Chapter 10
Chapter 10
Steal
"Now what?" naiinip kong sabi kahit medyo kinakabahan sa paraan ng kaniyang pagtitig.
"You did that on purpose."
Kumurap ako. "Excuse me? I did what?"
Napailing-iling siya at bahagya pang natawa, bakas doon ang sarkasmo. "Oh, come on. Don't act innocent. Sinadya mong ipagkait ang ilang detalye na sinabi no'ng babaeng kausap mo kanina."
Ako naman ngayon ang natawa. I gritted my teeth in annoyance. Buti na lang at wala nang natirang tao sa silid maliban sa amin kaya walang makikiusyuso sa posibleng sagutan namin.
"Ewan ko sa 'yo. Kaya nga president ka, 'di ba? Responsibilidad mo ang kaayusan kaya bakit sa akin mo isinisisi iyang katangahan mo? May bisita man o wala, you should discipline and order us to maintain cleanliness! Inuuna mo kasi iyang kaharutan mo kaya—"
"What?" iritado niyang putol sa akin.
Umirap lang ako at muling inayos ang strap ng bag ko. "Kung wala kang mahalagang sasabihin, uuwi na ako."
I heard him sigh exasperatedly. "May problema ka ba sa akin?"
Tumaas ang kilay ko. "Oo. Ano naman ngayon?"
"Inaano ba kita?"
"I just hate you. May ibang rason pa ba dapat?"
He smirked mockingly. "O baka naman kinaiinggitan mo ako?"
Hindi ako makapaniwalang napaturo sa sarili. "Ako? Ano naman ang kaiinggitan ko sa 'yo?"
"Maybe my position?"
"Err, sana okay ka lang."
Yes, gusto ko maging class president pero hindi ko aaminin 'yon dahil mas magmumukha akong desperada sa mata niya!
"Bakit? Hindi ba totoo—"
"Carlisle?"
We were interrupted by an unfamiliar voice. Lumingon ako sa pinto at nakitang nakatayo roon si Moriane; diretso ang tingin sa kasama ko.
"Yes, Mori?"
Umismid ako at nag-ayos na muli para umalis. Napansin iyon ni Carlisle kaya dumapo muli ang tingin niya sa akin. Nakuha nga lang ulit iyon ng babae nang muli itong magsalita.
"Nagbago iyong schedule namin. 4:30 hanggang 6 pm kaya baka hindi na tayo makapag-practice para sa script ko sa garden presentation..."
"6 pm? Hintayin na lang kita." Narinig kong sabi ni Carlisle bago ako tuluyang umalis. I also heard him calling me after but I didn't bother looking back.
Pababa na sana ako ng hagdan nang tawagin ako ng isang guro galing sa huling silid ng palapag namin.
"Hija, pautos naman!"
Pumihit ako patungo sa kaniya at tumango. "Ano po 'yon, sir?"
He motioned me to get inside. Sumunod ako at tumayo malapit sa table niya. May nilabas siyang pera galing sa wallet at inabot sa akin. "Pasuyo naman ng milkshake sa labas. Avocado flavor. Iyong large."
"Ilan po?"
"Lima," sagot niya at umupo na roon sa kaniyang table nang tumunog iyong phone niya. Sinagot niya iyon at sinenyasan niya na akong umalis.
"Oo, nagpapabili na ako. Chill ka lang."
Tumango ako at lumabas na ulit. May nakita akong upuan sa gilid lang kaya nilapag ko muna ang bag ko roon dahil mabigat iyon at ayaw ko nang bitbitin sa labas dahil babalik din naman ako. Wala naman din masyadong tao kaya walang kukuha no'n.
Wala akong ideya kung saan ang milkshake stall sa labas dahil hindi naman ako mahilig bumili ng kung anu-ano kaya pagkarating doon ay nagtanong kaagad ako sa school guard at sinabi nitong mayroon daw sa tawid. I thanked him before I crossed the street.
There, I saw a milkshake stall.
Ngunit mukhang magsasarado na sila dahil unti-unti nang nagliligpit iyong babae.
"Hello po. Puwede pa po ba bumili?"
"Naku, pasara na kami. Sa kabilang kanto may bukas pang milkshake roon."
"Sige po. Salamat."
Naglakad-lakad ulit ako palayo roon habang panay ang tingin sa paligid; naghahanap ng stall ng milkshake ngunit ang tanging nakita ko lamang ay isang kainan bago ulit ang tawiran kaya dumiretso ako roon para magtanong.
"Liko ka sa kanto na 'yan, mayroon dyan."
Tumango ako pagkatapos ay umirap sa sarili. Kanina pa ako rito at ang layo ko na sa school namin! Kung bakit pa kasi ako iyong nautusan baka mamaya ay ma-late na naman ako ng uwi!
Nagpatuloy pa rin ako at lumiko sa kanto. May nakita akong kumpulan ng mga lalaki na ang tantiya ko ay ka-edad ko lamang. Dadaanan ko na sana sila nang tatlo sa kanila ang napalingon sa akin dahilan para matanaw ko kung ano ang ginagawa nila.
May nakita akong supot ng plastic at bote kung saan ang iilan sa kanila ay sinisinghot ang kung ano man ang laman noon.
Rugby, 'di ba?
I attempted to take a step away from them, pero bago ko pa iyon magawa ay tinawag na no'ng lalaki ang mga kasamahan niya dahilan para maglingunan na lahat sa akin at dahan-dahang lumapit.
Nagsalubong ang kilay ko sa ginawa nila. Bahagya akong kinabahan pero hindi ko iyon hinayaang manaig. Nagawa ko pa ngang magtanong, e.
"Saan iyong milkshake-an dito?"
"'Te, baka may pera ka dyan. Pambili lang ng merienda," hirit no'ng isa.
Napatikhim ako. "Sorry. Wala akong pera."
"Weh? Patingin? Maramot ka lang, e."
"Wala nga. Ang kulit nito. Ituro niyo na lang sa akin saan ang bilihan ng milkshake... Ano'ng ginagawa n'yo?" Natigil ako nang mas lumapit pa iyong tatlong lalaki at dahil ayaw ko namang madikit sa kanila ay unti-unti rin akong napaatras.
"Hindi mo ba alam na masama ang nagdadamot?"
Tumalim ang tingin ko sa lalaki. "Ang tigas mo, ah! Sabing wala, e!" Sa inis ko ay dinukot ko ang tela ng palda para ilabas at muntikan pang malaglag ang 500 pesos dahil sa rahas ng kilos ko.
Nalakumos ko ang 500 pesos at tiningnan silang lahat na ngayon ay malalaki na ang ngisi sa labi. Iyong ngiting nakakatakot at para bang may masamang balak.
I swallowed. "H-Hindi 'to akin, puwede ba? Inutusan lang ako bumili—"
Namilog ang mata ko nang hablutin ng lalaki ang pera pagkatapos ay sumigaw siya sa kasamahan, "Hawakan n'yo dali!"
"H-Hoy! Ibalik mo 'yan!" sigaw ko sa lalaki at sinubukan kong abutin siya pero dalawang lalaki na ang humawak sa braso ko at nilalayo ako roon.
Sinubukan kong sipain ang isa sa mga humawak sa akin ngunit wala man lang natitinag sa kanila at bigla na lamang akong itinulak sa sahig pagkatapos ay pinalibutan.
My heart started to beat abnormally when it dawned on me what's happening.
"Tulong! Mga magnanakaw!"
Bigla akong dinaganan no'ng isa at hinawi ang palda ko dahilan para malantad ang hita ko. Sa gulat ko ay nasipa ko sa mukha iyong lalaki, pero hindi sapat ang lakas ko para makawala lalo na nang tinakpan ng ibang lalaki ang mata pati na rin ang bibig ko. My hands as well as my legs were firmly held by those hands.
A sob escaped my throat. I suddenly felt helpless. Alam kong malakas ako, pero bakit hindi man lang ako makagalaw ngayon! Gano'n ba sila kalakas?
I screamed so hard but it turned out muffled. I still hoped, though, that someone would show up in this area and help me.
And thank Him, someone really did.
"Hoy! Mga bata! Ano 'yang ginagawa n'yo?!"
Para silang mga kriminal na takot mahuli, nagkukumahog na tumayo at tumakbo papalayo.
I was just lying there when I heard the footsteps. Despite looking already pathetic, I still helped myself to get up and act normal even though there were tears slowly streaming down my face. Pinagpagan ko iyong uniform ko nang marinig ko iyong matanda.
"Mga loko talaga ang mga adik na 'yon at may pinagtripan na naman! Sa susunod, hija, 'wag ka nang daraan dito kung ayaw mong mapahamak," sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad na parang wala lang. Na para bang hindi niya nasaksihan na may muntik nang mapahamak dahil sa mga taong iyon.
Gano'n lang? He let them got away? Hindi ba isusumbong sa pulis ang mga iyon? For goodness' sake, halos hipuin at hubaran ako sa daan tapos iyon lang?!
Hindi ko na napigilan ang paghikbi lalo na nang mahagip ko ang mga tinging mapanuri. See? Iyon lang ang kaya gawin ng mga tao ngayon! Manood, makitsismis habang may mga taong ginagawan ng masama ang mga inosente!
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak nang lisanin ang lugar na iyon. Bumalik ako sa daan tungo sa eskwelahan namin habang iniisip kung ano ang nangyari sa akin ngayon-ngayon lang.
I was so mad at myself for looking so weak back there. Ang suplada ko pa naman tapos mauuwi lang ako sa gano'ng lagay? Pinagtutulungan ng mga adik at kung wala lang sumita ay baka kung ano na ang mangyari sa akin doon.
Tila awtomatikong nahinto ang mga luha ko nang matanaw na ang mga gusali ng eskwelahang pinapasukan ko.
Nasa tawid ako; nakatayo, marumi, umiiyak at walang dala. Nawalan pa ng pera.
Tumawid ako sa pedestrian lane at masama man pero may parte sa akin na humiling na sana ay bigla akong mabangga rito para hindi ko na kailangan harapin ang problema na kasunod nito!
I lost the money that's not even mine! Inutusan lang ako tapos nanakawan at muntik pang mapahamak!
Ano'ng ipapaliwanag ko roon sa teacher na mukha pa namang istrikto!
Kumikirot ang dibdib ko nang makawatid at napagdesisyunang maupo muna sa waiting shed at nakatingin na ngayon sa makulimlim na langit. It's getting darker and I feel like, any minute from now, the rain will pour.
I noticed my hands on my lap trembling with mixed emotions. Mad, disappointed, scared and even nervous at the same time.
Hindi ko na natantiya kung gaano ako katagal nakatulala roon kung hindi lang talaga bumuhos ang ulan ay baka nakatulog na rin ako.
I felt numb. Gumagabi na. Kung hindi ako babalik sa loob ay baka dito na talaga ako tumira sa waiting shed kaya naman inayos ko ang sarili na kahit parang nagwawala na ang puso ko sa sobrang kaba ay tinakbo ko ang distansya papasok sa gate namin para lang makabalik na roon.
Medyo basa na ako nang makarating sa palapag na iyon. Liliko pa lang sana ako nang marinig ko ang boses ng gurong iyon.
"Nakakairita! Iyong inutusan ko, tinakbo na yata ang pera ko't hindi na bumalik!"
Kinakabahan man ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ito matatapos kung wala akong gagawin.
"Baka natagalan lang 'yon, Sir."
Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Carlisle. They both looked my way.
His lips parted.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at binalingan si Sir. "P-Puwede po ba kita kausapin..."
"Ang tagal mo, hija! Malapit nang matapos ang audition at nagugutom na ang judges tapos ngayon babalik ka rito, wala ka man lang dala! Palpak!"
Yumuko ako, naiiyak na naman pero mas tinatagan ko ang sarili lalo na't nandito si Carlisle at mukhang masasaksihan pa yata ang pinakapangit na mangyayari sa buhay ko.
"S-Sir kasi—"
Hindi ako natuloy nang isang pamilyar na boses na naman ang sumapaw.
"Hello, Sir! Pinapasabi po ni Ma'am Merlyn na tatlo na lang po ang natitira."
"Okay, Moriane. Pasabi na susunod ako." Muling humarap si Sir sa akin at sinenyasan akong pumasok sa loob ng silid.
Tahimik akong sumunod, hindi na binalingan ang dalawa kahit na ramdam ko ang titig nila sa akin.
"Tara na, Carl. Tapos na 'ko mag-audition. Sorry pala kasi natagalan," narinig kong sabi ni Moriane bago ako tuluyang makapasok.
"Bakit ang tagal mo naman?! Wala ka pang dala! Sa'n 'yong pera?!" pabulyaw na tanong ni Sir sa akin.
Halos mapapikit ako sa bagsik no'n kaya yumuko na lang ako.
"N-Nanakawan po ako—"
"What?! O, tapos? Hindi mo man lang hinabol? Paano ka nanakawan? Iwinagayway mo rin siguro ang pera, ano? Nasa tapat lang ng school ang pagbibilhan mo at nanakawan ka pa!"
"Sarado na po kasi kaya po naghanap ako ng ibang stall—"
"Wala ka ring modo, 'no? Ikaw na may kasalanan, sumasagot ka pa! Ganiyan ba ang itinuturo sa 'yo ng eskwelahan?"
Kumuyom ang kamao ko sa gilid ng aking palda. Muling nag-init ang sulok ng mga mata ko. "With all due respect po—"
"No. Leave. You're pissing me off. Bayaran mo ang naiwala mo. Bukas kaagad. Please leave."
Pagod akong lumabas ng silid niya at naglakad na para umuwi. Muntikan ko pang makalimutan ang bag ko kung hindi ko lang iyon napansin sa kabilang gilid.
My forehead creased. Ang alam ko hindi sa puwestong iyon ko nilagay ang bag ko, ah. Hindi ko na lang pinansin at binitbit na iyon. I didn't bring an umbrella and I was tired so I walked slowly under the pouring rain. Sa sandaling iyon, wala akong pakialam kung magkalagnat man ako kinabukasan.
Dumating na ako sa labas at naupo sa waiting shed para sa isang tricycle. It's already dark outside. Wala akong ideya kung anong oras na basta hindi ganito ang tamang oras ng uwi ng mga high school.
Saglit na kumislap ang mga mata ko nang may paparating na tricycle sa puwesto ko. Tumayo ako at kinalkal ang bulsa ng bag para ihanda ang pamasahe pero...
Wala akong makapa.
Did someone steal my fare, too?
"Neng, sa'n ka?"
"U-Uhm, Palmera po," sagot ko sa drayber habang patuloy pa ring hinahalughog ang laman ng bag pero wala talaga.
"Ikaw lang mag-isa? 25 pesos, okay na?"
25 pesos?! Ang laki naman yata! E, 15 pesos nga lang ang natira sa pera ko nawala pa!
"Ay, hindi na lang po..." mahinang tanggi ko at bigong naupong muli sa upuan sa waiting shed.
I wanted to scream out my frustration but it's all pointless. I can't even go home now! Barya na nga, ninakaw pa!
Halos sabunutan ko iyong sarili ko dahil sa inis. Natigil lamang iyon nang makarinig ako ng busina galing sa malapit.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko sina Carlisle at Moriane na nasa ilalim ng isang payong at tumatawid. Muntikan silang mabangga ngunit nagtawanan lang sila nang mahagip ako ng tingin nila.
I gritted my teeth in annoyance.
"Hi, Athania!" bati ni Moriane sa akin.
Hindi ko sila pinansin at nagpanggap na nag-aabang ng tricycle.
Karma ko na ba 'to? Masyado naman yatang mabilis! Sila pa ang dapat makasaksi sa sitwasyon kong kahiya-hiya!
"Sabay na tayo," malamig na sabi ni Carlisle.
Isang beses akong umiling sa kaniya at nag-iwas ng tingin. Tumayo ako at pinara iyong paparating na tricycle.
Please, paalisin n'yo na sila. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sasakay ako rito kahit wala naman akong pamasahe!
Narinig ko muna ang ugong ng sasakyan bago ko iyon sinilip at nakita silang dalawa na pumasok na roon sa loob. Pagkasarado ng pinto ay umandar na iyon papalayo.
I sighed.
"Sa'n ka, neng?"
Nabalik ako sa huwisyo nang marinig iyon.
"Ay, sorry po. Namali lang."
"Kung nangti-trip ka, sa susunod na lang! Naghahanap-buhay iyong tao tapos ipa-prank mo!" sigaw niya sa akin.
Napayuko ako sa kahihiyan at umatras nang muli.
"Athania!"
Dumapo ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses at nakita si Denver na patungo na sa akin.
"Hindi ka pa umuuwi?" hinihingal niyang tanong.
Tipid akong umiling. "Ikaw? Ba't ka nandito?"
"Ah, tito ko kasi iyong guard tapos may inutos siya kaya nandito ako ngayon."
"Gano'n ba."
"Oo, ikaw? Ba't 'di ka pa umuuwi?"
Nagkamot lang ako ng batok. "Busy ka ba? Mamaya ko na sabihin, ibigay mo muna 'yang dala mo sa tito mo," utos ko sabay baba ng tingin sa supot na dala niya.
"Sige. Hintayin mo ako, ha."
Wala pang ilang minuto ay tumatakbo na pabalik sa akin si Denver.
"May problema ka ba?"
I sighed. "Nawala kasi 'yong pera ko... puwede ba makahiram ng pamasahe? Promise, babayaran ko bukas," nahihiya kong sambit.
"Oh! Walang problema! Para ka namang iba! Sige, ako na mamamasahe sa 'yo. Libre ko na. Sabay tayo. Huwag mo na problemahin iyan."
It was the first time I feel relieved today. Despite my poor attitude, someone still offers his kindness to me.
"Thank you."
Ilang minuto kami naghintay ng tricycle bago may dumating na isa. Just when I was about to get inside, I noticed the familiar van taking over behind us.
Napatingin ako sa gawing iyon nang marinig ang pagbagsak ng pinto.
Nagkatinginan kami ni Carlisle.
Hindi ko mapigilang mapairap bago tuluyang pumasok sa loob ng tricycle.
May nakalimutan din ba siya kaya bumalik?
03/14/23
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top