Untold Two: The House of Hunter and Huntress
"Why did you do that, Zaila Amethyst?"
Napangiwi ako noong marinig ang mariing tanong ng head naming mga witch huntress. Nag-iwas ako nang tingin dito at napadaing na lamang noong maramdaman ang hapdi sa pisngi ko. "At nasugatan ka pa talaga? Zaila, alam mong maaaring manganib ang buhay mo sa maliit na sugat na iyan!"
"I'm fine. Gasgas lang po ito," mahinang sambit ko at mariing ikinuyom ang mga kamao.
That evil witch! Kasalanan niya talaga ito! Napagalitan tuloy ako ng Head Huntress namin! Damn her! Just wait, you witch. I'll hunt you down! Pagsisisihan nito ang pagsugat sa pisngi ko!
"Head Huntress Gerra, calm down." Napatingin ako kay Raine noong magsalita ito. Napairap ako sa kawalan at umayos nang pagkakaupo. "Hindi ka na nasanay kay Zaila. She loves trouble, remember?"
"I don't remember loving trouble, Raine," malamig na turan ko at muling inirapan ito.
"Oh really? Lumabas ka sa quarter mo kahit alam mong pinagbabawal ito rito sa Deepwoods. Now tell me you're not into trouble, Amethyst."
"Stop uttering that name," seryosong sambit ko sa kanya at tumayo mula sa pagkakaupo.
"Zaila, Raine, tumigil na kayong dalawa," singit naman ni Elveena at pumagitna na sa amin ni Raine. "Hindi ito ang tamang oras para magbangayan kayong dalawa. Have some respect, too. Nasa opisina kayo ng Head Huntress natin."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at muling inirapan si Raine. Naupo akong muli sa puwesto ko kanina at hinawakan ang maliit na sugat ko sa pisngi.
"Now, tell us, Zaila, ano ba talagang nangyari?" tanong muli ni Head Huntress Gerra sa akin noong kumalma ang bangayan namin ni Raine. Napabuntonghininga na lamang ako at ikinuwento sa kanila ang nangyari kanina sa may gubat. I told them about the footsteps I've heard and the voice of the witch who attacked us earlier.
"Sigurado ka bang witch ito?" taas-kilay na tanong ni Raine sa akin na siyang ginantihan ko naman.
"I'm not an amateur in this field, Raine," mariing turan ko at binalingan si Head Huntress Gerra. "I know what I've heard, Head Huntress Gerra. Alam ko rin kung anong klaseng nilalang ang umatake sa amin. Aradia was with me. You can ask her, too, kung hindi kayo naniniwala sa mga salitang binibitawan ko."
"What? You brought a low-level huntress with you? Zaila, akala ko ba hindi ka amateur sa bagay na ito? Mukhang ikaw pa ang magpapahamak sa huntress na iyon!" bulalas muli ni Raine na siyang tuluyang ikinakulo ng dugo ko. Mabilis akong tumayo at ikinumpas ang kamay ko. Sa isang iglap, nasa kamay ko na ang espada ko na kanina lang ay nakapatong sa mesa 'di kalayuan sa puwesto namin na siyang ikinagulat naman ng mga kasamahan ko. Itinutok ko ang espada kay Raine at seryosong tiningnan ito. Mabilis na lumayo sa akin si Raine at gulat na itinuro ako.
"Wait... You can use magic?" pasigaw na tanong nito sa akin at binalingan si Head Huntress ng Deepwoods. "What's the meaning of this, Head Huntress? You allowed her to use magic?"
"I don't need someone's permission to use magic, Raine," malamig na saad ko at hindi inalis ang masamang tingin sa babae. "Don't you ever forget that my rank is higher than yours, Witch Huntress. Huwag mong ubusin ang pasensiya ko at umakto ka sa kung anong ranggo ka nabibilang."
"Zaila Amethyst, stop it already," rinig kong sambit ni Elveena at sa isang kurap ko lang, wala na sa kamay ko ang hawak-hawak na espada. Walang emosyon akong napabaling kay Elveena at napaayos na lamang nang pagkakatayo noong mamataan ang seryosong ekspresyion nito habang nakatingin sa amin ni Raine. Napailing na lamang ako. "Raine, you're dismissed. Kami na ang bahala rito."
Binalingan ko si Raine at pinagtaasan muli ito ng isang kilay. Namataan ko ang pag-irap nito sa akin at walang imik na lumabas sa opisina ni Head Huntress Gerra.
I sighed.
Nauubos talaga ang lakas ko kapag kausap ko ang babaeng iyon! Nakakainis din talaga minsan ang mga salitang binibitawan nito! Dealing with her is worse than dealing with evil witches! Nakakaubos ng dugo ang babaeng iyon!
"Calm down now, Zaila," rinig kong sambit muli ni Elveena sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at muling naupo sa upuang kinauupuan kanina. "Head Huntress, anong gagawin natin ngayon? Bukas na ang welcome ceremony para sa mga bagong estudyante natin dito sa Deepwoods. Kailangan maayos natin ito bago sumapit ang umaga."
"We can't do anything now, Elveena. Wala na ang witch na nakapasok sa teritoryo natin," ani Head Huntress Gerra na siyang ikinailing ko.
"Evil witch, Head Huntress," pagtatama ko sa tinuran nito. "Kahit hindi ko ito nakita, alam at ramdam kong miyembro ito ng Coven."
"Zaila can't be wrong, Head Huntress. Alam natin ang kakayahan nito sa pagtukoy ng isang witch," turan ni Elveena at binaligan ako. "We can't just ignore this."
Tumango naman ang Head Huntress kay Elveena at maingat na naglakad palapit sa puwesto naming dalawa.
"Magsibalik na lang muna kayo sa student quarters niyo. Ako na ang bahalang i-report ito sa Chief ng Deepwoods," matamang sambit ng Head Huntress at binalingan ako. "Be careful, Zaila. Sa susunod, huwag kang gagawa nang ikapapahamak mo o na kahit sinong hunter at huntress ng Deepwoods."
"Yes, Head Huntress," maingat na turan ko at tumango na lamang sa kanya.
"And don't you dare use your magic again, Zaila," ani Elveena at ibinalik sa akin ang espada ko. Natigilan ako at tinimbang ang maaaring sabihin nito sa akin. "Alam ko na palihim kang nag-eensayo, Zai. At hindi magtatagal, magagawa mo na itong maperpekto."
Natigilan ako sa narinig. "Hindi ka galit?" maingat na tanong ko kay Elveena na siyang ikinailing nito sa akin.
"I'm mad, Zaila, but I know I can't stop you. Kahit pigilan pa kita, alam kong hindi ka makikinig sa akin. Masasayang lang ang lakas sa katigasan ng ulo mo."
"She's an Amethyst, Elveena," ani ng Head Huntress na siyang ikinangiwi ko. "Natural sa kanya ang umakto nang ganyan."
"Head Huntress Gerra, hindi na ako parte ng mga Amethyst. Stop mentioning that name, please."
Nagkatinginan si Elveena at Head Huntress Gerra at noong mamataan ko ang pag-iling ng dalawa ay napabuntonghininga na lamang ako. Hindi na lamang ako nagkomento pa at nagpaalaam na sa kanila.
"Again, mag-iingat ka, Zaila. Hindi natin alam kung ano ang pakay ng kung sinong pumunta rito sa Deepwoods," muling sambit ni Elveena at tinapik ang balikat ko.
"Don't worry, Elveena. I can protect myself from them."
"I know you can but still, be careful."
Kinabukasan, maaga akong gumising at nag-report na sa quarters naming mga high rank hunter at huntress dito sa Deepwoods. Tahimik kong pinagmamasdan ang nakasimangot na si Raine at noong balingan niya ako, tinaasan ko ito ng isang kilay.
Problema ng isang ito?
Hindi umimik si Raine at nanatiling nakasimangot sa akin. Mayamaya lang ay dumating si Elveena at niyaya kaming lumabas na sa quarters namin.
"Zaila, Raine, mas maraming bagong estudyante sa unit niyo," imporma ni Elveena sa amin habang naglalakad kami patungo sa sentro ng Deepwoods. "Siguraduhin niyong mababantayan at matuturuan niyo ang mga ito nang maayos," dagdag pa nito na siyang tahimik na ikinatango naming dalawa ni Raine. "Raven, Theo, alam niyo na ang gagawin niyo sa unit niyo. May ilang estudyante ang advance ang kakayahan kumpara sa ibang bagong enrol dito sa Deepwoods."
"Let's see, Elveena. Matagal na rin akong naghahanap ng isang high level hunter!" natutuwang sambit naman ni Theo na siyang ikinailing ko.
"Why not spar with me then, Theo?" nakangising tanong ko rito na siyang mabilis na ikinatawa ni Theo.
"I know my level, Zaila. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko sa mga bagong hunter at huntress dito sa Deepwoods," turan nito na siyang ikinatawa naman ni Raven sa tabi niya.
"Good decision, man. Hindi lang sa silver weapon magaling si Zaila," ani Raven na siyang mabilis kong ikinabaling sa kanya. Masama ko itong tiningnan na siyang ikinangiwi nito sa akin.
"Shut up, Raven," maikling sambit ko sa kaibigan at tinuon na lamang ang atensiyon sa dinaraanan. Hindi na rin muling nagsalita ang mga kasama ko hanggang sa makarating kami sa sentro ng Deepwoods.
Maingat kong tiningnan ang mga bagong estudyanteng naroon at napangiti na lamang noong maalala ko ang unang araw ko rito sa Deepwoods.
Sampung taong gulang pa lang ako noong unang araw ko sa lugar na ito. I was an orphan, lost and nowhere to go. I just wandered around the northern part of the kingdom until I found the house of the half-witches, the Deepwoods.
"What are you doing here, young lady?" Natigilan ako noong may nagsalita sa gawing kanan ko. Inalis ko ang paningin sa matayog na gate ng Deepwoods at tiningnan ang kung sino mang nagsalita. "Delikadong manatili rito nang walang kasama. Nasaan ang mga magulang mo?"
"Dead," I coldly answered.
"Oh," ani ng babae at malungkot na tiningnan ako. "I'm sorry to hear that."
"Don't be," simpleng sambit ko at muling tiningnan ang gate ng Deepwoods. "Paano ako makakapasok sa lugar na iyan?" tanong ko at itinuro ang nakasarang gate. "Gusto kong pumasok diyan."
"That's not a place for a kid, young lady," mahinang sambit ng babae na siyang ikinakunot ng noo ko. "Para sa mga half-witches ang lugar na ito. At isa pa, you look like a part of a noble family. Sa pananamit mo pa lang, alam kong mataas ang posisyon ng pamilya mo rito sa Utopia."
"I don't have a family. And this?" mariing turan ko at mabilis na inalis ang suot na puting balabal na siyang sagisag ng pamilyang kinabibilangan ko. "Wala ng halaga ito. I don't belong to any noble family now," dagdag ko pa at binitawan na ang balabal at hinayaan itong mahulog na sa may paanan ko.
Hindi na nagsalita ang babae sa tabi ko. Ilang minuto kaming hindi kumibo sa isa't-isa at noong bumukas ang malaking gate ng Deepwoods, napako ako sa kinatatayuan ko.
"This place is my home, young lady. Kung wala ka nang mapupuntahan, maari kang manatili rito hanggang sa gusto mo," turan ng babae na siyang mabilis na ikinabaling ko sa kanya. Namataan ko itong tahimik na nakatingin sa gate ng Deepwoods at noong bumaling ito sa akin, tipid itong ngumiti. "You can stay here."
Napalunok ako at muling napatingin sa gate ng Deepwoods.
"Go to the northern part of the woods, Zai... Zaila. Find that place and be a huntress. Stay alive and avenge your family."
"I want to be a witch huntress," turan ko na siyang ikinatigil ng babae sa tabi ko. Hindi ko inalis ang paningin sa malaking trangkahan sa harapan at mariing ikinuyom ang mga kamao. "Iyon ang dahilan kung bakit ako narito sa lugar na ito. I want to hunt all the evil witches living here in Utopia. All of them."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top