OSC 4 : Tired Mind

Dear Tomorrow,

Hindi ko alam kung gaano ako katatag sa mga pwedeng mangyari sa darating na bukas. Sa kabila ng mga pinagdaanan ko, napapagod na ako at sumusuko na sa laban ng buhay.

Hindi ko alam kung pinanganak ba ako para masaktan at maghirap ng ganito. Lahat ng mga masasakit na salita narinig ko na, at paulit-ulit nagfaflashback sa utak ko ang masasakit na patalim na narinig ko sa talaan ng buhay ko.

Puro pasakit, pang-aalipin at pangdodown sa 'yo. Hindi ko alam kung, hanggang saan pa ako aabot. Napapagod na ako lumaban at tumayo sa lahat ng paghihirap sa buhay ko.

Sa kabila ng ngiti't ingay na aking binibigay sa mga taong nasa paligid ko, deep inside, gusto ko na lang mawala at nang matapos na lahat sa buhay ko.

Hindi ko alam kung bakit ang unfair ng buhay, kung sino pa 'yong walang ginagawang masama siya pa iyong laging nasasaktan at ginagawang kawawa.

It's really unfair. Bakit ganoon? Pera lang ba ang katapat nang lahat ng bagay sa mundo? Pera lang ba ang mahalaga? Paano ang mga taong kapus na walang-wala? Paano sila? Ano basura na lang ng lipunan? Hindi ko alam kung paano pa tatayo sa mundong ito dahil kunting pagbangon mo pa lang hinahatak ka na pababa. Kunting papuri na binibigay ng iba, big deal na sa kanila, kesyo ganyan at ganito.

Sanay ba talaga ang tao sa hilahan? Kung sino ang umaangat sila ang dapat mahila pababa para makaahon sila. Ganoon lang ba talaga ang buhay? Nakakawalang-gana, pilit kang sinasadlak kahit ayaw mo na.

Kaya maraming nag- papakamatay dahil ultimo dapat may pamilyang kakapitan sa ganitong pagkakataon ay sila pa ang taong nagiging dahilan ng pagpapatiwakal ng isang tao. Bakit? Dahil sila mismo nagbibigay stress at malaking depression sa kapwa at kapamilya nila dahil lang sa salitang inggit. Maraming hindi nakakapagsabi ng hinaing kasi pakiramdam nila kasiraan nila 'yon, pakiramdam nila wala na silang halaga, tapos pakiramdam nila lalaitin at iinsultuhin mo lang sila. Kasi iyong iba, magaling magpanggap na nakikisimpatya, 'yon pala naghahanap ng butas para maichismiss ka.

Nakakalungkot but life is like that, attitude na nila iyan and we cannot change that. Mapipili mo lang talaga ng mga taong tunay na nagbibigay simpatya sa 'yo kasi mas maraming backfighter sa likod mo.

Akalain mo 'yon? Dahil sa inggit sa 'yo, nabubulag ang isip at mata nila. Nasa kanila na ang lahat hindi pa sila masaya. Ultimo kunting bagay na mayroon ka gusto pang wasakin at mawala sa 'yo. Pag gumagawa ka naman ng mabuti, sila naman ang gumagawa ng paraan para hanapan ka ng butas para malait at may masabing 'di kaaya-aya.

Hays! Nakakapagod magpretend na okay ka lang kahit deep inside. Wala na... suko ka na sa buhay.

Napaka-unfair talaga. Magiging mabuti lang sila sa 'yo pagpatay ka na. Masakit 'di ba? Pero 'yan na yan. Bibigyan lang nila ang tao ng importansya pagpatay na, iiyakan, magsosorry at magpapanggap na nakikisimpatya para masabing mabuting kaanak.

Nakakatawa 'di ba? Lalapit sila pag malapit ng mamatay ang tao at may makukuha silang abuloy na mula sa 'yo at mga benefits na pwedeng makuha sa pangalan mo.

Maybe strong person exist after the heartaches and weaknessess. Hangga't hindi natututo, hindi tayo magiging matapang to face the reality of life. May mga tao nga lang siguro na, sa sobrang pagmamahal nila sa mga mahal sa buhay ay nakakalimutan na nilang maging masaya para sa sarili nila.

Dahil may mga taong after makuha ang gusto sa 'yo, nawawalan ka na ng halaga sa kanila, para ka na lang used oil na after magamit itatapon ka na lang.

Nag-eemote,

Hugotera Girl

---✓✓ A/N note :

Hello, another oneshot chapter again. Hope you like it. Any comment? And if you like this chapter? Dont forget the star button. Thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top