UYW6: Happiness in the Dark Cloud

Kumusta ka na? Masaya ka pa rin ba? Hindi ka ba napapagod ngumiti at maging masaya? Hindi ka ba natatakot sa kung anong puwedeng mangyari? Hindi ka ba nakakaramdam ng kalungkutan? Wala ka bang pakialam sa mga nangyayari sa kasalukuyan? o sadyang masaya at okay ka lang talaga?

Naiinggit ako sa ’yo. Sobra. Alam mo kung bakit? Dahil masaya ka lang kahit malungkot ako. Nakangiti ka lang kahit hindi ko magawang maging masaya sa harapan mo. Palagi mong sinasabi sa akin na magiging okay lang ang lahat pero bakit hindi ganoon ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko mag-isa na lang ako kahit pa maraming nasa paligid ko.

Bakit kahit anong gawin kong laban nananatili akong talunan? Iyon bang walang magawa kundi lumabang mag-isa. Iyong walang masabihan ng nararamdaman kasi pakiramdam ko walang gustong marinig ang hinaing ko. Na kahit anong tatag ng mga tuhod at isip ko bumabagsak ako sa salitang hindi ko na kaya. I’m tired of everything. Everything.

Tao lang ako, nanghihina, napapagod, nagkakasakit at natututo na umayaw ’pag hindi na kaya. Hindi ko rin maintindihan kung minsan kung bakit na kahit anong gawin kong dilat, masabing matatag lang ako, nananatiling patuloy akong yumuyuko kasabay ang pagbagsak ng mga luha sa kailaliman ng gabi. Malalim at naninikip ang dibdib ko tuwing naaalala ko ang bawat detalye.

Masaya sila kahit naghihikahos kami. Nakatapos ako ng pag-aaral pero bakit hindi ko maramdaman ang saya? Dahil ba hindi rin sila masaya o sadyang ayaw nilang maging masaya ako. Kalakip ng diploma, isang mabigat na responsibilidad ang nakaatang. Responsibilidad na nagpapahirap ng kalooban ko, hindi dahil sa takot at ayaw kong harapin, kundi isa itong prinsipyo ng tunay na kuwento ng buhay ng tao. 

Sumasalo ng lahat dahil kailangan. Lumalabang mag-isa dahil iyon ang tama. Buong mundo na ang naghihirap, daragdag pa ba tayo sa mga mahihina? Noong mga bata tayo hinihiling nating maging matanda then now, we want to be child. Not because we want to change everything, instead we want to feel the freedom of being alone without too much pain and suffering in life.

The day we belong to maturity. We feel to much experience that we didn't know that time. Hindi na tayo nagiging masaya. Lahat bawal. Huwag ganito-ganyan pero sila nagagawa nilang maging masaya na walang pakialam sa mga mangyayari; kung tama o mali pa ba sila.

Hanggang kailangan natin kakayanin ang lahat? Hanggang saan tayo tatayung nakataas ang noo kahit nagpapanggap lang? Hanggang kailan tayo magiging matatag sa kaalamang nakatali ang mga paa sa mga obligasyon na hindi natin dapat hawak? We are human, not a machine gun. We were born to experience a lot, not only inhumane.

Napapagod na ako. Hindi ko na kaya. Kahit anong gawin kong tapang sa harapan ng lahat, sa huli isa akong mahinang nilalang na walang gustong gawin kundi makalaya sa mundong binuo nila para sa akin. Gustong kong maranasan na maging masaya at malaya sa mundong dapat nararanasan ko base sa tamang gulang, kaya lang, wala e. We were born to have these different types of experience in life.

Ipinanganak tayong bumubuhat ng kung ano-anong responsibilidad sa buhay. Lahat tayo may kanya-kanyang ginagawa, lihim man o hayag. Kaniya-kaniyang kuwento at tadhana. Mahirap o madali. Mabigat o magaan. Everything will come at a right track based on what life we have in this journey of our own life.

Gusto kong maranasang ang lahat ng bagay na hindi ko pa nagagawa sa buhay ko. Gusto kong maglibot na hindi nagtatago sa mga tao sa paligid ko. Gusto kong maranasan na magmahal na hindi ko kailangang itago sa iba, sa pamilya, kaibigan o sa mga kamag-anak. Gusto kong maranasang maging masaya na hindi ko kailangang isipin ang sasabihin ng iba.

Iyon bang wala dapat silang pakialam sa akin o sa sasabihin nila. Na matanda na ako para magdesisyon sa buhay ko. Na kaya ko na ang sarili ko. Gusto kong maging masaya kahit minsan para maranasang malaya ako sa buhay na mayroon sa mundong ito. Higit sa lahat gusto kong maranasan ang maging malaya tulad ng ibon sa alapaap. Na sana minsan maramdaman kong okay lang kahit anong gawin ko dahil buhay ko ’to. I decide by my own rules and me, myself is enough for me to understand myself for who I am.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top