Jeep
Isinulat ni: senyora_athena
Hindi alam ng mga kasama ko ang dapat na gawin sa mga oras na ito. Kung sisigaw ba sila para humingi ng tulong o susundin ang lahat ng sasabihin ng lalaki. Lulan kami ng isang jeep para sana pumunta sa plano naming puntahan. Hindi namin inakalang maiipit kami sa ganito, ang ma-hold up ng ganito kaaga.
Nakarinig ako ng sigaw at nasundan ng pagputok ng baril. Nagmamakaawang tinig at sinasabayan ng pag-iyak ng mga kasama ko. Bakit naman kami nauwi sa ganito?
“Hoy ikaw!” narinig kong sabi ng lalaki sa’kin na siyang may hawak ng baril at itinutok iyon sa akin. Ito na yata ang sign na huling araw ko na ito.
“Ilabas mo ang pera mo!” dagdag pa nito. Ano naman kayang pera ang gusto niyang ilabas ko? Fifty pesos lang ang dala kong pera, kulang pa nga ito.
Hindi ako umimik, hindi ko siya pinansin. Sige lang, barilin mo ako. Sawang-sawa na ‘ko sa buhay ko.
Lahat ng tingin ng mga pasahero ay nakatutok sa akin. Para bang lahat ng galaw ko ay kailangan nilang panoorin. Gusto yata nilang masaksihan kung paano kitilin nitong lalaki ang buhay ko.
Gumalaw ang senior citizen na katabi ko, sa lahat ng pasaherong narito ay siya lang yata ang walang kaalam-alam sa nangyayari.
“Heto po ang bayad, isang senior citizen,” anito sa driver at inabot ang pera.
Wala itong kaalam-alam at nagtatakang tumingin sa’kin at tumingin sa lalaking may hawak ng baril. Gulat itong nagsabi ng “Joseph, ikaw ba ‘yan? Anak ko bakit may baril ka?”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top