Untold Twenty-One: The Newly Obtained Power


Hindi ko na alam kung ano ba ang tamang gawin ko ngayon. Napatingin ako sa noble witch na kasama, pabalik sa nakasarang pinto ng silid na ito.

Minuto na lang ay natitiyak kong darating na ang mga miyembro ng Coven sa silid na ito. Kung hindi kami makakaalis ngayon, maabutan nila kami rito! We need to move now!

"There's a secret passage between rooms in this building." Natigilan ako sa narinig mula sa noble witch na kasama ko. "Gamitin mo iyon para makatakas sa lugar na ito," dagdag pa niya at may itinuro sa may gawing kaliwa namin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at lumapit sa isang kabinet. "Push it. May pintuan diyan."

Napaawang ang labi ko at sinunod ang tinuran nito. At kagaya nga nang sinabi niya, may pintuan nga sa likod ng kabinet! Napatango na lamang ako at muling binalikan ang noble witch. "Let's go."

"No, magiging hadlang lang ako sa pagtakas mo. You go alone, huntress."

"You know that I can't do that," mariing sambit ko sa kanya.

"I will buy you some time. Please, do me a favor. Save yourself." Damn it! "Move now, huntress. Parating na sila!"

Napatango na lamang ako sa kanya at tinalikuran na ito. Ngunit bago pa man ako makahakbang, mabilis ko itong binalingang muli. "What's your name?" tanong ko sa kanya na siyang ikinatigil nito. "Tell me, what's your name?"

Ngumiti ito sa akin at tipid na umiling. "So, you don't remember me," anito na siyang ikinakunot ng noo ko. Namataan ko ang paghugot nito ng isang hininga at malungkot na tiningnan ako. "Alyssa... that's my name."

"Alyssa," sambit ko sa pangalan. "Thank you... and I'm sorry."

"Go now, huntress." Tumango akong muli at tuluyan na itong iniwan sa silid.

Pumasok na ako sa may pintuan at isinara itong muli. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at nagpatuloy na sa paglalakad. At kagaya sa ginawa ko sa silid kung saan naroon si Alyssa, itinulak ko ang kabinet na siyang tanging laman ng silid na kinaroroonan ko na ngayon. Isang panibagong pintuan ang bumungad sa akin kaya naman ay mabilis akong pumasok muli roon.

Mga limang pintuan ang dinaanan ko bago ako tumigil. Dead end. Wala na iyong kaparehong kabinet sa silid na kinaroroonan ko ngayon! Nagpalinga-linga ako at ikinalma ang sarili. "Wait," mahinang sambit ko at tiningnan ang kabuuan ng silid. "Ito iyong silid na unang tiningnan ko kanina," puna ko noong mapansing pamilyar ito sa akin. "It means... malapit na ako sa main entrance ng gusaling ito." Dali-dali akong lumapit sa nakasarang pinto at noong subukan kong buksan ito, nanlaki ang mga mata ko noong mapagtantong naka-lock ito at hindi ko magawang buksan mula rito sa loob! What the hell?

Damn! Mabilis akong nagpatingin sa kabilang bahagi ng silid at noong mamataan ang bintana, agad kong inihakbang ang mga paa. Dali-dali akong lumapit sa may bintana at binuksan iyon. If I can't use the door, I can definitely escape using this fucking window! Mabilis akong kumilos at noong tuluyan kong nabuksan ang bintana, agad akong sumapa roon at tumalon palabas ng silid.

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga noong tuluyan na akong nakalabas sa isa sa gusali ng headquarters ng Coven. Umayos ako nang pagkakatayo at noong akmang hahakbang na sana ako para tuluyan nang umalis sa lugar na ito, bigla akong natigilan. Isang pana ang tumama sa may paanan ko na siyang mabilis ko namang nilayuan. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at kinuha ang silver weapon ko. I shifted it and turned my weapon into a sword. Panibagong atake ang naramdaman ko sa may unahan ko kaya naman ay mabilis kong ikinumpas ang hawak-hawak na espada.

I slashed the arrows in front of me and started to move my feet. Sunod-sunod na mga pana ang inatake nila sa akin at noong may isang nakalusot at tumama sa kanang braso ko, napamura na lamang ako. Mabilis kong hinugot mula sa pagkakatarak sa braso ko ang pana at masamang tiningnan ang direksiyon kong saan nanggagaling ang mga atake.

"Damn it!" bulalas ko na lamang at muling tumakbo. Panibagong mga atake ang ginawa ng mga kalaban ko habang tinatahak ko ang daan patungo sa gubat 'di kalayuan sa puwesto ko. Hindi ko na pinansin ang sakit ng braso ko at nagpatuloy sa pagtakbo. I need to leave this place. Hindi ko kakayanin mag-isa ang labang ito! I will just be making my own grave if I insist to stay and fight them! I'm a huntress of Deepwoods. Alam ko ang kakayahan ko bilang isang huntress at alam ko rin kung ano ang hindi ko kayang ipanalong laban. At isa na itong laban at sitwasyong mayroon ako ngayon!

Napamura na lamang akong muli sa isipan noong may tumamang pana sa likuran ko. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa espada at noong akmang hahakabang na sana akong muli noong mabilis akong natulos sa kinatatayuan. Seryoso kong tiningnan ang isang evil witch sa unahan habang nakatutok sa akin ang pana nito.

Segundo lang ay pinakawalan nito ang pana niya at noong itataas ko na sana ang kamay para pigilan ito, mabilis akong natigilang muli. Napakurap ako at pilit na iginagalaw ang buong katawan.

Move, Zaila! Damn it!

Wala na akong nagawa pa. Tumama na sa tagiliran ko ang pana ng evil witch sa harapan ko. Napamura na lamang ako at muling sinubukang gumalaw. And I fucking failed! Ni paggalaw ng mga daliri ko ay hindi ko magawa! What is this? Ginamitan na naman ba ako ng isang high-level magic para hindi ko makontrol ang sariling katawan? These evil witches and their dangerous and high-level magics!

"Huwag mo nang subukang gumalaw muli, huntress," ani ng babaeng evil witch na umatake sa akin kanina. Mayamaya lang namataan ko ang paghakbang ng mga paa nito at nagsimula nang maglakad papalapit sa puwesto ko. "Huwag mo na ring balaking i-dispel ang kung anong pumipigil sa'yong makagalaw ngayon. It's not a magic, not even a charm, huntress."

Napalunok ako sa tinuran nito. Segundo lang ay may napansin ako sa hawak na mga pana nito. Napakunot ang noo ko at noong mapagtanto ko kung ano iyon, napangiwi na lamang ako.

"Poison," mahinang sambit ko na siyang ikinangisi ng evil witch sa harapan ko.

"I like you, huntress. Marami kang alam," aniya at itinapat sa mukha ko ang dulo ng hawak na pana. "Yes, it's a poison and I created them." Ngumisi ulit ito sa akin.

"Just kill me," matapang na sambit ko na siyang ikinatawa nito sa akin. Mas inilapit nito ang dulo ng pana niya hanggang sa lumapat na ito sa balat ko. "Kill me before I recover from your damn poison, evil witch."

Isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa akin. At dahil nga hindi ko makontrol ang sariling katawan, kusang bumagsak ito dahil sa lakas nang pagkakasampal niya sa akin. Napamura na lamang ako sa isipan habang nag-iisip ng paraan para makawala sa lasong mayroon ngayon sa katawan ko.

"Get her," rinig kong sambit nito at segundo lang ang lumipas, dalawang evil witch ang lumapit sa akin at pinaupo ako mula sa pagkakahiga sa lupa. "Bring her to my lab. She's pissing me off, so, I'll start with her," dagdag pa nito at tinalikuran na ako. Nagsimula na itong maglakad pabalik sa kung saan naroon ang headquarters nila. Mayamaya lang ay kumilos na rin ang dalawang evil witch na nakahawak sa akin. Tahimik nila akong inakay hanggang sa makapasok kami sa isa pang gusali ng headquarters ng Coven.

Sa isang maliwanag na silid nila ako dinala. Mabilis akong pinaupo ng dalawang evil witch at agad na iginapos ang magkabilang mga paa at kamay. Kahit na alam nilang hindi naman ako nakakagalaw dahil sa lasong mayroon ang katawan ko, mahigpit pa rin ang pagkakagapos nila sa akin. Damn them! Napailing na lamang ako at tahimik na pinagmasdan ang kabuuan ng silid.

Katulad ito no'ng silid ni Alyssa. May mga kakaibang kagamitin din akong napansin na siyang tiyak kong ginagamit nila sa mga eksperimentong ginagawa nila sa lugar na ito.

Napabuntonghininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagmamasid sa buong silid. Tahimik kong pinagmasdan ang laman ng silid at noong mapansin ko ang isang mahabang mesa sa may gilid, natigilan ako.

No.

"Hayaan niyo na lang muna ang isang iyan. Itong bagong dating ang pag-aaralan natin," ani no'ng babaeng nakalaban ko kanina at nagsimula nang maglakad papalapit sa akin. Nanatali naman ang mata ko sa may mesa kung saan may babaeng nakahiga roon. At kahit na hindi ko pa nakikita ang mukha nito, alam na alam ko na kung sino iyon.

"Raine," mahinang sambit ko sa pangalan ng kaibigan. I knew it! They fucking took her! "Raine-"

"Oh, so you know that woman?" Tuluyan nang nakalapit sa akin ang babaeng evil witch. "Right. She's a huntress, too. Just like you."

"Leave her alone," mariing wika ko at masamang tiningnan ito. "Ako na lamang ang gamitin niyo. Hayaan niyo na ang kaibigan ko!"

"Too late, huntress. Simula noong makuha namin ito kanina, sinimulan na rin naming gamitin ang katawan nito. You can't save her. You can't save your dear friend anymore."

"Damn you!" sigaw ko at muling sinubukang gumawa. Tumawa lang ang babaeng evil witch sa akin at tinalikuran na ako.

Nanlulumo kong tiningnan ang kalagayan ng kaibigan at hindi ko na napigilan pang maluha na lamang. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hindi na kumibo noong maramdamang lumapit muli sa akin iyong babaeng evil witch. Hindi ko siya nilingong muli at noong hinawakan nito ang leeg ko, nanlaki na lamang ang mga mata ko. At segundo lang din ang lumipas, may kung anong naramdaman ako sa leeg ko.

She injected me something! Damn it!

"After an hour or two, your existence will be gone, huntress," anito at binitawan na ako. "Magiging parte ka na rin ng Coven, kayong dalawa ng kaibigan mo. You will become a witch, an evil one. And with the help of Merlin's blood, you will gain power... a power that a huntress like you doesn't possess. A power that will help us to achieve victory."

"H-hindi niyo kami magagamit ng kaibigan k-ko," nanghihinang sambit ko. Damn it! Anong klaseng lason ang itinurok nito sa akin? Napailing na lamang ako at mabilis na napapikit noong biglang nanlabo ang paningin ko. What the hell is happening to me? "You can't-"

"Sleep for now, huntress. Ipahinga mo ang katawan mo. You need to survive from this too. Dahil kung hindi kakayanin ng katawan mo ang kapangyarihang ibinigay ni Merlin sa'yo, you'll be good as dead."

Iyon na lamang ang huling mga salitang narinig ko mula sa babaeng evil witch bago mawalan ako nang malay kanina. Hindi ko alam kung ilang oras akong malay pero dahil sa may kakaibang enerhiyang nararamdaman ako ngayon sa buong katawan ko ay mabilis na nagising ako.

Napaawang ang labi ko at halos hindi makahinga dahil sa matinding sakit sa dibdib ko. Sinubukan kong gumalaw sa kinauupuan at noong naigalaw ko ang mga kamay, buong puwersa kong sinira ang taling nakagapos sa akin at agad na inilapat ang magkabilang kamay sa may dibdib.

Anong ginawa nila sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?

"After an hour or two, your existence will be gone, huntress. Magiging parte ka na rin ng Coven, kayong dalawa ng kaibigan mo. You will become a witch, an evil one. And with the help of Merlin's blood, you will gain power... a power that a huntress like you doesn't possess. A power that will help us to achieve victory."

Damn it! Ito na ba ang sinasabi ng evil witch na iyon? They're turning us to be one of them!

"Fuck!" Napamura na lamang ako dahil sa tinding sakit na nararamdaman sa may dibdib ko. Mayamaya lang ay umakyat patungo sa may leeg ko ang sakit kaya naman ay napahawak na rin ako roon. Napapikit ako at hindi na alam kung anong gagawin. Wala akong ibang maisip na maaaring gawin para mapigilan ang mga nangyayari sa akin ngayon. And this pain... this is all new to me! Wala akong ideya sa kung anong ginawa nila sa katawan ko! "Stop," mahinang sambit ko habang namimilipt na sa matinding sakit sa dibdib at sa may leeg. Mayamaya lang ay napasigaw na lamang ako at sa hindi malamang dahilan, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong silid na kinaroroonan ko.

Nagpatuloy ako sa pagsigaw hanggang sa may kung anong sumabog na naman sa paligid. Mayamaya lang ay natigilan ako sa ginagawang pagsigaw at mabilis na napamulat noong makaramdaman ng kakaiba sa paligid. Unti-unti na ring nawawala ang sakit sa may dibdib ko kaya naman ay bahagya akong nakahinga. Napakurap na lamang ako at no'ng tuluyang kumalma na ako, napamura na lamang muli ako sa isipan no'ng mabilis akong nahulog, kasabay ng ibang gamit na kanina pa pala nakalutang sa ere habang abala ako kakasigaw dahil sa matinding sakit sa dibdib at leeg.

What the hell?

Napamura akong muli at napahawak sa balakang ko noong bumagsak ako sa upuang kinauupuan kanina. Bahagya pa akong napapitlag noong huling lumapat sa sahig ang isang silya 'di kalayuan sa puwesto ko.

"What the hell happened here?" mahinang tanong ko at pinagmasdan ang magulong silid na kinaroroonan. Akmang tatayo na sana ako noong bigla akong natigilan noong mapagtantong nakagapos pa pala ang magkabilang mga paa ko. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at hinawakan ang taling nakagapos sa mga paa ko. Mabilis ko itong hinila at noong masira ko ito ng walang kahirap-hirap, natigilan akong muli.

Wala sa sarili akong napatingin sa mga kamay at napaawang na lamang ang mga labi noong may mapagtanto ako.

"I... was the one who destroyed these things in h-here," nahihirapang sambit ko at napahawak na lamang muli sa may dibdib noong makaramdaman na naman ng panibagong sakit mula roon.

Looks like hindi pa tapos ang kung anong itinurok nila sa akin kanina na sirain ang buong pagkatao ko. The pain I'm feeling right now, it's changing me. And I don't know if it's a good thing or not.

Power... this is the power that she was talking about earlier. At kapag nagtagumpay silang kontrolin ito, kontrolin ako, my existence will surely vanish, and I don't want that to happen!

I'm a huntress from Deepwoods, and I will make sure that I will live and die as a huntress!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top