Untold Twenty-two: The Sacrifice of a Friend

Nanatili akong nakaupo sa malamig na semento habang dinadama pa rin ang kakaibang sakit na nanunuot sa buong katawan ko.

Hindi na nakagapos ang mga paa at kamay ko. Kaya ko na ring kumilos ngunit mas pinili kong manatili sa puwesto ko at hinintay na tuluyang mawala ang sakit na nararamdaman.

Minuto lang din ang lumipas ay biglang naging alerto ako. Napakunot ang noo ko noong may narinig akong ingay sa paligid. Mabilis akong nagpalinga-linga ngunit maliban sa akin at sa mga sirang gamit, walang ibang laman ang silid na kinaroroonan. Imposibleng nanggagaling sa akin ang ingay na ito! Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at mariing ipinikit ang mga mata. Mas pinatalas ko ang pakiramdaman at noong makumpirma ko kung saan nanggagaling ang ingay na naririnig, mabilis na napaawang ang labi ko.

Muli kong iminulat ang mga mata at maingat na inilagay sa kanang tenga ang isang kamay. "This is incredible," mahinang bulalas ko noong mapagtanto ang kung anong nangyayari sa akin. As a huntress, we we're trained to have sharp senses, lalo na kung may mga evil witch sa paligid. Sa mga nangyayari sa akin, alam kong hindi ko ito kayang gawin noon. This... this is the power I acquired after they did their experiments on me! Ito na iyon!

"Kung tapos na ang eksperimento nila... bakit tila hindi naman ako naging isang evil witch?" mahinang tanong ko sa sariling at tumayo na mula sa pagkakaupo. Mayamaya lang ay inilagay ko sa dibdib ang kamay at pinakiramdaman ang sarili. "Maliban sa kakaibang kapangyarihang mayroon ako ngayon, wala ng ibang nagbago sa akin."

Did they fail? Hindi ba nila nagawang baguhin ang kung ano talaga ako?

Napailing na lamang ako at tahimik na pinagmasdan ang magulong silid na kinaroroonan ko. Ako na lamang ang narito. Wala na ang mga miyembro ng Coven, wala na si Raine.

Raine... Damn it! I need to find her! Kung nagsimula na rin iyong eksperimento nila sa kanya, paniguradong tapos na ito! I need to find my friend. Kailangan makaalis kami sa lugar na ito bago pa nila kami magamit laban sa buong Utopia!

Akmang hahakbang na sana ako noong muli akong natigilan. Ipinilig ko ang ulo at dahan-dahang bumaling sa gawing kanan ko. Segundo lang ay napakunot ang noo ko at napako ang paningin sa sirang mesa na naroon. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago nagsimulang kumilos. Maingat kong inihakbang ang mga paa at noong nasa tapat na ako sa sirang mesa ng silid, wala sa sarili kong iniluhod ang isang paa at dinampot ang sandatang naroon.

I smirked. This is my silver weapon!

Paglapat pa lang kamay ko sa sandatang pagmamay-ari ko, agad akong nakaramdam ng kakaiba mula roon. Dinampot ko ang silver weapon ko at muling umayos nang pagkakatayo. Tiningnan ko nang mabuti ang sandatang hawak-hawak at noong biglang umilaw ang linyang nakaukit sa patalim nito, napaawang na lamang ang labi ko.

What the hell is this?

Alam kong may kung anong ginawa si Asher Asteria sa sandata ko ngunit hindi ko inaasahang magiging ganito ang reaksiyon nito noong muli ko itong nahawakan pagkatapos ng mga eksperimentong ginawa ng Coven sa akin! Ipinilig kong muli ang ulo pakanan at agad na binago ang itsura ng silver weapon. Naging espada ang kaninang dagger na hawak-hawak at noong biglang nakaramdaman ako ng kakaibang enerhiya mula sa espada, agad ko itong nabitawan. Napakunot ang noo ko at wala sa sariling napatingin sa kamay ko.

"What the hell?" bulalas ko noong mapansing namumula ang kamay ko. Wala sa sariling napatingin ako sa silver weapon ko, pabalik sa kamay kong tila napaso dahil sa paghawak ng sariling sandata. "I'm a huntress. Dapat ay hindi ako naaapektuhan ng kahit anong silver weapon." I froze. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at marahas na napabuntonghininga. "No. I'm not turning into someone that can't even hold a fucking silver weapon. No, Zaila. You're still a huntress. I'm still me. Walang nagbago sa akin. Wala." Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at muling dinampot ang sandata ko.

Sa muling paglapat ng silver weapon sa kamay ko, agad akong napangiwi. The silver weapon is reacting with my presence, and now it's burning my skin! Damn it!

Napapikit na lamang ako noong manuot ang sakit sa kamay ko. Hindi ko binitawan ang silver weapon ko kahit na sobrang tindi na nang pagkakapaso nito sa sariling kamay. Ilang minuto ko itong hinawakan at noong hindi ko na kayang tiisin pa ang init mula sa sariling sandata, agad kong iginalaw ang kaliwang kamay at hinawakan ang talim nito.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon pero kusang kumilos ang kamay ko. Agad kong sinugatan ang sariling kamay at hinayaan ang dugo na dumaloy sa silver weapon ko. I remembered doing this when I got my first silver weapon. I did this to own and control my weapon. Walang basehan iyong ginawa ko noon pero nakatulong ito sa akin. And now that I'm in this kind of situation where I can't even hold my own silver weapon, walang mawawala sa akin kung gagawin ko ulit iyong ginawa ko noon!

Mayamaya lang ay napangiwi ako at noong akmang bibitawan ko na sanang muli ang espadang hawak-hawak, mabilis akong natigilan at wala sa sariling napatingin sa kamay na kanina lang ay may sugat at duguan.

"This is insane," mahinang bulalas ko at inilipat doon ang pagkakahawak sa espada. Tiningnan ko ang kamay na kanina lang ay nasusunog na dahil sa kapangyarihan mula sa sariling silver weapon. Napaawang na lamang ang mga labi ko noong makitang unti-unting nawawala ang pagkasunog ng kamay ko. "My healing ability is faster than Raven escaping from my quick attack during our trainings before." Napangisi na lamang ako at hindi na binigyan pansin pa ang sakit na dulot ng paglapat ng balat ko sa silver weapon ko. Kahit mapaso o masaktan pa ako, gagamitin ko pa rin ang natatanging sandatang alam kong makakatulong sa akin para mailigtas ang kaibigan ko.

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang kumilos muli. Dala-dala ang silver weapon ko, agad akong lumabas sa silid na kinaroroonan.

Isang tahimik na pasilyo ang agad bumungad sa akin. Mariin kong hinawakan ang silver weapon ko at sinubukang gamitin ang kapangyarihan mayroon ako ngayon. I activated all my senses and tried the find the exact location of Raine. Ipinilig ko ang ulo pakanan at noong maramdaman ko ang presensiya nito, kusang humakbang ang mga paa ko. Nagsimula na akong tumakbo hanggang sa tuluyan na akong makalabas sa gusaling kinaroonan.

Agad naman akong napahinto sa pagtakbo noong may nakasalubong akong dalawang evil witch. Namataan ko ang pagkagulat nila noong makita ako at noong akmang kikilos na sana ang mga ito, mabilis kong ikinumpas ang kaliwang kamay.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. I can use and manipulate wind magic, but seeing how I can use different element, I must say that the experiment they did to me enhanced my abilities to use different kind of magics!

Agad na sumigaw ang dalawang evil witch sa harapan ko. Nanatili naman akong nakatayo habang pinagmamasdan silang natutupok dahil sa fire magic na ginamit ko kanina. They tried to dispel my magic, but it didn't work! Napaangat ang isang kilay ko at hindi inalis ang paningin sa dalawa.

Hindi nagtagal ay halos sabay na bumagsak ang katawan ng dalawang evil witch sa lupang kinatatayuan nila. Segundo lang din ay muli kong inihakbang ang mga paa at nilapatin ang mga ito. "You did this to yourself, evil witches. Kayo ang nagbigay sa akin ng kapangyarihang ito. Too bad, your experiments failed the moment I opened my eyes earlier. Ngayon, harapin niyo ang kung anong klaseng halimaw ang ginawa niyo. I will use this power to destroy you all."

Akmang kikilos na sana akong muli noong may narinig akong mga tinig mula sa gusaling pinanggaling ko.

"The huntress is gone! Find her!"

"We need her alive! Don't fucking kill her!"

Napangiwi na lamang ako at nagdesisyon nang ipagpatuloy ang pagtakbo. Dali-dali akong tumakbong muli at tinahak na ang daan kung saan ko naramdaman kanina ang mahinang presensiya ni Raine. At noong nasa tapat na ako ng isang maliit na gusali, agad na napakunot ang noo ko. This time, hindi lang ang presensiya ni Raine ang nararamdaman ko sa loob nito. May kasama siya at kagaya ni Raine, sobrang hina na rin ng presensiya nito. Damn! I need to save them now!

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Agad akong lumapit sa nakasarang pinto at buong puwersang binuksan iyon.

Isang malawak na silid ang bumungad sa akin. Sa gitna nito ay dalawang higaan ang naroon. Parehong may nakahigang babae roon at noong mapagtanto ko kung sino ang maaaring kasama ni Raine sa silid na ito, hindi na ako nagsayang pa ng oras. Malalaking hakbang ang ginawa ko at lumapit na sa dalawa.

"Raine," tawag ko sa pangalan ng kaibigan. Mabilis kong inalis ang mga nakagapos sa magkabilang kamay at paa nito. Binalingan ko naman ang kasama nito at kagaya nang ginawa ko kay Raine, inalis ko rin ang mga nakagapos sa kanya. "Alyssa, can you hear me? Alyssa!" Damn it! They're both unconscious! Hindi ko kakayaning buhatin ang dalawang ito. "Come on, wake up! We need to leave this place now. Alyssa! Raine!"

"Zaila?" Natigilan ako noong marinig ang mahinang boses ni Raine. Agad akong bumaling sa kanya at muling lumapit sa puwesto nito. "Zai... anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong nito at pilit na ikinilos ang katawan. Mabilis ko itong inalalayan hanggang sa makaupo ito. "What happened? Nasaan tayo ngayon?" magkasunod na tanong nito sa akin.

Mabilis akong umiling sa kaibigan at hinawakan ito sa magkabilang balikat. "Wala na tayong oras para pag-usapan ang bagay na ito. Can you move? We need to get out of here, Raine."

"I... think so," aniya at umayos nang pagkakaupo. Binitawan ko siya at bumaling muli kay Alyssa. Bumalik ako sa tabi ng kinahihigaan nito at muling sinubukang gisingin ito. "Zai... something's strange," rinig kong sambit ni Raine kaya naman ay napabaling muli ako sa puwesto niya. Namataan kong nakatitig ito sa mga kamay niya, nakakunot ang noo at tila litong-lito sa nangyayari sa kanya.

"They did some experiments on us, Raine. Sa'yo, sa akin at sa noble witch na ito," wika ko at tiningnan muli si Alyssa. "We need to take her with us. Hindi natin ito maaaring iwan sa lugar na ito."

"Kilala mo ba ang witch na iyan?" tanong ni Raine na siyang ikinatango ko.

"Isang beses ko lang itong nakausap. Tinulungan niya rin akong makataas."

"Alright, isama na natin ang noble witch na iyan," ani Raine at bumaba na sa kinauupuan niya. "Hindi ko alam kung ano itong kakaibang nararamdaman ko sa katawan ngayon, but I guess, hindi ito nakakasama sa atin. Seeing how you managed to find us here, mukhang mas naging advantage sa atin ang naging eksperimento ng Coven."

"You'll be surprise if you'll discover what you can do now, Raine," sambit ko at pinaupo na ang walang malay na si Alyssa. "Ako na ang aakay sa isang ito. Ikaw na ang bahala sa makakasalubong natin. Alam na nilang nakatakas ako sa silid kung saan nila ginawa ang eksperimento sa akin kaya naman paniguradong maramang miyembro ng Coven ang makakaharap natin."

Tumango sa akin si Raine at nagsimula nang maglakad. "Alright. Let's go," anito at mabilis na kumilos.

Tahimik akong sumunod sa kaibigan. Habang akay-akay si Alyssa, inihanda ko na rin ang silver weapon ko. Mayamaya lang din ay natigilan kami sa paglalakad noong nasa tapat na kami ng pinto. Kunot-noo akong napatitig doon at noong mapagtanto kung ano ang nag-aabang sa akin sa kabilang bahagi ng pintong nasa harapan, napangiwi ako.

"They're here," sambit ko at inayos ang pagkaka-akay kay Alyssa. "Raine, ikaw na ang umakay dito kay Alyssa. I'll deal with them."

"No, Zai," anito at binalingan ako. "You help that noble witch; I'll deal with the Coven."

"Raine-"

"Once I open this door, move and escape with her. Susunod ako sa inyo."

"Hindi ko gagawin iyon. We'll escape together, Raine," mariing sambit ko sa kaibigan. "Together. We'll do this together."

Hindi na nagsalita pa si Raine at tipid na nginitian na lamang ako. Mayamaya lang ay tumango na ito sa akin at muling humarap sa nakasarang pinto. "I'm glad that you came back and found me here, Zaila." Natigilan ako sa narinig. Nakatalikod sa akin si Raine kaya naman ay hindi ko makita ang ekspresyon nito sa mukha. "But if I can't make it, kung hindi na ako makaalis sa lugar, promise me that you will return to our home, to Deepwoods... no matter what happen."

"Raine, ano bang-"

"I... can't control it anymore, Zaila. I'm losing it."

What?

"Raine-"

Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko. Binuksan na ni Raine ang pinto at agad na gumawa ng barrier na siyang promotekta sa amin sa mga naging atake ng miyembro ng Coven na nakaabang sa amin. "Move now, Zaila!" sigaw nito sa akin.

"No! Tatlo tayong aalis sa lugar na ito," mariing sambit ko at nagsimula nang maglakad papalapit sa kanya. "I won't leave you again, Raine. Hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi ka kasama!" dagdag ko pa at pinaharap ito sa akin.

I froze. For a second, my mind went blank. Gulat lang akong nakatingin sa kaibigan.

No. This can't be happening.

"Hindi na ako maaaring sumama sa'yo pabalik sa Deepwoods, Zaila. I'm... not a huntress anymore."

"No, Raine," mahinang sambit ko at tiningnan ang nangyayari sa katawan nito. "You're still a huntress. Hindi ka magiging kagaya nila. We can still fix this, Raine. Come on, umalis na tayo rito."

"Lalabanan ko sila hangga't kaya ko pang kontrolin ang sarili ko, Zaila. At habang ginagawa ko iyon please, escape already," sambit nito sa akin at hindi binigyan pansin ang mga tinuran ko kanina. "Nararamdaman ko ngayon ang nag-uumapaw na kapangyarihan sa buong katawan ko, Zai," dagdag pa nito at mas pinakalas ang fire barrier na ginawa nito kanina. "And I'm afraid that any moment now, mawawalan na ako nang kontrol sa kapangyarihang ito. So, please... listen to me. Umalis na kayo sa lugar na ito. I will stop them. Sisiguraduhin kong walang makakasunod sa inyo. Ako... ako na ang bahala sa kanila."

Napailing na lamang ako at mariing ipinikit ang mga mata. Kusang umawang ang labi ko at muling tiningnan si Raine. "I'm sorry. I'm really sorry, Raine."

"No, Zaila. Desisyon ko ito kaya naman ay wala kang dapat na ihingi ng tawad sa akin. This is my decision as huntress... and as a friend of yours." Ngumiti ito sa akin. "And don't tell Raven and Theo about this."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at akmang magsasalita na sana ako, naramdaman ko ang pagkilos ni Alyssa sa tabi ko. Agad ko itong binalingan at segundo lang ay namataan ko itong nagkamalay na!

"Alyssa!"

"Zaila?" anito, lito at hindi makapaniwalang nasa tabi niya ako. "What's happening?"

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at muling binalingan si Raine. No. Hindi ko hahayaang isakripisyo ni Raine ang buhay at kaligtasan nito para sa amin. Hindi pa siyang tuluyang nagiging isang evil witch. I can still help and save her.

But the question is... how?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top