Untold Zero: The Present

Tahimik kong pinatay ang makina ng sasakyan at bumaling sa gusali sa gawing kanan ko.

Bright and neon lights, loud music, and the strong and an unpleasant fragrance of witches. Damn. I really hate this place! Kahit na ilang taon na akong pabalik-balik sa lugar na ito ay hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa amoy nila! Napailing na lamang ako at walang emosyong tiningnan ang repleksiyon sa salamin ng sasakyan ko. Hinawi ko ang buhok sa kanang balikat at kinuha ang itim na jacket na nakapatong sa may passenger seat. Kinuha ko na rin ang susi ng sasakyan at mabilis na lumabas dito.

Walang ingay akong naglakad patungo sa main entrance ng building at noong pigilan ako ng dalawang bouncer ng club, napataas ang isang kilay ko.

"This is not a place for you, miss," sambit ng isa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Turn around and just go back to your car."

"I'm a regular here, dumbass," malamig na turan ko at isinuot ang jacket ko. Kita kong natigilan ang dalawang bouncer at mabilis na tumabi mula sa dinaraanan ko. Agad namang binuksan ng isa ang pinto at walang imik na pinapasok na ako sa loob ng club.

Napairap na lamang ako sa kawalan at tahimik na pumasok sa may pintuan. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko noong nasilaw na ako sa malikot na ilaw ng club. Napangiwi na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Dere-deretso ang lakad ko hanggang sa marating ko ang mesa kung saan ako palaging umuupo kapag bumibisita ako sa lugar na ito.

Pabagsak akong naupo sa mahabang sofa at agad na isinandal ang likuran sa backrest nito. Ipinikit ko ang mga mata at inalala ang nangyari sa akin kanina.

Wala sa plano ko ang maghanap ng evil witch ngayong gabi. Basta nagmaneho lang ako kanina hanggang sa hindi ko namalayang nasa boundary na pala ako ng Utopia. Ilang oras din akong nagsayang ng oras kakatunganga sa masukal na gubat na iyon at noong akmang aalis na sana ako, isang sigaw ang narinig ko.

Ramdam ko iyong takot ng boses na narinig. Isang sigaw pa ang umalingawngaw sa paligid na siyang nagpababa sa akin sa sasakyan ko kanina.

At iyong matiwasay na gabi na nais kong mangyari sa akin ay napalitan ng panibagong habulan sa isang evil witch. Kahit hindi ko ito nakumpirma kanina, alam kong miyembro ito ng grupong iyon.

After so many decades, they're here again. They're here and now, they're messing around. Again.

At noong nakita at nakausap ko iyong royal witch kanina, alam kong kumikilos na naman ang mga ito. Yes, that man is part of the royal family. Noong una ay hindi pa ito nakumpirma ngunit noong maalala ko kung saan ko naamoy ang kakaibang natural na amoy nito, alam kong parte nga ito ng royal family ng Utopia. But no, hindi ako gagawa ng pabor sa kanila, sa kanya. Matagal ko nang pinutol ang kung anong ugnayan ko sa kanila at sa buong Utopia. At kung kikilos man ako ngayon, iyon ay dahil gusto ko at hindi dahil inutos sa akin ng mga kagaya nila.

"Good evening, Zaila. Same order?"

Hindi ako kumibo sa kinauupuan noong may nagsalita. Nanatili akong nakapikit at noong marinig ko ang paglapag ng baso sa mesang nasa harapan, napamulat ako.

"It's just a normal drink, dear. You look exhausted. Drink and rest. Wala pa ang mga bigating bisita natin ngayong gabi."

"Thanks, Vanessa. Just inform me when they arrive," ani ko at muling ipinikit ang mga mata.

Si Vanessa ang may-ari ng club na ito. Nakilala ko ito ilang taon na ang nakalilipas. Isang evil witch ang hinahanap ko noon at nang napadpad ako sa lugar na ito, siya ang humarap sa akin. Vanessa Everson. A former noble from the House of Witches, Mountainbane. She told me that the evil witch that I was hunting was one of her underlings. Naki-usap ito sa akin na huwag nang galawin pa kapalit nang pagtulong sa akin.

"Miss Zaila."

Napaayos ako nang pagkakaupo noong may lumapit sa aking isang witch. Yumukod ito at may ibinulong sa akin.

"Our high rank noble guest for tonight just arrived. Madame Vanessa wants you in her private room," anito at lumayo na sa akin. Muli itong yumukod at mabilis na tinalikuran na ako.

Walang emosyon kong tiningnan ang basong iniwan ni Vanessa kanina para sa akin. Kinuha ko ito at maingat na inamoy ang laman nito. Just like what she said earlier, just normal wine. But I know better. Sa ilang dekadang pamumuhay ko sa mundong ito, kahit ang taong kilala ko ay dapat hindi ko na pagkatiwalaan pa ng buo. Napailing na lamang ako at tiningnan ang daan patungo sa private room na kinaroroonan ni Vanessa ngayon. Inilapag kong muli ang baso at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo.

Tahimik kong tinahak ang daan patungo sa private room ni Vanessa. Inayos ko ang suot na jacket at inilagay sa ulo ang hood na nakakabit dito. Ilang mga witch ang nakita at nakasalubong ko sa daan patungo sa private room ni Vanessa. May iilan pang pamilyar sa akin ang mukha na tiyak kong regular na rin dito sa lugar na ito. Hindi ko na lamang sila binigyan pansin at mabilis na nagpatuloy sa paglalakad.

Dalawang taga-bantay ng private room ni Vanessa ang sumalubong sa akin. Sabay namang yumukod ang mga taga-bantay ni Vanessa sa akin at noong pagbuksan nila ako ng pinto, mabilis kong inihakbang ang mga paa papasok ng silid.

"Zaila!" Mabilis na tawag sa akin ni Vanessa noong makita ako. Itinaas nito ang kamay at itinuro nito ang bakanteng upuan sa tabi nito. Nagkibit-balikat ako sa kanya at dere-deretsong naglakad papalapit dito.

Palihim kong tiningnan ang mga kasama namin sa silid. Maliban sa amin ni Vanessa at ang tatlong personal guards nito, may iilang witch pa kaming kasama ngayon. Napatingin naman ako sa taong nakaupo sa harapan nang puwesto ni Vanessa at noong maamoy ko ang pamilyar na amoy nito, napakunot ang noo ko.

A royal witch. Pero... hindi ba isang noble guest lang ang dapat na narito ngayon? Paanong isang royal witch ang nasa silid na ito at kasama ni Vanessa?

Napanguso na lamang ako at nagtaas ng isang kilay. Isinantabi ko muna ang mga katanungan ko at mabilis na naupo sa tabi ng kaibigan. Inalis ko ang pagkakasuot ng hood sa ulo at tiningnan ang royal witch na nasa harapan.

I froze.

Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan at napako na lamang ang titig sa kaharap. Rinig ko ang pagtawag ni Vanessa sa akin ngunit hindi ko ito binigyan pansin pa.

"It's been a while, Zaila Amethyst," anito na siyang nagpakurap sa akin. "Hindi ako makapaniwalang sa ganitong lugar pa tayong magkikitang muli."

"You know her, Kristopher?" takang tanong ni Vanessa at mabilis na binalingan ako. "May kaibigan ka pa lang royal, Zai!"

"I'm not his friend, Vanessa," malamig na turan ko at masamang tiningnan ang lalaki sa harapan. "What's the meaning of this, Kristopher? Bakit narito sa lugar na ito ang isang royal witch na kagaya mo?"

"I'm here for business, Zaila," sagot nito at tipid na nginitian ako. "I'm here to save our kingdom, our home."

"Malala na ba ang sitwasyon sa Utopia, Kristopher?" rinig kong tanong ni Vanessa na siyang mariing ikinakuyom ko ng mga kamao ko.

"The Coven is getting bigger and stronger. Mas marami na ang miyembro nila ngayon. Hindi magtatagal, pati ang royal capital ay mapapasok na rin nila," wika ni Kristopher habang hindi inaalis ang paningin sa akin. "We can't fight them using our own magic. Kung anong kaya naming gawin ay kaya nilang labanan at kontrahin ito. We're just wasting our energy and resources. Hindi ito matatapos sa ganitong estratehiya lang."

"Talaga ba?" tanong ko habang naka-arko pa rin ang isang kilay habang nakatingin sa kanya. "Makapangyarihan ang mga miyembro ng royal family. Natitiyak kong kaya niyo nang pangalagaan at protektahan ang Utopia."

"Hindi sapat ang kakayahan ng mga royal witch, Zaila. Kailangan namin ng suporta galing sa ibang grupong namamalagi sa lupain natin." Naiiling na sambit nito. "Kung sana'y naroon pa kayo sa Deepwoods, paniguradong mag-aalangang sakupin ng Coven ang buong Utopia."

"Ilang dekada na ang lumipas simula noong maglaho ang Deepwoods, Kristopher. Stop being so dramatic. Hindi mo ako makukuha sa ganyang pakulo mo," wika ko at tumayo na mula sa pagkakaupo. "Ang buong akala ko'y may makukuha akong impormasyon ngayon tungkol sa hinahanap ko, Vanessa. Mukhang nagsayang lang ako ng oras sa pagpunta sa'yo ngayong gabi."

"Zaila-"

"Aalis na ako. Tawagan mo ako kung may evil witch na naman ang mapadpad dito sa club mo," mabilis na turan ko sa kanya at tinalikuran na ang mga ito. Dere-deretso ang lakad at noong nasa may pinto na ako, natigilan ako sa pagkilos noong masalitang muli si Kristopher.

"Oo, ilang taon na ang lumipas, Zaila Amethyst. Ilang taon na ring nahihirapan ang buong Utopia sa pagkawala ninyo." Napailing ako sa narinig. Really? Hindi pa rin ito tapos sa pagdradrama niya? "Noong una ay kaya pa naming protektahan ang mga naninirahan sa kaharian namin ngunit habang tumatagal, mas dumarami at lumakas ang mga kalaban. We can't protect them alone!"

"Hindi ko na problema iyon," malamig na turan ko dito at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi ko. Muli akong napailing at nagpatuloy na sa paglabas sa silid.

Try harder, royal witch. Hindi mo ako madadala sa mga sinasabi mo!

Hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa private room ni Vanessa noong bigla akong tumigil sa paghakbang ng mga paa ko. Naging alerto ang buong katawan ko at napahawak sa baril na nasa tagiliran ko. Mabilis akong kumilos muli at napatingin sa baba ng club ni Vanessa. Tahimik kong pinagmamasdan ang nagkakasiyahang mga witch at noong isa sa kanila ang sumigaw, napakuyom ang mga kamao ko.

"What's happening?" Narinig ko ang natatarantang tanong ni Vanessa sa likuran ko. Hindi ko ito kinibo at matamang tiningnan ang nangyayari sa baba.

Ang kaninang kumpulan ng mga nagsasayang mga witch, ngayon ay nabuwag na. May isang babae ang nakahandusay na ngayon sa sahig at ni isa sa mga nandoon ay walang naglalakas-loob na lapitan ito.

"Code red," ani Vanessa sa tabi ko at tinawag ang mga bodyguards nito. Sinabihan nitong palabasan na ang mga guest ng club at i-secure ang buong premises nito. Noong matapos itong kausapin ang mga tauhan nito, binalingan naman niya ako. "You have your weapon, right?"

"Always," tipid na sagot ko rito at nagsimula nang maglakad pababa sa kaguluhan. Tahimik naman sumunod sa akin si Vanessa at noong nasa baba na kami, mataman kong tiningnan iyong babae. She's not part of the Coven. Mukhang normal na witch lang ang isang ito. Nakahandusay ito sa sahig at hindi na gumagalaw. Buhay pa ito ngunit tila may kung anong pumipigil dito. Magic?

"What's happening here?" rinig kong tanong muli ni Vanessa sa likuran ko noong tuluyang makalapit kami sa kumpulan. "Alex, tulungan mo siya!"

"Don't!" mabilis na turan ko noong lumapit ang isang bouncer sa babae. Inilingan ko ito nilapitan na ang babae. Inilapat ko ang kamay sa may ulo nito at mabilis na napaatras noong makaramdam ako ng kakaibang enerhiya mula rito.

"What's wrong with her, Zai?" nag-aalalang tanong ni Vanessa sa akin.

"Hindi ko rin matukoy," seryosong saad ko at maingat na kinuha ang itim na gloves ko sa bulsa. Isinuot ko ito sa magkabilang kamay at kinuha ang isang dagger sa likuran ko. Ramdam kong natigilan ang ilang witch noong mamataan ang dagger ko. May ilang nagbulong-bulungan pa at nagtanong kung sino ako.

"A huntress?"

"That's a silver weapon!"

"Let's get out of here! Hindi maganda ang kutob ko sa nangyayari!"

"Zai-"

"She's cursed," mariing sambit ko at inilapat ang dulo ng dagger ko sa noo ng babae.

Ang kaninang halos walang buhay na witch ay biglang nagsisigaw. Mas idiniin ko ang pagkakalapat ng dagger ko at noong biglang lumutang sa ere ang katawan nito, napaatras ako.

"Long... long live, the... the Coven..." nahihirapang sambit nito at muling sumigaw nang pagkalakas.

"Zaila!" sigaw ni Vanessa sa pangalan ko. "What's happening to her?"

Napabuntonghininga na lamang ako at itinutok ang dagger sa katawan ng babae.

I don't usually use my weapon against a normal witch. Ngunit sa pagkakataong ito, wala akong ibang pagpipilian. Hindi makakawala ang babaeng ito sa mahika ng miyembro ng Coven. At ang tanging makakatulong dito ay itong silver weapon ko.

"Do it, Zaila!" sigaw muli ni Vanessa sa tabi ko na siyang ikinangiwi ko na lamang. Humugot ako ng isang malalim na hininga at hindi kumilos sa kinatatayuan ko. Mayamaya lang bumaling sa gawi ko iyong babae at noong akmang susugod na ito sa akin, mabilis kong ikinumpas ang kamay ko.

Ipinilig ko ang ulo pakanan at mabilis na inihagis sa babae ang hawak-hawak na patalim.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top