Chat

Isinulat ni: senyora_athena

Alas-diyes ng gabi, bumukas ang pinto ng aking kuwarto habang titig na titig ako sa cellphone at ka-chat ang boyfriend ko. Napatingin agad ako sa pinto at nakita ko si Mama.

“Hoy, Ivy! Matulog ka na. May pasok ka pa bukas. Kaya palagi kang late sa school kasi pati pagtulog sa gabi, late pa rin. Ewan ko na lang sa’yong babae ka! Matulog ka na, iiwan ka rin ng ka-chat mo,” sabi ni Mama at nag-walkout.

Hays, si Mama talaga. Napatitig ako sa cellphone ko. Ayan na, nag-reply na siya.

Fifteen minutes past, bumukas na naman ang pinto. Tumingin agad ako ro’n.

“'Ma, opo, matutulog na ‘ko. Five minutes more pa po.” Inunahan ko na, sasabihin na naman kasi no’n na, “'Nak, walang forever, matulog ka na.” Dakilang bitter talaga ang aking Ina.

Inaasahan kong isasara na ni Mama ang pinto ng kuwarto ko subalit hindi iyon nangyari. May mga yapak ng paa akong narinig na papalapit sa kama na hinihigaan ko. Dahil madilim sa kuwarto ko kaya hindi ko naaninag kung kanino ang mga yapak na iyon. Pero sigurado akong hindi si Mama ‘yon.

Bigla siyang huminto — kung sino mang tao iyon. In-off ko ang cellphone ko, dahil kinakabahan ako sa takot.

“Hindi ka ba makikinig sa Mama mo? Matulog ka na, Ivy. Alam mo bang isa sa pinagsisihan ko kung bakit hindi ako nakinig sa aking Ina, dahil iyon ang naging dahilan kung bakit ako maagang namatay,” sabi nito na naging dahilan kung bakit ako sumigaw nang sumigaw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top