:
Ang dami mong ni-type tapos two letters lang hindi mo pa mapindot? Daming palusot. At hindi ako galit. Sinasabi ko lang iyong mali.
Claera Recto:
👀
Carlisle Reistre:
u already pointed out the mistake
ba't di mo na lang din ituro paano itama?
Athania Riple:
Bakit ko naman gagawin 'yon? May Google naman?
Vivien Barrioga:
di na ako gagamit hehehe
Denver Anclote:
hi Guys,sorry naghugas pa Ako ng plato
Ano Ganap
Carlisle Reistre:
hahahaha hala gagi denver bakit ka pa nag-chat dito 😢
Claera Recto:
HAHAHAHAHAHAH
Athania Riple:
Hi, Denver. Thank you sa pag-add.
Carlisle Reistre:
luh
what the hail
bakit di mo sya ni-correct 😡
masakit din naman sa mata iyong comma niya na walang space tapos kung anu-ano ang naka-capital
AT PLS HINDI BA USO SA YO MAG-BR
SAKIT MO AH
AKO KAYA NAG-ADD SA YO 😢
Athania Riple:
Inutusan ba kita?
Carlisle Reistre:
alam ko matalino ka eh pero bakit parang 'di mo alam iyong salitang kusang loob 😢
Athania Riple:
Whatever. Good night.
Magla-log out na sana ako kaso may mga pahabol pang mga mensahe si Carlisle sa group chat
Carlisle Reistre:
accept mo muna ako huy aba in-add kita ulit kasi baka napindot mo lang 'yong delete 😁
nakita ko mutual friend natin si denver
daya naman
ayaw mo ba ako maging friend? gusto mo ba more than friends? hahahaha sorry pero bawal pa ako eh hintayin mo muna ako gumraduate
yun lang have a good night
Hindi ko siya ni-reply-an at nakita ko ngang in-add niya muli ako, pero gaya kanina ay ni-delete ko rin at nag-log out na para matulog.
"Okay naman ba 'yong first day mo kahapon, Ania?"
"Ako na po, Tita," sabay na sabi ko sa tanong niya nang lagyan niya ng sinangag ang plato ko. "At opo, ayos naman po..."
Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay parang may sakit na dumaan sa mga mata niya. Hindi ako sigurado dahil hindi ko naman alam ano ang masakit sa sinabi ko. Kalaunan ay tumango siya at naupo na roon sa tabi ni Tito. Si Ate Jean naman ay nasa kuwarto niya pa, natutulog, kaya kami pa ang nag-aagahan dahil may klase pa ako.
"May mga kailangan ka pa ba? Magsabi ka lang at baka mamaya may bayarin kayo."
"Ay, hindi ayos lang po. Uhm..." Napatigil ako sa pagsasalita tungkol sana sa maikling palda ko at napalingon kay Tito.
Maingay niyang inilapag ang baso at tumingin sa asawa. "Mabuti pa't paglakuin mo si Athania para naman may pambayad siya sa sarili niyang pangangailangan. Sagot na nga natin ang tirahan, pagkain, at tuition pati ba ang—"
"Anton! Huwag ka naman ganiyan, nasa harapan ang bata!" mariing sabi ni Tita.
For a moment, I wasn't able to move a finger. Parang gusto ko na lang maglaho ng parang bula sa kinauupuan ko dahil sa matinding kaba at kahihiyan na idinulot ng mga salita ni Tito.
Parang biglang gustong bumuhos ng luha ko. At nakakahiya na masyado akong sensitive! Parang 'yon lang naiiyak na ako? At hinihiling ko na sana ay panaginip na lang ito dahil hindi ko yata alam kung ano ang gagawin sa ganitong sitwasyon...
Ayaw kong maging bastos sa harapan nila dahil wala akong karapatan, pero hindi ko na mapigilan ang luha ko sa pagbagsak kaya bago pa nila iyon masaksihan ay umingit na ang upuan dahil sa pagtayo ko. They both looked at me and I looked away. With a trembling lips I said, "S-Sorry po... papasok na ako..."
"Ania, kumain ka muna," si Tita sa mahinahong boses.
Umiling lang ako at kinuha na ang bag ko para umalis nang magsimulang magbagsakan ang maiinit na mga luha galing sa aking mata. I breathed several times while walking down the streets.
"Para ka namang shunga, parang 'yon lang! Umayos ka nga!" sermon ko sa sarili habang pinapalis ang luha. Nakakainis kasi ayaw pa rin huminto!
Nakasakay na ako ng tricycle nang kapain ko ang ID sa kuwelyo pero ganoon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang maalalang naiwan ko sa kuwarto ang ID ko! Mas lalo akong naiyak dahil sa frustration.
Nagtataka ang driver sa akin at tinanong ako kung ayos lang ba ako ngunit hindi ako sumagot at patuloy lang sa pagpunas ng luha sa mata hanggang sa humapdi ito. Nakarating na ako sa harap ng gate ng Clark at nakaramdam ako ng panlulumo nang makita ang sign sa gilid, "No ID, No Entry". And I know this school takes every rule seriously.
Kung babalikan ko pa 'yon... baka ma-late ako lalo. At mahal ang pamasahe! Sayang ang baon ko! Hindi ko naman puwedeng lakarin dahil ang layo ng Palmera!
Hinintay kong makapasok ang kumpulan ng mga estudyante bago ko sinubukang lumapit sa school guard. "Guard, good morning po..."
"Oh, ano problema?"
"Ano po kasi... naiwan ko iyong ID ko sa bahay..."
"Naku, bawal pa naman pumasok kapag walang ID. Taga-saan ka ba?"
I bit the inside of my cheeks. "Palmera po. Gusto ko balikan kaso baka ma-late na po ako."
Tumango-tango si Kuya Guard. "Layo rin. Sige, naiintindihan ko naman. Pasok ka na. Basta bukas, huwag na kalilimutan, ah? Isulat mo muna pangalan mo rito sa logbook," sabi niya sabay tapik no'ng logbook na nasa mababang mesa sa harap ng guard house.
"Maraming salamat po!"
Pagkatapos kong magsulat sa logbook ay ilang beses akong huminga nang malalim para ikalma ang sarili. My stomach grumbled. Nagpalinga-linga ako dahil baka may nakarinig no'n. Dapat pala kumain na lang ako kahit isang subo lang.
Habang naglalakad ako patungo sa building namin ay natanaw ako ni... Bumuntonghininga ako nang makilala iyon. Si Clint. Dahil sa ID niya. May malaki tapos maliit. Iyong isa dahil bilang VP dahil parte siya ng Supreme Student Government.
At patungo siya sa akin...
Halos pigilan ko ang paghinga habang hinihintay siyang lumapit sa akin. Hindi na rin ako nagtangkang iwasan siya dahil aware naman ako na may nilabag na naman akong alituntunin.
I sighed. Kung alam niya lang talaga! Responsable naman akong estudyante sadyang...
"Didn't I warn you yesterday, Miss Riple?"
Pagod akong tumango. "Yes, naalala ko. And I'm sorry—"
"Rejected. Come with me, we'll go to prefect of discipline."
My lips parted. "H-Huh? Sobra naman yata iyon!"
"Yes. I told you to change your skirt tapos wala ka pang ID. How did you manage to come inside?" he asked, gritting his teeth.
"Pinapasok ako ng guard, bakit? At saka, atat ka ba? Huwag ka mag-alala papalitan ko 'tong palda ko hanggang paa para wala ka nang reklamo!"
He clenched his jaw. "Are you kidding me—"
"Mukha ba akong may panahon para riyan?" iritable kong sinabi. Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang biglang sumulpot ang preskong si Carlisle sa tabi ng kambal niya.
He looked at us suspiciously. Saglit niya akong tinitigan at napanguso pagkatapos bigla niyang siniko ang katabi. "Kuya, don't be harsh on your sister-in-law, please."
"The heck, Carlisle?" halos sigaw ng kakambal.
Uminit ang pisngi ko. Hindi naman ako interesado na makinig sa pag-uusapan nila at lalong manatili sa harapan nila kaya iniwan ko na sila roon.
Kaso nakasunod kaagad itong si Carlisle. Hinarangan niya ako bago pa man ako makahakbang muli.
"Riple, nagugutom ako. Puwede mo ba 'ko samahan sa canteen?" nakangisi niyang sabi at iminuwestra ang kabilang daan gamit ang kamay. Ri-pol na naman!
I glared at him. "No. Kung nagugutom ka, edi pumunta ka mag-isa."
My stomach grumbled. Shit naman!
Nagkatinginan kami. Bago pa ako makaiwas ng tingin ay nahuli ko pa ang pagngisi niya.
"Paano ba 'yan? Pareho tayong nagugutom, edi pareho tayong pupunta ng canteen. Come on, my treat. Grasya na 'to, bawal tanggihan."
Bumagsak ang balikat ko. May magagawa pa ba ako? E, libre na 'yon?
07/28/22
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top