OSC 3 : The Sorrow
Dear Life,
Everyday, I'm asking why I need to face those things. I'm tired of saying I can do this because everytime I felt those things, I want to screamed and cry. Kasi, pagod na ako. Hindi ko na alam kung paano ako lalaban sa hamon ng buhay. Lagi akong nagtatanong kung bakit laging unfair, kasi nakakapagod lumaban sa mga taong wala nang ginawa kundi hamakin, apakan, at gawin kang basahan.
Hindi ko alam kung may darating pa bang pagbabago sa buhay ko na makakaya ko pang tumayo pagkatapos nang lahat. Pilitin ko mang lumaban at balewalain ang lahat pero mahirap talaga. Wala ka na ngang ginagawa pero ikaw pa rin ang masama. Nakakatawa 'di ba? Lagi na lang ganoon, nakakaumay na rin minsan. Lagi na lang ba akong magiging mahina, lampa at takot lumaban? Kailan darating ang panahon na makakaya ko nang lumaban at maging matapang upang harapin sila na nakataas-noo. Hope God will guide me in the right place.
Stress is always in our way, we cannot avoid those things but sometimes, the advice we gave to someone is not applicable to us. You know why? Because when we're on that particular situation, we can't think of better way for us to handle it. I am right, isnt?
Sana lahat ng tao pari-pariho ng katapangang mayroon para naman kahit anong mangyari makakayanan nating harapin ang lahat ng hamon sa buhay. Kasi bawat isa sa atin may kanya-kanyang problemang kinakaharap, ibat-iba man, pero pariho lang na may isang solusyon na applicable sa atin, kailangan lang na magpaalala ang bawat isa. Dahil ang buhay parang gulong na paulit-ulit lang at sa bawat hihintuan nito may kalakip na bigat ng damdamin. Pagulong-gulong pero pariho lang ng dagok. Iyon nga lang iba't iba ang mga lugar, taong karamay at sitwasyon.
Sana may bukas pang darating para sa 'kin, sa kabila ng hirap, pagtitiis at pighati ng aking puso. Dahil pagod na ako, pagod na pagod na ako life. Sana kaya ko pang tumayo hanggang makuha ko ang mithiin ko sa buhay. Sana kaya ko pang lumaban sa panghahamak, pang-iinsulto at pagnanakit sa damdamin kong wasak na wasak na. Sana kaya ko pa, sana matapang pa rin ako, sana matibay pa rin ako at sana matapos ko ang takbuhin ko kahit pagod na pagod na ako. Maraming sana pero wala pang natupad sa mga 'yon, dahil hanggang ngayon mahina pa rin ako.
Sana may pagbabagong darating upang sa araw na 'yon, makaya kong maging matatag at matapang sa mga bagay na kinatatakutan ko. Tao lang ako. I'm not perfect but I'm trying my very best to lived more happily. Dahil sa panahon ngayon, life is in the worst manner. Puro gulo, karahasan, at kalamidad. Walang tahimik na lugar na puwedeng makapagliwaliw, dahil ultimo sa ganoong bagay, may nanggugulo at gumagawa ng salita. Pag may nakakita sa 'yo sa ganito, ganyan, wala na artista ka na. Paano ba naman mga taong bayan na nakakaalam. Malala pa rito, wala kang ginagawang masama pero nandiyan sila para gumawa ng kwento. They're talking with your back, samantalang ikaw, wala kang ginawa kundi maging magandang ehemplo ng bayan tapos 'yan ang igaganti sa 'yo, ? Tsismis at panirang puri? My goodness.
Sincerely,
Mindset
---✓✓ A/N note :
Any comment ?
If you like this chapter, don't forget the star button. Thank you and Godbless.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top