Balut

Isinulat ni: senyora_athena

“Elly, may kukunin lang ako sa labas,” sabi ng classmate kong si Regine na partner ko sa thesis.

Nandito kami ngayon sa bahay nila, nasa second floor ang kuwarto niya.

My phone beeps nang tumuntong ang alas siyete ng gabi. Nasa kalagitnaan ako ng pagta-type sa laptop ko nang makarinig ako ng sigaw ng nagtitinda ng balut.

“Balut, balut po kayo riyan.” Biglang kumulo ang aking tiyan. Gutom na talaga ako.

Ang tagal naman ni Regine, kukuha lang naman daw ng pagkain pero ang tagal.

Kumuha ako ng pera sa bag ko at pumunta sa may bintana. Nakita ko ang nagtitinda ng balut malapit sa kinatatayuan ko.

“Manong, pabili nga ho ng balut.”

“Ilan, Ineng?”

“Isa lang po.” Inabot ko ang bayad pagkatapos makuha ang binili kong balut.

Uupo na sana ako pero binalik ko ang tingin sa may bintana.

Paano nangyaring nakabili ako ng balut na nasa second floor pala ako ng bahay ng classmate ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top