Untold Twenty-seven: The Turning

Rinig ko ang pagtawag ni Raven sa akin ngunit hindi ko ito binigyan pansin. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang pinakadulo at halos walang katao-taong gusali rito sa Deepwoods Academy.

Bumagal na ang pagkilos ko at noong nasa tapat na ako ng nakasarang pinto, mabilis kong ikinumpas ang kanang kamay. Ramdam ko ang malakas na enerhiyang pinakawalan ko at sa tama nito sa may pinto, agad itong nabuksan ng walang kahirap-hirap.

"Zaila!" sigaw muli ni Raven sa pangalan ko. Segundo lang din ang lumipas ay nasa tabi ko na ito, kasama si Theo at ilang hunter at huntress na nasa pagpupulong kanina. "What the hell did you saw earlier? Mind telling us?" tanong ni Raven sa akin at hinawakan ang balikat ko. Hindi ko ito nilingon at nanatili lamang ang mga mata sa nakabukas na pinto ng gusali. "Zai-"

"Stop talking, Raven," mariing sambit ko at ipinilig ang ulo pakanan. "I can hear them from here," muling wika ko at binalingan na ito. "May mga kasama siya sa loob."

"Siya? Sino ba kasi itong tinutukoy mo?" tanong nito sa akin at inalis na sa balikat ko ang kamay nito. "Kalaban ba natin? From Coven? May natira pa sa kanila?"

"She's a huntress... from my own squad," mariing sambit ko at ikinuyom ang mga kamao.

"What?" halos sabay na tanong ni Raven at Theo sa akin.

"Siya ba ang nakita mo kanina noong ginamit mo iyong instrumento ni Asher Asteria?" tanong naman ni Theo na siyang ikinatango ko na lamang sa kanya.

Muli akong bumaling sa may pintuan at pinakiramdaman nang mabuti ang mga nangyayari sa loob ng gusali. "Palibutan niyo ang buong gusali. We'll make sure na wala ni isa sa kanila ang makakatakas. Nasa gusali lang din na ito ang mga silver weapon natin. Find and secure them all. Kaming tatlo na ang bahala sa main door ng gusaling ito," sambit ko na siyang mabilis na sinunod ng ibang kasama namin.

"What's the plan now?" mahinang tanong ni Raven habang unti-unti kaming lumalapit sa may main door ng gusali.

Ipinilig ko ang ulo pakanan at bago pa ako tuluyang makalapit sa may pintuan, binalingan kong muli ang dalawang kaibigan. "Ambush," mariing sambit ko at nginisihan ang dalawa. They knew me. Alam na nila ang nais kong mangyari ngayon.

Mabilis na kumilos sila Theo at Raven. Agad silang pumuwesto sa harapan ko at nagpatuloy na kaming tatlo sa paglalakad. Alam kong nararamdaman din nila ang presensiya ng mga kalaban namin. Kahit na hindi ko na sabihin pa sa kanila kung nasaan ang mga ito, alam kong matutukoy nila kung nasaan ang mga ito.

"I can sense four different presences near our location," ani Theo at mas binilisan namin ang paglalakad. "Ang iba naman ay nasa ibang parte ng gusali. At kung hindi ako nagkakamali, lahat sila ay may hawak na silver weapon ngayon." He sighed. "Dapat ay ma-secure na ng ibang hunters at huntresses ang lahat nang daanan sa gusali na ito. We can't let them escape with our weapons!"

"Trust them, Theo. Alam nila ang ginagawa nila," wika naman ni Raven at noong nasa dulo na kami ng pasilyong tinatahak naming tatlo, agad kaming naging alerto.

Kahit na alam naming mas mataas ang lebel naming tatlo kumpara sa mga narito ngayon, hindi pa rin kami naging kampante. We know better. Sa lahat nang kaguluhang nangyayari ngayon sa buong Deepwoods Academy, hindi kami maaaring maging pabaya sa bawat gagawin namin. We should give our best even if we crossed path against weaker enemy. At iyon nga ang nangyayari sa amin ngayon.

Agad na napatumba ng dalawa ang tatlong hunter na kasama ngayon ni Deanna Verlex, one of the new students who joined my own squad. Nakadapa na ang mga kasamahan nito samantalang nanatiling nakatayo at malamig ang titig ni Deanna sa akin, sa amin. Hindi ito kumibo hanggang sa tuluyan na itong lapitan ni Raven.

"Don't you dare touch me, hunter," anito na siyang ikinaarko ng isang kilay ko. Pinagmasdan ko lang ang galit na ekspresiyon ni Deanna at noong hindi nakinig sa kanya si Raven, mabilis itong nagpumiglas mula sa pagkakahawak ng kaibigan. "Ano ba! I told you not to touch me, you murderer!"

Natigilan ako sa narinig. Murderer? Nagkatinginan kaming tatlo at takang tiningnan muli ang galit na galit na si Deanna. "We're not murderers, Deanna. We're hunters and huntresses of this place," malamig na turan ko sa kanya. "Raven, take her. Kailangan niyang harapin ang Head Huntress at ang magkakapatid na Asteria."

"No! Ano ba! Bitawan mo ako!" sigaw muli ni Deanna kaya naman ay hindi nakatiis pa si Raven. Agad niyang ipinirmi si Deanna sa puwesto nito. Namataan ko ang pagngiwi ng babae at mas lalong sumama ang titig nito sa amin. "I'm just getting started! Hindi niyo ako maaaring pigilan na lamang sa mga nais kong gawin sa lugar na ito!"

"This is our home, and we can't let you do whatever you want," ani Theo at lumapit na rin sa puwesto nito. "Kung tutuusin, maaari na naming ibigay na sa'yo ang kaparusahan sa ginawa mong pagkuha ng mga silver weapon ngunit hindi namin iyon gagawin sa'yo, sa inyo ng mga kasamahan mo. We don't harm hunters and huntresses from this place. Head Huntress Gerra and the royal siblings will be the one who will give orders about your punishment."

Namataan ko ang pagngisi ni Deanna kaya naman ay napakunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sa kanya. "Just kill me," anito at binalingan ako. "Kill me, Captain. Iyon din naman ang gagawin ng head huntress ng lugar na ito. Mas mabuting ikaw ang gumawa no'n sa akin... huwag na ang head huntress na iyon!"

"We're not murderers, Deanna," seryosong saad ko sa kanya at humugot ng isang malalim na hininga. "Hindi namin iyon magagawa sa isang huntress na kagaya mo. Oo nga't ipinahamak mo, ipinahamak ninyo, ang buong Deepwoods Academy, ngunit hindi iyon sapat na dahilan para patayin ka namin. We fight and protect, remember?"

"Stop with your nonsense, Captain Zaila. Fight and protect? Huwag kang magpatawa. Hindi iyan ang ginagawa ninyo," mas malamig na turan nito sa akin. "You fight and kill. Kahit na hindi naman miyembro ng Coven, nagagawa niyo pa ring saktan at patayin ang mga kawawang half-witch."

I froze. For a second, I thought I misheard her. But when I saw my friend's reaction, alam ko na kung ano ang nais iparating sa amin ni Deanna. She's a Verlex. A noble witch, half-witch, from the House of Witches. At nandito siya sa Deepwoods para sa iisang dahilan lamang. The anger... the pain that I saw that day was not for the Coven. It's for us... the hunters and huntresses of Deepwoods Academy.

"Kung hindi niyo ako papatayin ngayon, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakamit ang hustisyang nais ko," ani Deanna na siyang ikinabuntonghininga ko. "I will burn this place down. Just like what you did to my village!"

"Deanna, look at me." Utos ko sa kanya. "Are you sure about this?" seryosong tanong ko na siyang ikinatigil nito sa puwesto niya. "Segurado ka bang isang hunter o huntress ng Deepwoods ang gumawa noon sa nayon ninyo?"

"I will not waste my time in this goddamn place if I wasn't sure," mariing sagot niya at sinubukang kumawala muli mula sa pagkakahawak ni Raven sa kanya. Mabilis namang naagapan iyon ni Raven kaya ay hindi ito nagtagumpay sa nais. "I saw everything, Captain Zaila. I saw them... hunters and huntresses from this place. They killed and burned them. Hindi ako maaaring magkamali!"

Hindi ako nagsalita at pinagmasdan na lamang muli si Deanna. Kung ikukumpara ito sa naging sitwasyon ko noon, nasa tamang edad na itong si Deanna. Alam na niya kung ano ang mga nakikita niya sa palagid niya. But... we don't burn villages. Kahit na tapos na ang misyon namin, hindi namin sinisira ang isang nayon kung saan kami nakaka-engkuwentro ng evil witch. We don't do that. We never do that.

"I think we need to see and talk to our head huntress about this one," matamang sambit ni Theo na siyang ikinatango ko na lamang.

Kung totoo nga itong tinuran ni Deanna sa amin, kung totoong hunters at hutresses ng Deepwoods ang gumawa no'n sa nayon nila, then we're in a big trouble here. Paniguradong hindi lang ang noble witch na ito ang may galit ngayon sa Deepwoods.

Hindi na nakaalma pa si Deanna noong nagsimula nang maglakad si Raven. Dumating na rin ang ibang hunter at huntress na kasama namin kanina at sila na ang umalalay sa mga kasamahan ni Deanna. Tahimik kong pinagmasdan ang mga kasama ko at noong unti-unti na silang nawala sa silid na kinaroroonan ko, napahugot ako ng isang malalim na hininga.

"What are you thinking, Zaila?" Natigilan ako noong marinig ko ang boses ni Theo sa likuran ko. Mabilis akong napabaling sa kanya at sinalubong ang mapanuring titig nito sa akin. "Hindi mo naman siguro iniisip na may hunter at huntress na gagawa talaga sa paratang na iyon ni Deanna."

"It's not like that, Theo." I sighed again. "May kung anong mali lang akong nararamdaman ngayon," wika ko at tiningnan ang silid na kinaroroonan. Mayamaya lang ay naglakad ako patungo sa isang mesa 'di kalayuan sa puwesto ko at tiningnan ang iilang silver weapon na naroon. "What if she was right? What if... someone used his or her ability to hurt the innocent witches and half-witches of Utopia? What if... the Coven saw it coming and used this opportunity to destroy us? Just... just like what happened today." Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at binalingan muli si Theo. "Hindi imposibleng mangyari iyon, Theo. Our enemy can use this situation to destroy us."

Namataan ko ang paghugot ng isang malalim na hininga ni Theo at nagsimula nang maglakad palapit sa kinatatayuan ko. "Come on. Huwag mo na lang muna isipin ang bagay na iyan. Let the head huntress and the rest of the Senior Squad Captains deal with this one. Marami pa tayong dapat gawin. Let's just focus on our job and protect Deepwoods, okay?" aniya at hinawakan na ang kamay ko.

Segundo lang din ang lumipas ay agad na binitawan nito ang kamay ko. Maging ako ay nagulat sa nangyari at wala sa sariling napatingin sa kamay ko. Bahagya itong nanginig kaya naman ay mabilis kong inilapat dito ang isang kamay. Napatingin ako kay Theo at sinalubong ang nag-aalalang titig nito sa akin. "What was that?" tanong niya at sinubukan muling hawakan ako. Agad naman akong umiling at inilayo sa kanya ang kamay ko. "Zaila, anong... anong nangyayari sa'yo? That was a different elemental magic. Hindi iyon ang mahikang kaya mong gamitin at kontrolin."

"It was nothing, Theo."

"Zaila-"

"Theo, Zai, let's go!" Natigilan kaming dalawa noong bumalik si Raven sa silid. Halos sabay kaming bumaling sa bagong dating na ngayon ay nasa may pintuan na pala. "Kailangan nating bumalik sa opisina ng head huntress. We need to witness everything."

Tahimik namang tumango si Theo at muling binalingan ako. Mataman ang bawat titig nito sa akin at noong nag-iwas ako nang tingin sa kaibigan, mabilis itong napahugot ng isang malalim na hininga at tinalikuran na ako. Nagsimula na itong maglakad patungo sa pintuan kung saan naroon si Raven at bago pa man sila tuluyang makalabas sa silid, mabilis kong tinawag ang dalawa. Humugot ako ng isang malalim na hininga at umayos nang pagkakatayo.

"I don't know if this is the right time, but I need you to know what happened to me and to-"

"If it's about Raine, then let's talk about it later," ani Theo na siyang ikinaawang ng labi ko. "You're here. You're fine, so I guess and hoped she's fine too," dagdag pa niya at nagsimula nang maglakad muli. Nauna na itong lumabas na siyang sinundan naman ni Raven. Hindi muna ako kumilos sa kinatatayuan ako at napabuntonghininga na lamang.

Mayamaya lang ay binalingan kong muli ang mga silver weapon sa mesang nilapitan ko kanina. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at maingat na inangat ang kanang kamay. And without even thinking, I grabbed one of the silver weapons in front of me. At kagaya nang inaasahan, isang kakaibang sakit ang mabilis na bumalot sa kanang kamay ko. Napapikit ako at hinayaan ang sakit na nararamdaman ngayon. I didn't activate any magic to protect me against our own silver weapon. Hinayaan ko ang sariling masaktan. Cause that's what I need right now. Physical pain. I need it to focus... to make me think straight and forget all the negative thoughts I have in me right now.

Bawat segundong nakalapat ang kamay ko sa silver weapon ay mas lalong lumalakas ang enerhiyang bumabalot sa kanang kamay ko. It's painful but I guess I can take it. Walang wala ito sa kung anong nararamdaman ko ngayon sa puso ko. This pain... it will not kill me.

"You told me it was nothing, Zaila." Natigilan ako noong marinig muli ang boses ni Theo. Agad kong binitawan ang silver weapon na hawak-hawak at napabaling sa may pintuan ng silid. There... I saw them again. Theo and Raven. Pareho silang matamang nakatingin sa akin. Mayamaya lang ay nagsimula na silang maglakad papalapit sa puwesto ko at inilayo sa mesa kung saan naroon ang mga silver weapon ng academy. "What's happening to you, Zaila? Bakit ka naaapektuhan ng silver weapon na hawak-hawak mo kanina?" mariing tanong ni Theo sa akin at pinaharap ako sa kanya. "Tell us what's happening to you."

"I... I don't know," sambit ko at inangat ang kamay kong halos masunog na kanina dahil sa paghawak ng silver weapon. "Maybe I'm turning now," dagdag ko pa at dahan-dahang ibinaba ang kanang kamay. "At kung mangyari man iyon, I want the both of you to kill me."

"What? Zaila, ano bang pinagsasabi mo?" galit na tanong ni Raven at hinawakan ang kamay ko. At kagaya sa nangyari kanina kay Theo, tila isang malakas na boltahe ng kuryente ang nagpabitaw nito sa akin. "What the hell was that?"

I sighed and looked at my friends intently. "They did something to me," sambit ko na siyang nagpatigil sa dalawa. "Me and... Raine. They did something to us, and I don't know if how long I will last until I turn to be one of them."

I know this feeling. I witnessed this before. I saw it happened to Raine. At kung mangyayari man sa akin ang nangyari sa kaibigan ko, kailangan ko ang dalawang ito na pigilan ako sa maaaring gawin ko laban sa kanila at sa buong Deepwoods.

"If my time is up, kill me," ulit ko at humugot ng isang malalim na hininga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top