Buhangin
Buhangin
Huwag mong hawakan ng mahigpit ang butil ng buhangin
Para sa huli ay manatili ito sayo at hindi kumawala
Huwag mong bigyan ng sobrang laya ang bawat hibla
Dahil sa dulo ay huhulagpos lamang ito sabay ng hangin
Minsan lamang magmahal ang isang katulad ko
At dahil rito ay may kakatwa akong takot
Sigurado ba akong ang taong nasa harap ko
Ay ang nagiisang pagkakataon ko sa mundong ito?
Tadhana raw ang dahilan para magtagpo tayong dalawa
Katulad ng mga piraso ng buhangin na inanod sa dalampasigan
Bawat butil ay may nakatadhanang makakadaupang palad
Dito sa malawak na mundong parang dagat
Siyam na minuto
Nahuli ako ng siyam na minuto
Parang buhangin na pinaglaruan ng hangin
Dinala sa kung saan saan
Binato sa langit
Binasa ng tubig
Hinagis sa hangin
Pinigilan ng tadhana itong pagtatagpo nating dalawa
Itong tadhana natin ay parang buhangin na huhulagpos sa sobrang higpit ng kapit
Tayong dalawa ay isang kwento na kahit kailan ay hindi matatapos
Isang kwentong hanggang gitna lamang
Isang kwentong sa huli ay hindi tayong dalawa
Isang buhangin na tuldok lamang sa buong dalampasigan
Walang halaga
Walang importansya
Walang magmamahal
Isang buhangin na tuldok lamang sa buong dalampasigan
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top