OSC 2 : Letter of Last Goodbye
Dear Love,
Love isnt exist? Mga tanong na gusto kong malaman, mga salitang gusto kong magkaroon ng kasagutan. Dahil alam kong alam mo na, ikaw ang pinaka magandang bagay na nangyari sa buhay ko, na ikaw ang pinaka mabuting bagay na dumating sa buhay ko at ikaw ang pinaka makinang na tala na nagbigay kahulugan sa buhay ko. O.A na siguro ako kasi sa lahat, ikaw ang pinaka mabuting bagay na nangyari.
Natatandaan mo ba noon, kung saan una tayong nagkakilala. Kung saan unang umusbong ang pagiging kapatid at kuya mo sa akin? Kung saan unang naging magkaibigan tayo at advicer sa mga panahong lutang ako sa kalungkutan at kapanglawan. Di ba ikaw ang nasasabihan ko ng lahat, ikaw ang sandalan ko, kuya, kaibigan, advicer minsan para kong tatay.
Ikaw ang karamay at dakilang tagapagpayo ko, dakilang taga pakinig ng mga problema at hinaing ko.
Kaya masasabi ko na ikaw ang bestbud ko. Sa madaling sabi best teacher and brother. Ang sarap sa pakiramdam na may the one na laging nandiyan pag kailangan ko, iyong feeling na, marinig ko lang boses mo kompleto na araw ko. Marinig ko lang ang tawa mo, parang lumulutang na 'ko sa kagalakan. Pakiramdam ko, wala na kong iisipin kundi ang future kasama ka.
Taon ang lumipas, taon na pagkakaibigan at pagiging bestbud. Pero, one day sinabi mo saking
"May gusto kang sabihin'
I thought it is a simple story between your ex, baka magkwento ka lang ulit about sa pangluluko niya at sa pag-iwan niya sa 'yo. Syempre 'diba pag sobrang mahal mo ang isang tao, nakukuwento mo ang lahat ng nangyari sa inyo sa isang tao na willing makinig sa 'yo kaya walang problema do'n, pero mas nagimbal ako ng sabihin mong 'gusto mo ako, noon pa', i was shocked ng mabasa ko 'yon, I've tried to ignored all of those things dahil baka naman wala lang iyon. Dahil baka trip mo lang akong asarin o kulitin. Pero nagulat ako sa salitang binitiwan mo...
Puwede ba kitang ligawan?
Mga salitang nagpatigil sa tibok ng puso at isip ko. Dahil pakiramdam ko pinaglalaruan ako nang tadhana. Alam nating 5 buwan pa lang ako nag-momoved On sa ex ko, at alam mo ang buong kuwento sa likod ng kwentong 'yon. Alam mong nasaktan, naluko ako at tripleng sakit ang naranasan ko at nangyari sa buhay ko. Dumating pa nga sa puntong gusto ko ng mawala na lang dahil pakiramdam ko, binagsakan ako ng bomba. Iyong pakiramdam na, sobrang truma ang naranasan ko, na kahit sa kamatayan ko dadalhin ko 'yong masakit na kahapong 'yon.
Pero hindi ko akalain at maintindihan na 'yong parang kuya ko na ay magkakagusto sa akin at gustong manliligaw pala sa akin. Alam mong nasaktan ako sa nakaraan ko at nahirapan akong makalimot at magtiwalang muli kaya binalewala ko 'yong sinabi mo at sinabing 'Ang galing mo pa lang magbiro, napatawa mo ko, pero deep inside ang lakas ng kaba ng dibdib ko, pakiramdam ko hinahabol ako ng sampung kabayo habang kinikilig ako dahil aminin ko man crush na talaga kita kaso hindi ako 'yong babaeng easy to get at nagpapakita ng motibo, dahil kaya kong magpigil at magpanggap na wala lang kahit ang totoo, kilig na kilig na ako. Ganoon ako eh, di ako gaya ng ibang babae.
Tapos noon, sabi mo
"hindi ka nagbibiro, "
Pero dahil di' pa handang magmahal ng puso ko ay, binalewala ko iyon at di na lang pinansin 'yong sinabi mo. Kaya nasabihan mo pa akong manhid at hindi marunong makaramdam.
Hindi ba ganoon naman dapat, pag nasaktan ka dapat magmove-on ka muna at lumimot bago maghanap ulit. Pero ang hindi ko alam na, ang pagdating mo sa buhay ko ang magpapabago sa buong pagkatao ko at magtuturo sa akin kung paano magmahal at magpatawad. Kung paanong magmahal ulit after masaktan, tumayo ulit pagkatapos madama ang sakit at mabuhay ulit after nang mahabang pagkakatulog sa kadiliman nang kalungkutan.
After nang taon na paghihintay nagawa kong tanggapin at mahalin ka. Iyong time na wala ko pakialam sa 'yo, iyong panahong wala ka lang sa akin, iyong panahon na walang special na pagtingin sayo. Pero lahat iyon nabago nang matutunan kitang mahalin at tanggapin sa buhay ko. Ikaw ang best buddy and boyfriend. Ikaw ang guro at advicer ko. Mga katangiang nagustuhan ko sa 'yo kahit may pagkamasungit at suplado ka. Kahit na may pagkagago ka, kahit 'di ka masyadong showy, pero minahal kita. Katangiang nagpahulog sa akin sa bitag mo. Mga attitude na unti-unti kong tinanggap at minahal.
Mabait, suplado, mabuting anak, matalino, responsable, matiyaga, maabelidad, masipag mag-aral at boardpasser .
Iyong tipong kayo pero 'di ka tuturuang tamaring mag-aral, 'yong pagagalitan ka pag inuuna ang wattpad bago ang lesson, iyong pagagalitan ka pag-gigive up ka na sa pagsubok sa buhay. Iyong tuturuan kang magreview at mag-aral nang mabuti, higit sa lahat yong susuporta sa 'yo at sasabihing kaya mo yan. Ikaw pa, yakang-yaka mo yan, tiwala lang.
Ang sarap magkaroon ng boyfriend na ganyan. Pero gaya ng mga lovestory, may errors and unpredictable happenings na darating sa buhay niyo kahit taon pa kayo at matagalan pa ang relasyon niyo.
May mga pagkakataong dumating lang sila para may matutunan tayo. Para baguhin ang pananaw natin at pagkatao natin sa mas matibay at matatag na pakikipagbaka sa darating na panahon.
Mag-asawa nga naghihiwalay pa, tayo pa kaya. Ang saklap 'di ba. Dahil ngayon natapos din ang higit taong pinagsamahan natin. Nakahanap ka nang mas higit sa akin, mas better sa akin. Saan ba ako nagkulang? Bakit ganoon? Bakit ang unfair mo naman. Bakit nagagawa mo kong saktan at paasahin nang alam mo naman ang pinagdaanan ko? Na alam mo ang mga nangyari sa buhay ko. Bakit? Bakit ganoon? Hindi pa ba ako sapat? Hindi ba dapat ako pagkatiwalaan? Hindi ba dapat akong mahalin? Ba't nagawa mong gaguhin at ipagtabuyan ako nang ganoon-ganoon na lang? Bakit ganoon ba ako kadaling palitan? Bakit nagwakas ang sinasabi nating tayo na sa huli? Bakit natapos ang mga pangako na naging hangin na kusang naglaho pag-Ihip ng panahon.
Bakit nagawa mong bitawan ang mga pangakong dapat tinutupad nating magkasama? Bakit wala ng halaga ang pagmamahal mo sa akin? Bakit may bago na ba? Ang sakit na kasi, kinaya ko kahit ang sakit. Nilabanan ko kahit pakiramdam ko nawawasak ako nang paunti- unti, umiiyak ako araw't gabi, pati sa public place nagawa kong maitulo ang mga takas na luhang hindi na kayang labanan ng puso at isip ko.
Minahal kasi kita kahit ang sakit na. Nagpakatanga ako dahil sa pagmamahal ko sayo. Inunawa kita kahit minu-minuto akong nalulungkot at umiiyak. Walang ibang bukang-bibig kundi pangalan mo dahil ikaw ang lahat sa buhay ko. Pero gaya ng mga stories sa libro. Napunta na sa last chapter ang kuwento nating dalawa. Kumbaga epilogue na ang kasunod, buhay na nating magkaiba ang kuwento.
Kaya kong tanggapin ang lahat ng mga salitang wumasak sa puso ko bawat salita mo. Pero ang pinaka-masakit sa lahat ay ang paratangan akong 'MANLULUKO AKO AT MAY IBA, KULANG NA LANG SABIHIN MONG MALANDI AKO'.
Sobrang sakit!
Dobleng sakit.
Akala ko ikaw ang makakaunawa sa akin at tatanggap sa akin 'yon pala, ikaw ang wawasak sa pangakong iyon. Ikaw ang may iba at hindi ako. Ikaw ang nagkulang hindi ako. Dahil wala kong ibang ginawa kundi mahalin at hintayin ka. Pero lahat 'yon nabalewala dahil wala kang tiwala sa akin at sa pagmumukha ko. Bakit artista ba ko para magkandarapa ang mga kalalakihan, para habulin ako. Sobrang sakit, dahil wala kong ibang ginawa sa loob nang higit isang taon kundi mahalin ka at hintayin ka, pero lahat iyon binalewala mo at winasak mo sa salitang...
'Tama na! Tapos na to!
End na to. You deserve better who knows to hundle youre attitude'.
Mali bang awayin kayo, para bigyan niyo kami nang atensyon? Na pakinggan niyo kami at mapansin niyo 'yong effort namin at icomfort niyo naman kami. Na hindi lahat nang pang-aaway namin ay kabaliwan lang. Kundi gusto namin ng time at lambing niyo. Bakit din pag may mga tanong kami, mahirap bang sagutin kaya papatayan niyo kami at dededmahin na lang? Bakit ganoon ba pag may tinatago kayo? Mahirap bang magsabi nang totoo.? Kaya off cellphone at reply para iwas pusoy sa tanong? Ganoon ba talaga dapat? Iwas na lang nang iwas tapos pag nagalit kami, kami pa ang masama at nang-aaway?
My ghad!
Okay lang, thats enough. Di namin kayo deserve. You deserve a better bullshit na gagawin din sa inyo ang higit sa ginawa niyong pananakit sa amin. Karma is Karma. You better takecare and may blessed you. Bawat sakit at hapdi may kapalit na kaligayahan sa tamang panahon at pagkakataon.
Thank you for hurting me. Atleast bago mahuli ang lahat alam na namin ang ugali niyo bago pa kami makulong sa kasal na magulo..
Yours Truly,
Emotional Girl
---✓✓ A/N note :
Happy lang, kaya yan mga besh! Maraming deserving, tiwala lang and wait for the perfect time and a right one.
Another Oneshot Chapter!
Hope you like it.
-- Any comment?
Don't forget the star button.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top