UYW #1: MISUNDERSTOOD MIND OF A BROKEN MIND

Dear Lifeline,

The worst feeling I ever felt was hurting deeply until the tears ended at ayaw ng pumatak. Kahit anong gawin kong umiyak wala ng luha ang gustong kumawala. Napagod na ata at sawa na.

Nakakapagmanhid pala ang sakit at mga masasamang alaala ng nakaraan. Iyong parang pinipiga ang puso mo sa sama ng loob at mukhang namamanhid na.

The worst and nakakatawang pakiramdam sa lahat. Iyong sa sobrang sakit ng puso mo. Ayaw ng pumintig at lumaban pa para sa isang tao. Iyong ayaw mo ng ipaglaban ang tao dahil pagod ka na umintindi at suko ka ng ayusin pa. Nakakapagod ang sitwasyong ikaw na lang ang lumalaban para sa inyong dalawa.

Ano pang hinihintay niya? Iyong dumating ang puntong wala ka ng maramdaman kundi sakit, poot, galit at sama ng loob. Tuluyan ng nawala ang pagmamahal at awa para sa kaniya. Nakakatawa ang tao sa pagiging selfish. Pagkatapos kang paibigin sasaktan ka lang at gagawing parang tanga.

Hindi natin kasalanan kung bakit sila nasaktan at naluko. Nabigo at nawasak din tayo pero lumaban at sumubok pa rin tayo kahit alam nating talo na. Napaka-unfair ng buhay ng tao. Minsan nakakasawang lumaban at sumubok sa taong wala ng pag-asa. Dahil isa na silang taong bato na akala sila lang ang nasasaktan at may karapatang masaktan.

Ang unfair 'di ba? Parang sila lang ang may karapatang lumigaya at maging bigo. Nabubulag sila sa sarili nilang multo. Ang unfair lang, dahil sa pagmamahal mo sa kanila ginagawa ka nilang tao-tauhan.

Grabe, hindi ka naman nila pinulot sa kung saan lang pero binabasura ka lang dahil lang sa alaala at karanasan nilang nasaktan at pakiramdam ay mauunahan silang mabigo. What a low mindset coming from a broken mind.

Nakakatawa pero dahil sa mga sakit at kabiguan na ating nararanasan doon makikita ang katatagan at kalakasan na nakatago sa ating talunan na pagkabata.

Lahat tayo dumaan sa pagiging musmos at walang alam sa kung bakit at ano ang ating nararanasan ngunit aking natutunan na ang bawat bigkas ng bibig ay hindi kahulugan na tayo ang tinutukoy nila.

Nabubulagan sila sa repleksyon ng kanilang mga sarili. Kaya kahit anong paliwanag nila at pagsasabi ng mga masasakit na salita na patungkol sa atin ay pawang kasinungalingan. Walang sinuman ang puwedeng magbaba ng mga sarili natin para lang sa kanila. Walang sinuman ang puwedeng umapak sa pagkatao natin dahil sa maling judgement nila.

Wala sino man o ano man ang puwedeng umapak sa pagkataong binuo natin bago natin sila nakilala. Wala silang alam sa kung paano natin binuo ang sarili at wala rin silang puwedeng sabihin patungkol sa mga sarili natin dahil wala silang alam kung ano tayo bago sila dumating.

Wala silang karapatan at kahit anuman ang kaugnayan natin sa kanila, wala silang karapatan. Tapos. Never magkakaroon ng puwang ang butas sa lobong patuloy na lumilipad. Walang sinuman o kung anuman ang magiging dahilan upang mahulog ito kung ito mismo ang umubos ng hangin upang mahulog sa kawalan.

Thanks,
Paper Tree

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top