Untold Twenty-three: The Unforeseen Attack
Dahil nanghihina pa ito, hindi ko muna binitawan si Alyssa. Inaalalayan ko pa rin ito habang nag-iisip nang paraan kung paano kami makakaalis sa lugar na ito. There must be a way. Hindi maaaring maiwan ang isa sa amin dito at magsakripisyo para sa kapakanan ng dalawa!
"Zaila, you're wasting our time. Umalis na kayong dalawa sa lugar na ito!" mariing sambit ni Raine sa akin na siyang ikinailing kong muli. "Zaila, wala na tayong pagpipilian pa. Isa sa atin ang kailangang makaalis sa lugar na ito at makabalik ng buhay at ligtas sa Deepwoods. And that's you. So please, listen to me and just go! Take that noble witch with you. Ako na ang bahala sa mga miyembro ng Coven."
"Zaila... she's turning," mahinang sambit ni Alyssa sa tabi ko. "Minuto na lamang ay magiging isang evil witch na ito."
Oh my God!
Napahugot ako ng isang malalim na hininga at muling tiningnan nang mabuti ang kalagayan ng kaibigan. Alyssa's right. Unti-unting nagbabago ang kulay ng balat ni Raine. Ito na marahil ang epekto ng eksperimentong ginawa nila sa katawan niya. Pero... bakit siya lang? Bakit hindi gumana sa akin ang kung anong eksperimentong ginawa nila sa katawan ko? Bakit kailangan si Raine lang ang magdusa sa aming dalawa?
"Zaila Amethyst, move now!" sigaw ni Raine na siyang nagpakurap sa akin. Segundo lang ay napaluhod na si Raine habang nasa dibdib nito ang kanang kamay. Akmang lalapitan ko na sana ito noong mabilis akong pinigilan ni Alyssa. Napabaling ako sa kanya at namataan ko ang pag-iling nito sa akin.
"Your friend is right. We need to move now, Zaila," matamang sambit ni Alyssa.
"I... I can't leave her again. I can't do that to her!" bulalas ko at muling tiningnan si Raine. She's in pain right now. Nakapikit ito habang dinadama ang kung anong sakit na bumabalot ngayon sa buong katawan niya. At noong akmang kikilos na sana akong muli para lapitan ito, mabilis akong napako sa kinatatayuan ko at napatingin sa barrier na gawa nito kanina.
Humihina na ito ngayon! Damn it!
"Hey, look at me!" rinig kong sambit ni Alyssa ngunit hindi ko ito binigyan pansin. Nakatuon ang paningin ko sa barrier na ngayon ay sunod-sunod na inaatake ng mga miyembro ng Coven. Damn! Paniguradong hindi magtatagal ay mapapawalang bisa na nila ang barrier na ito! "Zaila!"
"What?" inis kong binalingan si Alyssa at sinalubong ang seryosong titig nito sa akin. "Alam kong masisira na nila ang barrier. Nakikita ko iyon, Alyssa, so please, let me think first. Kailangan nating makaalis dito. Tayong tatlo."
"We can't do that," anito na siyang ikinasama nang tingin ko sa kanya. "Kagaya nang sinabi ko kanina, hindi magtatagal ay magiging isang evil witch na ang kaibigan mo. At kung mangyari na iyon, we can't take her with us. She's a newly converted evil witch. Without Merlin's power... his blood that they used during the experiment, she will not survive. She needs to stay here to live, Zaila."
Damn it!
"But Raine is not an evil... damn this. Wala na ba talagang ibang paraan para mailigtas natin ito?" mahinang tanong ko kay Alyssa at muling binalingan ang kaibigan. "I can't do this to her."
"Sundin mo na lamang ang nais nito. Umalis ka na lugar na ito at bumalik sa Deepwoods," wikang muli ni Alyssa sa tabi ko. "I... I can use my ability, Zaila. I can use it para makaalis tayo ng hindi nakikita o nararamdaman man lang ng kahit sinong miyembro ng Coven." Mabilis akong natigilan at napabaling muli kay Alyssa. She can do that, really? "Alam ko kung ano ang nasa isip mo, and it's a no. Hindi natin puwedeng isama ang kaibigan mo."
"At bakit naman hindi?" gulong tanong ko sa kanya.
"Gumagana lamang ang ability ko na ito sa mga half-witch na kagaya natin. She's... your friend is an evil witch now." Napakagat ako ng pang-ibabang labi at walang buhay na napalingon muli kay Raine. Napalunok ako at hindi na nag-isip pa ng kung ano. Habang inaalalayan pa rin si Alyssa, nagsimula na akong maglakad papalapit sa kaibigan.
Kung iiwan namin ito sa lintek na ito, dapat lang ay humingi ako ng tawad sa kanya. Sa lahat nang nangyari sa aming dalawa, sa sampung taon naming pagsasama sa Deepwoods Academy, para kaming aso't pusa. Walang araw na hindi kami nagbabangayan. Walang araw na hindi kami nagpapalitan ng kung anu-anong salita sa isa't-isa. But... at the end of the day, we're still friends. We're still huntress who have the same goal. We're still... sisters.
"Raine," mahinang tawag ko sa pangalan nito. Nakaluhod pa rin ito at hindi man lang gumagalaw sa puwesto niya. Gusto ko siyang hawakan pero alam kong mas lalo lang itong mahihirapan kung gagawin ko iyon. Mariin kong ikinuyom na lamang ang mga kamao habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. "Please... forgive me. Forgive me for leaving you again. At kung magkakaroon man ako ng isa pang pagkakataon para iligtas ka mula sa lugar na ito, gagawin ko. Aalis ako ngayon... but I will come back for you. Babalikan kita. I will help you. Hahanap ako nang paraan para maibalik ka sa dating ikaw. You're a huntress, Raine. An amazing one. You will always be a huntress. Don't you forget about that. That's who you truly are, Raine. You're not an evil witch. You're a huntress, my friend... my sister."
"It's time to leave now, Zaila," rinig kong sambit ni Alyssa na siyang ikinatango ko na lamang. Umayos ako nang pagkakatayo at inalis na ang paningin kay Raine. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at binalingan muli si Alyssa. "Let's go," yaya muli nito at hinawakan na niya ang kamay ko. "Clear your mind and just trust me. Sa boundary ng Deepwoods tayo tutungo ngayon."
"What is this? A teleportation?" takang tanong ko kay Alyssa.
Tumango naman ito sa naging tanong ko. "Isa sa mga natutunan kong ability habang patuloy na pinag-aaralan nila ang katawan ko. I managed to control it. Luckily, wala ni isa sa Coven ang nakadiskubre nang kakayahan kong ito."
"Kung kaya mo naman pa lang gawin ito, bakit hindi ka umalis sa lugar na ito, Alyssa?"
"Wala akong ibang lugar na mapupuntahan, Zaila," anito na siyang ikinatigil ko. "But now, mukhang alam ko na kung bakit hindi man lang ako sumubok na umalis noon sa lugar na ito." She smiled at me and when I felt something strange around us, I know that Alyssa already activated her ability.
Wala sa sarili akong napahawak sa kamay nitong nakahawak sa isang kamay ko at mariing ipinikit ang mga mata. Bigla akong nahilo at kung hindi ako hahawak sa kanya, tiyak kong mawawalan ako nang balanse sa sariling katawan! Ilang segundo lang din naman iyon at noong nawala na iyong kakaibang pakiramdam ko sa paligid, mabilis kong iminulat ang mga mata.
I silently sighed noong makitang wala na kami sa loob ng barrier na ginawa ni Raine kanina. Puro puno ang agad na bumungad sa akin at kung hindi ako nagkakamali, nasa boundary na nga kami ng teritoryo ng Deepwoods! We made it!
"Alyssa, your ability is awesome. How did you learn about it again?" tanong ko kay Alyssa at binalingan ito. Agad naman akong natigilan noong makita ko ang ekspresiyon nito. Nakatingin lang ito sa may unahan namin kaya naman napabaling na rin ako sa kung anong tinitingnan nito. "What's wrong?" wala sa sariling tanong ko at kusang napaawang na lamang ang mga labi noong makita ko kung ano ang unang napansin nito kanina. "What the hell?" bulalas ko noong mapagtanto ang kung anong nangyayari sa gawing unahan naming dalawa.
"Your home is under attack, Zaila," mahinang turan nito at binalingan ako. "You... you need to go now. Tulungan mo sila."
"Use your ability again! Mas mapapabilis ang paglalakbay natin kung gagamitin natin ito!" natataranta kong sambit sa kanya.
Umiling sa akin si Alyssa kaya naman ay natigilan akong muli. "Hindi pa ako nakakarating sa mismong Deepwoods Academy, Zaila. I'm sorry pero hindi ko magagamit ang ability ko. Hanggang dito lang ang kaya kong maitulong sa'yo."
"Fine! Then let's run!" bulalas ko at kumilos na. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko noong tumigil akong muli sa pagkilos. Hindi ko kasi naramdamang tumakbo si Alyssa kaya naman ay muli ko itong binalingan. Napakunot ang noo ko noong mamataan itong nakatayo lamang sa puwesto niya, tila walang balak na sumunod sa akin. "Alyssa, I need your help. Please, let's go and help them."
"I'm sorry, Zaila. I... I really can't. Hindi ako maaaring tumuntong sa Deepwoods Academy."
What? Lito ko itong tiningnan at noong biglang yumanig ang lupang kinatatayuan ko, agad akong napamura at binalingan muli ang daan patungo sa Deepwoods Academy. Damn it! Kailangan ko nang umalis!
"I will wait here, Zaila. Go... and save them." Napatango na lamang ako kay Alyssa at hindi na ito pinilit pang sumama sa akin. Kung ano man ang personal na rason nito kung bakit hindi siya puwedeng tumuntong sa Deepwoods Academy, sa susunod na pagkikita na lamang namin ako magtatanong sa kanya. For now, I need focus on what the hell is happening inside my home!
Sino ang mga umatake? Ang Coven ba? Malamang! Sila lang naman ang maglalakas loob na sumugod sa lugar kung saan naninirahan ang mga hunter at huntress ng Utopia. At paniguradong kasama nila si Merlin! Damn that man! I will definitely find him and get even! Hindi puwedeng kami lang ang nagdudusa ngayon dito! With my newly acquired power, I will use it to defeat him! I will destroy him!
Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa main gate ng Deepwoods Academy. May iilang hunters akong namataan at ngayon ay abala sa mga kalabang evil witch!
The Coven! They're really here! Damn them!
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at mabilis na kinuha ang silver weapon na nakatago sa likuran ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na lumapit sa isang evil witch na ngayon ay umaatake sa isa hunter na bantay dito sa main gate. Agad kong hinawakan ito sa balikat at saktong pagharap nito sa akin ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na itirak sa dibdib niya ang silver weapon ko. Gulat itong tumitig sa akin at segundo lang ay unti-unting bumagsak ang katawan nito sa lupa. Inalis ko sa dibdib niya ang dagger ko at mabilis na hinagis ito sa isa pang evil witch 'di kalayuan sa puwesto ko.
"Zaila!" bulalas ng hunter sa harapan ko at humakbang ng isang beses palapit sa akin. "You're back! Nasaan ang ibang squad captain? Kasama mo ba sila sa pagbabalik mo?" magkasunod na tanong nito na siyang ikinailing ko. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at mabilis na kumilos.
Sobrang gaan ng katawan ko ngayon. Tila lumutang ako habang inihahakbang ko ang mga paa. I moved faster and I know that my fellow hunters saw what I can do now. Hindi ko na lamang sila binigyan pansin at agad na kinuha ang dagger kong nakatarak likuran ng isa pang evil witch. Bumagsak na ang katawan nito sa lupa kaya naman ay hinayaan ko na lamang ito. Muli akong kumilos at sunod na inatake ang iba pang miyembro ng Coven na narito sa main gate ng Deepwoods Academy. At noong natapos na ako sa ginagawa, tumigil ako sa paghakbang ng mga paa at tiningnan ang nakabukas na gate ng tahanan namin.
"Nasaan ang mga silver weapon niyo?" mariing tanong ko noong mapansing normal na mga sandata lamang ang gamit nila kanina sa pakikipaglaban. "Hindi ba dapat ay iyon ang gamit niyo sa sitwasyong ito?"
"We can't find any silver weapon inside the academy, Zaila. Kahapon pa nagkakagulo ang mga Senior Squad Captain dahil sa pagkawala ng mga sandata natin at bago pa makapagdesisyon ang head huntress sa kung anong gagawin, sumalakay na ang mga kalaban sa tahanan natin."
Unforeseen attack from the enemy. Damn those evil witches! Damn that Merlin! He tricked me! Utopia, my ass! Bakit ba ako naniwala na wala na itong balak gawin sa Deepwoods? Damn it!
"Merlin... paniguradong siya ang may kagagagawan nito," mahinang sambit ko at binalingan ang mga hunters na kasama ko ngayon. "Kailangang may pumunta sa Royal Capital at ipaalam sa kanila ang kung anong nangyayari ngayon dito sa Deepwoods. Nasa boundary ang isa sa kaibigan ko. She can help us. Ask her to help you reach the Royal Capital. Silver weapons... we need our weapons at nasa lugar na iyon ang kailangan natin. Now, go!"
Tatlong hunters ang sumunod sa pinag-uutos ko at naiwan naman ang dalawa sa kanila. Humugot ako ng isang malalim na hininga at muling bumaling sa main gate ng Deepwoods Academy. "Maraming mga bagong estudyante sa lugar na ito. Help them. Ako na ang bahala sa mga miyembro ng Coven na makasalubong natin. Save and help them evacuate this place. This is our battleground now. Those who can't fight should leave this place."
"Pero Zaila-"
"The rest of the squad captains will be here soon. Sa ngayon, gawin na lang muna natin ang kung anong magagawa natin," mariing sambit ko at humigpit ang pagkakahawak sa handle ng silver weapon.
Raven... Theo... Please, I need you both right now. We need you.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top