Alon

Alon



Ang naging simula ng huli mong kabanata
Huling kabanata ng pag ibig na nawasak
Dala ng mga pangakong nasira at hindi napanindigan
Pero heto ka pa rin, tangay ang alon sa iyong dibdib
Umaasang itong huli ay muling maging isang simula rin

Pinulot ng inosenteng dalaga
Iyong bawat pirasong nadurog sayo
Bawat sira at bubog
Bawat gasgas at hulog
Bawat pasa at sugat
Kinuha ng dalagang walang alam kung hindi ligaya

Ngunit kasabay ng alon na nagdala sayo
Ay ang alon ng pagbabalik ng simula mo
At sa tamis ng mga pangako ng ikalawang pagkakataon
Nagpatangay ka sa malakas na alon

Palayo
Palayo hanggang sa malunod
At tuluyan mo ng malimot
Iyong inosenteng dalagang pumulot sayo mula sa alon

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top