Reunion
Isinulat ni: senyora_athena
Buwan ng Abril, reunion ng batch namin sa Senior High. Batch na naging pamilya ko sa loob ng dalawang taon.
Galing pa ‘kong Palawan no’n, umuwi lang talaga ako para dumalo sa reunion namin na taon-taon naming ginagawa pero ngayon lang ako dadalo. Hindi ko nga rin halos mabilang ang mga pagsisinungaling ko para lang hindi ako nila kulitin na dumalo.
Wala ng pahinga ang tema ko ngayon, double time. Umuwi pa ‘kong Caraga Region kung saan ang hometown ko.
Sa school na agad ako nagtungo dahil do’n daw ang meeting place. Pagbaba ko sa sasakyan, nakita ko si Axl na nakatayo malapit sa gate. Naka polo-shirt siya at black pants.
“Hi Axl.” No response.
“Nasa loob na ba sila?” But still, no response.
Hindi ko na lang pinansin ang pagkapahiya ko at pumasok na lang sa gate at nagtungo sa classroom namin. Nakita ko si Diane at iba naming kaklase.
“Akala namin hindi ka na naman dadalo,” sabi ni Diane at niyakap ako.
“Condolence Melonie, nakikiramay kami sa pagkawala ni Axl. Nandito kami palagi sa’yo. Alam naming hindi madali dahil ilang taon din naman ang pinagsamahan niyo pero palagi mong tatandaan na nandito lang kami, okay?” sabi ng isang classmate ko na naging dahilan sa muling pagtulo ng aking mga luha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top