Untold Twenty: The Coven's Experiment

Hindi ako makasingit sa pag-uusap nila Raven at Theo. Nakatingin lang ako sa dalawang kaibigan ko habang nagdedesisyon sa susunod na gagawin namin ngayon.

"We have a mission, Theo." Hindi ko na alam kung pang-ilang ulit na iyon sinabi ni Raven sa kaibigan. "Alam mo kung gaano kahalaga ang misyong ito sa atin at sa Deepwoods."

"Pero hindi natin alam kung nasaan si Raine. Paano natin magagawa nang maayos ang misyong ito kapag alam nating nasa kapahamakan ang isa sa atin? Raven, this Raine that we're talking about. She's our friend, a part of our family. Mahalaga rin ang kaligtasan nito."

Napabuntonghininga si Raven at mabilis na binalingan ako. "Zaila, we need to decide now. Please, help us." Sa wakas ay kinausap na ako ng dalawa. Napabaling na rin sa puwesto ko si Theo at matamang tiningnan lang ako. Alam kong sinisisi niya ako sa pagkawala ni Raine. She was injured. Dapat ay hindi ko talaga ito iniwan kanina! "Zaila-"

"Sumama na kayo sa dalawang Asteria," sambit ko na siyang ikinatigil ni Raven. "Ako na ang bahalang maghanap kay Raine."

"And you think mahahanap mo siya?" tanong ni Theo at pinagtaasan ako ng isang kilay. "Kung hindi mo kasi siya-"

"Theo!" mariing tawag sa kanya ni Raven at pinaharap sa kanya ang kaibigan. "This is not Zaila's fault!"

Hindi nagsalita si Theo at umiling na lamang. Mayamaya lang ay humugot ito ng isang malalim na hininga at muling hinarap ako. "I'm sorry, Zai. It's just-"

"I understand you, Theo. Kahit ako ay sinisisi ko ang sarili sa pagkawala ni Raine."

"Zaila, that's enough," sambit ni Raven at inilingan kaming dalawa ni Theo. "Hindi natin mahahanap si Raine kung magsisisihan tayo. We're here to decide our next step. Kaya naman tama na. Naghihintay ang dalawang Asteria sa magiging desisyon natin."

"Kagaya nang tinuran ko, sumama kayo sa dalawang Asteria. Ako na ang maghahanap kay Raine," muling wika ko at naglakad papalapit sa dalawang kaibigan. "Mas kailangan ang presensiya niyong dalawa sa misyon natin. Go and help them find their new hideout."

Nagkatinginang muli ang dalawa. Hindi nagsalita si Theo at namataan ko lang ang paghugot ng isang malalim na hininga ni Raven. "Will you be fine alone?" tanong nito sa akin na siyang ikinatango ko na lamang.

"Hahanapin ko si Raine. I'll make sure she's okay," sambit ko at hinawakan ang mga kamay ng kaibigan. "Tapusin niyo ang misyon natin. Magkita-kita na lang tayo sa Deepwoods. Doon kami dederetso ni Raine at hindi na sa Royal Capital."

"Alright," ani Theo at hinawakan na rin ang kamay ko. "Tatapusin namin ang misyong ito kaya naman ay siguraduhin mong ligtas kayong makakabalik ni Raine sa Deepwoods. Kayong dalawa, Zaila. Kailangang dalawa kayong babalik sa Deepwoods, ligtas at malayo sa kapahamakan." Napakagat ako ng pang-ibabang labi at tumango na lamang kay Theo. Binalingan ko si Raven at tipid na nginitian ito.

"Mag-iingat kayo," wika ko at binitawan na ang mga kamay ng kaibigan. "Hindi na ako magpapaalam sa dalawang Asteria. Kayo na ang magsabi sa napagkasunduan natin. Mauna na ako sa inyong umalis sa gubat na ito."

Namataan ko ang sabay na pagtango nilang dalawa sa akin. Napatango na lang din ako at tinalikuran na ang dalawa. Mabilis kong inihakbang ang mga paa at tinahak ang daan kung saan ko huling iniwan si Raine. Nasa main entrance na kasi kami kanina at talagang walang balak ang magkapatid na Asteria na hanapin si Raine. Mabuti na nga lang ay hinayaan nila kaming mag-usap bago umalis sa lugar na ito!

Noong nasa tamang lugar na ako, agad kong tiningnan ang paligid. Pinatalas ko ang pakiramdam ko at maingat na lumuhod. Hinawakan ko ang lupa kung saan nakaupo kanina si Raine. She was injured. May bakas pa ng dugo niya ang lupang ito. Damn it! If an evil witch cancelled my barrier, paniguradong isang high-level evil witch ito. Raine can fight, but with her current condition, mapupuruhan lamang ito sa magiging laban nila.

"Kung napatay nila ito, paniguradong iiwan nila rito ang katawan niya," mahinang sambit ko at umayos nang pagkakatayo. Muli kong tiningnan ang paligid at mariing ikinuyom na lamang ang mga kamao. "They took her because they still need her," mapait na sambit ko at napamura na lamang sa isipan.

No. I'm just being paranoid here. Hindi nila gagawin ang bagay na iyon. They can't do that to her! Damn it!

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Muli kong inihakbang ang mga paa at pumasok sa isa sa gusali ng main headquarter ng Coven. Isang mahaba at tahimik pasilyo ang bumungad sa akin noong tuluyang nakapasok na ako sa headquarter nila. Mukhang tama nga si Reagan Asteria kanina. Wala na ang mga miyembro ng Coven sa lugar na ito. The moment we entered their premises, they already started to move and escaped from us. At kung pagbabasehan ang mga nakaharap naming mga evil witch kanina, kaunting miyembro lamang ang nakalaban namin. They knew that we were coming. And with Merlin as one of their members, they easily escaped from us! Damn them!

Muli kong inihakbang ang mga paa at nagpatuloy sa paglalakad. Isang pinto ang namataan ko 'di kalayuan kaya naman ay mas binilisan ko ang paghakbang ng mga paa. At noong nasa tapat na ako nito, agad ko itong binuksan.

It was a simple room. May mga gamit sa loob at mukhang silid ito ng isa sa miyembro ng Coven. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at isinarang muli ang pinto ng silid. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang dulo ng pasilyo. Mayamaya lang ay natigilan ako noong makaramdaman ako ng presensiya sa gawin kanan ko. Agad akong napabaling doon at namataan ang panibagong mahabang pasilyo.

"So, may natirang miyembro ng Coven pa pala sa lugar na ito," mahinang turan ko at nagsimula nang tumakbo. Mas pinatalas ko ang pandama at noong lumakas ang presensiya ng evil witch na naramdaman ko kanina, agad akong napahinto sa pagtakbo at tumayo sa harapan ng isang nakasarang pinto.

Kinuha ko muna ang dagger sa likuran ko at mariing hinawakan iyon. Inangat ko ang isang kamay at mabilis na binuksan ang nakasarang pinto.

Another empty room welcomed me. Napakunot ang noo ko at tiningnan ang kabuuan ng silid. Hindi ako maaaring magkamali. Sa silid na ito nanggagaling ang presensiyang naramdaman ko kanina!

Maingat kong inihakbang ang mga paa hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa silid. Nagpatuloy ako sa pagmamasid hanggang sa maramdaman kong muli ang presensiya ng evil witch. Agad kong binago ang itsura ng dagger ko at ginawang espada ito. Muli kong inihakbang ang mga paa hanggang sa tuluyan na akong nasa pinakagilid na bahagi ng silid. Inangat ko ang isang kamay at inilapat ito sa may dingding.

There's something in here. This is not a simple empty room. Sa lakas ng presensiyang nararamdaman ko, paniguradong may kung anong ginawa ang Coven sa silid na ito. Maybe magic? Concealing magic, I guess.

Ipinilig ko pakanan ang ulo at nagpatuloy sa ginagawa. Nanatili sa may dingding ang kamay ko habang maingat na inihahakbang ang mga paa. At noong may kung anong naramdaman ang kamay ko sa dingding ng silid, mabilis kong inangat ang espadang hawak-hawak at agad na itinarak ito sa konkretong pader.

Agad akong napaatras noong biglang nagliwanag ang dulo ng talim ng espada ko. Mabilis kong inalis mula sa pagkakatarak ang espada ko at tuluyan nang lumayo sa dingding. Pumuwesto akong muli sa gitnang bahagi ng silid at tiningnan ang kabuuan nito. Nanatili akong tahimik habang unti-unting nagbabago ang itsura ng kanina lang ay simpleng silid. From a simple empty room, now all I can see is a long table with different equipment on the top of it, two empty beds and a chair... a chair with a witch sitting on it, tied and can't even move an inch.

What the hell?

So, sa kanya nanggagaling ang presensiya nararamdaman ko kanina! It was coming from her!

"What the hell is this?" mahinang tanong ko at maingat na lumapit sa babaeng nakaupo sa silya. She's a witch. Hindi ko nga lang matukoy kong miyembro ba ito ng Coven o hindi. The way they tied her, I doubt if she's really their member. "Hey," tawag pansin ko rito at itinutok sa kanya ang espada ko. Maingat kong inilapat sa may baba niya ang dulo ng espada at maingat na inangat ang ulo nito. Natigilan ako noong makita ang kalagayan nito. Her face is full of bruises! Confirm! She's a member of the Coven! "Buhay pa ba ang isang ito?"

"I'm still alive, you witch," anito habang nakapikit pa rin ang mga mata. Inalis ko ang pagkakatutok ng espada sa kanya at umayos nang pagkakatayo. She's really not a part of the Coven. Mukhang isa ito sa mga bihag nila sa headquarters na ito. "Wala kang mapapala sa akin. Your experiments are not working on me, so stop it already and release me," dagdag pa niya at dahan-dahang iminulat ang mga mata.

Nanatili akong tahimik sa kinatatayuan at noong magtagpo ang mga mata namin, mabilis itong natigilan.

"You're not a-"

"I'm not a witch," sambit ko habang hindi inaalis ang paningin sa babae. "I'm a huntress from Deepwoods."

"Are you here to save me?" tanong nito na siyang mabilis na ikinailing ko. "Please... help me."

"Anong ginawa nila sa'yo?" maingat na tanong ko sa kanya. "You mentioned earlier about their experiments. What kind of experiments? Ito ba ang ginagawa nila sa mga noble witch na nahuhuli nila?"

"So, you know about this?" tanong niya at napabuntonghininga na lamang. "Alam ninyo ang nangyayari sa lugar na ito tapos wala man lang kayong ginawa para matulungan kami sa lugar na ito!"

"I've killed one of the members of Coven earlier. Sa kanya ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na ito," sambit ko at napailing na lamang. Lumapit ako sa babae at tiningnan ang katawan nitong nakagapos. Agad kong itinaas ang kamay na may hawak na espada at mabilis na ikinumpas ito. Sinira ko ang taling nakagapos sa katawan nito at hinayaan itong makakilos nang maayos. "Nasaan ang ibang noble witch na nahuli nila? Bakit mag-isa ka na lang dito?"

"Ako na lang ang natitirang subject ng experiments nila," anito at umupo nang maayos sa puwesto niya. "My body rejected all their manipulation magic and because of that, they kept me here. They continued their experiments on me. Hindi nila ako pinatay dahil alam nilang may makukuha pa sila sa akin. They still need me... damn them."

Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko at tiningnan lamang ito. Experiments. The Coven is turning them into their members... their soldiers. At kapag nakalikom na sila ng sapat na bilang ng mga miyembrong lalaban para sa kanila, they will attack the Royal Capital. They will destroy the current king of Utopia and rule this kingdom.

"Kailangan na nating umalis sa lugar na ito," muling sambit nito at matamang tiningnan ako. "Baka bumalik na sila sa silid na ito at pati ikaw ay mahuli nila."

"They're gone," mabilis na sambit ko at na siyang ikinatigil nito. "We attacked this place. Ilan na lamang ang miyembro ng Coven ang naabutan namin kanina. Wala na ang lider nila at si Merlin."

"That's impossible. This is their main headquarters. Hindi nila basta-bastang iiwanan ang lugar na ito. Nandito lahat ng mga gamit nila para sa mga eksperimentong ginagawa nila sa amin!" Natigilan ako sa narinig. "Sigurado ba kayong umalis sila? Nakita niyo? Dahil hindi talaga ako naniniwala sa tinuran mo kanina."

Napakurap ako at unti-unting kinabahan sa mga nangyayari. Concealing magic. They can use it to hide and just wait for us to leave this place! At kung iyon talaga ang ginagawa nila ngayon, ibig sabihin ay ako na lamang ang huntress na nandito ngayon sa lugar na ito! Damn it!

"Answer me, huntress! Sigurado ka bang umalis sila sa lugar na ito? Dahil kung hindi, inilagay mo lang sa kapahamakan ang sarili mo! These evil witches... hindi lang noble witches ang nais nila. They want your kind too! They want hunters and huntresses from Deepwoods for their freaking experiments!"

Shit!

Napaatras ako at mabilis na napatingin sa may pintuan ng silid. Segundo lang din ang lumipas noong bigla akong nakaramdaman ng iba't-ibang presensiya sa buong paligid.

"They're not gone," wala sa sariling sambit ko at mabilis na naglakad patungo sa pintuan. Agad kong isinara ang pinto at bumalik sa puwestong kinatatayuan kanina. "They fooled us. They're... still here." Napahigpit ang hawak ko sa silver weapon ko at tiningnan ang babaeng tinulungan kanina. "Can you fight?" tanong ko sa kanya na siyang mabilis na ikinailing nito.

"I can support you with my remaining magic, but I doubt if I can stay long. Sa dami ng eksperimentong ginawa nila sa akin, ni pagtakbo palabas sa silid na ito ay hindi ko magagawa." Damn! "Just save yourself. Iwan mo na lang ako rito. They won't kill me, but you... if they caught you, you will experience hell. This place will kill you, huntress, kaya naman ay umalis ka na."

"I can't leave you," mariing sambit ko at nilapitan ito. "Hindi kita iiwan sa lugar na ito." Hinawakan ko na ito at inalalayang makatayo.

I've made a mistake leaving Raine earlier. Hindi ko na gagawin iyon ulit sa noble witch na ito! I can fight and protect the two of us!

"They're coming," mahinang sambit ng noble witch sa akin at mabilis na inilingan ako. "Please, just leave, huntress. Do this for me. Do this for Utopia. Mas mapapadali ang lahat para sa kanila kung isang huntress na mismo ang magagamit nila para sa mga eksperimento nila."

"But-"

"I'll be fine. Huwag mo na akong alalahanin pa."

Damn it!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top