SLA's 12: Untangle Experience
Ang manghusga sa isang tao without knowing the fact behind of her/him is like an air balloon. Nakita mong balloon kaya jina-judge mo na agad na puputok iyon, samantalang hindi mo naman sigurado kung anong klaseng balloon iyon.
I am Acxel at ito ang kuwento ko.
Aprentice State University ang pangalan ng eskuwelahan kung saan pinangarap kong makapag-aral. Syempre libre lang ang mangarap. Kahit ano o sino ka man, okay lang mag-isip nang magiging mo in the future. Bata nga na wala pang alam naturuan nang mag-isip ng pangarap e, iyon bang itatanong sa ‘yo, “Anak, ano gusto mo maging paglaki mo?” tapos sagot ng bata, maging ma’am, tapos biglang sasagot sina nanay at tatay, “Gusto mo maging police?”—biglang sagot ng bata, “Opo, opo, gusto ko ‘yon”—tapos sasabihin pa, “Maging doctor—iyong manggagamot ng maysakit? gusto mo?” biglang sagot ng bata, “Gusto ko din ‘yan,” nagbago na siya nang gusto tapos may matching talon-talon pa. Oh ‘di ba? relate ka. Gaya nga ng sabi ko, libre lang mangarap, kahit ano pa iyan. Okay lang, as long as gusto mo talaga.
So iyon nga, after ko makapaggraduate ng highschool, sinabihan ako ni Mama na mag-enrol sa Aprentice State University. Alam mo ba iyong pakiramdam ko? Gusto ko magsisigaw sa tuwa, unexpected kasing papaaralin ako sa kolehiyo kaya nang marinig ko iyon, hindi ako makapagsalita.
Lumaki ako sa simple at hindi marangyang pamilya. Iyon bang makakain ka nang tatlo o dalawang beses sa isang araw okay na. Kape at tinapay lang sa umaga okay na pero hindi ako nagreklamo, dahil una pa lang tinanggap ko na sa sarili kong ito ang buhay na mayroon ako, ito ang buhay na kinalakhan ko at ito ang buhay na dapat kong tanggapin. Pero isa lang ang ipinagpapasalamat ko, sa kabila ng mahirap naming pamilya, masaya pa rin kaming nagpapatuloy lumaban sa buhay, tumatawa at nakikihalubilo sa iba nang may kompident. Kahit pa sabihin nilang nangungutang lang kami pag walang-wala kaming makain, minsan pa nga walang magpautang pero itatawa na lang namin kasi magbibigay pa rin sila kahit pili lang o iyong sapat lang na pangkain ng hapunan.
Pero, sa kabila no’n, ang higit na ipinagpapasalamat ko sa Amang nasa ikaitaas-taasan. He never ignored me, he never leave me alone and he never push me into something na hindi ko kaya. Dahil ang isa sa mga bagay na masasabi kong ipinagpapasalamat ko, hindi halatang anak mahirap ako, may itsura naman ako, naturuang magdala ng maayos, maging desente, at higit sa lahat, pang-alay ako sa mga taong may kaya sa buhay. Alam n’yo ba kung paano? Simple lang, dahil kahit saan or kanino mo ako iharap hindi ako nahihiya sa kanila. Kaya kong makibagay sa iba at kaya kong makipagsabayan sa kanila. Simpleng kasuotan ko nga lang, napagkakamalan na akong mayaman kahit pa 5’3 lang ang taas ko. Kaya ito ang ipinagpapasalamat ko sa Ama. Pero dahil din sa mga ito, kaya marami akong mga haters. Ayaw nila sa akin, kasi hangga’t maari, gusto kong makagawa ng tama sa buong buhay ko, that’s another reason why they hate me. They hate how successful I am in a simple way.
So during enrollment, pumunta ako sa school, the 2nd time na makapasok ako sa unibersidad. Bakit 2nd? Pumunta na ako rito sa unang pagkakataon, noong nagtake ako ng intrance exam. Sa awa ng panginoon, I passed my course, which is, Business Administration. Ang isa pang course na naipasa ko ay Education, but unfortunely, hindi iyon ang gusto ko. So I choose my first choice—Business.
As in, tuwang-tuwa ako nang malaman kong pumasa ako. Hindi ko rin inaakalang maipapasa ko ang business, dahil sabi nila, hindi ko kaya iyon, pang matalino lang at hindi raw ako magaling sa math. Yeah, they judge me easily, but I just smile and didn't respond on their comments. Tinanggap ko itong nakangiti, thou it hurts me in deep. I never say anything. Hindi ko ipinagtanggol ang sarili ko, kaya when I passed my course, napatunayan kong mali sila, at nagkamali sila ng pangju-judge sa akin. Mismo ako hindi makapaniwala, but thanks God, he is the one who help me and gave me credit.
The first time I entered in a school ground, hindi ako makapagsalita, as in the grand staircase was amazing, iyon bang habang naglalakad ako, I keep saying, “Oh my God! Nandito ba ako ngayon? this is College ground?”—those words keep on Popping in my head. Hindi ko talaga alam na makakatuntong ako ng kolehiyo. I just a simple person who wants to achieve her goal back then. Kaya ang makita mo ang sarili mo na nasa college ground was really amazing, ma-speechless ka talaga.
So noong pumunta ako sa College department namin, as in ang daming tao, grabe parang langgam. Natatandaan ko pa noon, hanggang
section A to M kami noon, at section I ako, wala e, late ako nakapag-enrolled. Pero, the best thing is napapabilang pa rin ako as a college student sa department kong Business Administration. So masaya na ako. The first day of school, ang mahirap talaga, kailangan mo mag-adjust and also magtipid. Maghahanap ka ng kaibigan which is mahirap lalo’t nanggaling kayo in the different places and provinces. So kailangan mo talagang maging madaldal kung gusto mo magkaroon ng kaibigan. Kaya bilang hindi naman madaldal, pero friendly kasi ako. No problem. Nagkaroon din ako ng kaibigan but syempre not of them ay mape-please mo, so it's okay to have 2 or 3 friends. Gayon din, maging sa lessons kailangan mong mag-adjust. Kailangan mong magbasa dahil in a day maybe you have 3 to 4 subjects at sa susunod na araw, iba din kaya dapat maging masipag sa pag-aaral at kunting adjustment.
When it comes to money naman, kailangan mong magtipid, dahil sa xerox pa lang, tiba-tiba kana sa gastos. Naranasan ko pa noon na maubusan ako ng pangbayad, kaya ang ginagawa ko umuutang ako, o kaya hindi na ako kumakain just to save for xerox copy. After ng first sem, makaka-adjust kana pero pahirap nang pahirap ang mga subjects. Sabayan pa na iba ang magiging professors mo dahil may mga stricto at suwerte mo na lang if maging prof. mo ay naging prof. mo last sem. Kasi pag ganoon, madali ang adjustment mo dahil kabisado muna kung paano siya magturo, magpaquiz, magbigay ng grades at magpa-exam. I used to have a teachers since kinder and highschool na talagang terror talaga, kaya nang magkaroon ako ng professors na stricto ngayong college, kaya ko ng mag-adjust, kasi sanay na ako.
Pagkatapos ng pangalawa-pangatlong taon ko ng kolehiyo, diyan ko na naranasan ang sobrang hirap na hindi na ako nakakatulog, just to review my lessons, lalo pa’t may mga accounting, laws, computers and any business related subjects. As in, naiiyak na talaga ako. Iyong magsabay-sabay nga ang exam na puro computation ay matorture ka na e, how much more the others subjects pa na may professor kang stricto? Wala na, taggutom na ang labas. Pagdating mo sa bahay, gutom na gutom ka at gusto mo na lang matulog. Pero wala kang choice kundi kumain muna. Kaso ang problema, pag-uwi mo wala kang makain. Di ba ang saya. Kaso kailangan mo magtiis, kape lang at kunting tinapay okay na. Itutulog mo na lang.
Pero lahat iyon tiniis ko, hindi naman ako napabilang sa scholar dahil wala e, palakasan kasi ang scholar dito. Kung sino pang may kaya sa buhay at maraming kakilala, sila pa ang maraming scholar, sila pa ang nakakapasok sa scholar. Tapos iyong mga nagbibigay scholar ‘di man lang ichineck kung ano bang background nila bago tanggapin ang application, kasi nga kakilala. Kaya wala, walang choice kundi magsikap na lang. Unfair lang, pero atleast katas ng hirap ng parents ko ang pinaaral sa akin. Hindi kagaya ng iba, may scholar nga pero dahil sa kapit at kakilala. Ang malala pa riyan, tinatago ang pagiging scholar. Kaluka! Tapos sasabihin ng magulang ang hirap magpaaral, e samantalang anak niya, dala-dalawang scholar. My goodness!
Indenial, ‘di na nahiya. Tapos iju-judge kang isang kahig at isang tuka? My goodness! Nabibili nga namin ang gusto namin e, nakakakain din kami ng masarap. So paanong naging isang kahig isang tuka? porke’t ba nangungutang ka ay ganoon na? Marami ngang mayayaman diyan, nangungutang pa e, ikaw pa kayang mahirap lang? Minsan ang kitid mag-isip tao, salita nang salita hindi tinitingnan, sila rin naglalabas ng baho nila, kasi bumabalandra din sa kanila. Nagyayabang na akala mo sila na ang magaling at mayaman. In the first place, hindi nila madadala sa langit ang kayamanan nila, so why do you need to make a lot of money? Iiwan mo rin naman iyan at mababalewala pag dumating ang kalamidad, tapos makapag-judge ng tao ay akala mo kung sino? Tapos sisisihin ka pa kung bakit naghihirap kayo, kasi raw pinapaaral ka ng kolehiyo? Anak ng shete! Ano bang pakialam niya sa buhay n’yo? Sino ba siya? Siya ang walang ngang walang pakialam tinulungan mo e—after kuhanin ang serbisyo ninyo, siya pa ‘tong mataas at nagmamataas. Walang utang na loob.
Ewan ko ba kung bakit may mga ganyan mga tao, sobrang pagtitiis ko para makapag-aral tapos iju-judge ka agad-agad? Hindi naman ako gaya ng ibang bata diyan na happy go lucky. I just a simple teenager who had a simple life yet happy. Pag walang maibigay sa akin. Hindi ako namimilit o nagpapakamatay para lang makuha ang gusto. During my college life, ni selpon na touchscreen wala nga ako e, pero di ako nagreklamo dahil kahit kailan, hindi naman ako naubusan ng load sa keypad ko, which is napapakinabangan naman nila ang load ko kapag kailangan nilang pantext at pantawag. Oo mahirap kami, but when it comes to clothes, stuff and anything, huwag ka, nagmumukha akong mayaman. Nasa akin lahat ng mga pangangailangn ko, kaya thanks God sa maraming blessing na binibigay niya sa akin.
Gaya nga ng sabi ko, hindi halatang mahirap ako. Dahil kahit kakarampot lang ang pera ko, pag may gusto ako, pag-iipunan ko iyan kahit mahal pa iyan. Huwag lang gadgets, hindi kasi ako mahilig, mga personal na gamit lang ba, gaya ng pads, pabango or etc. Pero hangga’t maari, tipid-tipid pag may time pa rin syempre. Mahirap na pagmaubusan, lalo malaki ang gastos kahit pa public school lang. Kaya naman, bilang estudyante, dapat matuto kang magbudget. Sa akin nga maraming nagugulat paano ko napagkakasya ang 100 per day? Samantalang pamasahe 60 araw-araw—wala lang time management at tamang budget lang. Pero never ako gumawa ng mali, I used to make things right. I used to do things right. Sa mabuting paraan lang, so until now, I am very much happy that, nakaya ko lahat ng pagtitiis ko. Nakaya ko lahat ng sakripisyo ko, nagawa kong makatuntong ng kolehiyo with may parents and my sacrifices.
So walamg puwedeng magjudge sa akin at magsabi sa aking dahil sa akin kaya naghihirap kami. May goodness. Hindi nila matanggap na kahit naghihirap ka, you look more than on their capacity of living. Mukha kasi silang mahirap kahit may pera naman, that's God’s pay back to their attitude. Kahit anong gawin nila, hindi nila mananakaw iyong angking kasikatan mo na binigay ng nasa langit. Sabi nga ng Ama, “Hayaan mo ang mga kumakaaway sa ‘yo, ibigay mo sila sa akin, at ako ang bahalang gumanti,” that's what I been thinking, so I just keep silent and waiting for the God’s pay back. I'm not a bad person, but I pray for those person who need to poke, in order for them to learn on what they been doing into other.
So vice-versa, the more they put you down, the more God pick you up para mapahiya sila. So Now, kunti na lang, makakatapos din ako, huling sem. I'm done. Mapapatunayan ko sa lahat ng tao na kaya ko ang kurso ko at kaya akong paaralin ng parents ko, dahil unang-una sa lahat, hindi ko hiningi ang pinagpaaral sa akin mula sa kanila, my parents sacrifice and may sacrifice as a student who wants to achieve her goal in the future was my key. Kaya kapag may pangarap, kaya mo, no matter how hard your life is. Unahin mo lang ang Diyos—he never failed you. I hope you learn something in me. Thank you and Godbless.
Sincerely speaking,
Acxel Vellegas
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top