Camera

Isinulat ni: senyora_athena

“Smile.”

Sabay-sabay silang ngumiti sa harap ng camera. Ito na yata ang huling araw na magkakasama silang lahat. Tuwing pictorial lang naman sa graduation nagiging kumpleto ang mga estudyante.

Pinagmasdan niya ang mga katabi niya. Wala silang ibang nakita kun’di ang matamis na ngiti at nagniningning na mga mata. Alam niya kung ano ang iniisip ng mga kasama niya sa façade. Sa wakas ay nagbunga na rin ang ilang taon na naghirap sila, mula Pre-school hanggang College.

Nang tumingin siya muli sa camera man ay parang hindi ito mapakali. Titingnan nito ang hawak na camera at titingin ulit sa kanila.

Ano kayang nangyari? Tanong niya sa sarili at lumingon sa likuran. Parang wala namang napansin ang mga kasama niya dahil kaniya-kaniya lang ang mga ito sa pagpindot sa sariling cellphone. Baka binibigyan lang niya ng kahulugan ang lahat.

“Let’s take another shot,” ani ng camera man kaya naghanda na rin siya upang ngumiti pero ganoon pa rin ang nangyari.

“Ano po bang problema, Sir? Nakailang ulit na tayong picture wala pa rin bang magandang kuha?” tanong ng isang guro na lumapit na mismo sa camera man.

“Ma’am ano kasi—” Huminto ito sa pagsasalita at napakamot sa ulo. “May problema kasi eh.”

Problema?

“Puwede niyo pong tingnan,” dagdag ng camera man.

Mabilis na nagsilapitan ang mga kasama niya kaya humakbang na rin siya upang tingnan kung anong problema.

Tumigil yata sa pagpintig ang kaniyang puso at sumikip ang kaniyang dibdib nang makita ang tinutukoy ng camera man. Humakbang siya paatras at tiningnan ang kanilang guro, namumutla ito gaya ng iba niyang mga kasama.

“Who’s that girl? Bakit wala siyang ulo?” maarte na tanong ng nasa gilid niya. “OMG! Katabi mo siya, Zaira!”

“Si Carmela ang katabi ko.”

“Pero katabi kita kanina,” aniya at muling tumingin sa camera pero hindi niya nakita ang sarili niya sa picture.

“Si Wendie yata ‘yan. ‘Yong babae na nag-suicide sa CR ng education department.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top