Chapter 1

Chapter 1

Quiz

The first day was supposed to go smooth, pero dahil sa Carlisle na 'yon ay buong araw akong badtrip. Isang beses akong niyaya ni Claera na mag-lunch doon sa canteen pero tumanggi ako dahil being with her means being with Carlisle as well.

Who would want to be with that annoying, provocative fool, anyway?

Well, obviously Claera.

Kaya naman nilabas ko ang baon at napagpasyahang sa upuan na lang magtanghalian para na rin hindi hassle! Ano, bababa ako galing third floor para mag-canteen? Tapos pagbalik ko gutumin lang din ako ulit! Huwag na. Dito na lang ako. Tipid pa sa oras.

Nilabas ko ang luntian na lunch box at tumbler. Napangiti ako dahil favorite ko talaga ang kulay. Hindi ko alam kung nagkataon lang o alam talaga ni Tita ang paborito kong kulay.

"Hi, Athania. Puwede sumabay kumain?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaklaseng lalaki na nakatayo sa harap ko. "Hindi ka ba makakakain kung walang kasabay?" tanong ko.

He froze a bit. "Hindi naman sa gano'n..."

"Ewan, ikaw bahala," I dismissed. Muli akong sumubo ng kanin at kumagat sa slice ng embutido na nasa tinidor ko. Narinig ko ang ingit ng upuan sa pag-ikot niya nito para mapaharap sa akin.

"I'm Denver, by the way."

Tiningnan ko siya saglit. "I see."

Tahimik na ulit ang pagitan namin. Hindi ko rin naman kasi ugaling dumaldal kapag kakain. Hindi ako nabubusog kaya kung kain, dapat kain lang talaga.

"Transferee ka, 'no? Ngayon lang kita nakita sa school."

Tumango ako sa kaniya. Patapos na ako sa pagkain at umiinom na ng tubig sa tumbler samantalang siya ay parang hindi pa nangangalahati.

"May GC pala tayo. Na-add ka na?"

I sighed. Ang matanong naman. Hinayaan ko na lang siyang magtanong habang unti-unti kong nililigpit ang gamit.

"Para sa'n naman ang GC?"

"School-related updates, kuwentuhan ganoon."

"Weekdays naman tayong nasa school at nakikinig naman ako sa mga reminder. I find it useless," sabi ko at umayos na ng upo dahil tapos ng magligpit.

"Sabagay. I-add kita mamaya, ha. Baka kasi may important further announcements if ever."

Pinanood ko siyang magsalita. Nakatitig lang din siya sa akin. My lips protruded a bit. Hindi ba siya naiilang?

"Hoy, Denver, off limits na 'yan!"

Lumingon ako sa taong papalapit na sa amin. I groaned inwardly. Bakit ang bilis niya naman bumalik? And what did he mean by it?

Naglakad siya papunta sa amin habang inaayos ang ID lace niya sa ilalim ng kuwelyo. Kumunot ang noo ko nang sinadya niyang dumaan sa pagitan namin, na kahit masikip ay ipinagsiksikan niya pa ang sarili. Ang bastos! Alam niya namang kumakain pa si Denver, sa gitna pa talaga siya dumaan!

"Sa 'yo na nanggaling na dinidisiplina ng eskwelahang ito ang bawat estudyante tapos ganiyan ka kung kumilos? Bastos ka, ah," hindi ko na napigilang magsalita.

He looked at me, confused. "Sinabi ko ba 'yon?"

Umirap ako at humarap kay Denver nang hindi siya sinasagot. "Kumain ka na, huwag ka rin kasing pabagal-bagal. Akala mo 'di lalaki, e."

Tumikhim siya at tumango.

"First day pa lang nagpapaporma ka na," pahayag ni Carlisle sa tabi ko nang hindi ako binabalingan. He was busy with his phone when he spoke. Napansin kong hindi niya rin kasama si Claera pagbalik.

"First day pa lang nangingialam ka na," sagot ko. Lumukot ang mukha ko sa inis. Akala mo kung sino, baka mamaya nasa school rules din na bawal magpaporma and it's not as if magpapaporma talaga rin ako, 'no!

Nilabas ko na lang ang libro sa History para magbasa-basa habang pinapalipas ang oras ng tanghalian. This is what I should do to excel in class.

Hindi kami nag-imikang dalawa sa bawat patak ng minuto kahit pa gusto ko siyang sitahin sa irita dahil umaabot sa tainga ko ang tunog bawat tipa niya sa teklada ng cell phone.

One of the reasons why I don't want phones in school, kaya ko rin iniiwan iyong akin sa bahay. Using phone during class hours is a distraction, at alam ko namang break pero nakakairita pa rin kasi nag-aaral ako sa tabi niya.

Hindi ko na napigilang at nagsalita na, "Silence your phone. Please lang."

Natigil siya sa pagtitipa at sinipat ako. "Paniki ka ba?"

"Bakit?"

He frowned. "That wasn't a pick up line, Miss."

"Alam ko. Literal akong nagtatanong kung bakit," pag-irap ko naman.

Ayan na naman iyong pagngisi niya na nakakairita kasi pakiramdam ko sarkastiko. "You know, bats are known for having the best hearing among all land mammals."

I shrugged kunwari ay hindi namangha sa kakarampot na impormasyon na nilahad niya. At saka paano niya ako naihalintulad sa paniki, e, malakas naman talaga ang tunog ng bawat tipa!

"Ang taray talaga," he murmured to himself.

Afternoon class was a bit challenging. Unang araw pa  lang kasi ay nagpa-quiz kaagad si Ma'am Laguda sa History. Am I complaining? No, I like challenging things.

"Tingnan lang natin kung may stock knowledge ba kayo," sambit ni Ma'am nang tanungin siya kung bakit may pa-quiz kaagad.

"Number 4, ano ang sinisimbolo ng tatlong bituin sa watawat ng Pilipinas?"

I wrote down my answer.

"Number 5, sino ang presidente ng Pilipinas ang namatay dahil sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan?"

"Mali ka," palihim na bulong ni Carlisle sa gilid ko.

I looked at him under my lashes, almost glaring. "Mind your own paper." Tinakpan ko pagkatapos ang papel ko dahil sinisilip niya pala. At ano? Mali raw? Baka siya ang mali. Sure ako sa sagot ko, 'no!

Five-item quiz lang 'yon kaya naman nang matapos sa pagsagot ay checking na. "Exchange papers with your seatmates."

Dahil tatlo lang naman kami sa fourth row ng grupo namin ay kaming tatlo lang ang nag-exchange. Papel ni Carlisle ang nasa akin, samantalang ang papel ko naman ay na kay Claera.

"Number 4, Luzon, Visayas, at Mindanao."

Ngumisi ako nang makitang mali si Carlisle sa number 4. Kapal ng mukha, ako pa sinabihang mali, e siya naman pala!

Ginuhitan ko ng malaking ekis ang number 4 with the intent of taunting him. Luzon, Panay, at Mindanao, huh?

"Number 5, Pangulong Ramon Magsaysay."

Umawang ang labi ko nang makitang tama siya sa number 5. At hindi lang dahil doon! Dahil alam kong hindi Ramon Magsaysay ang sagot ko kundi Benigno Aquino!

Sigurado ako sa sagot ko sa number 5! Bakit mali? Baka nalito lang si Ma'am? Gusto kong magsalita para klaruhin, pero nagsalita na ulit si Ma'am.

Sinipat ko ang katabi at naabutan siyang sinisilip ang papel ko na hawak ni Claera. He then looked at me amused. "Told you."

I hissed. Hindi ko siya pinansin at tinuon na lang sa harap ang atensyon. Sure ako roon, e!

"Who got the perfect score?"

Lahat kami ay sabay na lumingon kay Carlisle na nasa tabi ko nang tanging siya lamang ang nagtaas ng kamay. I looked at him, nahihiya para sa kaniya.

"Who says you got the perfect score?"

His lips twitched in confusion when he looked at me. "Bakit, hindi ba?"

Binigay ko ang ¼ sheet of paper niya para ipakitang 4 lang ang score niya!

"Mali ka sa number 4. Galing mo magsabing mali ako, mas lalo ka naman pala."

"Students at the back."

Bumaling kami kay Ma'am nang marinig iyon.

"What's wrong?"

Tumayo ako para magpaliwanag, "Ma'am. Hindi naman po siya naka-perfect. Ang sagot niya po sa number 4 ay Luzon, Panay, at Mindanao. Mali po iyon, 'di ba?"

Tumayo rin si Carlisle na nasa tabi ko. Bahagya ko pa siyang tiningala dahil kahit matangkad ako ay mas matangkad pa rin siya. Suplado siyang sumulyap sa akin bago kay Ma'am na nasa harap.

"Excuse me po, Ma'am. I wanna elucidate my answer. Ang gitnang bituin po ay originally na Panay. So may it Panay or Visayas, both are correct."

Hindi ko alam kung bakit napatango si Ma'am! Huh, anong Panay? Absent ba ako noong itinuro ito?!

"Paano mo nasabi?" sa halip ay wika ko sa katabi.

"Ang unang wagayway ng watawat ay naganap sa loob ng Luzon kaya iyon ang sinasagisag ng unang bituin. At ang unang wagayway naman sa labas ng Luzon ay sa Panay."

My mind went haywire for a moment. I glanced around and noticed most of them are watching us.

Tumikhim ako. "Kung Panay, bakit Visayas ngayon?"

He showed me his arrogant grin. "Dahil ang Panay ay parte ng Visayas."

What an absolute nonsense. Why was he making it complicated kung iyon pa rin naman pala ang rason?

"Kung ganoon pala ay bakit Panay ang sagot mo? At sa 'yo na rin nanggaling kanina na "originally", ibig sabihin ay dati pa 'yon kaya dapat hindi na rin dapat iyon ang sagot mo," iritable kong rason naman.

"Sino namang nagsabi na bawal gamitin ang Panay? Besides, using the original instead of the current term doesn't mean wrong."

"I give you that, pero let me just inform you na we're in the present at given din ang paggamit ng present terms. Common sense nga. Masyado mong ginagawang complicated ang bagay-bagay."

"Shh. Okay, that's enough. I understand both sides, but let's take Mr. Reistre's answer into consideration, Miss...?"

"Riple, Ma'am," dugtong ko, nanatiling nakatitig kay Carlisle.

"Okay. Take your seats now. Who else got the perfect score?"

Walang nagbitiw ng tingin sa aming dalawa hanggang sa maupo kami. I was glaring at him while he's looking at me as though I was a laughing stock.

So annoying.

Nag-uwian na lang pero iyong pagkabanas ko kay Carlisle ay nananatili pa rin. Ginatungan niya pa iyon nang silipin niya ang papel ko na hawak ni Claera kanina. Pababa na kasi ako ng hagdan nang maramdaman kong nakabuntot silang dalawa sa akin, particularly Carlisle who keeps on pissing me off.

"Hindi nga ako nagreklamo kanina na Benigno Aquino ang sagot mo sa number 5," he teased.

Uminit ang pisngi ko at huminto para pumihit papaharap sa kaniya. Nahinto naman siya sa pagbaba ng paa sa isang baitang. Napaatras pa siya sa gulat.

"Sigurado ako sa sagot ko. Hindi ko lang na-clarify kanina kay Ma'am, but don't worry I'll give it a thorough research later para malaman kung—"

"No need, though." Tuluyan niyang ibinaba ang isang paa dahilan para mapaatras ako dahil sa proximity namin. Muntikan pa akong malaglag kung hindi niya lang agarang nahawakan ang strap ng bag ko, preventing me from my potential, embarrassing fall!

Nang makaraos ako sa pagkabigla ay hinampas ko ang kamay niya na nakahawak sa strap ng bag ko. He shrugged and put his hand inside his pocket.

"Una sa lahat, you didn't specify who among the three Benigno Aquinos is your answer. Sr., Jr., or the third? Sunod, ang tanong ay sino ang presidente na namatay dahil sa airplane crash," he emphasized the word "presidente" and "airplane crash". He smiled mockingly at me. "According to some reliable sources, Aquino Sr. served as Speaker of the National Assembly who died of a heart attack, while Jr. was a senator who, on the other hand, was assassinated at the airport and the third Aquino was a president, yes, but died due to renal disease—"

"Iyong Jr. ang ibig kong sabihin. I knew he died sa airport—"

"Yes, sa airport pero dahil sa assassination hindi sa airplane crash. Don't confuse the two. At hindi mo ba ako narinig? Presidente ang nasa tanong, hindi senator. But even so, mali pa rin. Mali talaga ang sagot mo, huwag mo na hanapan ng lusot."

Natahimik ako nang matanto iyon... Oo nga, 'no? Edi siya na matalino!

Napairap ako sa sarili. I can't accept this! Simpleng impormasyon lang, mali pa ako? Dapat talaga mas pag-igihin ko pa ang pag-aaral at baka mahigitan ako! Lalo na dahil sa goal ko. I wanna be the top student of my class. Saglit ay gusto kong lumubog sa kinatatayuan. Nakakahiyang pinagtatanggol ko iyong sagot ko na mali naman pala talaga!

"Oh, ano? Naliwanagan ka na ba? Thank me later."

Sisigawan ko na sana siya sa inis nang pumagitna si Claera. Busangot ang mukha niyang pinalipat-lipat ang tingin sa amin. "Tama na, okay? Sumasakit ang ulo ko sa away ninyong matatalino. Awat na. May bukas pa."

I sighed. Inambaan ko pa ng sapak si Carlisle bago sila talikurang dalawa. "Alis na 'ko, Claera."

"Walang nagtatanong."

Epal talaga!

"Hindi naman ikaw sinabihan ko," nagawa ko pang tugon bago nilakihan ang hakbang para makawala sa buwisit na 'yon.

At sa wakas narating ko na rin ang ground! Lumiko na ako ng hallway para tuluyang makalabas ng building namin ngunit bago ko pa magawa ay may isang braso na ang marahas na humila sa akin. Napatili ako sa pagkabigla.

"Ano ba—"

"Shh, sorry, may pinagtataguan kasi ako—uy, hala, hello! Ikaw iyong pinagalitan kanina ng pinsan ko, right?"

Napatingin ako sa mukha ng lalaki at namilog ang mata. What the heck! Siya iyong Jairus kanina! At ano, pinsan? Pinsan niya iyon?!

Naiinis ko siyang tinulak; nagpaanod naman siya. Hinila niya ako malapit sa ilalim ng hagdan kaya hindi kami masyadong nakakaabala sa daanan.

Humalukipkip ako. "Pinsan mo iyang buwisit na 'yon?" kuryoso kong tanong.

He dramatically gasped. "Hey, don't say bad words. Kapag narinig ka no'n kahit pa bobo o tanga lang sabihin mo, yari ka talaga," may pananakot na sabi niya.

Ako pa yari kay Carlisle? As if I'm scared. Oo, kanina pero konti lang. Pero noong buong araw niya akong iniinis? Aba'y dapat sa akin siya matakot.

I smirked mockingly. "Oh, talaga? Kung ganoon man pakisabi punyeta siya."

Namilog ang mata niya. Hindi ko alam kung sa sinabi ko ba, pero nang marinig ko ang yabag sa likod ko ay nakumpirma kong hindi iyon dahil sa akin kundi sa...

Nakaramdam ako ng presensiya sa aking likuran at bago pa man ako makakurap ay nagsalita na iyon.

"Message received. Anything else?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkatapos no'n. What... the... heck. I am doomed!

07/22/22

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top