Ika-10: Huling kataga You
Ang pag-ibig parang isang click ng camera bawat litrato katumbas noon libong alaala na kailanman hindi na puwedeng mabura. Mawalan man ng bala ngunit ang litratong naiwan mananatiling isang sugat na hindi na matatanggal pa, dahil 'yon ay naging ugat na-patuloy na nabubuhay sa loob, kahit taon pa ang lumipas.
Naranasan mo na bang mainlove? Iyong pakiramdam mo, siya na'ng the one sa buong mundo, na siya na'ng makakasama mo habang buhay, na siya na'ng lahat, pero sa huli, hindi pa rin pala kayo ang nakatala sa aklat ng mga taong pinagtagpo at nagtagal, dahil kayo ay nakasulat bilang, " 'Pinagtagpo ngunit hindi para sa isa't isa.' " Nakakalungkot, pero iyon ang realidad ng buhay. Minsan ang mga bagay na nagpasaya sa atin noon, siyang nagpapaiyak sa atin ngayon. Dumarating ang panahon na ang lahat ng iyon ay alaala na lang nang lumipas na panahon.
Dear You,
Kumusta ka na? masaya ka ba? Ang buhay mo, okay na ba? Nakakakain ka ba nang husto?-mga bagay na gusto kong itanong sa 'yo. Pero, alam ko wala na akong karapatang tanungin ka, kasi alam kong hindi muna sasagutin pa, dahil alam kong masaya ka na-sa piling niya. Pasensiya ka na kung ang pagsulat sa 'yo ang paraan ko para maiparating lahat ng nararamdaman ko. Naaalala mo pa ba noon? Ikaw ang naging inspiration ko sa lahat ng bagay. Ikaw ang nagbigay sa akin ng dahilan para masabi kong, "Nahanap ko na si Future husband. Nahanap ko na iyong taong gusto kong makasama sa buong buhay ko. Iyong taong isinama ko na sa mga pangarap ko-na makakasama ko hanggang sa huli, hanggang sa handa na ako sa lahat ng bagay, na handang-handa na ako magsabi ng "I do" kasama ka. Natatandaan mo pa ba noon? Ikaw ang unang lalaking nagsabi sa aking, "Will you marry me?" na-shock ako noon, hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko lumilipad ako sa alapaap. Hindi ko alam pero noong oras na iyon, bumuo na ako ng mundong kasama ka, kasama ang taong minahal ko higit pa sa sarili ko, kasama ang lalaking nag-iisa lang sa mata ko kahit marami pang lalaki sa mundo. Pati alam mo ba, tandang-tanda ko noon, ikaw rin ang unang nagsabi sa aking, "Ikaw na ang magiging ina ng mga babies ko. Oo, babies, kasi marami sila. Nakakatuwa 'di ba? Kasi nagawa na pala nating isipin at pag-usapan iyon. At naalala mo pa ba noon? Kapag nagagalit ako, sasabihin mo, "Misis ko, anong problema mo, ha?" Nakakatawa, may ha! pa talaga. Lalaking-lalake ang datingan. Pero, ganoon ka talaga, nakakatakot pero sino nga bang aangal sa isang Police officer?-Police officer ng buhay ko.
Naaalala ko pa noon, nakukuwento mo sa akin lahat ng mga nangyayari; iyong tatawag ka at kukumustahin ako, higit sa lahat iyong tuturuan ako sa mga lesson ko tapos pagagalitan ako pag hindi ako nag-aaral nang mabuti at nawawalan ng pag-asa sa buhay. Nakakatawa hindi ba? Kasi gano'n tayo noon. Iyong sasabihin mo pa sa akin 'pag may mga manyakis na humaharang, "Isang bala lang iyon, warak leeg noon." Ang angas, Hon 'di ba? Napaka-hard pero sanay na ako, kasi alam mo ba? Minahal ko iyong imperfection mo, minahal ko iyong kagaspangan ng ugali mo, minahal ko iyong pagiging masungit at barumbado mo. Minahal ko lahat, kahit pa dumating na iyong pagkakataon-tuluyan kang nabago magmula nang maging Musang ka o mapabilang ka sa Scout Ranger. Minsan naiisip ko, kilala pa ba kita? You changed a lot, to the point na hindi na kita kilala, na hindi ko na kilala iyong lalaking sobra kong minahal noon, na hindi ko na alam kung sinong kaharap ko ngayon, na hindi ko na matandaan iyong lalaking after ng training niya ay mailublob sa drum na malamig na tubig para lang makuha ang telepono at makapagtext sa akin. Grabe, hindi ko expect na doon magsisimula ang lovestory nating dalawa, dahil iyong araw ding 'yon, sinabi mong gusto mo ako, ang kaso sabi mo, ang manhid ko. Malay ko ba, kuya ang tawag ko sa 'yo noon. Hindi ko naman akalain na magugustuhan mo ako at sasabihin mong, "Ayaw mo nang tawagin kitang kuya." Pero, aaminin kong crush na kita noon, kaso hindi ako tulad ng ibang babae na nagbibigay motibo para lang mapansin. Sorry, ibang klaseng babae kasi ako, hindi ako katulad nila. Kaya noong araw na sinagot kita, roon na nagsimula ang pag-ikot ng mundo ko sa 'yo. Binigay ko ang buong tiwala ko at pagmamahal na hindi humihingi ng anumang kapalit. Kaya noong araw na magbago ka, iyong tuluyang manlamig ka at hindi mo na ako pinapansin, pakiramdam ko may milyong kutsilyong nakatarak sa dibdib ko, may isang drum na nakataklob sa ulo ko, hindi ako makahinga dahil sa sobrang sakit na pinadama mo sa kaibuturan ng puso ko na kahit kailan hindi kayang tanggapin ng salitang, "Sorry na, bati tayo."
Hindi ko kayang tanggapin ang sakit at pagtitiis, kasi pakiramdam ko sobrang luha na'ng iniyak at ibinigay ko sa 'yo, to the point na wala na akong itinira para sa sarili ko dahil lahat umikot lang sa 'yo. Kasi alam mo ba? Pinanghawakan ko iyong salitang "Will you, Marry me? handa ka na bang maging misis ko? handa ka na bang maging asawa ko? At tayo na hanggang sa huli, hindi na kita bibitiwan pa, kayo ng mga future babies ko." Lahat nang 'yan, nagbigay pag-asa sa aking kumapit pa, dahil akala ko ganoon ka rin sa akin. Na akala ko kumakapit ka pa rin sa pangako mong tutuparin nating magkasama, pero mali pala ako, dahil ako na lang ang kumakapit sa ating dalawa. Ako na lang ang naniniwalang matutupad pa rin natin iyon sa huli, na tayo pa rin ang nakatakda hanggang sa huli. Patuloy akong kumapit kahit alam kong wala na. Pinanghawakan ko ang salitang, "Oo," na sinabi ko dahil marunong ako tumupad sa pangako. Pero, You? kumapit ka ba? Hindi, 'di ba? Kasi naniwala kang lulukuhin kita, naniwala kang may iba ako at naniwala kang manluluko ako. All this time, hindi mo ako pinaniwalaan! Samantalang ako, walang ibang ginawa kundi pagkatiwalaan ka, kundi mahalin ka, kahit malayo ka na. I trusted you na hindi ka gaya nila na lulukuhin rin ako. Akala ko hindi mo ako sasaktan dahil naranasan mo ring masaktan noon. Pero, ano'ng ginawa mo, You? Bumitaw ka kahit alam mong nakakapit pa ako, kahit alam mong nandito pa ako, kahit alam mong umaasa pa ako, kahit alam mong nagmamakaawa akong huwag mo ako bitiwan pero lahat ng iyon binitiwan mo sa salitang, "Hindi na ako nararapat para sa 'yo, you deserve better someone who will understand you, more than I can."
Ikaw ang bumitaw sa pangako nating dalawa, ikaw ang may iba, ikaw ang hindi humawak sa lubid na binuo nating dalawa, ikaw ang naging dahilan kung bakit ako nasadlak sa maruming kanal, dahil hindi mo ako hinawakan kahit pa alam mong putik ang nasa ibaba ng mga lubid na ating hinahawakan. Ikaw ang sumira sa lahat, ikaw ang hindi tumupad sa pangako, ikaw ang may kasalanan ng lahat, ikaw ang hindi nagtiwala, at ikaw ang may iba, hindi ako. Ikaw ang naging marupok, hindi ako. Ikaw ang naghanap, hindi ako, dahil wala akong ginawa kundi iparamdam sayong nag-iisa ka lang, pero ayaw mo noon, kasi gusto mo higit pa sa magagawa ko. Kaya simula noon, wala akong ginawa kundi magmahal, umasa, umiyak ng nag-iisa o sa harapan ng mga kaibigan ko, araw-araw at minu-minuto, habang ikaw nagpapakasasa sa mga naibigan mo, sa mga babaeng nagustuhan mo, sa mga babaeng kinama mo. Oo, alam ko lahat iyon. Alam na alam ko, dahil babae ako, pero nagbulag-bulagan ako, nagpanggap ako na hindi ko alam, pero ang totoo? Wasak na wasak ako, You! Pero, hindi ako naghanap ng iba, kasi kahit ano'ng gawin ko? Ikaw pa rin talaga.
Pero, kung mayroon man? Hindi nagtagal, kasi hindi ko kaya, hindi ako ganoon, hindi ako gaya ng iniisip mo, hindi ako gaya mo na kayang magmahal ng dalawahan. Akala mo tanga ako para hindi ko maramdaman kahit pa sinasabi mong mahal mo ako, ramdam na ramdam kong may iba ka, You. Hanggang sa isang araw, kahit masakit nagtanong ako, kung mayroon ba? At, tanda mo pa ang sinabi mo noon sa akin? "Oo, mayroon, may Girlfriend ako dito." Tumulo ang luha ko, all this time tama ako, hindi lang sa nagsusupetsa ako, dahil tama ang instinct ko. Ang sakit, ilang taon akong nagtiwala at nagbigay ng pagmamahal pero lulukuhin mo lang pala ako. Gagaguhin mo lang pala ako habang nakatalikod ako. Para akong sinaksak, hindi ako makahinga, hindi ako makapagsalita, basta ang alam ko, masagana nang tumutulo ang mga luha ko habang naninikip ang dibdib ko-hindi ako makahinga. Nanginginig ako noon, masakit palang manggaling sa mahal mo ang katotohanan . . . na may iba pa, higit sa 'yo . . . na girlfriend din niya.
Pero, naalala mo rin ba ang sinagot ko noon sa 'yo? "Gano'n ba? Mahal mo ba siya? ako ba minahal mo ba?, Hindi pa ba ako sapat?" pero, lahat ng katanungang iyon, hindi mo sinagot, maliban sa salitang, "Ikaw kasi." Tang*na, Bakit? ako ba ang may kasalanan? ako ba ang nang-iwan? bumitaw? naghanap? nangaliwa? kasalanan ko ba ang lahat? dahil ba sa salitang, "Hindi ko kayang ibigay," dahil pinaparamdam mo sa aking second choice lang ako. Paano ako magbibigay kung hindi mo kayang patunayan na ako lang talaga ang nandiyan sa dibdib mo? mali ba ako? Simula nang naabot mo ang pangarap mo, nakalimutan muna ako, nakalimutan mo na iyong babae nagcheer sa 'yo habang lumalaban ka sa pangarap mo. Pero, 'di ba? Tanda mo pa noon, pumayag akong maging kabit sa sarili kong boyfriend, pumayag akong maging pangalawa kasi sabi mo, ako ang mahal mo. Nagtanga-tangahan ako kasi minahal kita, kasi hindi ko pa kayang bitiwan ka, na hindi ko pa matanggap na wala na ang mga pangarap natin, na wala na iyong lalaking minahal ko noon, at minamahal ko hanggang ngayon. Na wala na iyong lalaking buong puso kong minahal at pinagkatiwalaan noon, na wala akong magawa para bumalik ka pa, kahit dumating na sa puntong nagmamakaawa na ako sa 'yong, "Ako na lang ulit, tayo na lang ulit." Pero lahat ng daing ko hindi mo pinakinggan, wala kang pakialam, kasi ang alam mo, isang sorry mo lang, napatawad na kita ulit. Ganoon kita kamahal, isang sorry mo lang. Okay na tayo ulit, ganoon ako katanga noong minahal kita. Paulit-ulit, pero wala kong magawa kundi lumuha at masaktan araw-araw. Sobra kasi kitang minahal sa ilang taon na 'yon. Sobra din ang sugat na iniwan mo sa puso at isip ko. Winasak mo iyong natitirang lakas nang loob na mayroon ako. Binitiwan mo iyong babaeng sobrang minahal ka, na muntik pang magpakamatay ng dahil lang sa walang kuwentang lalaking gaya mo-na hindi marunong magpahalaga at magpakasakit sa taong naghintay sa 'yo, hanggang sa makarating ka sa puwestong kinalalagyan mo.
Ganoon pala talaga pagsobra kang magbigay ng pagmamahal, hindi muna alam kung kailan, at paano ka hihinto kapag kailangan mo nang bumitaw sa taong nauna nang bumitaw bago ka pa lang makapagdesisyon. Too much love will kill you ika nga nila, but the tragic love that I encountered was maybe, maybe a reason for me to learn new things in life. Kasi no matter how perfect the relationship is, stlll there must be a tragic ending if that person is not for you-you can't change the fact that both of you are not really for each other arms. So I need to let you go. I need to let things go, let things happen, let things ruin me, because when time is enough. You will meet, the one and only love of a lifetime. So, the day I said "No" to, You. Is the last messege and communication that we had. A last memories that sooner or later, it will become a scars that might forget after a year goes by. Natatandaan ko pa noon, ang huling katagang namutawi sa bibig mo noong nakikipagbalikan ka akin. "Ayaw mo na ba sa akin? Willing akong maging pangalawa mo, bumalik ka na sa akin, hindi mo na ba ako mahal?" Huling iyak ko ang katagang ito. Kahit masakit bumitaw ako, kahit hindi ko kaya nagdesisyon ako, kahit labag sa puso ko sinunod ko ang isip ko, "Tama na, utang na loob, sapat na lahat na'ng ginawa niya, sapat na lahat nang ginawa mo para sa kaniya, sapat na'ng pag-unawa mo sa kaniya, sapat na'ng panluluko niya, sapat na'ng lahat. Bitaw na, bigyan mo naman ng dignidad ang sarili mo, tumayo ka ulit at buuin mo muli ang puso mong hindi muna kayang mahalin pa dahil naka-focus ka na lang sa taong hindi karapat-dapat sa 'yo. Mahalin mo naman ang sarili mo, kahit kunti lang."-mga katagang nasa isip ko, mga bagay na sinunod ko, kahit pa noong sabihin kong, "No." Gusto kong pagsisihan, gusto kong bumalik at mag-sorry, pero hindi ko ginawa dahil sapat na lahat nang nangyari para masabing hindi na niya ako mahal gaya ng dati. Hindi na ako ang mahal niya, hindi na ako ang babaeng para sa kaniya, hindi na ako ang kasama niyang tutupad ng mga pangarap naming dalawa, hindi na ako ang magiging asawa niya at magiging nanay ng magiging anak niya. Hindi na rin ako ang babaeng nakatakda sanang magpakasal sa kaniya, dahil sapat na ang lahat ng taon na paghihintay ko para ubusin niya at mapagod na siyang mambabae-upang pagsawa na siya, handa na siyang bumalik sa feeling ko, at handa na rin akong tatanggapin siyang muli.
Tao lang ako: napapagod, nasasaktan, lumuluha, nagdaramdam at natututong bumitaw kapag kailangan nang bitiwan ang taong hindi na nakalaan sa buhay natin ng panghabang panahon. Kahit masakit, tiniis ko. Kahit hindi ko kaya tinanggap ko, dahil iyon lang ang tamang paraan upang mapalaya ko ang puso kong umikot sa iisang tao. Salamat, 'pagkat dahil sa 'yo naranasan ko lahat, maging masaya, kiligin, umasa sa mga magagandang pangarap na kasama ka. Salamat din sa sakit, hapdi, pagluha at pagtitiis ko hanggang sa matuto na akong bigyan nang kalayaan ang puso at katawan ko sa mga bagay na hindi na maibabalik pa. Tapos na, tapos na ang lahat sa atin, marami na akong natutunan no'ng minahal kita, kaya salamat sa lahat, salamat dahil nakilala kita, hindi man naging tayo sa huli, pero binigyan mo nang isang bagsakang pagkatanto ang pagtingin ko sa realidad ng pag-ibig sa mundo-kasabay nang pagbabago nang takbo ng buhay ko, ang paglimot ko ating nakaraan, Ginoo-kasama ang mga alaala ng kahapong mananatili na lang sagradong aklat ng nakalipas na panahong, no'ng tayo pa ang iginuguhit ng tadhana sa maling destinasyon.
Love,
Ex girlfriend
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top