OSC 8: A Girl who fell in love

NBSB yan ang tawag sa babaeng---never pang nagmahal. Iyong feeling na sasabihan kang old generation ka na at napag-iwanan ng panahon?

Samakatwid, hindi kaaya-aya ang nakapaloob sa kuwentong ito. Kaya patnubay ng magulang ng mambabasa ang kailangan. Ating tunghayan ang kuwento ni Alliya.

---

NBSB o No Boyfriend Since Birth? Oo nakaka-ilang na nakakatuwang pakinggan pag nababasa natin. Iyong pakiramdam na birhin na birhin ang dating, pero, paano kung isang araw magbago ang takbo ng buhay ng isang tao? Masasabi ba nating Tanga siya o Gaga? Huhusgahan mo ba siya at pagtatawanan? Halika kana at alamin natin ang kuwento niya.

---✓

Alam ninyo ba noon, pinagtatawanan ako kasi, makaluma raw ako at walang alam sa pagmamahal. Iyong sinasabi nila---wala raw experience at pinag-iwanan na---wag kang sumali sa usapan, Hindi ka belong.

Naalala ko noon, pag-sinasabi sa akin iyon ngumingiti lang ako tapos aalis at mags-stay sa isang sulok malayo sa kanila. Pero, Gaya ng paglipas ng taon? Dumadating sa puntong nagmamatured ang tao, nagkaka-isip, natututo at nararanasan ang mga bago sa pakiramdam nito. Kaya makalipas ang dalawapu't tatlong taong gulang, naranasan nitong magmahal sa unang pag-ibig.

Iyong pakiramdam na umaangat ka sa alapaap sa sobrang kaligayahan, boses pa lang niya, kumpleto na araw mo, marinig mo lang ngiti niya, nakangiti kana kahit di niya nakikita. Masayang ma-inlove, kasi bago lahat sa 'yo, iyong magmahal, mahalin at alagaan kahit simpleng salita lang--- sobrang saya ko noon kasi, 1st timer ako. grabe, pamatay ang saya ko noon. Walang sisidlan ang tuwa ko noon, hanggang isang araw nawasak iyon sa salitang "Kamusta kana? balita ko nanganak na asawa mo? hindi ka nagsasabi ha."

Sobrang sakit, doble ang sakit--- para akong sinaksak. Sa unang pagkakataong nagmahal ako at ibigay ko lahat, wawasakin din pala sa salitang may asawa na pala. Pagkatapos ko magtiwala, magsakripisyo, at sumugal, ako rin pala ang talo. Bakit? Ano bang kasalanan ko? Nagmahal lang naman ako, wala kong inagrabyadong tao, kasi hindi ko naman alam na may-asawa pala iyong mahal ko. Umiyak ako? oo sobra, walang patid ang luha ko kasi pinagmukha akong tanga. Wala akong magawa kundi umiyak at magsisi kasi ang tanga ko---ang tanga-tanga ko. Napaikot ako sa salitang mahal kita at ikaw lang, tapos iyon pala---kabit na pala ako ng hindi ko nalalaman.

Nawasak ako, pinaglaruan ako, naging mahina ako, at nagpakatanga sa mga sinasabing paninira lang iyon. Hindi nagfufunction iyong utak ko kasi nakikinig ako sa salitang ikaw lang at ako. At higit pa rito, nawasak ang puso ko at isip ko, dahil hindi ko matanggap na nakuha ng ganoon-ganoon lang ang virginity ko---tapos maling tao pa ang napagbigyan ko. Grabe! Sobrang malas ko. Dakilang bobo na, tatanga-tanga pa. Minsan naisip ko, nandidiri ako sa sarili ko, pakiramdam ko, isa akong maduming babaeng---pinagsawaan at pinangdidirian.

Akala ko tapos na ang kalbaryo ko, hindi pa pala--- dahil sa pangalawang pagkakataong nagmahal ako. Naulit lang din. Naluko ako, at pagkatapos akong nakuha---nakipagbreak sa akin. Ngayon, mas nandiri ako sa sarili ko, sobrang sakit. Pakiramdam ko, naging parausan lang ako dahil sa sobrang pagmamahal ko.

Binigay ko lahat at hindi ako nagtira para sa sarili ko kasi akala ko noon--- pagbinigay mo lahat hindi ka iiwan. Iyon pala gagamitin lang pala nila iyon para babuyin ka at mas paglaruan ka. Ang sakit, kasi nandidiri ako sa sarili ko. Sa loob ng dalawapu't tatlong taong pag-aalaga ko roon, mawawasak lang ng ganoon. Naging tanga ako dahil sa pagmamahal. Nawasak na 'ko physically---pati pagkatao ko at self-esteem ko bumagsak na rin.

Pakiramdam ko, ako na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Kasi hindi ko matanggap na nawala ko iyon at nabigay ko sa maling tao. Iyong araw-araw naaawa ako sa sarili ko at nangdidiri ako. Minsan pa nga, naghahanap ako ng remedy para bumalik iyon, pero I'm too late. Wala na---kahit kailan hindi ko na maibabalik pa. Dahil ngayon at kailan man---mananatili na iyong sakit at kirot sa puso ko na hanggang ngayon, nagpapawasak sa madilim na nakaraan ng buhay ko...hanggang ngayon, nandito pa rin iyong galit at poot sa dibdib ko.

Dahil hanggang ngayon, nanatili pa rin iyong tinik sa puso ko na sana--- pinag-isipan ko mabuti, sana hindi ako nagtiwala, sana hindi ko na lang sila nakilala at sana hindi ko na lang sila minahal pa... dahil hanggang ngayon, pinagsisisihan ko sa buhay ko ang madilim na parteng iyon ng nakaraan ko. Kasi pakiramdam ko, wala ng taong magseseryoso sa akin kasi madumi at wala na ako maipagmamalaki pa.

Simula noon, wala ng nagseryoso sa 'kin kasi tingin nila, easy to get na ako. Pero nagkakamali sila, dahil pagkatapos ko magmahal noon, marami pa akong minahal--- ngunit, naging maingat ako. Kaya kahit may mga naging kasintahan ako. Hindi ko inabaso ang sarili ko. Kaya iyong iba naghahabol pa rin kasi kahit alam nilang wala na--- still I'm not those person na aabusuhin iyong katawan at magpapagamit sa maling tao. I learned by my mistake. Naging masalimuot man ang buhay ko sa nakaraan ngunit nagpapasalamat ako sa diyos kasi, he guided me upon my journey of being hurt. And now, as of what I've learned, don't trust anybody who makes you feel special, because sooner or later, the real person behind those smile and kind hearted faces is the worse demon that you don't want to be part of your life.

Though, nakagawa ka ng pagkakamali? Wag mong hayaang masira ka pa kasi pakiramdam mo wasak ka naman na, so its okay. Wag ganoon. Give yourself a break, at hayaan mong bumalik iyong self confidence mo, no matter how painful to accept the memories of yesterday. If walang tatanggap sa 'yo after those memories, let them go. Lived with your own, and makes your life happy with a new challenges and experience. Let them God will punished with their demonic doings. 'Coz sooner or later... the memories that makes us cry...will be the most knowledgeble swords that makes our life change. 'Coz everything in this world---there will be the reason why do we need to face those things.

Sincerly,

ALLIYA

--- A/N LadyGh : Sana po ay inyong nagustuhan ang kuwentong ito. Another inspiring story upon our Female MC. Godbless. I hope, you learned something.☺️👍

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top